Share

Chapter 2

"KUYA!" Patakbong umakayat si Rosalia para puntahan ang lalaking hawak ang kanyang kwintas. Nang unti-unti siyang makalapit sa lalaki ay hinawakan niya ang lalaki sa balikat. "K-kuya! Akin iyang hawak mo." Hingal na hingal niyang sambit habang nakayuko. 

Importante kay Rosalia ang kwintas. Hindi ito mapapantayan ng kahit anong bagay, kahit na ito'y isang ordinaryong kwintas lamang na nakaukit ang Mayon, na naiwan sa kanya ng tunay niyang magulang... Sa kanya ay hindi. Ito'y isang yaman niya na simula pa pagkabata. 

"Excuse me, Miss?" 

Inangat niya ang tingin sa lalaki nang mapatulala siya dahil sa ka-gwapuhan ng lalaki na nasa harapan niya. 

"Who are you? What do you need from me?" Tanong sa kanya ng lalaki na takha na siyang tinitingnan. 

Walang kahit anong salita ang lumabas sa boses ni Rosalia. Nakaharap lang siya sa lalaki at pinag-mamasdan ang ka-gwapuhan nito. Walang siyang gusto sa lalaki. Tanging ang hitsura lang nitong nakakahumaling ang nagugusuthan niya. 

Matikas ang pangangatawan. Matangos ang ilong. Nag-p-pink na mga labi at nakaakakit tingnan ang mga mata, dahil sa seryosong mga tinginan nito at masisigurong kulay brown ang kulay. At sa ayos ng buhok nitong maayos na nakahawi palikod at animoy nakintab. Masasabing wala ng hihilingin pa ang isang babaeng maliligawan niya.

"Miss, hey," 

Napatayo ng tuwid si Rosalia nang makita niya ang kamay ng lalaki na kumaway malapit sa mukha niya. 

"Ah, p-pasensya ka na," pinunasan ni Rosalia ang gilid ng kanyang labi ng maramdaman niya ang kanyang laway na papatulo na pala. "A-ano. Kasi akin 'yang hawak mong kwintas. Kailangan ko na kasi iyan dahil hindi ako makakampante pag wala iyan sa akin."

"What?" Takhang tanong ng lalaki kay Rosalia. Tiningnan niya ang kwintas na nasa kaya niya na nakatikom. Tanging lace lamang ang nakikita. 

Alam ni Rosalia na sa kanya iyon, dahil ang kaharap niyang lalaki lamang ang may hawak ng kwintas na saktong sa araw pa ng pagka wala ng kwintas niya. Hindi man sa may panghihinala ngunit malakas ang naging kutob ni Rosalia. 

"O-oo. Akin 'yang kwintas na hawak mo. Nawala ko kasi iyan tapos napag-tanungan ko 'yung tindahan. Ang sabi sa akin, nasa iyo raw ang kwintas." Sunod-sunod na sabi ni Rosalia. "Kaya please, Kuya. Ibigay mo na sa akin ang kwintas ko. Iyan lang ang tanging alaala ko sa totoo kong magulang." Ipinagdikit niya ang dalawang palad niya at hinintay magsalita ang lalaki. 

Umiwas nang tingin sa kanya ang lalaki. Maya-maya pa ay napatawa ito na ipinagtakha ni Rosalia. Nag pamulsa ang lalaki na kung saan hawak ang kwintas ni Rosalia, bago ito tumingin sa kanya na may kaunting ngisi. 

"You seem to be mistaken, Miss. This necklace is not yours." Ani ng lalaki. 

Bumagsak ang balikat ni Rosalia at inipigilang maiyak. "P-pero hawak mo ang kwintas ko, dahil tanging ikaw lamang ang nakikitaan kong may hawak na kwintas na mismong nakatapat pa sa Mayon." Bwelta ni Rosalia sa lalaki. "Sigurado ako dahil nakita ko iyon kahit na may kalayuan pa ako sa iyo."

Ang kwintas ni Rosalia na Mayon ay may maliit na diamond na nasa tuktok ng Mayon nakalagay. Sa oras na itaas ito, lalo na't nakatapat pa ang araw, ay magliliwanag ito na siyang kakaiba dahil hindi ito kakikanangan ang kislap nito kaysa sa sobrang kislap ng mga ibang dyamante.

"You are really mistaken, Miss, because someone else owns this necklace." Sabi ng lalaki bago muling ilabas ang necklace ngunit tanging lace pa lamang ang pinapakita ng lalaki sa kanya.

Pinakatitigan ni Rosalia ang lalaki. Walang emosyon ang mukha niya na gusto ng maiyak dahil sa mapang-asar na mukha ng lalaki lalo pa't ang mga sinasabi nito.

"Kung hindi akin 'yan, kanino iyan? At bakit hindi mo pinapakita sa akin?" Nakapamewang na tanong niya sa lalaki. Hinangin ang buhok niya papunta sa mukha ngunit hindi niya iyon pinansin. Nakanguso siyang nakatingin lamang sa lalaki. "Masyado mo na akong pinapahirapan. Gusto ko lang namang kunin ang kwintas ko. Mahalaga iyan sa akin."

Naging seryoso ang mukha ng lalaki bago nito nilahad sa harapan niya ang kwintas na hawak nito. Binuksan ng lalaki ang kaniyang palad at pinakita ng kwintas na Ibang-iba at hindi katulad sa kwintas na nawawala ni Rosalia. 

"See, Miss? Is it really yours? Does this look like the necklace you are looking for?" Tanong sa kanya ng lalaki. 

Hindi siya makapag-saita. Pinagmasdan lang ni Rosalia sa palad ng lalaki ang kwintas na hindi talaga sa kanya. Hindi hitsurang Mayon iyon kundi isang kalahati ng moon, o mas kilala sa phases ng moom na Waxing Crescent, at may nakaukit na kung ano na hindi maintindihan dahil iba ang mga panunulat nito.

 "The necklace you saw on me kanina, which you now see, is not yours. I will give it as a gift to my girlfriend."

Napa-angat ang tingin ni Rosalia sa lalaki at pilit na napa-ngiti. Puno ng hiya ang naramdaman ni Rosalia ngunit ang kalahati rito ay sakit at lungkot. Sa pagkakataon na ito y bigo na naman siyang mahanap ang kanyang kwintas. 

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi tama ako na ikaw ang nakapulot sa kwintas ko, hindi pala." May kung anong kumirot sa d****b ni Rosalia ng sabihin iyon. "Sige, salamat. Sorry ulit." Saglit na nginitian ni Rosalia ang lalaki bago siya umalis sa harapan nito.

Napakamot ulo si Rosalia habang nababa. Kung kanina'y kaba at takot lang ang bumbagabag sa kanya, ngayon ay pati ang hiya. 

"Miss, wait!"

Natigilan sa paglalakad si Rosalia. Ngunit sa isip niya'y baka mali na naman siya kung kaya't tumuloy na lang ulit sa paglalakad.

Sino nga naman ang mapapansin ng isang gwapong lalaki na katulad ng kausap niya kanina... Wala, at hindi siya. Hindi kailanman. 

Hindi ko hinahangad ang isang lalaking may ka-gwapuhan at mukhang mayaman. Nakikita ko ang sarili kong hindi ako nababagay sa ganoon uri ng sitwasyon. Mahirap at hindi magiging madali para sa isang tulad ko na hinahangad lamang ang isang simpleng pamumuhay. 

Natigilan si Rosalia at naging mabilis ang segundong napaharap siya sa kung sinong humila sa kanya na ngayon ay kilala niya na. 

"Ahh!"

Mahigpit ang pag hawak niya sa lalaki ng maramdaman niyang nadudulas ang suot niyang tsinelas sa lupa na saktong nasa kalagitnaan na siya ng pagbaba. 

"Parang awa mo na! H'wag mo muna akong bibitawan! Baka mahulog ako pababa!" Puno ng pangambang paki-usap ni Rosalia sa nakahawak sa kanyang braso at kamay. Madali niyang inayos ang suot niyang tsinelas saka ibinalanse ang sarili upang makatayo ng tuwid. 

Saglit na natigilan ang lalaki at walang narinig ni isang salita. Inangat niyang tingin dito at makitang nakatingin sa kanyang d****b na hindi na natatakpan ng balabal. Tinabig niya ang kamay ng lalaki sa kanya at mabilis siyang napa-atras kahit na mahulog pa siya. Tinakpan niya ang kanyang d****b ng balabal at masusisng tiningnan ang lalaki ng seryoso.

 

"I s-said wait kasi. Hindi ka lumingon, kaya hinila kita." Biglang tumawa ang lalaki. 

"Ano bang kailangan mo?" Seryosong tanong ni Rosalia sa lalaki bago pinag-singkitan itong tingnan. "Kung mali ang kailangan mo. Wala kang makukuha. Aalis na ako." Tumalikod si Rosalia ngunit agad siyang pinigilan ng lalaki kaya nilingon niya muli ito. 

"I just want to ask your phone number. Can I have it?" 

"Hindi." Matapang na sinagot ni Rosalia ang lalaki. "Hindi kita kilala at isa pa, may girlfriend ka na, iyon ang isang rason kung bakit hindi ko mabibigay sa iyo ang number ko. Kaya pag pasensyahan mo na. Uuwi na-"

"Pangalan mo na lang?" Mahinahong tanong sa kanya ng lalaki ng putulin nito ang sinabi ni Rosalia. "That probably wouldn't be the reason why I can't know your name, would it?"

"Rosalia," mabilis na naging sagot ni Rosalia. Dahil ang alam niya ay pangalan lamang ang hinihingi ng kausap niyang lalaki. At mukhang wala namang mapapala kung malaman ng iba ang pangalan niya. "Rosalia Selim, ang pangalan ko."

Napangiti ang lalaki na napatingin pa sa kawalan. Napapatigil siya ngunit maya-maya ay natatawa ito na parang kinikilig. Saka lang uto natigil nang makita niyang seryoso ang tingin ni Rosalia sa kanya. 

"Ikaw, sino ka naman?" Mahinahong tanong ni Rosalia sa lalaki. 

"Ah, I'm Lev... Lev Werloz. Yeah, that's my name." Saad ng lalaki na siyang si Lev pala. Huminga ito ng malalim bago sabay na niloob sa bulsa ng suot noyang pantalon ang mga kamay niya. 

"Kung ganoon, pwede na akong umalis. Salamat sa iyong sagot... at mapasensya dahil sa kahohiyan na sinabi ko kanina." Ngumiti si Rosalia bago tuluyang tumalikod. 

Tumingin siya sa baba na puno ng mga taong kumukuha ng larawan. Bumalik ang kaba sa d****b niya dahil sa kwintas na hindi niya pa rin mahanap.

"By the way, nice breasts!"

Natigilan si Rosalia ng marinig ang lalaking kausap niya. Napatingin siya sa mga taong malapit sa kanila at maoutang nalating ang mga ito sa kanya na nakangiti. Mariin siyang napapikit at mabilis na bumaba. 

"Rosalia! Jusko! Saan ka ba nanggaling?! Kanina ka pa hinahanap ni Reon." Nagpa-panic na sabi ni Annie nang makasalubong niya si Rosalia. "Dito lang tayo. Tatawagan ko lang si Reon. Nakakainis! Ang kulit niya! Sabi ko na kasing sabay na kaming maghanap sa 'yo."

Nasa isang tindahan sila ngayon. Tulala lang si Rosalia na nakatingin sa ibaba habang naririnig niya nagsasalita si Annie. 

"Hindi ko nahanap, Annie." Hindi na napigilan ni Rosalia na umiyak. Yumakap siya kay Annie. "Kasalanan ko 'to! Kung naramdaman ko kaagad na nahulog na pala sa akin ang kwintas, 'edi sana ay nasa akin pa iyon." Pigil ang naging pag-iyak ni Rosalia. 

"Shh! Tama na, Rosalia," hinarap ni Annie sa kanya si Rosalia at pinunasan ang luha nito na dumaloy sa pisngi niya. "Hindi mo kasalanan na mawala iyon dahil alam kong iniingatan mo iyon. Ang kailangan lang nating gawin ay hanapin ang lalaking nakabunggo sa iyo kanina. Mabuti pa maglakad-lakad na tayo. Nakakahiya lalo't nasa harapan pa tayo ng tindahan." 

Inalalayan ni Annie si Rosalia na maglakad. Hindi niya sukat akalain na ganoon pala kahalaga ang kwintas na iniwan kay Rosalia ng totoo nitong mga magulang. 

"Nahanap ko na, Annie." Mabilis na sabi ni Rosalia. Pinigilan niya ang sarili niya sa pag-iyak. "Palagay ko siya ang nakabangga sa akin. Nakita ko siya kanina sa taas at makitang may hawak siya na kwintas na sigurado ako kanina na iyon ang kwintas ko, pero hindi pala. Sa girlfriend niya raw iyong kwintas na hawak niya." Pagpapaliwanag ni Rosalia na pinigilang umiyak muli.

Hindi iyon pwedeng mawala. Iyon na lang ang natitirang alaala ko na gustuhin ko mang ibalik pero mahihirapan. 

Nagbaka-sakaling naghanap ulit si Rosalia at Annie. Saktong nakita na rin nila si Reon na alala ng-alala na hanapin si Rosalia. Nang mabigo ay bumalik silang tatlo sa hintayan nila na saktong naroon na rin ang lahat. 

"Oh, Rosalia? Saan ba kayo nanggaling? Tanghali na." 

Sabay na nagtinginan ang tatlo hanggang sa si Rosalia na ang sumagot na may ngiti na ulit sa labi. 

"Naglibot lang po kaming tatlo kanina. May nabili pa nga po kami ni Annie-- 'Eto, Inay, oh!" May ngiting itinaas ni Rosalia ang kanyang braso na may braclet na sina bayan naman ni Annie at dinikit iyon sa braso ng nakataas ni Rosalia. 

"Twinnie kami, Inay!" Masayang sabi ni Rosalia.

"Ang daya niyo! Why don't I have that?!" Pagrereklamo bigla ni Reon. 

Nilingon ni Rosalia si Reon na naka-abay sa isa nilang kasamanahan na ngayon ay natatawa sa pagrereklamo ni Reon. 

"Ang super conyo mo! Mag tagalog ka na lang kasi!" Sigaw naman ni Annie na mmataray na hinarap si Reon. "Saka, bakit? May binibigay ka bang pera para ibili ka namin? Mahirap kumita ng pera ngayon, Reon!"

"Hay, nako, tumigil na kayong dalawa." Inakbayan ni Rosalia si Annie. Parehas na sila ngayong nakaharap kay Reon. 

"Nako! Nagseselos lang 'yan kasi nga hindi si Rosalia ang naging ka pareho niya sa bracelet." Sabat naman ni Iloy na siyang nag-aya sa kanila pumunta sa Daraga. 

"At bakit naman magseselos si Reon? Sa gwapo ng binatang iyan?" Bweltang natatawang tanong ng Itay ni Rosalia. 

"Hayaan niyo na nga ang tatlong iyan. Kayo talaga! Ay, siya, maggala na lang ulit kayo. Maya-maya ay uuwi na rin. Kailangan natin ng bantay sa bukirin." Sabat ni Aling Cecilia bago tinapik ang balikat ni Rosalia at payagan at magsipa-unahan umalis. 

Inabot ng gabi bago sila maka-uwi sa kanilang tahanan. Nakangiti si Rosalia na nililigpit ang mga pinamili nila sa Daraga na siyang mumurahin lamang kahit na si libre iyon ni Reon sa kanilang paggagala. 

"Aray! Aray! Ang sakit ng likod ko." Rinig niyang Pagrereklamo ng kanyang Ina sa iinindang sakit ng likod. "Oh, Simeon, sumunod ka na alng sa kwarto. Matutulog na ako para bukas ay maaga sa bukirin."

"O-oo!" Sabay ubo ng kanyang Itay. 

"Ilang araw na iyang ubo mo. Sigurado ka bang ok ka na?" Mahinang boses ng kanyang Inay na hindi alam na hindi pa tulog si Rosalia sa kanyang silid. "Patingin na kaya tayo sa doctor. Pang-isang linggo mo na 'yan. Ako na lang muna ang bahala sa bukid-"

"Nako! Nako! Hindi na. Sayang lang sa pera. Pagod lang ito." Muling umubo ulit ang kanyang Itay at mas lalong lumakas pa iyon. 

 Dahil sa narinig ay napalabas si Rosalia sa kanyang silid at makitang nakaupo ang kanyang Itay na mukhang hirap na hirap habang ang kanyang Inay naman ay naabutan niyang bibigyan ng ba song may tubig ang kanyang Itay. 

Nagsimulang kabahan si Rosalia ng makita ang kanyang Itay na nahihirapan sa pag-ubo at kasabay na ng katawan ang bawat pag-hinga nito. 

Mabilis niyang nilapitan ang kanyang Itay at niyakap ito. Makitang natigilan pa ang mga magulang niya dahil sa gulat.

"Rosalia, anak."

"Itay, gagaling ka. Bukas hahanap ako ng trabaho para agad kitang madala sa hospital, ha." Umayos ng pagkakaupo si Rosalia saka nginitian ang magulang niya na halata ang problema.

Malaking problema man iyon para sa kanila, nasa isip ni Rosalia ay para iyon sa ikakagaling ng kanyang Itay. Ilang araw niya anring naabutan ang kanyang mga magulang na nag-uusap tungkol sa kalagayan ng kanyang Itay. 

"Manghihiram muna ako sa kasamahan natin kung kina-kailangan kong gawin iyon." Sabi ni Rosalia na tiyak niyang magiging mahirap rin dahil sa gastusin nilang hindi pa natatapos bayaran. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status