Share

Chapter 5

"ANNIE, pwede moba akong samahan? Sigee na, wala kasi akong kausap pag naroon na ako." Pagmamakaawa ni Rosalia habang iniimpake ang kanyang mga damit sa bagahe, ka tulong si Annie. "Paano na lang kung hidni ko pala maintindihan kung ano ang mga gagawin doon? Lalo na ang ipapagawa ng Tita mo sa akin."

"Rosalia, ano ka ba... Kaya mo 'yan. Saka hindi naman ako pwedeng sumama dahil wala naman akong pera. Kailangan ko ting tulungan dito sila Mama at Papa... Pati na rin mga magulang mo." Mahina Hong sbai ni Annie sa kanya bago ito matapos sa pagtupi ng mga damit ni Rosalia. 

Ngayon ang alis ni Rosalia paluwas ng Maynila. Door to Door ang tawag sa sasakyan ni Rosalia, na kahulugan sa ating hindi nakakalaam ay isa iyong susundin si Rsoalia sa kanilang prinsya at ihahatid sa kanyang titirhan sa Maynila. Ngunit ang mga ilan lamang ang nakaka-alam nito. 

Masyadong mahal sa bus kaya sa van na lamang ninais ni Rosalia sumakay. Sakto pa na ang mga makakasama niya ay mga kakilala niya rin. 

"Saka h'wag mong tatangkaing umatras dahil nagsasabi na si Reon sa magsusundo sa iyong Door to Door." Sabi ni Rosalia na winagayway parang hintuturong daliri nito na nagsasabi ng h'wag. Nilabas nito ang cellphone at may kung anong tinype. 

Napa-upo na lang si Rosalia sa kanyang higaan saka ngumiti habang nakatingin kay Annie. Saglit siyang napa-isip pero natatabunan na iyon ng nararapat niyang gawin, ang mag trabaho sa Maynila. 

"Oh, nag text si Reon, kung tapos na raw tayo mag impake?" Tanong ni Annie bago tumingin kay Rosalia at taasan ito ng kilay. 

"Ay, oo, tapos na." Mabilis na sinarado ni Rosalia ang maleta niyang dadalhin bago niya ito ibaba sa sahig. "Nariyan na ba siya?"

"Ah... Malapit na 'yun. Saka Nariyan lang naman ang bahay na pagtatanungan niya." Sagot ni Annie bago mapaupo. Nakatingin ulit siya sa kanyang cellphone at kung minsan ay npapangiti. "Nag text ulit siya. Sumama raw tayo papunta sa Itay at Inay mo, Lia."

"Ah, oo. Nabasa ko na ang text niya, ngayon-ngayon lang. Ang dami nga," Napangisi na lang si Rosalia dahil sa dami ng naging text ni Reon sa kanya na magmula pa kanina. Hindi niya iyon napansin agad. "Salamat, Annie." Nginitian niya si Annie bago maupo sa gilid ng kama niya. 

Saglit niya lang binasa ang mga naunang text ni Reon bago niya i-search sa isang website kung ano ang pwedeng maging trabaho sa Maynila. Seryoso ang mukha niya na puno ng pangamba habang isa-isang binabasa  ang mga nakalap niyang impormasyon. 

[Hiring Manikurista (Parañaque Area)] 

-May alam sa pag-ma-manicure

-25 years old and above

(Please call : 0920*******)

[Hiring Jobs:]

-Kitchen Helper

-Kasambahay

-Janitor/Janitress 

Napa-awang ang labi ni Rosalia dahil sa nababasa ng pwedeng maging trabaho sa Maynila. Hindi niya alam na ganoon pala ang mga pwedeng maging trabaho sa Maynila. Napanatag rin kahit papaano si Rosalia kung sakali man na hindi siya tanggapin sa inaalok ng tita ni Annie.

Pumunta siya sa kabilang site at nag-search kung anong pwedeng maging trabaho. Nang may bigla siyang nakita na hindi niya alam kung magugustuhan niya o hindi. 

[Hiring at Werloz Company!]

SALARY: ₱40,000 to ₱60,000 

-Janitor

-Officemate's Delivery rider

-Secretary

-CEO's bodyguard

[Please be prepared as much as possible to be required requirements to apply for the job of your choice. Message me for other questions and to schedule you for the interview.] 

Natitigan ni Rosalia at paulit-ulit na binabasa sa isipan ang magiging sahod pag nagka taon mang mag trabaho siay roon. Marami na rin ang nag-react at samo't-saring comment ang na pupunta sa post na iyon. Pero sa nakikita niya ay hindi muna siya roon makakapasok nang wala siyang mai-lalabas na amunang pera. 

"Rosalia! Nariyan na araw si Reon sa labas. Tara!" Biglang sumigaw si Annie saka ito napatayo. 

Hindi na natapos ni Annie pa magbasa at makapag-isip sa trabahong iyon. Hinawakan ni Annie si Rosalia sa kamay at sabay silang lumabas ng bahay. i-lock ni Rosalia ang bahay saka sila patakbong umakayat sa kalsada. 

Naunang pumasok si Rosalia at sa likod siya umupo habang hingal na hingal ito habang natatawa. At si Annie naman ay sa tabi ni Reon sa unahan. 

"Why are you so out of breath?" Takhang tanong ni Reon sa kanila bago in-start ang kanyang kotse. 

"Malamang tumakbo!" Singhal ni Annie kay Reon. 

"Si Rosalia ang tinatanong ko, Annie!" Biglang sagot ni Reon habang kunot ang noong nakatingin kay Annie. 

Tinawanan na lamang sila ni Rosalia bago inawat ang dalawang nagsasagutan pa rin. 

"Tumigil na kayo. Mamaya na kayo mag-away pag nakapunta na tayo kay Itay sa ospital." Nawala ang pag-tawa ni Rosalia ng maalala ang kanyang Itay. Sumilip siya sa harapan at tiningnan si Reon. "Tara na, Reon."

Naawa naman si Reon at naintindihan ang sitwasyon ngayon ni Rosalia. "O-ok." Napa-ubo si Reon nang tumingin ito sa harap na naiilang ng pina-andar ang kotse. Tinago niya pa ang kanyang mukha dahil sa nag-iinit ito. 

Bumalik sa upuan si Rosalia at doon iniisip kung anong sasabihin at ipapaliwanag sa kanyang Inay at Itay. 

Habang nasa byahe ay napag-desisyunan ni Rosalia na hindi muna sabihin sa kanyang Itay ang kanyang desisyon, kahit na mahirap. Gustuhin man niyang hindi muna magsabi sa Itay ay kailangan at baka makasama pa ito sa sitwasyon ng kanyang Itay. 

Sa pagpasok nilang tatlo sa ospital ay mas lalong kinakabahan at animoy nalalagutan ng hininga si Rosalia. Gusto niya ring maiyak dahil ito na ang huli nilang pagkikita magpapamilya, ngunit pinigilan niya iyon. Lumapit siya sa kaniyang mga magulang na kalmado at may kaunting ngiti sa labi. 

"Inay," tawag niya sa kan'yang Inay na mukhang kakagising lang, bago magmano. Saka tumingin sa Itay niyang natutulog pa rin at may dextrose sa ilong. "Kumusta na po ang Itay?"

Nagmano si Annie at sumunod Naan si Reon sa Ina ni Rosalia.

"Napaaga ata ang dating niyo," Sabi ng Ina ni Rosalia. Pinaupo nito si Rosalia sa tabi niya at tinuro sa dalawa ang bakanteng mga silya sa kabilang gilid ng kama na magkapatong. "Kaka-uwi mo lang kanina, Rosalia. Bakit ka ulit pumunta rito?" Tanong ng Ina nito sa kanya. 

Napahilig sa balikat si Rosalia sa kanyang Inay. Mataimtim nitong dinarama ang saya sa sandaling makakasama na lang niya ang kanyang mga magulang, dahil sa siya'y aalis na.

"Ay, mukhang may kailangan ang anak ko, ah." Natatawang sambit ng Ginang. Inalis niya sa balikat niya si Rosalia saka ito hinarap sa kanya ang dalaga. "Anong kailangangan ng maganda kong anak? Hmm?" Napangiti ang Ginang. 

Hindi makapag salita si Rosalia hanggang sa maramdaman niya na lang na magbago nag ekspresyon ng Inay niya. Napagtanto niya kung ano iyon nang maramdaman niyang tumtulo na ang kanyang mga luha. 

"Rosalia, bakit ka naiyak?" May pag-aalalang tanong ng Ginang sa kanya. Lumingon siya sa dalawang nasa kabila nakaupo. "Anong nangyari sa apo ko? May alam ba kayo?" Mabilis nitong hinarap si Rosalia na nakahilig na sa kanyang d****b. "Rosalia, mag salita ka. Anong nangyayari?"

"Si Rosalia po ang dapat na magsabi sa inyo niyan, Inay." Sabi ni Annie. 

Gustohin man ni Rosalia magsabi ngunit walang lumalabas na kahit ano sa kanya. Tanging ang pag-iyak at mahigpit na yakap lamang ang nagagawa niya sa ngayon. 

Sinilip niya ang dalawang kaibigan na nakaupo sa kabila at sabay pa silang tinanguan siya, ngunit agad siyang umiling. 

Madaling isipin, mahirap gawin at sabihin. Iyan ang pumapasok ngayon sa isipan ni Rosalia nang marinig at makita niyang tumawa kahit papaano ang kanyang Inay. Dahil doon ay parang ayaw niya ng umalis at rito na lamang sa kanilang probinsya mahinarahan at maghanap ng trabaho. 

Pero sa panahon ngayon, iba na ang sistema. Nasa kalahati pa lamang ng sakit na mararamdaman ang pagkahiwalay sa mga magulang para lamang mapunta at mag trabaho sa Maynila. Bukod pa riyan ang mga nagta-trabaho sa malala yong lugar... Sa madaling salita, sa ibang bansa. 

"Inay kasi," umayos nang upo si Rosalia at matapang na hinarap ang kanyang Inay. Hinawakan niya ito sa kamay. 

"Kinakabahan naman ako sa 'yo, Rosalia!" Natatawang sabi na lang ng kanyang Ina ngunit ramdam nito ang tensyon. "Ano ba kasing sasabihin mo?"

"Inay... Aalis po a-ako." Natigilan si Rosalia dahil sa sinabi niya. Nakita niya ang pagattaka ng kanyang Inay. Pagkakataon niya na rin ito. Huminga siya ng malalim bago magsalita ng muli. "Sana maintindihan niyo ako, Inay. Napag-deisyunan ko pong mag trabaho sa Maynila-"

Biglang napatayo ang GInang dahil sa pagkabigla. "Jusko naman, Rosalia!" Sigaw niya sa dagala. Napahawak ang Ginang sa kanyang d****b. "Ano namang naisipan mo, anak?!"

"Inay, para naman po 'to sa pag papagamot kay Itay." 

"Naiintindhina kita, Rosalia! Pero alam mo naman na malala ang kalagayn ng Itay mo. Sino ang makakasama ko kung wala ka?" Napsapo ang Ginang sa noo. "Nagustuhan mong umalis kung kailan malaki na ang problema! Jusko, anak! Hindi rin biro ang mag trabaho sa Maynila."

May kung anong sumampal na katotohanan kay Rosalia. Ngunit kailangan niya pa rin ipaglaban ang kagustuhan niya na para rin sa magulang niya.

"Inay, sana naiintindihan niyo ako." Mahinahong paki-usap ni Rosalia sa kanyang Ina, at walang nagawan tumayo na rin at hinarap ang Ina nito. "Lubog na po ayo sa utang. Hindi natin iyon kayang bayaran lalo na't hindi sapat ang kinikita natin sa bukid,"

"Saka pinahiram ako ni Annie kahit nakaka unting pera, pati na rin ni Reon, para makapunta ako Maynila." Hinawakan niya ang kamay ng kanyang Ina ng tumahimik ito. "Sana payagan niyo na akong umalis, Inay. Para ito sa atin, kay Itay, para gumaling na siya. Alam ko naman pong nakatulong na rin ang kinikita natin sa bukid... Pero, Inay. Ilang araw o buwan tayong naghihintay mag anihan bago tayo magka-pera."

Naiyak na lang sa dami ng problema ng pinapasan si Cecilia. Nang maya-maya pa ay mahigpit niyang niyakap si Rosalia at mapangiti. Kahit na labag sa kalooban na mahiwalay sa kanila si Rosalia ay nasisiguro niyang tama ang nagiging desisyon ng kanyang anak. 

"Kailan ang alis mo?"

Umaliwalas ang mukha ni Rosalia nang harapin ang knaayng Ina. Napangiwi siya. Lumapit sa kanila si Reon at Annie na may tuwa rin sa labi. 

"Ngayon po ang alis ni Rosalia, Inay." Si Reon ang sumagot. "Kukunin po namin ang mga bagae niya sa bahay niyo bago ko siya maihatid sa susunod sa kanya." Ngumit si Reon sa Ginang. 

"Sige na. Mauna na kayo. At baka maiwan pa si Rosalia." Utos ng GInang na pinunasan pa ang luha. Hinarap niya si Rosalia ng may ngiti. "Mag-iingat ka doon ha? Tumawag, anak, pag may kailangan o problema." 

"Salamat, Inay! Pasabi na lang po ka Itay." Mariin niyang ni yakap ang Ina nito saka mabilis na tumakbo palabas. 

Mabilis na nakarating ang sasakyan ni Reon sa kanila upang kunin ang maleta nitong kaninang iniwan. Hanngang sa ihatid nila Annie at Reon si Rosalia sa van nitong sasakyan na ready na umalis. 

"Salamat sa inyo." Masayang ni yakap ni Annie ang mga kaibigan niya. Matagal muli bago iyon mangyari. 

"Just make sure na mag-ingat ka roon. Uuwi rin ako sa Maynila sa susunod na buwan at hahanapin kita." Sabi ni Reon na nagpangisi pa kay Rosalia at napangiwi kay Annie. 

"Text mo rin ako!" Sabi ni Annie at last na niyakap si Rosalia. 

Sumakay na si Rosalia sa Van at kumaway sa kanyang mga kaibigan na sakto namang paandar at paalis na ang van. 

"Paalam sa inyo! Mami-miss ko kayo! Pasabi kina Inay at Itay, makakahanap ako ng pera para sa kanila!" Sigaw ni Rosalia na naiiyak na lang sa tuwa bago isarado ang bintana. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status