Dirty & Ruined: The Devil I Married

Dirty & Ruined: The Devil I Married

last updateLast Updated : 2025-03-22
By:  mindgrainOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
6Chapters
158views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang kasal na itinakda ng kontrata. Isang gabing puno ng tukso. Isang lihim na babago sa lahat. Dahil sa desperasyon, napilitan si Seraphina Eloise Madrigal na pakasalan ang mayamang military officer na si Colonel Archimedes Carter. Sa halip na isang tahimik na buhay, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng pang-aapi ng kanyang biyenan at ang muling pagbabalik ng first love ng kanyang asawa. Nang piliin ni Archimedes na alagaan ang ex nito, tuluyan siyang lumayo. Pero bago siya tuluyang makawala— isang gabi ng kapusukan ang nag-iwan sa kanya ng kambal. Pagkalipas ng ilang taon, isang lalaking puno ng pagmamahal at kabutihan ang dumating sa buhay niya, si Dr. Wyatt Carter, ang doktor ng kanyang anak. Sa wakas, may isang lalaking tunay na nagmamalasakit sa kanya. Pero isang matinding lihim ang hindi maitatago ng panahong lumipas. Pa’no kung ang dalawang taong nagparamdam sa kaniya ng magkaibang emosyon ay iisa? Ngayon, pipiliin ba niyang lumayo… o manatili sa lalaking may dalawang katauhan—isa na minahal niya at isa na minsang sumira sa kanya?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: Mother-in-Law

"Bakit ang daming tao rito?"

Nanigas ang kamay ko kasabay ng pagbaling ko sa nakaawang na pinto. Tita Eulalia was standing elegantly in her all-black attire while looking at us one by one. Tumigil ang mga mata niya sa akin, nakakunot ang noo at nakaarko ang isang kilay.

Dali-daling tumuwid ng tayo ang dalawang katulong na tinutulungan akong maglinis ng banyo, dahilan para maiwan akong nakasalampak sa sahig.

"S-Sorry po, Ma'am. Tinutulungan lang po namin-" Tita Eulalia scoffed, giving me another wave of fear. "Limang taon ba 'yan at kailangan pang tulungan? She grew up in a poor and filthy household and worked her ass off throughout the years. I'm sure she knows how to clean. That's basic.”

Para akong sinakal ng mga salita niya. Napatingin sa akin ang dalawang babae pero hindi ko na sila pinansin dahil nagtagal ang titig ko kay Tita. Alam niya pala kung ano ang pinanggalingan ko... iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw niya sa akin? My heart ached. Lagi na lang.

Kailangan niya ba talagang ipagkalandakan na hindi nila ako ka-lebel?

I didn’t grow up with a golden spoon in my mouth pero I grew up in a decent family. Mali lang ng mga magulang ko na ibinenta ako sa taong hindi ko naman kilala para lang maitayo ang gumuho nilang negosyo.

“Anong tinu-tungatunganga mo riyan, Seraphina?! I told you to clean! Hindi kita tinanggap sa pamamahay ng anak ko para lang maging palamunin niya! Pagkatapos mo linisan ‘yang banyo, ‘yong mga labahan ko naman ‘yong asikasuhin mo. Naiintindihan mo bang, social climber ka?!” Araw-araw, mararahas na mga salita ang naririnig ko sa bunganga ng ina ng asawa ko.

It’s been two years since I married Madeux in papers dahil ginawa akong collateral sa utang ng mga magulang ko. I married the hot military officer, Colonel Madeux Carter. At simula rin no’n, ang dating iniingatan kong kamay ay puno na ng kalyo.

Ang dating balingkinitan kong katawan ay nababalot na ng makakapal na tela, dahil ayaw ni Tita Eulalia na nakikita akong halos hubo’t-hubad. Salot daw ang pagiging sexy model ko kaya siya na mismo ang nagbayad ng danyos para sa pag-breach ko ng kontrata ko sa kumpanyang pinagtatrabahuan. All because she didn’t want her son’s image to be tarnished because of me.

“Hayop ka talagang babae ka! ‘Wag mo na sayangin ‘yong oras!”

“A-Aray. O-opo, Tita. Maglalaba na po!” Reklamo ko nang haklitin ng ginang ang mahaba kong buhok.

“At sinong nagsabi sa ‘yong p’wede mo ako tawaging tita?!” Itinulak ako nito papasok sa laundry area. Nawalan aki ng balanse kaya napaupo ako sa plangganang puno ng tubig.

“S-Sorry, m-ma’am.”

“Bilisan mo riyan bago pa dumating si Madeux. At ‘wag na ‘wag mong susubukang magsumbong. Baka akala mo, tandaan mong hindi pa kaya tumayo ng kumpanya niyo nang hindi nakasandal sa anak ko.”

Napakuyom ako ng aking kamao sa sinabi ng babae. Hindi ko man aminin pero totoo ang lahat ng sinasabi ng biyenan ko. Kaya kung kaya na sana makakilos ng kumpanya ng pamilya ko nang hindi umaasa sa asawa ko, hindi ko na hinayaang apihin ako.

Habang naglalaba ako ay narinig ko ang mabibigat na yabag ng asawa ko. At hindi nga ako nagkamali nang paglingon ko ay si Madeux ang nakita ko… pero nakasunod sa kaniya si ma’am Eulalia. Halos umabot na ang ngiti nito sa magkabilang tenga.

“Talaga ba, Madeux?” Rinig ko ang masayang tanong ng babae.

“Yeah. Let her come. Maluwag pa naman dito sa bahay. I can also take care of her.” Baritonong sagot ng asawa ko.

“Oh, Madeux! You make your mother so happy! Alam mo namang ikaw na lang ang inaasahan ni Vivienne.”

“How could I turn my back on her?”

“I know. She’s your first love. Bakit ka ba kasi nagtitiis sa hostes na ‘yon? You can have a classy woman on your side like Vivienne.”

Vivienne. Ang pangalan ng first love ng asawa ko. I can’t help to held my breath? Anong pinag-uusapan ng mga ito? Sinong titira sa bahay ng asawa ko? Sinong aalagaan ng asawa ko?

Wala nang pumapasok na matino sa aking utak. Alam naman ng mga ito na nasa parehong pamamahay ako— ako na mismong asawa. Tapos magagawa ng mga ‘to na magpatira ng ibang babae sa mismong bahay namin ng asawa ko?

Pinilit kong lunukin ang bukol na namumuo sa lalamunan ko at pinakinggan pa ang pina-uusapan ng mag-ina.

“How about your… uhh… wife?”

“Why? I can’t take care of both of them? There are lot of rooms in this house. Hindi naman manggugulo si Seraphina kapag malaman niyang dito na pansamantalang titira si Vivienne.”

Oo, Maduex. Hindi ako manggugulo pero wasak na wasak na ako. Hindi mo lang alam kung pa’no ako tratuhin ng nanay mo. Mas mababa pa sa daga ang tingin niya sa ‘kin!

“Seraphina?” Ang papalapit na boses ni Madeux ang narig ko kaya pilit kong pinigilan ang hikbi ko at hinanda ang ngiti para sa asawa ko.

“What are you doing with that clothes? Are you crying?” Nanginig ang labi ko sa sobrang lambing ng pagkakasabi no’n ni Madeux. Parang totoong nag-aalala sa ‘kin kung hindi ko lang narinig yo’ng pinag-uusapan nila ng nanay nito.

Akmang bubuka na ang bibig ko para sumagot nang sumulpot agad ang ginang sa likod ng asawa ko.

“Okay lang naman si Seraphina. Nag-volunteer lang na labhan ‘yong mga damit ko since wala siyang ginagawa. Right, ija?” Pinandilatan ako nito kaya wala akong nagawa kundi ang tumango.

“Okay? Are you sure? And by the way, can you come to my office? I have something to tell you.”

“O-Okay, sige. Tapusin ko lang ‘tong nilalabhan ko.” Hindi ko matingnan ang dalawa sa mga mata kaya nagpatuloy na lang ako sa pagbabanlaw.

“Is that about her?” Makahulugan na sambit ni Eulalia.

“Yeah, it’s better to be prepared. Bukas na siya darating ‘di ba?”

The lady squealed in excitement. “Seraphina, move aside. Ibigay mo na ‘yan sa mga katulong at mag-usap na kayo ni Madeux.”

She gritted her teeth in anger. Harap-harapan talaga siyang hindi na nirespeto ng mga ‘to.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Carlo Pedere
highly recommended! ...
2025-03-21 14:44:10
1
user avatar
Mairisian
Highly recommended 🫶
2025-03-21 02:22:56
1
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status