ATASHIA Dahil sa kakulitan ni nanay, pumayag ako sa gusto niya. Well, akala niya lang iyon. Ang totoo ay wala akong plano na makialam sa mga kalokohan niya sa buhay. Excited naman niyang ibinigay ang picture ng sinabi niyang Jaspher Regalado. Shit! Totoo nga! Ang nakilala kong Jaspher, ang lalaking kaaway ni Lance ay ang ipinapatrabaho sa akin ni nanay. Feeling yata ng aking ina ay isa akong investigator. Nakakawalang gana talaga siya pero mahal ko siya. “Hon, why do you have Jaspher’s photos?” Hindi tanong iyon kundi paninita. Nakatitig ng masama sa akin si Lance at naghihintay siya ng sagot ko.Bigla ko tuloy nabitawan ang mga pictures na bigay ni nanay at mabilis na tumayo ako mula sa upuan. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay dahil nati-tense ako. “Bigay ni nanay,” pag-amin ko. “Bakit ka binigyan niyan ng nanay mo?” "Kailangan ko kasing kilalanin ang taong ito dahil kapag hindi ko ginawa ay kakausapin ni nanay ang mga magulang mo. Customer niya si Jaspher at mukhang nagustuha
ATASHIA"Darn it, hon! Why did you ruin our day?" reklamo ni Lance. Pigil na pigil akong patulan siya. Ayaw ko lang ng gulo kaya hinila ko na siya palabas ng mall. Hindi ko gustong madungisan ang maganda niyang pangalan dahil lang sa kabit ng kaniyang ina. Habang pauwi kami ay hindi kami nag-iimikan. Ang masayang gala ay nauwi lang sa away na kapwa namin hindi ginusto. I want to tell him kung ano talaga ang reason ko sa action na ginawa ko pero baka lalong umusok lang ang ilong niya. Bago matulog ay lumapit siya sa akin. Expected ko na iyon kasi hindi kami natutulog na magkaaway. Madalas niyang sabihin sa akin na kahit gaano pa katindi ang away namin, bago kami matulog dapat ay tapusin na namin iyon.Habang nakahiga kami ay pasimple pa rin niya akong tinanong kung bakit ko nagawang sirain ang dapat sana ay masayang shopping experience niya. Hindi na ako nagsinungaling pa. Sinabi ko sa kan'ya ang pagkikita namin ng kabit ng kaniyang ina. "Have you seen mommy there?" tanong niya sa
OLIVIA "Mom, where are you?" Lance asked me. "I am outside your so-called condo unit," I replied. "What condo unit are you talking about? I don't have any." "You're a liar, Lance. It's already confirmed. You are the owner of this… "Excuse me, ma'am. What are you doing in front of my unit?" Oh, my gosh. Nalaglag ang keys na hawak ko due to humiliation. Someone is claiming the condo unit I want to get in. "Are you the owner of this unit?" I asked hesitantly. "Yes, ma'am. Why?" The gentleman showed me his keys. "I'm so sorry. It was a big mistake." I wanted to make landi pa pero the handsome man immediately stepped back nang hahaplusin ko sana ang dibdib niya. Hmp! I hate pakipot people. They're so boring kaya kahit like ko si young fafalicious, tumalikod na lang ako. "Mom, who are you with? What condo unit are you talking about?" Lance was getting angry na kaya I made todo explanations about what I did. “It’s my fault. Naniwala kasi ako sa report na may ibinabahay ka
ATASHIAIsang babaeng walang awa ang nakita ko sa katauhan ni Ma'am Olivia. I didn't know kung paano niyang nalaman na nasa resort kami. Out of nowhere kasi ay bigla na lang siyang sumulpot kasama si Gemma at kabit niya. Nang sinugod ako ni Gemma ay hindi ako agad nakakilos. Hindi ako sanay makipag-away na tulad ni Loida pero hindi rin naman ako syempre papayag na saktan ako ng kahit sino. Nang sabunutan ako ni Gemma ay nagpanting ang tainga ko. I kicked her private part dahilan para mapasigaw siya sa sobrang sakit. "Sa susunod na saktan mo ako, hindi lang iyan ang aabutin mo," banta ko kay Gemma. "Alam mong hindi ako papayag na saktan ako ng kahit sino." Tumakbo si Gemma sa direksyon ni Ma'am Olivia. Sa halip na tulungan siya ng mommy ni Lance ay sinampal pa siya nito. "You're so mahina. Come on, you are here to fight for me and not the other way around. Gosh, you should slap, kick, and tumba her." Tumitikwas ang bibig at mga daliri ni Ma'am Olivia habang sinasabi niya iyon. Naka
ATASHIAPagkababa ko pa lang ng sasakyan, isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Lance. Lahat ng hinanakit ko kay nanay ay nawala nang hínalíkan n'ya ako sa labi. Sumubsob ako sa dibdib n'ya para umiyak. Iyon kasi ang alam kong magagawa ko lang sa ngayon. "Alam na ni Nanay ang tungkol sa atin. Sinaktan n'ya ako, hon. Ang tingin niya sa akin ay mas masama pa kaysa sa kaniya kahit na sinabi kong kasal na tayo," turan ko sa pagitan ng mga luha. "I'm sorry for what happened. I tried to keep you safe but I failed. Don't worry. I still believe that our parents will understand us anyway." Hinimas ni Lance ang likod ko para iparamdam sa akin na karamay ko siya sa lahat ng oras.Sobra talaga akong nalulungkot dahil buong akala ko ay magiging masaya ang birthday ni Nanay. First time kong sinorpresa siya pero punong-puno rin pala ng sorpresa ang araw na iyon, hindi lang para kay Nanay ngunit maging sa akin na rin pala. Ngayon, galit na galit na naman sa akin si Nanay pagkatapos niy
ATASHIASa halip na sa bahay, sa hospital kami tumuloy. Hindi umiimik si Lance at nakatayo lang siya sa pasilyo. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader at parang wala siyang nakikita. Kahit ako ay hindi n'ya man lang tingnan. Dumating ang daddy ni Lance at agad nitong hinanap ang asawa niya. Mababakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Mr. Henzon. Natakot ako. Hindi iyon ang pinangarap kong unang pagtatagpo namin ni Congressman ngayong asawa na ako ng anak niya. Kung pwede lang sumiksik ako sa pader na sinasandalan ko rin ay ginawa ko na. Gusto kong maging invisible dahil nangangatog ang tuhod ko at parang tinatambol ang dibdib ko. "Lance, what happened?" Parang hari si Congressman habang inuusig niya ang mister ko. "It was an accident, Dad. Paalis na kami sa grocery store pero nagwala si Mommy. Hinarangan niya ang sasakyan ko na dapat sana ay palabas ng parking lot. Since nasa blind spot siya, I wasn't able to notice her," paliwanag ni Lance. "Dämn it, Lance! You know ho
ATASHIA Hindi malaman ni Lance kung paano siyang hihingi ng pasensya sa mga nangyari sa akin habang siya ay nasa ospital. Umiyak siya sa harapan ko pero hindi man lang naantig ang lamang-loob ko. Gigil na gigil ako sa kaniya dahil sa pagiging insensitive niya at pagiging selfish. Mas inuna niyang intindihin ang damdamin niya kaysa sa akin. "Iiyak-iyak ka ngayon pagkatapos mong pairalin ang galit mo kay Jaspher Regalado without knowing na iyong taong isinusumpa mo ang siyang nagligtas sa akin. Lance, tigilan mo ako. Baka isauli na kita sa nanay mong artista," naiinis kong sabi habang nakaupo ako sa gilid ng kama. "Forgive me, please," he begged me. Wow, ang bait ni Lance Henzon sa harapan ko ngayon pagkatapos niyang ubusin ang lahat ng energy ko kagabi. "Alam mo, mukhang kailangan n'yo ng mommy mo ng professional help, mga baliw." "Hon, that's too much. I know you're mad, but please choose your words." "Bakit? Ano ang masama sa sinabi ko, Lance?" "Nothing. But I am not cr
ATASHIA "Lance, uwi ka na please," pakiusap ko sa picture ng asawa ko. It's been almost a week since his father took him away. Wala akong balita kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Namamaga ang mga mata ko kaya hindi ako pumupunta sa grocery store. Besides, I am not in the mood to work. "Atashia, kumain ka na. Hindi pwedeng maabutan ka ni Lance na ganiyan. Magagalit iyon," wika ni Loida. Humagulgol ako. Miss na miss ko na ang asawa ko at nag-aalala na rin ako sa kaniya. I tried to report to the police pero pinagtawanan lang nila ako. They didn't believe me na ako ang asawa ng anak ni Congressman Henzon. Lalong hindi sila naniwala na kayang gawin ni Congressman ang mga sinabi ko. Kilala kasi siya ng lahat na mabait at ubod ng humble."Ang hirap maging tao sa mundo na hindi makatao." Sunod-sunod na pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Niyakap ako ni Loida. Mabuti na lamang at sa condo namin ni Lance siya pumunta sa halip na sa grocery store. Limang araw ko na rin siyang kasam