Share

Chapter 140

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-19 21:19:11

Nabulunan at hindi nakapagsalita si Celestine. Bihira siyang sigawan ni Wendell noon pa man, pero tuwing may kinalaman kay Benjamin ang usapan, palagi siyang nawawalan ng pasensya sa kanyang anak.

Kumunot ang noo ni Benjamin at ibinaba ang boses. “Alam ko pong sa akin kayo may problema, kaya po sa akin kayo dapat magalit. Hindi kay Celestine.”

“Siyempre, ikaw ang problema ko rito! Mali ako na ipinakasal ko sa'yo ang napakabuting anak ko. Maling-mali ako!” Matalim ang tingin ni Wendell kay Benjamin, puno ng paninisi ang kanyang mga mata.

Tumingin si Benjamin kay Celestine, ang madilim niyang mga mata ay may halong pagkalito.

Hinawakan ni Celestine si Wendell, iniiwasang tumingin kay Benjamin para hindi na magalit pa ang kanyang ama at sinenyasan si Wendell na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa problema nila kay Benjamin.

Maraming tao ang dumaraan hallway ng ospital. After all, si Benjamin ay presidente ng D’Belinda at isang kilalang tao rin siya sa buong Nueva Ecija. Hindi maganda n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 314

    Conference room sa ospital.Sa tapat ni Mr. Macabuhay ay nakaupo ang ama ni Diana na si Francis Valdez, ang ina nitong si Mary Valdez, at si Louie na nahuli ng dating.Makikita kung gaano kalaki ang issue ni Diana para sa pamilya Valdez! Lahat sila ay dumating sa ospital kahit abala sa kani-kanilang mga gawain.Inis na inis man sila kay Diana pero wala silang magawa dahil kapamilya nila siya. Binuklat ni Mr. Macabuhay ang mga papeles ukol sa qualification ni Diana at tiningnan ng makahulugan ang tatlong tao sa kanyang harapan."Ang mga qualification documents ni Miss Valdez..." magsasalita pa lang sana si Mr. Macabuhay.Pero agad na sumabat si Mary, "Totoo ang mga qualification documents ng anak naming si Diana! Walang daya iyan!”"Oo nga, pero may nag-ulat na ang pwesto ni Diana sa medical school noon ay napalitan at napunta sa ibang tao." Kumplikado ang ekspresyon ni Mr. Macabuhay nang sabihin niya iyon.Ang pagpapalit ng tao para makapasok sa eskwelahan ay isang seryosong issue. A

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 313

    "Nagbalikan na ba kayo ng dati mong mahal?" tanong ni Lolo Manuel na puno ng pag-aalala.Napakamot sa ulo si Celestine nang marinig iyon, "Hindi po ah, nagkataon lang na naroon din siya kaya kami nagkita."Hinawakan pa ni Celestine ang dulo ng ilong niya habang sinasabi ito.Talagang parang hindi kapani-paniwala ang sinabi niya dahil kitang-kita sa picture ang pagtulong sa kanya ni Benjamin."Hindi ka pwedeng makipag-ugnayan sa kanya nang madalas, naiintindihan mo? Nasa proseso kayo ng inyong divorce, baka mamaya ay hindi pa matuloy iyon." Mariing sabi ng matanda habang itinuturo si Celestine.Tumango si Celestine sa kanyang Lolo Manuel dahil siya ay masunurin.Nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita, "Ilang araw na lang ba bago matapos ang one-month cooling-off period?""Dalawa o tatlong araw pa lang ang lumipas Lolo. Kaka-file lang po kasi namin," reklamo ni Chu Celestine habang nakasimangot. Ganoon na lang ba ka-desidido si Lolo Manuel na maghiwalay sila ni Benjamin? Talagang bibila

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 312

    Agad na dinala ni Veronica si Diana sa ospital at inutusan ang dalawang bodyguard na samahan siya sa labas ng kwarto para magbantay kay Diana. Umiyak at nagmura si Diana noon, “Veronica! Hayop ka! Bakit sobrang sunud-sunuran ka sa amo mo?”Sandaling tumigil si Veronica habang isinasara ang pinto. Sumulyap siya sa kwarto at unti-unting dumilim ang kanyang mukha.Isinara niya bigla ang pinto. Naharangan ang pag-iyak at pagmumura ni Diana dahil doon.Lumabas si Veronica ng ospital at nagpadala ng message kay Benjamin. “Mr. Peters, ayos na po. Naihatid ko na po sa ospital si Miss Valdez.”Napakadilim pa ng langit noong mga oras na iyon. Inaasahan na sariwa ang hangin sa buong Nueva Ecija pagkatapos ng ulan.Papaalis na sana si Veronica gamit ang kanyang sasakyan nang mapansin niya ang isang sasakyang pang bilangguan na nakaparada sa isang tabi. Maya-maya, dalawang taong naka-uniporme ang bumaba mula roon at nagmadaling lumabas ang mga staff mula sa emergency department ng ospital.Isa s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 311

    “Celestine, wala kang—” Nasa labi na ni Benjamin ang mga salita na gusto niyang sabihin, ngunit hindi niya ito itinuloy.Pagkatapos ay narinig niyang nagsalita si Celestine, “Miss Valdez.”Bahagyang lumingon si Benjamin at nakita si Diana sa may pintuan.Tahimik na tinitigan ni Diana ang dalawa. Seryoso ang mga mata niya noong mga oras na iyon.Sa isip-isip ni Diana..‘Kaya pala biglang gustong lumabas ni Benjamin, gusto pala niyang samahan si Celestine sa ulan.’Bigla na lang lumakad si Diana papasok sa ulan. Walang pakialam sa iba.Nakunot ang noo ni Benjamin pagkatapos noon, hinigpitan ang hawak sa payong, at hindi alam ang dapat gawin sa mga sandaling iyon.Nakita ni Celestine ang kanyang pag-aalinlangan at itinulak palayo ang payong.Hindi maaaring sabay na hawakan ng isang lalaki ang payong para sa dalawang babae. Parang sa isang relasyon, hindi dapat dalawa ang nagmamay-ari sa isang lalaki.Kahit magawa man niya iyon, may isang babaeng siguradong masasaktan. At hindi pwede iyon

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 310

    Paglabas niya mula sa mataas na building na iyon, bumagsak ang ambon sa kanyang mga pisngi. Ipinaglawak ni Celestine ang kanyang mga kamay upang saluhin ang ulan. Wala na siyang pakialam kung magkasakit siya.Sa totoo lang, gusto pa rin ni Celestine ang mga maulan na araw na walang kulog.Tulad ngayon.Walang nagmamadali, at ang ilan ay tila nasisiyahan pa sa ganitong mabagal at kaaya-ayang sandali. Para silang nasa movie kung titingnan.Lumabas si Celestine mula sa gate at agad na bumagsak ang mga patak ng ulan sa kanyang mga balikat. Malamig ito at may hindi maipaliwanag na pakiramdam.Itinaas ni Celestine ang kanyang mukha at hinayaan ang pinong mga patak ng ulan na bumagsak sa kanyang mukha, balikat, at leeg.May isang lubak sa may pintuan kung saan may naipong tubig doon. Hinubad ni Celestine ang kanyang mga takong at tumawid, paslit na tumapak sa tubig.Mahilig na siya sa tubig simula pagkabata at nagsimulang matutong lumangoy sa edad na apat o lima pa lang.Ngunit sa hindi inaa

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 309

    Oo nga.Kung ganoon, bakit hindi mahal ni Benjamin si Celestine?Ano bang kulang kay Celestine kumpara sa bitch na babaeng iyon?Tumingin si Celestine sa bintana, at sa labas ng bintana, nakita niya si Benjamin na inakay si Diana paupo.Ininom ni Celestine ang champagne sa kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang baso gamit ang kanyang kanang kamay."Mr. Vallejo, may kailangan pa ba kayo sa akin?" tanong ni Shiela kay Sean na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.Umingit si Sean, may kailangan nga siya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi kay Shiela.Pero… sa itsura ni Diana kanina, para sa kanya, parang hindi tamang pag-usapan ang sarili niyang mga pakay ngayon.Kaya, minabuti na lang niya na ibahin ang kanilang topic."Matagal na po ba kayong nasa Nueva Ecija, Miss Castor?" tanong ni Sean kay Shiela.“Matagal-tagal na rin. Bakit mo natanong, Mr. Vallejo?” “Ah, wala naman. Ako rin naman, matagal na rito. Kung minsan lang ay pumupunta pa rin ako ng Manila para sa iba ko

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 308

    Sandaling natigilan si Diana at parang likas na tinangkang hawakan ang braso ni Benjamin, pero nabigo siya. Tahimik na pinanood ni Celestine ang kilos ni Benjamin. Pinagpag nito ang kanyang damit at sinulyapan si Celestine nang walang emosyon."Louie." Biglang tinawag ni Benjamin si Louie na paparating. Tumango si Louie kay Benjamin at pagkatapos ay lumapit kay Diana."May sakit pa rin si Diana, ibalik mo siya sa ospital. Maraming tao rito, baka may mangyaring hindi masama sa kanya," malamig ang tinig ni Benjamin noon pero malinaw ang kanyang utos.Napatingin si Diana kay Benjamin at hindi napigilang lingunin si Celestine na kausap si Shiela noong mga oras na iyon. Napakagat siya sa labi. Itinuro niya si Celestine at nainis na tinanong si Benjamin, "Pinapalayas mo ba ako rito ako dahil nandiyan siya?""Hindi iyon sa ganoon," malamig ang sagot ni Benjamin.Ngumiti si Diana. Namumula ang kanyang mga mata habang tinanong si Benjamin, "Benj, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi talaga dahil s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 307

    Magandang-maganda ang ayos ni Diana ngayong gabi, sobrang ganda rin ng suot niya at ang kanyang makeup. Hindi nila alam kung dahil ba ito sa kanyang sakit recently. Pero ngayong gabi, si Diana ay parehong kaakit-akit at may kaunting kahinaan ang aura. May hindi maipaliwanag na damdamin ng awa sa kanya.Pagkapasok ni Diana, dumiretso siya kay Benjamin para kausapin ito.Ang mga taong nakapaligid kay Benjamin ay agad siyang pinagbigyan ng daan para makalapit.Tumayo si Diana sa harap ni Benjamin, bahagyang nakataas ang mga labi, at ngumiti, "Benj, nandito ka.""Ikaw? Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Benjamin. Kinausap niya ang kanyang sarili..‘Bakit siya narito imbes na nagpapahinga sa ospital?’Ngumiti si Diana kay Benjamin, "Siyempre, para samahan ka sa event. Lagi naman tayong ganun, hindi ba?”"Hindi ka pa magaling. Kailangan mo pang magpagaling sa ospital. Alam mo dapat iyan." Binaba ni Benjamin ang boses niya.Umiling agad si Diana, "Hindi. Ayos lang ako. At saka, hihdi nam

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 306

    Ilan pa lang ang napag-uusapan nina Celestine at Shiela nang dumating si Sean sa tabi nila.“Miss Celestine and Miss Shiela, masyadong malungkot kung dalawa lang kayong nag-uusap. Pwede bang sumali ako? May gusto lang din akong sabihin.” Nakangiting may halong kapilyuhan si Sean nang sabihin niya iyon.Nakaakbay si Celestine at itinaas ang baba kay Mae Delgado. “Mukhang masaya kayong mag-usap ni Mae Delgado. So, bakit mo pa kami kakausapin?”“Mae…Mae Delgado?”Sumulyap si Sean kay Mae sa likod niya at napabuntong-hininga. “Ay, siya ba? Oo, sinabihan ko nga na hindi ko siya kilala.”“Huh? Hindi mo siya kilala? E, kilalang artista iyan, ah,” sabi ni Shiela.Nagulat si Shiela noon sa kanyang narinig, na noon ay abala sa pagkain niya.“Oo nga, hindi ko nga siya kilala. Teka, ano bang nakakagulat doon?” nagtatakang tanong ni Sean.“Nakakapagtaka lang na hindi mo siya kilala, e magaling na artista iyan kaya kilala sa circle namin,” paliwanag ni Shiela.Lumapit si Sean kay Shiela..“Ikaw lan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status