Share

Chapter 279

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-04 12:21:43

Sa nakaraang tatlong taon, paulit-ulit na iniwan ni Benjamin si Celestine para kay Diana.

Mula sa dating "Asawa mo ako, dapat akong angkinin mo," naging "Hinahanap ka ni Diana,” ang kanyang response sa tuwing tumatawag si Diana kay Benjamin.

Sa pag-iisip nito, biglang tumingin si Benjamin sa kalsada.

Tinanong siya ni Celestine dahil pati siya ay lito na, “Saan ka ba pupunta?”

“Pabalik na sa mansion,” malamig at matigas ang tono ng kanyang boses.

“Benjamin, ihatid mo ako sa bahay namin. Sa pamilya Yllana ako uuwi,” mariing utos ni Celestine.

“Doon ka muna sa mansion ngayong gabi,” malamig na sabi niya.

“Gusto mo bang tumalon ako rito sa sasakyan o ihatid mo ako sa bahay ng pamilya ko?” malamig ang tingin ni Celestine kay Benjamin, may banta sa kanyang mukha at walang pag-aalinlangan ang kanyang mga salita.

Lumingon si Benjamin sa kanya.

Puno ng kaseryosohan ang mga mata ni Celestine, parang handa talaga siyang tumalon sa kotse anumang oras.

Tapos na ang lahat para sa kanila, hindi na s
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Miel Vermon
bwisit naman mga ads na ito dumami na humaba pa ang oras nabawasan ang reward points dumami naman ads kagigil kayo ha!
goodnovel comment avatar
Josie Ong Ong
ganda ng kwento araw-araw pang may episode ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 443

    Pumikit-pikit pa si Lance bago sumagot sa tanong ni Celestine. Paano nga ba niya iyon sasagutin? Hindi naman nila iyon napag-usapan ng Tito Benjamin niya. Ang buong akala kasi nila ay matatapos na ang lahat sa pagbibigay kay Celestine ng cypress grass.Sa isip-isip niya..‘Itong cypress flower grass na ‘to... Syempre, galing iyon kay Tito. Hindi naman sa akin. Naku, paano ba ‘to?’Ngumiti si Lance nang makaisip na ng isasagot, “Binili ko rin lang ‘yan sa iba kaya ako nagkaroon niyan.’“Mahal ba ang bili mo roon sa taong iyon?” tanong ni Celestine sa kanya.Umiling agad si Lance.Ni singkong duling, wala siyang ginastos doon, kung sasabihin niya lang ang totoo kay Celestine.Nagkibit-balikat si Celestine. “Ah, okay.”“Dahil mukhang marami ka nang alam sa mga halamang-gamot, mayroon ka pa bang ibang bihirang halamang gamot na na sa’yo na pwede mong sabihin sa akin? Kung meron pa, bibilhin ko rin iyon,” Uminom ng tubig si Celestine, may bahid ng pag-asa sa kanyang mga mata na sana ay me

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 442

    Natigilan sandali si Benjamin. Lumingon siya sa direksyong pinuntahan ni Celestine at bahagyang napakunot ang noo.Magkikita si Celestine at si Lance para kumain? Bakit? Anong gustong malaman ni Celestine tungkol sa kanya?’Sumagot si Benjamin sa message ni Lance sa kanya, “Tumanggi ka. Hindi kayo dapat magkita.”Agad namang nag-reply si Lance."Tito, sabi niya maraming salamat daw sa pagbibigay ng cypress grass sa kanya. Wala siyang ibig sabihin, gusto lang daw niyang magpasalamat at ilibre ako ng pagkain. Okay lang naman siguro iyon, hindi ba?”Nanatiling tahimik si Benjamin. Iniisip pa rin kung anong plano ni Celestine kay Lance. Nag-text ulit si Lance sa kanya, “Pupunta ba ako?”Papasagot na sana si Benjamin nang hawakan ni Diana ang kanyang palad at nakangiting nagtanong, “Ano yang tinitingnan mo?”Umiling lang si Benjamin at pinatay ang kanyang cellphone para hindi na magtanong pa si Diana sa kanya.Nakangiting medyo nakapikit si Diana, “Benj, kain tayo sa labas? Gutom na ko, e

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 441

    Isa lang namang bag 'yan, bakit parang nagyayabang pa siya? Nasa kanya pa rin naman si Benjamin at walang balak si Celestine na agawin siya.Bahagyang tumingin si Celestine sa kanyang bahagyang nakalapit at nakapigil na braso, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pag-aalab sa kanyang dibdib.Nakuha niya ang lahat, pero nawala naman ang pinakamamahal niya.Hindi niya alam kung siya ba talaga ang panalo o talunan sa laban na iyon.Habang tumatagal ang pagtitig ni Diana kay Celestine, lalo lang siyang nababahala."Miss Yllana, okay na po ang bag niyo," paalala ng babae kay Celestine.Tumango si Celestine at palakad na sana siya papunta sa counter.Magbabayad na sana siya.Biglang lumapit si Benjamin at tumayo sa tabi ni Celestine. "Ako na ang magbabayad dito."Pinigilan nito ang kamay ni Celestine na iaabot na sana ang kanyang bank card.Napatingala si Celestine at nakita niyang iniabot na ni Benjamin ang kanyang black card.Napahinto si Celestine at kusa siyang lumingon sa likod.Doon

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 440

    Tiningnan ni Celestine ang kanyang lola nang makahulugan, nais tumanggi, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula.Tumango ang ibang mga tao sa paligid at nagsabing, "Malaki talaga ang naitulong ng halamang cypress na ito sa amin, Miss Yllana. Dapat ka talaga naming pasalamatan! Sige na po, kung wala naman kayong gagawin, pwede po bang mailibre namin kayo?""Oo nga po, ang aming science project ay umusad dahil sa halamang cypress na ito! Dapat talaga tayong magpasalamat sa kanya!"“Narinig mo ’yon? Iyan ang matagal nang hinahangad ng lahat,” biro ni Celia kay Celestine.Ngumiti si Celestine sa kanyang Lola, tumango, at mahina siyang umungol bilang pagsang-ayon sa matanda.Narinig niya iyon.Kaya nilibre na siya ng mga tao at kumain sila sa labas.Pagkaalis sa laboratory, hindi rin nakalimot ang lahat na pasalamatan si Celestine Sa pagbalik niya, tinawagan ni Celestine si Vernard at tamad na sinabi, “Pakigawan mo ako ng appointment sa batang Lance Carreon na iyon.”Bata pa si Lan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 439

    Tumingin si Celestine sa mukha ng kanyang lola.Bagama’t 70 years old na ang matanda, matikas pa rin ito at may tindig ng isang tunay na lider. Hindi mo aakalaing matanda na siya, parang nasa 50 years old lang.Tuwid ang likod nito at kahit medyo maluwag na ang balat, hindi pa rin ito nakabawas sa kanyang kagandahan.Tunay ngang si Lola Celia ay may pusong malamig lang sa panlabas pero mabait naman ang kanyang kalooban.Kung siya si Celestine, matagal na niyang pinayagang umalis si Becky. Baka kung ano pa ang sinabi niya rito.O di kaya ay pinarusahan pa niya ito dahil sa pagsasabi ng kung anu-ano sa kanya.Tutal, hindi naman iyon lang ang kanilang tanging pag-asa. May mga paraan pa para magkaroon ng progress ang kanilang ginagawang experiment.Pero si Lola Celia, pinahahalagahan ang bawat araw na inilaan nila sa pananaliksik kaya wala siyang oras magpaalis ng kasama sa laboratory.Kulang na sila sa oras kung titingnan. Ayaw din ni Lola Celia nang papalit-palit ng tauhan.Bumukas ang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 438

    Papasagot na sana si Celia sa tanong ng babae nang bigla nitong lingunin si Celestine.Tinanong niya, “Prof, bakit ka nagdala ng isang taong hindi naman yata makakatulong sa atin? Para namang wala siyang kwenta.”“Ano’ng walang kwenta? Apo ko siya! Tumigil ka nga dyan.” Naiinis na sagot ni Celia sa sinabi ng babae.Tiningnan niya si Celestine, pero halatang hindi maganda ang tingin niya rito.Hindi pinansin ni Celestine ang tingin ng babae sa kanya. Sa totoo lang, alam naman niyang isa siyang "outsider" sa paningin ng iba.“Becky, apo ko siya. Hindi siya iba sa akin,” mariing ulit ni Celia roon sa babae.Si Becky ay isang mahalagang tao sa laboratory, ngunit mayabang ang personalidad nito. Madalas niyang maliitin ang ibang tao. Pero dahil napakahalaga ng kanyang posisyon niya at isa siya sa mga natatanging pinili mula sa daan-daang applicants, matagal na siyang tinitiis ng lahat, kabilang na roon si Celia.Sa totoo lang, mahusay naman talaga siya kaya nga lang ay may kakaibang ugali

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status