Share

Chapter 353

Author: Athengstersxx
last update Huling Na-update: 2025-06-11 20:33:09

"Sinasabi ko sa'yo, kapag may nangyaring masama sa asawa ko, hinding-hindi kita palalagpasin! Ako mismo ang papatay sa’yo!"

Medyo malakas ang boses ng lalaki, at malinaw itong narinig ni Celestine.

Agad na lumapit si Georgia at narinig ang sunod-sunod na pagsigaw. Tinanong niya agad ang lalaki, "Anong nangyari? Bakit may sigawan na nagaganap dito?"

"Miss Georgia, buti na lang at dumating na kayo!" Hinawakan ng kamag-anak ng pasyente ang braso ni Georgia, na parang nakakita siya ng tagapagligtas. "Hindi maganda ang kalagayan ng asawa ko! Dapat ikaw lang ang tumingin sa kanya, hindi ba?"

Hindi maintindihan ni Georgia ang mga pangyayari noong mga oras na iyon.

"Teka lang, hindi ko po kayo maintindihan. Bakit andito kayong lahat? Sino ang nasa loob? Sino ang tumitingin sa kanya?" Napansin ni Georgia ang isang pigura sa loob. Nasa labas din si Dr. Feliciano at Danica.

"Ah... si Dr. Yllana po ang nasa loob, Miss Georgia." Mahinang sagot ni Danica.

Kumunot ang noo ni Georgia at nagsalita.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
waiting po sa update nyo...️
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 354

    "Dr. Yllana!" sabi ng isang boses sa di kalayuan.Kumakain si Celestine sa canteen nang biglang tawagin siya ni Dr. Feliciano at pagkatapos ay umupo siya sa tapat niya.Ngumiti si Celestine kay Dr. Feliciano at tumango, "Dr. Feliciano, may kailangan ka basa akin? Kung meron, ano iyon?""May lakad ka ba mamayang gabi pagkatapos ng trabaho? Kung wala, gusto kitang ilibre ng dinner. May gusto lang akong sabihin sa’yo," nakangiting sabi ni Dr. Feliciano, magiliw ang tono niya noon.Biglang nakaramdam ng kakaiba si Celestine. Para siyang kinabahan dahil sa pagyayang iyon ni Dr. Feliciano. Dati, wala namang masamang intensyon si Dr. Feliciano sa kanya at palakaibigan ito.Pero ngayong araw, parang sobra naman ang pagiging close niya kay Celestine."Dr. Feliciano, ano ba talaga iyon? May kailangan ka ba? Pwede mo namang sabihin na rito. Hindi na natin kailangang magkita pa sa labas after work.”Sa isip-isip ni Celestine..‘May dahilan ito, kung hindi ay hindi siya biglang magyayayang kumain

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 353

    "Sinasabi ko sa'yo, kapag may nangyaring masama sa asawa ko, hinding-hindi kita palalagpasin! Ako mismo ang papatay sa’yo!"Medyo malakas ang boses ng lalaki, at malinaw itong narinig ni Celestine.Agad na lumapit si Georgia at narinig ang sunod-sunod na pagsigaw. Tinanong niya agad ang lalaki, "Anong nangyari? Bakit may sigawan na nagaganap dito?""Miss Georgia, buti na lang at dumating na kayo!" Hinawakan ng kamag-anak ng pasyente ang braso ni Georgia, na parang nakakita siya ng tagapagligtas. "Hindi maganda ang kalagayan ng asawa ko! Dapat ikaw lang ang tumingin sa kanya, hindi ba?"Hindi maintindihan ni Georgia ang mga pangyayari noong mga oras na iyon."Teka lang, hindi ko po kayo maintindihan. Bakit andito kayong lahat? Sino ang nasa loob? Sino ang tumitingin sa kanya?" Napansin ni Georgia ang isang pigura sa loob. Nasa labas din si Dr. Feliciano at Danica. "Ah... si Dr. Yllana po ang nasa loob, Miss Georgia." Mahinang sagot ni Danica.Kumunot ang noo ni Georgia at nagsalita.“

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 352

    Sa ospital.Kakarating lang ni Celestine sa clinic nang marinig niyang sumisigaw si Danica sa paligid, “Narito ba si Miss Georgia?”“Dr. Yllana, nakita mo ba si Ms. Georgia?”Balisa si Danica habang nalilito naman si Celestine sa kinikilos nito, “May nangyari bang masama sa pasyente kaya ka ganyan?”“Biglang nagpakita ng sintomas ang isang pasyente natin at hindi matukoy ni Dr. Feliciano kung ano iyon.” Halos mamatay na sa kaba si Danica.Kumunot ang noo ni Celestine, sinuot niya ang kanyang puting coat at sinabing, “Dalhin mo ako roon sa pasyente.”“Ha? Ano po, Dr. Yllana?” Napatingin si Danica kay Celestine.Pupunta si Celestine sa pasyente?“Tara na. Sa mga ganitong pagkakataon dapat mabilis tayo.” Hinila ni Celestine ang braso ni Danica at tumuloy na siya.Hindi talaga mahanap ni Danica si Miss Georgia, kaya’t sinuwerte na lang siya at dinala si Celestine.Pagdating nila sa ward, maraming kamag-anak ng pasyente ang nakatambay sa labas ng pintuan.Sumulyap si Celestine sa labas at

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 351

    “Close ba tayong dalawa? Hindi naman ‘di ba? Bakit kita tutulungan?” Patuloy na kumakain si Celestine noon, na para bang sinasabing ‘huwag mo akong subukang lapitan kundi lagot ka sa akin’.“Ang pagiging gago ni Benjamin ay problema niya at isa pa, matagal na tayong magkakilala.” Mahinang sabi ni Sean dahil iniisip niyang iyon ang problema kung bakit ayaw siyang tulungan ni Celestine.Tumingala si Celestine at ngumiti kay Sean.Ngumiti rin si Sean sa kanya, “Kaya pwede nating—”Agad na pinutol ni Celestine ang sinasabi ni Sean,“Lumayas ka rito.”Hindi makapagsalita si Sean noong mga oras na iyon.“Huwag ka namang masyadong malupit sa akin,” sabi ni Sean.Kinain ni Celestine ang huling piraso ng karne ng steak at inilapag ang kutsilyo at tinidor.Kinuha niya ang kanyang bag at lumakad palabas, kasunod si Sean. Nang magbabayad na si Celestine, agad na sabi ni Sean sa cashier, “Sa akin mo na i-deduct ang bayad ng kinain niya.”Tinaasan siya ng kilay ni Celestine at tumugon, “Bahala ka.”

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 350

    Gabi na noon.Lumabas si Celestine para kumain mag-isa. Tahimik ang restaurant sa dis-oras ng gabi. Mula sa ika-20th floor, kitang-kita ang kasaganahan ng gabi sa buong Nueva Ecija.Pumutol si Celestine ng maliit na piraso ng steak at isinubo ito. Habang iniisip ang lahat ng nangyarisa kanila ni Benjamin sa maghapon, kakaibang katahimikan ang bumalot sa kanyang puso.Galit na galit siya dahil hindi niya inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ni Benjamin sa pagpayag niya sa kanilang relasyon ni Diana.Sa isip-isip niya..Hindi ba dapat ay masaya pa nga si Benjamin dahil ganun siya? Bakit bigla itong nag-iba?"Oh, Mr. Vallejo, hindi mo pa rin ba ako kilala hanggang ngayon? Ako ang pinaka-mapagmahal na tao na makikilala mo. Kung gusto mo ako, Mr. Vallejo, ako ay..."Narinig ni Celestine ang malambing na boses ng babae. Tumingala siya at nakita si Sean na yakap-yakap ang isang babae at tila ba'y mauupong magkatabi nang napakalapit.‘Tsk. Ang lalaking ito, sabi pa niya sa akin na walang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 349

    Kumunot ang noo ni Benjamin at labis siyang nainis. Inabot niya ang braso ni Celestine at nais niya itong halikan nang walang pagpipigil.Parang napansin ni Celestine ang kanyang galaw.Bago pa siya makalapit para humalik, sinampal siya agad ni Celestine May tunog ang sampal, malinaw at malakas iyon. Ramdam na ramdam ni Benjamin na ayaw talaga sa kanya ni Celestine.Napalingon si Benjamin at agad na may lumabas na dugo sa kanyang bibig dahil sa sobrang lakas ng sampal ni Celestine.Dahan-dahan siyang tumingin pabalik, namula ang kanyang mga mata. Para bang galit na galit. Napakalakas talaga ng sampal ni Celestine.Nang tumingin si Celestine sa kanyang mga mata, malamig lang at walang emosyon ang naroon. Tila walang pakiramdam na kahit ano.Pinilit ni Benjamin ngumiti, pero hindi niya alam na ang pisngi niyang iyon ang nasagutan ng mga kuko ni Celestine."Benj, wala ka na bang kahihiyan? Ikaw na ang magiging fiancé ni Diana, tapos gusto mo pa akong hawakan at halikan? Ano na lang ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status