Share

Chapter 385

Author: Athengstersxx
last update Huling Na-update: 2025-07-01 12:30:01

"Ha? Anong sinasabi mo dyan, boss? Boss, ang kalusugan mo. Hindi ka pa okay, ah?” May pag-aalala sa tinig ni Vernard nang sabihin niya iyon.

Ngumiti si Celestine na para bang wala siyang sakit na naranasan noong mga nagdaang araw, "Ayos lang ako. Mas mahaba pa ang itatagal ng buhay ko kaysa sa'yo. Promise."

Nanlaki naman ang mata ni Vernard nang marinig iyon.

“Ha? Hala, si boss! Kung anu-ano pa ang sinasabi!”

Ilang segundo pa ay napangiting mapait si Vernard dahil nakita niya na walang reaksyon si Celestine. Sa huli ay tumango na lang siya dahil wala naman siyang choice, "Sige na nga."

Nagpakuha ng damit si Celestine kay Vernard sa bahay nila. Mahirap man pero nagawa pa rin iyon ni Vernard.

Hindi na nagpaalam pa si Celestine sa kanyang pamilya dahil alam naman niyang hindi siya papayagan ng mga ito.

Nangako na lang siya sa kanyang sarili na hin
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 449

    Sa biyahe niya papunta sa Civil Affairs Bureau, pinatugtog ni Celestine ang isang partikular na upbeat na kanta.Hinipan ng malamig na hangin ang kanyang mukha, na para bang pinapaalalahanan siyang manatiling malinaw ang isip sa mga bagay-bagay.Habang papalapit sila sa Civil Affairs Bureau, lalong nagiging kalmado ang puso ni Celestine. Sa wakas ay magiging malaya na siya sa lahat ng sakit na ito sa kanyang puso.Hanggang sa makita niya ang isang lalaki, si Benjamin, na nakasandal sa gilid ng kotse at nagyoyosi. Doon, bahagyang kumirot ang damdamin ni Celestine.Hindi pa rin pala siya ganap na kalmado. At alam niyang siya ang may problema roon.Nakasandal si Benjamin sa gilid ng sasakyan, at kahit may suot na makapal na damit, halatang tinatamaan siya ng lamig ng umaga.Bahagyang itinaas ni Benjamin ang paningin niya, eksaktong nagtama ang mga mata nila ni Celestine.Tahimik siyang tinitigan ni Celestine, at unti-unti niyang kinuyom ang manibela. Bahagyang kumunot ang kanyang noo.Ti

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 448

    Umiling si Benjamin, binuksan ang pinto ng sasakyan, at sinenyasan si Celestine na maunang sumakay. Hindi na nagsayang ng oras si Celestine noon, wala siyang sinabi, basta't tahimik siyang sumakay sa loob ng kotse. Ilang minuto pa ay pumasok na rin si Benjamin sa kanyang kotse. Mabilis pa rin magpatakbo si Benjamin, gaya ng Hindi na iyon bago kay Celestine. Pagdating sa tapat ng bahay ng mga Yllana, bumaba na si Celestine. Yumuko siya nang bahagya, pero hindi bumaba si Benjamin. Tinitigan ni Benjamin si Celestine, parang may hinihintay na mangyari. Alam niyang may gustong sabihin si Celestine sa kanya. Bahagyang binuka ni Celestine ang bibig. Totoo, may gusto siyang sabihin, pero nag-alinlangan siya kung sasabihin pa niya ito. Sa huli, ang nasabi lang niya ay, "Kung sobrang busy ka, pwede natin ilipat sa makalawa ang date ng pagpunta natin doon." Kita ang pagkunot ng noo ni Benjamin. Akala niya, may mahalagang sasabihin si Celestine sa kanya, iyon pala ay tungkol pa rin sa div

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 447

    May narinig si Celestine na tunog ng lighter malapit sa kanyang tainga.Itinaas niya ang kanyang paningin, nakayuko si Benjamin habang sinisindihan ang sigarilyo niya.Dahan-dahan siyang bumuga ng usok, saka inalis ang sigarilyo sa bibig, kita ang pagod sa kanyang mga mata.May kakaibang tensyon sa paligid nilang dalawa.Kumunot ang noo ni Celestine. Gusto sana niyang magsalita, pero nag-alinlangan siya kung dapat pa ba siyang magsalita.Wala siyang nagawa kundi ibaba ang ulo at tumingin na lamang sa ibang direksyon.May bahagyang kirot sa dibdib ni Benjamin noong mga oras na iyon. Dati, sa tuwing sisindihan niya ang sigarilyo, agad siyang pinapatayan ni Celestine dahil ayaw nito ng amoy na iyon.Ngayon, kunot lang ang noo nito, walang kahit anong sinabi sa kanya.Ilang minuto pa, hindi na siya nakatiis. Siya na mismo ang nagtanong dito."Wala kang sasabihin sa akin?" biglang tanong ni Benjamin.Itinaas ni Celestine ang kanyang mga mata. Kumurap ang kanyang mga mata, "Ano bang dapat k

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 446

    Papasok na sana si Celestine sa parking lot upang kunin ang kanyang sasakyan nang biglang huminto sa harapan niya ang isang itim na Maybach.Napababa ang tingin ni Celestine. Bumaba ang bintana ng kotse, at si Benjamin ang nasa loob noon.Pinagdiinan nito ang mga labi, malamig ang ekspresyon, ngunit mainit ang tono ng boses."Sumakay ka sa kotse ko, Celestine."Umiling si Celestine at sinabi, "Gusto ko nang umuwi. Wala kong oras para sa’yo."Ihahatid sana siya nito pauwi, pero paano na si Diana? Kung malaman ni Diana, hindi ba’t magwawala na naman ito sa kanya at baka mag-away din sila?"Sumakay ka. Sinasabi ko sa’yo, sumakay ka," mas seryoso na ang tono ngayon ni Benjamin ngayon kaysa sa kanina.Kumunot ang noo ni Celestine."Ayos ka lang ba? Bakit mo ba ko pinapasakay sa kotse mo? Anong kailangan mo sa akin, huh?""Hindi ba’t dati, kahit wala akong ginagawa, hinahanap mo ako? Ngayon, bawal nang sumakay ka rito sa sasakyan ko ng walang dahilan?"Unti-unting nawawalan ng pasensya si B

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 445

    Lumingon si Benjamin, ngunit sinalubong siya ng matalim na tingin ni Celestine. Tila may nais pa itong sabihin, pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi habulin si Diana.Tahimik lang si Celestine noon.Makaraan ang ilang sandali, napangiti na lang siya nang may halong panghihinayang.Anong nangyayari?Pag-angat muli ng kanyang ulo, nakita niyang nakatayo pa rin sa harapan niya si Lance.Nahihiyang kinamot ng binata ang kanyang ulo, tila walang magawa sa sitwasyon kung nasaan sila ngayon.Lumapit si Celestine sa kanya at sinabi,"Tapusin na lang natin ang pagkain. Sayang naman kung hindi, ‘di ba? Nandito naman na tayo, e."“Miss Yllana, sigurado ka po ba sa sinasabi niyo? Okay lang po talaga sa inyo na sumabay ako sa pagkain?”Ngumiti si Celestine pagkatapos ay sumagot kay Lance. “Oo naman, sigurado ako. Isa pa, hindi ko naman lalagayan ng lason o kung ano man ang pagkain na ibibigay ko sa’yo.”“Ah, hindi naman ganoon ang iniisip ko. Alam ko naman na hindi mo iyon gagawin sa akin,”

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 444

    "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano dyan." Medyo malamig ang boses ni Benjamin nang sabihin niya iyon, may halong pakiramdam ng pag-iwas sa anumang hinala ni Diana sa kanya.Nakatayo lang si Celestine, tulala, at hindi sinasadyang nagtagpo ang tingin nila ni Benjamin, sa malalim nitong maitim na mga mata.Kumunot ang noo ni Benjamin at ganoon din si Celestine. Nagkatinginan sila, at ni isa sa kanila ay walang umiwas ng tingin.Si Diana ang unang lumingon at siyang nakaagaw ng atensyon ni Celestine.Ang mga kamay ni Celestine na nakalaylay sa kanyang tagiliran ay hindi niya namalayang napakuyom, saka mahinahong nagtanong,"Ang halamang binili ko, ang cypress grass, kay Benjamin ba talaga iyon?”Akmang magsasalita na si Benjamin para sagutin si Celestine.Ngunit malamig na sumingit si Diana sa usapan nila,"Kung hindi sa kanya, kanino mo sa tingin galing ang cypress grass na nakuha mo, ha? Mag-isip ka nga! Nag iisa lang ‘yon sa buong mundo."Hindi pinansin ni Celestine si Diana, sa hal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status