Nang bumalik si Wendell sa tennis court, nakita niyang naglalaro ng tennis si Celestine at Benedict. Kita sa kanyang mga mata ang tuwang nadarama dahil may ibang taong kasama ang kanyang anak.Ganito ang Celestine na nasa kanyang alaala — puno ng sigla at buhay, hindi nilalamon ng ingay at gulo ng araw-araw na buhay.Malakas ang resistensya ni Celestine, kaya nakakasabay siya kay Benedict.Siyempre, hindi niya alam kung nagpapaluwag lang si Benedict dahil unang beses ng paglalaro nila ito.“Bihira sa babae ang ganito kagaling mag-tennis. Good job, Miss Yllana,” ani Benedict na walang pag-aalinlangang pinuri siya.Uminom ng tubig si Celestine at tumingin sa kanya, “Salamat, Mr. Salvador.”“Pwede tayong maglaro ulit mamaya kung gusto at kaya mo pa,” sabi ni Benedict habang kinukuha ang kanyang raketa, kalmado ang tono, walang bahid ng higit na intensyon.Tumango si Celestine, “Sige. Walang problema.”“Daddy,” tawag ni Celestine kay Wendell.Simula nang pumasok sa stadium ay panay tawag
“Pero ang bata pa rin niya kaya kailangan ka niya.” napakunot-noo si Celestine nang sabihin iyon.Ngumiti si Dr. Feliciano sa kanya, “Darating din ang panahon na lalaki siya, kaya tinuturuan ko na siya nang mas maaga.” Kayo ni Miss Georgia, umuwi na kayo at magpahinga, ha.”Nanahimik na lang si Celestine.Hindi na siya nagsalita pa at umalis na sila ni Georgia.Pagpasok sa elevator, habang nakatingin si Celestine sa mga numerong kumikilos, narinig niya si Georgia, “Pinagsisikapan niya ‘yon dahil sa posisyon bilang deputy director. Hayaan mo na.”“Karapat-dapat ba siya sa position na iyon?” tanong ni Celestine kay Georgia.Ngumiti si Georgia, “Oo, sapat na ang mga ginagawa niya para maging deputy director.”“Maliban kay Caroline Dimagiba, siya na ang pinakaangkop para sa position na iyon.”At dahil sa sinabi ni Georgia, alam na ni Celestine sa sarili niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang kung magtrabaho si Dr. Feliciano.Si Dr. Feliciano na ang deputy director, sigurado na iyon.H
“Huwag na, huwag na.” Agad na hinawakan ni Sean ang kanyang tasa.Napakagalang ni Shiela sa kanya, medyo hindi pa rin siya sanay dito.Mas komportable pa rin siya sa dating Shiela na hindi siya pinapansin at sinusungitan siya lagi. Sanay siya sa isang babae na ayaw na ayaw sa kanya.Kaya kinuha na niya ang opportunity na iyon para mag-make peace kay Shiela.“Sana naman simula ngayon ay maging okay na tayong dalawa, Shiela. Hayaan mo, hindi naman na kita aasarin.”“Sana nga, simula ngayon ay maging okay na tayong dalawa,” sagot ni Shiela.Pagkasabi ni Shiela noon ay nagsalita naman ang kanyang manager.“Sige, tapos na ang usapan na ‘to!” Pagkasabi noon ay pumalakpak si Mr. Devias, “Salamat kay Mr. Vallejo sa kanyang pag-unawa, talaga namang nagpapasalamat kami at hindi na niya papalakihin ang issue.”“Kung may mangyari pa ulit na problema, gagawin namin ang lahat para tulungan si Mr. Vallejo.”Talagang sanay si Mr. Devias bilang isang manager, kabisado na niya ang ganitong mga pananali
Nakasuot si Shiela ng itim at puting casual na damit, may suot ding sumbrero at maskara, kaya’t sobrang mahigpit ang pagkakabalot niya sa sarili. Lalabas ba siya at aalis?Sabi ng manager niya, "Kasalanan naman talaga ni Shiela ang nangyari, pero si Mr. Sean ang umako para sa kanya." Idadaan ko si Shiela sa bahay nila Mr. Vallejo para imbitahan na rin siya na mag-dinner. Dahil magkakaibigan naman tayong lahat, bakit hindi ka na rin sumama, Miss Yllana? Wala ka naman sigurong gagawin, hindi ba?”Napadilat si Celestine.Nakita niya si Shiela na tumango, sabay kapit sa braso ni Celestine, tila umaasang sasama ito."Sige ba. Wala namang problema sa akin."Sa isang private room sa isang kilalang restaurant, sa ika-30th floor itinakda ang lugar kung saan sila kakain.Sobrang pribado nito, dahil mula sa underground parking ay deretso ang elevator sa pasukan ng restaurant.Pagbukas ng elevator, direkta ka nang nasa harap ng restaurant.Inihatid sila ng waiter papasok, lumiko sa kaliwa at iti
Nang mawala na ang anino ni Celestine sa hallway, unti-unti namang umalingawngaw sa kanyang tainga ang boses ni Diana,"Sabi rin ni Celestine sa akin, kapag ikinasal tayo, dapat daw imbitahin natin siya para makita niya kung gaano tayo kasaya."Malalamig na ang mukha ni Benjamin noon, pero lalo pa itong lumala."Bakit mo pa siya iimbitahin? Para lang guluhin ang kasal natin? Ganun ba ‘yon?"Matiyagang minatyagan ni Diana ang emosyon ni Benjamin at halatang-halata niyang galit na ito sa mga sinasabi niya.Kinakagat ni Diana ang kanyang labi, malinaw, iniisip pa rin ni Benjamin ang reaksyon ni Celestine.Kailangan niyang pagsikapang mapanatili sa kanyang mga kamay si Benjamin. Hindi na pwedeng makuha pa ito ni Celestine o kahit na sino pang babae.Nang paalis na si Diana, bigla niyang narinig ang tawag ng nurse mula sa loob,"Dr. Yllana, may isa pang pasyente, si Reynaldo Reyes, nakalimutan niyang inumin ang gamot niya."Agad na napatigil si Diana.Reynaldo Reyes?!Nang marinig ni Benja
Si Celestine ay hyl na bumaling at sumunod, “Susunod na ko.”Hindi nakalimutang lingunin ni Celestine ang lalaki.Kahawig ng mukha niya ang salarin sa likod ng pagkidnap kay Benjamin. Sayang lang at noong panahong iyon, mga mata lang ng lalaki ang kanyang nakita, hindi niya kabisado ang buong itsura nito o ang pangalan. Kaya, hirap siyang tukuyin kung ito ba iyon o hindi.Kalaunan, nang magising siya matapos ang matagal na pagkaka-coma dulot ng kanyang sugat, sinabi nilang nahuli na ang utak ng pagkidnap kaya hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin noon.Kung iyon nga ang taong dumukot kay Benjamin, nararapat lang siyang mamatay sa sakit dahil sa lahat ng dinulot niya noon kay Benjamin.Nagbabago ang panahon, at ang mga kasamaan ay bumabalik rin sa huli.Hindi ibig sabihin na walang karma, baka hindi lang dumarating agad.Matapos ang umagang trabaho niya, binuksan ni Celestine ang kanyang cellphone para tingnan ang mga balita ngayong araw.Nailipat na ng lahat ang sisi kay Sean Va