Dahil umabot na siya sa puntong ito, ibig sabihin ay tuluyan na talaga siyang nakabitaw."Celestine, sabihin mo nga sa akin, balak mo bang manatili sa ibang bansa buong taon, o magpapahinga lang ng ilang buwan tapos babalik ka rito? Kasi, parang biglaan naman yata?" Sa tingin ni Nancy, mahalaga ang tanong na ito.Seryosong sumagot si Celestine sa kanyang ina, "Mananatili sa ibang bansa buong taon at baka hindi muna ko bumalik."Pagkasabi nito, bumagsak si Nancy sa sofa. Hinang-hina siya sa kanyang narinig.Tinitigan niya si Celestine at bigla na lang siyang napaluha, "Kaka-uwi mo lang dito sa bahay ilang buwan pa lang, tapos ngayon aalis ka na naman papuntang ibang bansa? Bakit? Ayaw mo na sa amin? Celestine, bilang anak, hindi ka pwedeng maging ganito. Makasarili ka na! Hindi ka naman ganyan dati, hindi ba?""Ma..." Lumapit si Celestine kay Nancy.Palihim lang na pinunasan ni Nancy ang kanyang luha, saka umakyat sa itaas. Ni hindi na nga siya tumingin kay Celestine dahil alam niyang
Paglapit ni Danica, dala nito ang magaan na energy na tila laging taglay niya.“Buti na lang nandito ka na rin, Dr. Yllana. Kung hindi, baka ako na ang piliin ni Miss Georgia bilang deputy director!”Napangiti si Celestine, pilit, pero may bahid ng inis.“Ang aga mo naman mang-agaw ng pwesto niyan.”“Seryoso ako, ha. Di mo ba nabasa ang announcement sa group chat natin? Pinapadala na raw ng headquarters ang bagong batch ng researchers sa susunod na linggo. Kailangan na ng deputy na magha-handle sa kanila.”Napakunot ang noo ni Celestine dahil sa narinig.“Wala naman akong natanggap.”Si Danica ay tumango, tapos tumingala sa langit, parang binabasa ang mga ulap.“Ewan ko ba kung bakit parang sa'yo laging huli dumadating ang balita. Pero halata naman, ikaw pa rin ang gusto ni Miss Georgia para sa pwesto na iyon. I mean, who else can handle a bunch of arrogant researchers aside from you?”Hindi nakaimik si Celestine.Deputy director?Dati, pinangarap niya ‘yon. Kahit saglit, oo. Pinangar
Samantala, sa kabilang banda ng Nueva Ecija, malakas ang pagbuhos ng ulan.Nagising si Celestine mula sa isang masamang panaginip.Napatingin siya sa labas ng bintana kung saan muling kumislap ang kidlat. Mahigpit niyang niyakap ang kumot.Nabigatan ang kanyang paghinga habang nakatitig sa buong paligid. Parang hindi siya mapakali.Panaginip lang iyon, isang bangungot tungkol sa panahong iniligtas niya si Benjamin. Nalulunod siya, walang makapitan, at parang wala na siyang ibang magagawa kundi hintayin ang sariling kamatayan niya.Hindi niya gusto ang mamatay noong mga oras na iyon...Pinagdasal niyang maging ligtas si Benjamin, at sana’y ligtas din siya. Sana, makapiling pa rin niya ito...Sana mahalin din siya ni Benjamin.Pero lumipas ang pitong taon...At mas lalo lamang siyang napalayo rito.Lahat ng pinagdaanan nila sa loob ng pitong taon... parang biro lang para sa kanya.Si Celestine ay napabuntong-hininga. Kinuha niya ang baso sa tabi ng kama at uminom ng tubig, pagkatapos ay
Mapagmataas siya, malamig, at punong-puno ng panlalait. Lalong ikinagalit iyon ni Benedict Salvador. "Si Sir Benjamin Peters, seryoso’t malinaw sa negosyo. Pero pagdating sa pag-ibig, halos wala kang maasahan sa kanya.” May halong ngising sarkastiko si Benedict habang nakahandusay pa sa lupa. Natigilan si Benjamin dahil sa kanyang narinig. Ano raw? Nagpatuloy si Benedict habang nakahiga, di pa rin tinatapos ang kanyang panunukso kay Benjamin. "Narinig ko, nag-divorce ka raw ngayong araw lang?" "At pagkatapos ng divorce, ipinakita mo agad sa buong mundo ang lambingan n’yo ng kabit mo? Sir, mukhang naliligaw ka na sa landas. Hindi dapat ganoon ang inaasta mo. Ano na lang ang mararamdaman ni Celestine?" Kumunot ang noo ni Benjamin. Napangisi si Benedict at sinabayan pa ng pag-irap. Tinanggal ni Benjamin ang paa niya sa pagkakatapak at hinila si Benedict pataas. Pero sa halip na tumigil, sumigaw si Benedict. "Anong meron sa Diana na 'yon na wala kay Celestine? Bulag na bulag
Si Benjamin ang ngumiti nang sarkastiko."Hindi ba’t dapat lang na kumpiskahin ang mga kargamento mo? Alam mo ba kung kaninong kargamento ang kinukuha mo?"Malinaw na ipinagbawal ni Benjamin ang anumang kalakalan mula kay Louis sa Pilipinas.Ipinagbawal niya ang anumang kooperasyon na konektado sa kanya.Pero si Benedict Salvador, pilit pa ring nakikipag-transaksyon kay Louis. Hindi ba’t hayagang panghahamon ito sa awtoridad ni Benjamin?Dahil pinilit pa rin ni Benedict ang gusto niya, huwag niyang sisihin ang kahit na sinuman kung maghiganti si Benjamin sa kanya."Ibalik mo ang kargamento ko, ibabalik ko ang sa’yo," sagot ni Benedict pagkatapos ay tumayo.Tiningnan siya ni Benjamin nang matalim, nagsikip ang mga mata nito at malamig ang tono,"Tinatakot mo ba ako?" Tumawa saglit si Benjamin pagkatapos ay nagsalita ulit. “Sa tingin mo ay nakakatakot ka na niyan?”"Buti alam mo na tinatakot kita," malamig na ngumiti si Benedict sa kanya.Umikot ang ngiti sa labi ni Benjamin.Sa dami ng
Nagbasa pa si Celestine ng comments.“Oh my god, totoong naghiwalay na sila. Akala ko issue lang.”Humabol pa ang isa.“Sayang! Palagi kong iniisip kung gaano kaganda sana ang magiging mga anak nila! Maganda kaya ang lahi nila!” “Nag-divorce ba sila dahil kay Diana? Sana magbigay ng pahayag sina Miss Yllana at Mr. Peters tungkol dito kasi mukhang juicy ang happenings.”“Magkakabalikan pa kaya sila? Mas bagay talaga sila eh. Bagay ba sina Mr. Benjamin Peters at Diana Valdez? Parang hindi, mukhang tukmol ang isang ‘yon, e.”“Eh ganyan talaga ang love life ng mga mayayaman. Hiwalayan, balikan, hiwalayan, balikan. Feeling ko magkakabalikan pa rin ‘yan sa huli… Balita ko, mahal na mahal ni Miss Yllana si Mr. Peters, e. Baka ipaglalaban pa nila ‘yan.”“Para naman sa akin, sana ay huwag na. Sobra na siyang nasaktan ni Mr. Peters. Mas okay kung magmahal naman siya ng iba. ‘Yong taong makukuntento sa kanya at hindi titingin sa ibang babae.”“Dapat mag-dating app na lang si Miss Yllana. Sigura