Pinilipit ni Celestine ang labi. “Sabi ko naman kasi, hindi ako makakapunta.”“Celestine, ano bang kinatatakutan mo sa akin?”“Wala akong kinatatakutan. Ayokong makita ka. Iyon lang naman ‘yon,” mariin niyang sagot.“Natatakot ka lang kasi,” medyo mapanukso ang tono nito.“At bakit naman ako matatakot?”“Baka natatakot kang bumalik dito, maalala mo lahat ng nakaraan, at baka mahirapan ka ulit na umalis.”Nainis si Celestine. “Gusto mo bang ipamukha sa akin na hindi pa ako nakaka-move on sa’yo?”“Kung gano’n… pumunta ka, kung hindi ka talaga takot sa akin.”“Hindi nga ako pupunta sa’yo!”“Kung ayaw mo, ibig sabihin tama ako, natatakot ka pa rin. At mula sa pananaw ko, kung natatakot ka pa rin sa isang lugar, ibig sabihin may attachment ka pa rin dito, sa akin. Kaya Celestine, hindi ka pa rin kasing-laya ng gusto mong ipakita. Ikaw—”Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol siya ni Celestine.“Fine. Pupunta ako na ako dyan.”Napabuntong-hininga siya habang nag-aayos ng buhok. N
Babangon na sana si Rico para ihatid siya, pero sumakit nang husto ang sugat niya.Wala siyang nagawa kundi umupo ulit sa kama at titigan ang papalayong likod ni Celestine. Hindi niya napigilan ang bahagyang ngiti sa labi.Celestine…‘Talagang wala kang pinagbago sa ugali mo noon.’Bumaba ang tingin ni Rico sa tiyan niya.Hindi niya alam kung gaano kaganda o kapangit ang tahi ni Celestine, pero kung masyadong pangit, siguradong maiinis siya.Tumunog ang telepono niya.May lumabas na group message sa messages niya, sa GC na tinatawag na “Gwapo Lang ’Yan”.Sean Vallejo: “Huy, Rico! Nasaan ka? Naghihintay ako sa’yo sa airport nang isang oras!”Rico: “May konting pagbabago sa akin. Naka-uwi na ako, huwag mo na akong hintayin. Okay?Sean Vallejo: “Huh? Pupuntahan na lang kita!!”Rico: “Kasalanan ko kung bakit nangyari sa akin ‘to, nagpapagamot naman na ako. Don't worry.”Sean Vallejo: “Buti na lang si Benjamin hindi sumama. Kung iniwan mo siya nang isang oras, yari ka doon.”Maya-maya, lu
Sa tuwing maaalala niya ang mga salitang iyon, lalong bumibigat ang dibdib niya.Mula noon, kontrolado niya palagi ang sarili. Pero nitong mga nakaraang araw, tila maliit na bagay lang ay kaya nang guluhin ang emosyon niya.Naglabas siya ng sigarilyo, hawak sa pagitan ng daliri. Nang paandarin niya ang lighter, biglang sumulpot sa isip niya ang mukha ni Celestine, nakatitig sa kanya, hindi nagsasalita pero nakakunot ang noo.At sa mga mata nito, parang may nakatagong pakiusap na wag siyang manigarilyo.Huminga nang malalim si Benjamin, pero sa huli, sinindihan pa rin niya ang sigarilyo.Sa ilalim ng malamig na simoy ng hangin, nakatingin siya sa kawalan, sinusubukang gisingin ang sarili.Siguro, para gisingin siya sa totoo niyang nararamdaman para kay Celestine.O baka naman para ipaalala sa sarili niya na hindi siya dapat magkaroon ng kahit anong nararamdaman para kay Celestine.Kailangan niyang pakasalan si Diana.Bumagsak ang tingin niya sa lupa. Lahat ng nangyayari ay ayon sa plan
"Akala mo ba na kung hindi kita kayang galawin noon, wala na rin akong magagawa sa’yo ngayon?" malamig at may halong pang-aasar na wika ni Benjamin, habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Benedict.Sa maraming pagkakataon, pinipili niyang tiisin si Benedict.Pero kung patuloy itong mang-aasar at manunulsol, wala na siyang balak magtimpi pa."Benjamin, huwag mo akong kausapin nang ganyan," malamig din ang tono ni Benedict. Hindi umuurong.Mariing pumikit si Benjamin at napakunot ang noo nang marinig muli ang pangalan ni Celestine sa bibig ni Benedict."Ang ganyang tono, kay Celestine mo lang nagagawa. Siya lang, na tanga, ang hindi susuway sa’yo," dagdag pa ni Benedict, diretsong tumingin sa kanya.Lalo lamang sumama ang loob ni Benjamin nang marinig iyon.Masyadong nagbibigay-pansin si Benedict kay Celestine… parang mas kilala pa niya ito kaysa sa sarili niyang asawa noon.At ang nakakainis pa, tinatawag niya si Celestine sa paraang parang may ibig sabihin. Parang may gusto siya kay
Itinaas ni Benjamin ang kanyang baba at malamig na tinitigan si Benedict, takot na baka siya ay mapaglaruan nito.Hindi naiwasan ni Benedict na hindi ilingon ang kanyang ulo at tumingin kay Celestine.“Halimbawa, si Miss Celestine,” aniya.Celestine rolled her eyes.“Huwag mo akong idamay dyan. Si Diana ang bagay sa kanya, hindi ako.”Alam niya na para kay Benjamin, ay wala siyang halaga. At malinaw na malinaw iyon kay Celestine. Hindi na kailangang ulitin pa.Sinulyapan ni Benjamin si Celestine at nakita niya ang hindi pangkaraniwang katahimikan sa mga mata nito.Kung dati-rati, hahabulin niya ito at tatanungin kung wala ba itong kahit kaunting pakialam sa kanya.Pero ngayon, sa sobrang kalmado nito, hindi siya mapalagay.Ayaw niyang makita na ganun si Celestine pero wala siyang magawa.Bahagyang yumuko si Benjamin at dumilim ang kanyang mga mata.Totoo bang wala siyang pinapahalagahan sa mundong ito?Bakit, nang tanungin siya kanina ni Benedict, hindi si Diana ang unang pangalan na
Nakatitig si Benjamin kay Celestine, para bang takot siyang may mamiss na kahit kaunting impormasyong gustong ibunyag nito sa kanya. Kung anu-ano nasa isip niya.‘Ano nga ba… ang gusto niyang sabihin sa akin?’Alam ni Celestine na nahuli na niya ang interes ni Benjamin.“Anong sinasabi mo, Celestine? Deretsuhin mo na ko. Hindi iyang ganyan ka sa akin.”“Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang totoo?” tanong ni Celestine, alam ni Benjamin, may meaning ang sinabi niyang iyon.“Totoo? Anong totoo? Saan ba?” may inis na sa tono niya.Ngayong gabi ay magandang pagkakataon para sa isang harapang pag-uusap tungkol sa nakaraan.Dahil pagkatapos ng gabing ito, babalik na sila sa kanya-kanya nilang landas. Dalawang direksyong hindi na muling magtatagpo kahit kailan.Pinipigil niya ang buntong-hininga, bahagyang lumapit si Celestine, tumingin nang diretso sa mga mata ni Benjamin, at seryosong sinabi,“Alam mo ba… noon, ikaw ay—Achoo!”Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang bumahing