Share

Chapter 535

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-17 11:57:03

Paglabas ni Celestine mula sa institute, nagkataon na nakasalubong niya ang pinakamalaking investor ng institute, si Alvin Cheng.

Si Alvin Cheng ay isang lalaking nasa 40 years old, tubong Hong Kong. Tatlumpung taon nang nasa vegetative state ang kanyang ama, at ang dahilan kung bakit hindi siya bumibitaw sa pag-invest sa project na ito ay dahil umaasa siyang balang araw, ang mga katulad ng kanyang ama ay magkakaroon ng magandang resulta.

“Celestine, bukas ng alas otso, maghahanda ako ng press conference para sa iyo. Iaannounce natin nang official na ikaw ang bagong mangunguna sa project ng institute. Ano sa tingin mo?”

Naka-suit at leather shoes si Alvin Cheng, makisig, at nagsasalita sa may bahid ng accent ng Hong Kong.

Ngumiti si Celestine sa kanya.

“Kung research and development lang din, hindi naman kailangan ng masyadong engrande iyon.”

“Dahil nga ito ay R&D, mas kailangan nating ipakita sa lahat na hindi tayo sumusuko. Bukod pa roon, tinulungan mo rin noon si Professor na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 556

    “Hoy, Benjamin. Gano’n ka na ba talaga kamanhid? Wala ka na bang nararamdaman para sa babaeng iyon? Kay Diana? Dati, mahal na mahal mo siya, ‘di ba?” Hindi na napigilan ni Sean ang makiusyoso.Nainis si Benjamin.“Tigilan mo nga ang mga sinasabi mo, ang ingay mo at tingnan mo na lang ang exhibition.”“Ano naman ang titingnan dito? Wala man lang isang pirasong kahanga-hanga sa mga alahas na narito.” kontra ni Sean.Sumang-ayon si Benjamin.Hindi lang naman sa exhibition ito ni Rico; halos lahat ng exhibition ngayon, anuman ang industry ay gano’n na rin. Wala nang masyadong maganda.Sobrang dami na ng nakita ng mga tao kaya lumawak na ang kanilang pananaw. Kaya naman, kahit ang mga conservative at classic na design, hindi na gano’n ka-impressive gaya ng dati.“Sige, babatiin ko muna si Louie,” sabi ni Sean.Tiningnan lang siya ni Benjamin, at nang tumalikod si Sean ay nagsalita ito.“Wala ka talagang magawang matino kung minsan.”Hindi inasahan ni Louie na totoong lalapitan siya ni Sea

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 555

    “Hoy, kumusta na kayo ng ex-wife mo?” tanong ni Sean kay Benjamin habang nakapasok ang kamay sa bulsa, tamad ang tono.Nag-swipe si Benjamin ng kanyang ID card at pumasok sa xhibition kasama siya ni Sean.Pagkapasok nila, agad silang nabighani sa tahimik at maliwanag na atmosphere. Sobrang elegante at ang mga makinang na alahas ay agad na nakakaakit ng mata.“Ayan na ‘yon,” sabi ni Benjamin sabay tuloy sa loob.Umirap si Sean.“Lahat sila, lumuhod sa kanya.” Pang-aasar ni Sean kay Benjamin.“Ah, alam mo rin pala ‘yon.” Tuloy lang sa paglalakad si Benjamin, kalmado ang tono, wari bang walang pakialam sa sinabi ni Sean sa kanya.“Ikaw ang tinutukoy ko. No’ng mahal ka ni Celestine, iniwasan mo siya at pinilit ang divorce. Pero ngayong pumayag na siyang hiwalayan ka at gusto na niyang lumayo, ikaw pa ang humabol sa airport at lumuhod para magmakaawa… Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo!”Lumingon si Benjamin at tiningnan siya nang malamig.Maingay pa rin si Sean.Sobrang ingay.“Nakakaini

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 554

    “Si Celestine, parang mas gumanda ang mood niya mula nang makipaghiwalay siya kay Benjamin.”“At least, hindi na siya tulad ng dati na laging balisa at napapabuntong-hininga.”“Buti naman! Pero siya ba ay pupunta sa jewelry exhibition?”“Oo, pupunta siya!” Malakas ang pagtango ni Nancy kay Wendell.Doon lang tuluyang nakahinga nang maluwag si Wendell.Bilang ama, ang tanging hangarin lang niya ay ang pinakamainam para sa kanyang anak.Tungkol sa iba pang bagay, kung masaya man o malungkot sila, wala na iyong kinalaman sa kanya.Nang sinaktan ni Benjamin si Celestine noon, hindi man lang niya inisip ang damdamin nito. Kaya ngayon, wala rin siyang dapat isipin kundi ang kapakanan ng anak.***“Ang kauna-unahang jewelry exhibition ay gaganapin na sa lalong madaling panahon. Umaasa kaming makakakuha ito ng inyong suporta.”Kinabukasan, umere sa TV ang pinakabagong balita.Habang kumakagat ng tinapay, napatitig si Celestine sa mapang-asar na mukha ni Rico sa TV. Napataas ang kanyang kilay

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 553

    Sa isang bangko.Ipinapaikot-ikot ni Benjamin ang kanyang cellphone sa kamay. Paminsan-minsan ay sumisilip siya kay Wendell na nakaupo sa tabi niya. Tumingin din si Wendell kay Benjamin. Nagtagpo ang kanilang mga mata at agad na ibinaba ni Benjamin ang kanyang tingin. Ngumiti si Wendell. “Hoy, akala ko dati napakataas ng tingin mo sa sarili mi. Kahit naging manugang ka na ng pamilya Yllana, ganyan ka pa rin.” Ngayon lang niya nakita si Benjamin na ganoon kakabado at medyo nakaka-asiwa rin iyon. Kumibot ang labi ni Benjamin, halatang hindi alam kung paano magsisimula. Isa pa, may problema siya, hindi niya alam kung paano tatawagin si Wendell. Noon, tinatawag niya itong biyenan niya. Pero ngayon, hindi na nararapat na iyon pa rin ang tawag niya. Dapat ba akong tumawag ng Tito? O ano ba… “Tito na lang,” nakangiting sabi ni Wendell, “lamang ako kapag tinatawag mo akong Tito.” Totoo, malaking bagay na matawag siyang Tito ni Benjamin. Mahinang nag “hmm” si Benjamin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 552

    Mataimtim na tiningnan ni Celestine ang dalawa nang may pagkainis, saka sila iniwasan at dumiretso sa waiting shed ng bus. Kung dati iyon, hindi siya magdadalawang-isip na sumama kay Benjamin. O kaya naman, para pagselosan siya nito, baka piliin niyang sumama kay Rico. Pero tapos na si Celestine sa mga ganung biro ng panunukso at pagpapahabol kay Benjamin. Wala na talaga siyang maramdaman na kahit ano rito. “Celestine, tumatakas ka ba sa akin?” biglang tanong ni Rico. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa bus kahapon?” Na wala na talagang posibilidad sa pagitan nila ni Benjamin. Pero ngayong pinapapili siya, bakit niya kailangang tumakbo palayo at walang piliin sa kanilang dalawa? “Hindi ako tumatakas, ayoko lang masangkot sa inyong dalawa dahil nakakainis kayo!” mariing sagot ni Celestine habang tinititigan si Rico. Gusto niyang tigilan na siya nito, dahil nakakainis na talaga. Sakto namang dumating na ang bus at agad na sumakay si Celestine. Saglit siyang tumingin sa laba

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 551

    Paglingon ni Celestine papunta sa waiting shed ng bus, napansin niyang may nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada. Nakasandal si Benjamin sa sasakyan, may hawak na sigarilyo. Pag-angat ng kanyang paningin, nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig ang buwan ng Nobyembre, bahagyang nanginig ang mga tuyong sanga sa ihip ng hangin. Umihip din ito ng hangin sa buhok ni Celestine, tumabing sa kanyang pisngi. Bumuga ng usok si Benjamin, saka tumayo, pinatay ang sigarilyo at itinapon sa basurahan. Napakunot ang noo ni Celestine at mahigpit na isinara ang kanyang coat, ipinapakita na ayaw niyang bigyang pansin ang lalaki. Lumapit si Benjamin, may bahagyang amoy ng yosi sa kanyang katawan. Hindi pa naman siya matagal na naninigarilyo, kaya’t hindi ganoon kalakas ang amoy. Pero hindi pa rin iyon nagustuhan ni Celestine. “Tapos ka na ba sa trabaho?” tanong nito, mahinahon. Bahagyang tumango si Celestine at tumingin sa kanya. “Ang sakto naman, Mr. Peters. Pauwi na ako at nandito ka pa rin.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status