Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 96: Bleeding

Share

Chapter 96: Bleeding

Author: SQQ27
last update Petsa ng paglalathala: 2024-09-12 20:36:16

Ilang araw na nagpasalamat si Claire dahil hindi na siya ginugulo ni Veena. Ang buong akala niya ay susugurin na naman siya nito dahil sa pagbabanta nito noong nakaraan. Nagpatuloy siya sa pagiging apprentice ni Mr. Campbell at dahil ayaw ni Manson na pagtrabahuin siya nang mabibigat na bagay ay nag-concentrate siya kung paano palawakin ang galing niya sa pag-appraise ng mga produkto para malaman kung peke o tunay.

“Claire, halika rito. May ibibigay ako na magugustuhan mo.”

Napahinto sa ginaga
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
goodnovel comment avatar
SQQ27
Wait po, kakatapos lang ng work
goodnovel comment avatar
Jenny Barrun Capariño
Anyari tgal ng update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 268: Before Meal

    NextHabang nagpapagaling ay nanatili muna si Equinox sa bahay ni Lucas. Ni hindi niya pinaalam sa kapatid na nakatakas siya sa kamay ni Vestrude hangga’t hindi niya napapatunayan na mali ang kanyang hinala. Nirespeto naman ni Lucas ang kanyang desisyon at pinagsabihan din nito ang kapatid na si Austin, maging ang ibang kasamahan na kasamang mag-rescue sa kanya, na huwag ipaalam sa iba ang tunay niyang kalagayan. “Pero paano ang daddy mo, baby?” marahang tanong ni Lucas habang hinahaplos ang kanyang buhok. Nasa veranda sila habang magkatabing pinagmamasdan ang paglubog ng araw at naghihintay sa delivery ng in-order nilang pagkain. “Sigurado akong nag-aalala na siya sa ‘yo,” dagdag pa nito. Inihilig ni Equinox ang ulo sa balikat ng kasintahan at marahang bumuga ng hangin bago sumagot. “My dad loves me, pero alam kong wala rin siyang alam sa nangyayari. Let them worry for me. Sigurado akong sinabihan na iyon ni Quinny kung ano ang sitwasyon ko ayon sa nalalaman niya.” “Gusto mo bang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 267: Friend or Foe?

    Next:“Oo,” matigas na sagot ni Equinox. Lumingon siya at matalim na sinalubong ang matiim na titig ni Lucas. “Bakit pa ako maghihintay kung alam ko naman na hindi ka darating? Mahal kita, Lucas, pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na balutin ng lungkot ang buong buhay ko.”.Malalim na humigit ng hininga si Lucas at mahigpit na niyakap si Equinox. “I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit mo naisip 'yan, pero ayaw ko lang ilagay ang buhay mo sa panganib, Equinox. Huwag kang mag-alala dahil nahuli na ang taong gustong pumatay sa ‘yo. Hindi na kita iiwan. Palagi akong nandito para sa ‘yo.” Hindi inalis ni Equinox ang tingin kay Lucas. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang luha. Ang mga mata ay puno ng katanungan pero pinapakita rin niya roon kung gaano niya kamahal ang lalaki.“Kaya mo naman akong proteksyunan kahit hindi mo ako iwan, hindi ba?”Umiling si Lucas. “No. Kung hindi kita palihim na binabantayan ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa ‘yo. Ilang beses na may nagtangka sa buhay

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 266: Talk

    Next“Bakit hindi ka makasagot, Lucas? Humigpit ang pagkakahawak ni Equinox sa damit ni Lucas. “Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka umalis at kung bakit iniwan mo ako!” Hindi tumigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Equinox habang nakatitig kay Lucas. Ngunit ang lalaki ay nanatiling tahimik habang walang imik na tinulungan si Equinox na isuot ang helmet at seatbelt nito. Nang maayos na ang lahat ay saka niya hinarap ang tanong ng kasintahan. “Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, at kahit may dahilan ako, ay alam kong hindi mo agad ako mapapatawad… Hindi niya maituloy ang iba pang sasabihin. Humugot siya nang malalim na hininga at saka sinalubong ang matiim na tingin ng kasintahan. “Nakahanda akong makinig, Lucas.” Nagbaba ng tingin si Equinox. “Nagtatampo ako sa ‘yo sa pang-iiwan mo sa akin, ngunit hindi ako galit. Nakahanda akong tanggapin kung ano man ang rason mo. Gusto ko lang sana marinig mula sa ‘yo na may halaga pa rin ako sa ‘yo.”Ipinikit ni Lucas ang mg

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 265: Saved

    Next:“Boss! Pinasok tayo ng kalaban!” Biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok ang tauhan ni Vestrude. Agad na dumilim ang mukha ni Vestrude at matalim ang tingin na nilingon ang nang-istorbo sa kasiyahan niya. “Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako? Gusto mo bang gitlin ko ang leeg mo?” Ngunit habang nagsasalita ay hindi na hinayaan ni Vestrude na makasagot ang tauhan at mabilis na bumaba sa kama, saka kinuha ang itak na nakasabit sa gilid ng pintuan at walang habas na tinaga ang leeg ng bagong dating. “Alam ko, you idiot! Pero sa tingin mo ba ay hahayaan ko ang Lucas na iyon na makuha sa akin si Equinox na hindi siya natitikman? Pwe!” Dinuraan pa nito ang walang buhay na katawan ng tauhan na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo dahil sa tama nito sa leeg. Samantala, bahagya lamang nakaginhawa si Equinox nang umalis sa ibabaw niya si Vestrude, pero nang makita kung paano nito tinaga sa leeg ang tauhan nito ay uli na naman siyang pinagpawisan nang malapot. Tinang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 264: Operation Saving Equinox 2

    Next:Imbes na matakot sa pagbabanta ni Kit ay malakas na tumawa si Lucas. “Sa tingin mo ba, porke’t hawak niyo si Equinox ay matatakot na ako sa ‘yo?” Tumalim ang kanyang titig. “Kung isang kagaya mong daga na nagtatago sa kanyang lungga ang haharap sa akin ay hindi kita katatakutan. Let’s see, who will end up in whose hand!”Nabasag nang malakas na tawa ang tahimik na gabi. Kahit ang huni ng kuliglig at ang manaka-nakang huni ng ibon ay natakpan dahil sa lakas ng halakhak nito. “Kung ganu’n, ay ipapakita ng daga na ito kung ano ang kaya niyang gawin!” Mabilis na iniwas ni Lucas ang katawan nang mabilis na bumunot ng baril si Kit at pinaputukan ang paa niya. Dahil agad siyang nakaiwas ay ang lupa na kinatatayuan niya kanina ang natamaan nito. Mula nang pinalibutan siya ng tauhan ni Kit ay mas lalo pa siyang naging mapagmatyag kaya naman alam niya ang bawat kilos ng mga kaharap na kalaban. “Not bad, Del Vega. Let me play with you for a bit then!”Ngunit wala nang oras si Lucas na m

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 263: Operation Saving Equinox

    Habang labis na nag-aalala si Equinox kung iliigtas siya ni Lucas, ang lalaking iniisip niya ay abala rin sa paghahanap kung nasaan siya.“Check all the nearby cameras. Siguraduhin niyo na bawat kanto ay walang kawala ang lalaking iyon.” Habang nagsasalita si Lucas ay mabilis ang kanyang kamay sa paglagay ng armas sa kanyang katawan. Matapos tawagan ang iba pa nilang kasamahan sa ahensya ay nagtagpo sila ng mga ito sa kanilang hideout, sa opisina ng kanilang hacker na si Rick. Sa harapan nito ay ilang screen ang nakapalibot kung saan naka-display ang na-hack nilang CCTV camera. Katulong nito si Georgina, na isa ring tanyag na hacker sa grupo nila. “Here,” marahang wika ng dalaga kapagkuwan. Agad na lumapit si Lucas at tumayo sa likuran nito. “Where are they?”“Entering the vicinity of an off road.” Mabilis na kumilos ang daliri nito at tumipa sa keyboard. Ilang segundo lang, lumabas sa screen nito ang isang sasakyan na kakaparada pa lamang sa isang hindi kalakihang bahay sa isang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Twenty-five: Kiss

    Bago pa tuluyang lumalim ang halik ni Manson ay bigla na lang siyang itinulak ni Claire. Pero hindi nagbago ang malamlam na awra sa mga mata niya. Ang kamay na nakahawak sa pisngi ni Claire ay lumandas pababa sa beywang ng asawa at hinigit ito papalapit sa kanya. “Bakit mo sinabi kay Claude na magpi

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Twenty-four: Feed you

    Mapait na napatawa si Claire nang marinig ang akusasyon ni Manson tungkol kay Lucas. Lalo lang nadagdagan ang inis niya sa asawa dahil sa ginawa nito. Ang dahilan kaya siya umalis sa ospital nang hindi nagpapaalam dito ay dahil nakita niya ang bakat ng lipstick sa kuwelyo nito. Alam niyang nang araw

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Twenty-three

    Hindi makapaniwala si Manson na blacklisted siya ng asawa. Ilang beses pa niyang sinubukang tumawag pero paulit-ulit lang na ang mechanical na tunog ng babae ang sumasagot sa kanya.“Fuck!” he loudly cursed and gripped the phone tightly. Nahilot niya ang sentido upang pagaanin ang ulo na unti-unti na

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Twenty-two : Blacklisted

    Hindi napansin ni Claire ang pagdilim ng mukha ni Manson dahil sa pagdepensa niya sa pangalan ni Lucas. Kahit ang pagbago ng reaksyon ng asawa ay hindi niya pansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa larawan sa cellphone nito. “Lalabas lang ako sandali,” paalam ni Manson at tumayo. Walang emos

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status