Nana is Manson’s grandmother. Gustong-gusto nito si Claire mula nang unang araw na ipinakilala ito rito ng lalaki. Nang makarating sa mansion ng matanda ay mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya samantalang isang matalim na tingin ang ibinigay nito kay Manson. Mahigpit din itong niyakap ni Claire.
“Nana, bakit n’yo po ako pinatawag?” Tanong ni Claire nang makaupo na sila sa sofa. Ayaw sanang magtagal dito ni Claire dahil habang tumatagal siya sa poder ng lola ni Manson ay lalo siyang nasasaktan. Ayaw niyang biguin ang matanda kapag ma-process na ang divorce nila ni manson. “Nabalitaan ko na bumalik na ang walanghiyang babaeng ‘yon kaya’t hindi ka na nakatira sa bahay ni Manson? Ang kapal talaga ng mukha!” Bumaling ito sa apo nito na tahimik na nakikinig habang nakayuko. “Matapos ka niyang iwan noong may kapansanan ka ngayon babalik na lang siya basta-basta at sisirain ang pagsasama niyo ni Claire? Hindi ako papayag.” Nagtaas ng tingin si Manson. His stubborn look stared at his grandma. “La, hindi kasalanan ni Veena kung bakit siya umalis. It was her mother’s. Hanggang ngayon pinagsisihan pa rin niya ang nangyari kaya nagkaroon siya ng depresyon.” Biglang napahawak sa dibdib ang matanda at dinalahing ng sunod-sunod na ubo. “Hindi ko alam kung saan ka nagmana ng katigasan ng ulo, Lar Manson. Kahit suwayin mo pa ang gusto ko at makipagbalikan ka sa babaeng iyon ay hindi ako papayag. Dito kayo titira sa bahay ko hangga’t hindi ni’yo ako nabibigyan ng apo ni Claire.” “Pero, La—“ “Wala nang pero-pero. Kasal kayo ni Claire at obligasyon ni’yo na bigyan ako ng apo.” Manson glared at Claire and Claire lowered her eyes. Bakit ka nakatingin nang masama sa akin? Wala akong kasalanan. Tahimik na sigaw ng puso niya. Nasasaktan siya kung paano siya tratuhin ni Manson pero wala siyang magawa kundi kimkimin iyon. Biglang tumunog ang cellphone ni Manson at matapos tingnan kung sino ang tumawag ay mabilis nito iyong sinagot. “Hello, tita?” Manson stopped talking as he listened to the person speaking on the other line. “Manson, iho. I’m so sorry to call you this early. Pero kailangan ka ni Veena. Iho,” hindi natuloy ang sasabihin ng ginang dahil bigla itong humagulhol. Binalot ng pag-aalala ang puso ni Manson. “Tita, calm down. Ano po’ng nangyari?” “Veena tried to kill herself again, iho. Nandito kami sa ospital.” Mabilis na tumayo si Manson. “I’m coming over, Tita.” “Saan ka pupunta?” Biglang tanong ng kanyang lola na nagpapigil sa biglang pag-alis ni Manson. “Nasa ospital si Veena,” nagmamadali ang boses na sagot ni Manson at nagmano sa lola pero hindi ito tinanggap ni Nana. “Manson, may asawa ka na. Bakit ka pa pupunta sa babaeng ‘yon? Kung may nangyari man sa kanya hindi mo na obligasyon ‘yon!” Dumilim ang mukha ni Manson at nakuyom nito ang kamao upang pigilan na sagutin si Nana. “I am going, Nana.” Hindi umimik ang matanda kaya namagitan si Claire. “Sasamahan ko si Manson bago dumiretso sa trabaho ko, Nana.” Umalis ang mag-asawa sa mansyon na walang kibuan. Halata ni Claire ang pag-aalala sa mukha ni Manson kaya hindi niya ito inabala hanggang sa makarating sila sa ospital. Pero nang makita ni Claire ang babaeng tinitibok ng puso ni Manson ay napatda siya at halos hindi makaalis sa pintuan. The woman was lying on the bed with a drip on her right arm. Her skin is pale, and she is skinny, but that didn’t hide her looks. Ngayon ay naiintindihan na ni Claire kung bakit siya ang napili ni Manson na maging asawa nito. They clearly look alike. Mapait siyang napangiti at akmang tatalikod pero hinawakan siya sa braso ni Manson at pinaupo sa pang-isahang sofa. Hinawi pa nito ang buhok na nakatabing sa mukha niya saka marahang hinaplos ang pisngi niya. “Stay. Ihahatid kita sa trabaho mo pagkatapos nito.” Tumango si Claire at sumulyap kay Valeen na tumaas ang kilay nang magtagpo ang mata nila. “Maraming salamat at pinayagan mo si Manson na puntahan ako. Claire, right?” Nawala ang taray sa mata nito at naging malambing ang boses nang lumapit dito si Manson. Pinilit nitong bumangon at umupo kaya agad itong dinaluhan ng huli.. “Valeen, you should not strain yourself. Baka hindi pa kaya ng katawan mo.” Habang pinagmamasdan ni Claire ang dalawa na nag-uusap ay lalong kumikirot ang kanyang puso na parang pinipiga. Nahihirapan siyang huminga pero pilit niyang pinakalma ang sarili. “Valeen suffered from depression after I forced her to come with me to the US. Kasalanan ko ang nangyari at hindi ng anak ko. Huwag ka sanang magalit sa kanya, iha.” Lumipat ang tingin ni Claire nang may narinig na nagsalita sa tagiliran niya. It was Valeen’s mother. Sa sobrang abala niya sa pagmasid sa dalawa ay hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ang ginang. Hindi siya sumagot dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang hindi alam ni Manson, dahil abala ito sa pakikipag-usap kay Valeen ay tahimik na umalis si' Claire. She hailed a cab and went to work alone. Malapit na siya sa pinagtatrabahuan nang tumawag sa kanya si Manson pero hindi niya ito sinagot. “Miss Claire, buti naman nakarating ka na. Kanina pa naghihintay sa ‘yo si Boss,” bati sa kanya ng assistant ng botique na pinapasukan niya. “Pasensya na, kuya. There was an emergency on my way here, that's why I'm late,” paliwanag ni Claire at sumunod sa lalaki papasok. Buong araw na abala si Claire sa ginagawa kaya't kahit papaano ay nakalimutan niya ang tagpo kaninang umaga. Pero paglabas niya ng botique ay isang lalaking nakasuot ng three piece suit ang naghihintay sa kanya habang nakasandal sa sasakyan nito. It is a blue McLaren and the man itself is as handsome as the car. Who else could it be besides Manson? The man who always makes Claire's heart race.Next:Ngumiti si Equinox nang marinig ang sinabi ni Lucas. Imbes na ma-discourage ay lalo pa siyang ginanahan na habulin ito. She was born a fighter. Kaya siya nananalo sa mga kompetisyon dahil palaban siya. At hindi siya basta-basta susuko dahil lang sa sinabi ni Lucas na tumigil na. Tumayo siya nang tuwid at hinarap ito na may buong paninindigan. “Sorry, pero kahit ano ang sasabihin mo ay hindi kita susukuan. Nasa bakasyon ako ngayon at ilang araw na lang ay babalik na ako sa training kaya sa loob ng araw na iyon ay hayaan mo akong amuin kita.”Napanganga si Lucas sa sinabi ng dalaga at naalala niya ang sarili noong panahong siya pa ang humahabol kay Claire. There was obviously no chance for him, but he kept pestering her. Alam niya kung ano ang feeling ng isang unrequited love. It was painful, and he didn't want this woman to experience that. Napakaganda nito para lang masaktan dahil sa pag-ibig na nabigo. Ayaw niyang sundan nito ang yapak niya. Kaya naman, bago pa lumago kung an
Next: Pakiramdam ni Equinox ay isang taong yelo si Lucas dahil may mga pagkakataon na malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ramdam niya rin na tila hindi pa ito naka-move on sa unang babaeng minahal nito. At alam niyang si Claire iyon, ang asawa ng kapatid nitong si Manson del Vega. pero hindi siya susuko. As an athletic person, she was born with perseverance and patience. Hindi siya basta-basta susuko. Kaya naman nang muli siyang magkaroon ng pagkakataon na makasama si Lucas ay agad niya iyong tinanggap. It was always Mr. Perrie arranged the meet-ups, but Equinox still accepted it. Ganoon niya kagusto si Lucas. Mula pa noong makita niya ito sa New York, ay hindi na ito mawal-wala sa isip niya. Tonight, Lucas and his brother, Austin, were in a barbecue stall, a simple restaurant outside the city. Nag-commute siya papunta roon dahil gusto niyang ihatid siya ni Lucas pauwi. Oh, hindi ba, clever? Napangisi siya sa naisip. Nang makarating nga sa barbeque restaurant ay agad niyang
Next:Ang akala ni Lucas ay kaya niyang tanggihan si Equinox pero hindi. Nang muli itong magyaya na lalabas sila ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama. Narito sila ngayon sa farm ng kaibigan ng babae kasama si Meesha at Vincent dahil na rin iyon sa pagungulit ng kapatid niya. Gusto raw nitong mag-horseback riding at agad namang pumayag si Equinox. Ngayong nakita ni Lucas kung gaano kagaling sa pangangabayo ang dalaga ay mas lalo pa siyang humanga rito. His throat even felt dry while watching her race with Meesha. The girl looked so stunning sitting on top of her horse. Nang makabalik ang dalawa ay hindi man lang ito nakitaan ng takot at pagod pero ang kapatid niya ay sumuko na. “I will leave you two here. Pagod na ako. I need my boyfriend,” reklamo nito saka mabilis na bumaba ng kabayo nito at ibinigay ang tali sa caretaker upang ito ang magdala sa kwadra. Habang si Meesha ay nagtatakbo nang pumunta sa boyfriend nito. Naiiling na nangingiti si Lucas sa isinawi ng kapatid. “How’s
Next It was a Friday night when Manson and Lucas went to an exclusive restaurant for VIPs. kilala ang restaurant na ito na nagke-cater lamang ng reservations at iilang tao lang ang ina-accomodate tuwing araw. Ito ang unang beses na makipag-blind date si Lucas sa babae na hindi naman niya kilala. Noong nasa misyon siya ay may mga babae siyang nakakaulayaw, pero iba pa rin ngayon dahil ito ang pagkakataon na magtatakda kung magugustuhan niya ang babae o hindi. He was only assured when Manson told him that the girl knew about him. Pero hindi niya kilala ang babae kaya may kaba pa rin siya bagama’t hindi niya iyon maaaring ipakita kay Manson at baka kantiyawan siya nito. “Don’t be so tense, Lucas. Act natural.” At hindi nga nakaligtas sa mapanuring tingin ni Manson ang kaba niya. “Parang hindi naman kita kapatid,” mahinang napatawa si Manson.Ang buong akala ni Lucas ay hindi napansin ng kapatid kung gaano siya kinakabahan na parang hindi isang lalaki. Inirapan niya ito habang ang dalir
Next:“Claire? How are you?” malamlam ang boses na tanong ni Lucas kay Claire nang sagutin nito ang tawag. Nasa auction house siya ngayon kaharap ang isang malaking painting at mataman iyong pinagmasdan. “Lucas? I’m good. How are you? Bakit ang aga-aga napatawag ka?” Agad na sumeryoso ang mukha ni Lucas. Pagdating sa mga produkto na ini-auction sa Amore ay binubuhos niya ang buong atensyon niya doon. “Pasensya na kung naistorbo kita, Claire. May gusto akong ipasuri sana sa ‘yo. There was a painting that is up for auction here. Pero hindi ako kumbinsido na isa itong authentic. At si Austin naman, alam mo namang ang espesyalidad ng lalaking iyon ay hindi painting. Ang sabi ng appraiser ay authentic ang painting na ito, but I doubt it. Something is wrong with this painting. I just couldn’t grasp what it was.”“Hmm… I get it. Nasaan ka? Ako na ang pupunta diyan dahil paalis din ako maya-maya lang.”Lucas placed the painting on top of the table and left the display room. Nadaan niya ang
NextAng mga sumunod na araw ay iginugol nina Manson at Claire sa Australia para sa kanilang honeymoon. The two were enjoying their happy married life. Hindi lang iyon ang magandang nangyari. Nang bumalik sila sa Pilipinas naging maayos na rin ang trato ni Mister Perrie sa kanila. Ibang-iba na ito noon na laging minamata ang pagiging mahirap ni Claire. Ngayon ay tanggap na tanggap na siya ng ama ni Manson at ito pa ang nagmamadali na magkaroon sila ng anak. Bagama’t lagi itong nakikipagsagutan kay Khaleed, hindi pa rin maitatanggi na masaya na ang lahat. Kahit si Austin ay close na rin sa pamilya del Vega. Isang umaga, nagising si Claire na bahagyang nahihilo at tila hinahalukay ang sikmura. Mabilis siyang bumangon at muntikan pang mapabuwal. Mabuti na lang at naabutan siya ni Manson kaya inalalayan siya nito na puno nang pag-aalala ang mukha. “Claire, ayos ka lang ba? Ano’ng nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng asawa. Hinawakan siya nito sa beywang upang hindi siya mabuwal at