“Bakit mo ako iniwan kanina?” Madilim ang mukha na tanong nito habang nakasalikop ang braso sa harap ng dibdib.
Alanganin ang ngiti ni Claire. Pagod siya dahil maraming customer ang nabalitaan ang pagbabalik niya sa trabaho kaya't mabilis ang mga itong nag-book ng schedule para magpagawa ng alahas sa kanya. Even the royalties from the other countries contacted their boutique. Ganoon siya ka-famous. “Bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na ni Veena at tangkain na naman niyang saktan ang sarili niya.” Hindi alam ni Claire kung lumabas ang sama ng loob niya sa pagkakasabi niya pero hindi niya kayang pigilan ang sarili. She is hurting, but it was her fault and there's no one to blame. “Bakit mo tinatanong kung nandito ako? May obligasyon ako sa ‘yo. Asawa mo ako at sinusundo kita dahil may dinner sa bahay ni lola at pinapatawag ka niya.” “Hindi ba magdi-divorce na tayo? Bakit tinatrato mo pa rin ako nang ganito? Simula nang sinabi mong magdi-divorce tayo wala ka ng obligasyon sa akin.” Nanlilisik ang mata na lumapit sa kanya si Manson at mahigpit siyang hinawakan siya sa braso. “Bakit? Dahil ba sa Lucas na ‘yon?” Pinaikot siya ni Manson at nagkaharap silang dalawa. “Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan kung bakit ang bilis mong pumayag na mag-divorce tayo. Ang Lucas ba na ‘yon? Ang lalaking hanggang ngayon ay laman ng panaginip mo?” Claire took in a deep breath to try to calm her erratic heart. “Manson, nagkakamali ka ng iniisip. Puwede ba bumalik na lang tayo sa mansyon ni Nana?” Hinila siya ni Manson at mahigpit na niyakap. “I’m sorry, Claire. Ayaw kong nasasaktan ka. Pasensya na kung nasabi ko iyon.” Hindi sumagot si Claire at hindi niya rin ibinalik ang yakap nito. Sumakay sila sa kotse at bumiyahe patungo sa mansyon ni Nana at nang makarating doon ay sinalubong sila ng mag-asawa na tuwang-tuwa dahil magkasama sila ni Manson. Buong dinner ay tungkol sa magiging apo ng mga ito ang naging paksa. Parehong tahimik sina Claire at Manson dahil alam nila pareho na imposible iyong mangyari dahil kay Veena. “Are you mad at me?” Manson’s voice whispered beside Claire’s ear, making her feel hot. Amoy niya ang mabangong hininga nito dahil sa toothpaste at hindi niya kayang itanggi na gustong-gusto niya iyon. Malawak ang kama pero mas lumawak pa iyon dahil halos isiksik ni Manson ang sarili nito kay Claire. “Gusto mo bang pagbigyan si Nana? Paano kung sundin na lang natin ang gusto niya at bigyan siya ng apo?” Claire sucked in her breath. Iisa lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nasabi iyon ni Manson. Dahil once na magkaanak sila nito ay iiwan na siya nito nang tuluyan at babalik ito kay Veena. “Dahil kay Veena? Gustong-gusto mo na siyang makasama?” Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Nasaktan siya nang husto sa sinabi ni Manson. Ang kamay niya ay mahigpit na napakapit sa comforter. “N-no, Claire. I just wanted to make Nana happy. May pinagsamahan naman tayo ‘di ba? Siguro hindi naman mahirap sa ‘yo na pagbigyan ang hiling ni Nana.” Mahina siyang napatawa nang mapait. What did she do in her past life that she deserves this kind of punishment? Kinaumagahan ay maagang nagising si Claire at iniwan si Manson na natutulog pa sa kuwarto. Madilim pa sa labas at kahit ang mga kasambahay ay hindi pa rin mulat. Tahimik siyang lumabas at nag-order ng taxi para magpahatid sa botique. Twenty-four hours ang botique nila para sa mga empleyado lalo na kung may tinatapos silang rush orders. Hindi pa siya nakakarating sa entrance ng botique nang biglang may humarang sa kanya na dalawang kalalakihan na tila may masamang balak dahil sa uri ng pagkakatingin ng mga ito sa kanya. Parehong malalaki ang katawan ng mga ito at alam ni Claire na hindi niya kayang lumaban. Gayunpaman ay pilit niyang pinakalma ang sarili upang makapag-isip ng ayos kung paano tumakas. Hindi na ito bago sa kanya. “Ano’ng kailangan ni’yo?” kalmadong tanong niya. Walang saysay kung magpakita siya ng takot. The blue t-shirt guy held a dagger in his hand and he played it skillfully while answering Claire. “Sumama ka sa amin. Hihiramin ka lang ng Boss namin ng isang linggo.” “Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan,” sagot ng kasamahan nito. “Iyon ay kung sasama ka sa amin ng matiwasay.” “Saan n’yo ako dadalhin?” “Huwag ng maraming satsat. Magpaalam ka na sa pamilya mo na hindi ka uuwi sa inyo ng mga isang linggo. Kung ano ang dahilan ikaw na ang bahala roon!” Ang naunang lalaki ang sumagot kay Claire. Kung kanina ay hindi pa siya kinakabahan, ngayon ay nagsimula nang magrambulan ang daga sa dibdib niya. Kahit nanginginig ang katawan ay pilit niyang tinawagan ang kanyang ina. Gusto niyang tawagan si Manson pero ayaw niya itong istorbohin dahil mas nanaisin pa nitong makasama si Veena keysa ang iligtas siya. Pinasakay siya ng dalawang lalaki sa kotse at piniringan kaya hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito. Basta matapos siyang ikulong sa isang silid ay hindi na siya binalikan ng mga ito. Ang tanging bilin sa kanya ay sundin ang ipinautos ng Boss ng mga ito at makakalaya siya nang maayos. *** “Bakit mo namang hinayaang makauwi si Manson sa kanila at kasama pa ang babaeng iyon? Paano kung hindi mo na siya makukuha ulit? Paano na lang ang negosyo ng daddy mo?” “Mom, relax. I got things under control. Mapapasaakin muli si Manson in no time.” Malawak ang ngiti na sagot ni Veena sa ina. Her face screamed wickedness. Ni hindi halatang may depresyon ito o nagpapanggap lang kapag kaharap si Manson. “Huwag kang magpakumbinsi, anak. Masiyadong mabait ang babaeng iyon para iwan ni Manson. Baka maaberya ang plano mong agawin siya.” Isang ngisi ang isinagot ni Veena at bumalik sa pagkakahiga sa hospital bed. She is well enough to be discharged, but it will cut her drama. Hindi pa tapos ang plano niya. “Don’t worry, mom. Ako ang mahal ng lalaking iyon. Hindi pa ba sapat sa inyo na lagi siyang nandito sa tabi ko kahit hindi pa proseso ang divorce nila ni Claire? Alisin mo na ang pag-aalalang ‘yan sa puso mo dahil habang nag-uusap tayo ngayon ay sinisigurado ko nang hindi babalikan ni Manson si Claire.”Next:Ngumiti si Equinox nang marinig ang sinabi ni Lucas. Imbes na ma-discourage ay lalo pa siyang ginanahan na habulin ito. She was born a fighter. Kaya siya nananalo sa mga kompetisyon dahil palaban siya. At hindi siya basta-basta susuko dahil lang sa sinabi ni Lucas na tumigil na. Tumayo siya nang tuwid at hinarap ito na may buong paninindigan. “Sorry, pero kahit ano ang sasabihin mo ay hindi kita susukuan. Nasa bakasyon ako ngayon at ilang araw na lang ay babalik na ako sa training kaya sa loob ng araw na iyon ay hayaan mo akong amuin kita.”Napanganga si Lucas sa sinabi ng dalaga at naalala niya ang sarili noong panahong siya pa ang humahabol kay Claire. There was obviously no chance for him, but he kept pestering her. Alam niya kung ano ang feeling ng isang unrequited love. It was painful, and he didn't want this woman to experience that. Napakaganda nito para lang masaktan dahil sa pag-ibig na nabigo. Ayaw niyang sundan nito ang yapak niya. Kaya naman, bago pa lumago kung an
Next: Pakiramdam ni Equinox ay isang taong yelo si Lucas dahil may mga pagkakataon na malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ramdam niya rin na tila hindi pa ito naka-move on sa unang babaeng minahal nito. At alam niyang si Claire iyon, ang asawa ng kapatid nitong si Manson del Vega. pero hindi siya susuko. As an athletic person, she was born with perseverance and patience. Hindi siya basta-basta susuko. Kaya naman nang muli siyang magkaroon ng pagkakataon na makasama si Lucas ay agad niya iyong tinanggap. It was always Mr. Perrie arranged the meet-ups, but Equinox still accepted it. Ganoon niya kagusto si Lucas. Mula pa noong makita niya ito sa New York, ay hindi na ito mawal-wala sa isip niya. Tonight, Lucas and his brother, Austin, were in a barbecue stall, a simple restaurant outside the city. Nag-commute siya papunta roon dahil gusto niyang ihatid siya ni Lucas pauwi. Oh, hindi ba, clever? Napangisi siya sa naisip. Nang makarating nga sa barbeque restaurant ay agad niyang
Next:Ang akala ni Lucas ay kaya niyang tanggihan si Equinox pero hindi. Nang muli itong magyaya na lalabas sila ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama. Narito sila ngayon sa farm ng kaibigan ng babae kasama si Meesha at Vincent dahil na rin iyon sa pagungulit ng kapatid niya. Gusto raw nitong mag-horseback riding at agad namang pumayag si Equinox. Ngayong nakita ni Lucas kung gaano kagaling sa pangangabayo ang dalaga ay mas lalo pa siyang humanga rito. His throat even felt dry while watching her race with Meesha. The girl looked so stunning sitting on top of her horse. Nang makabalik ang dalawa ay hindi man lang ito nakitaan ng takot at pagod pero ang kapatid niya ay sumuko na. “I will leave you two here. Pagod na ako. I need my boyfriend,” reklamo nito saka mabilis na bumaba ng kabayo nito at ibinigay ang tali sa caretaker upang ito ang magdala sa kwadra. Habang si Meesha ay nagtatakbo nang pumunta sa boyfriend nito. Naiiling na nangingiti si Lucas sa isinawi ng kapatid. “How’s
Next It was a Friday night when Manson and Lucas went to an exclusive restaurant for VIPs. kilala ang restaurant na ito na nagke-cater lamang ng reservations at iilang tao lang ang ina-accomodate tuwing araw. Ito ang unang beses na makipag-blind date si Lucas sa babae na hindi naman niya kilala. Noong nasa misyon siya ay may mga babae siyang nakakaulayaw, pero iba pa rin ngayon dahil ito ang pagkakataon na magtatakda kung magugustuhan niya ang babae o hindi. He was only assured when Manson told him that the girl knew about him. Pero hindi niya kilala ang babae kaya may kaba pa rin siya bagama’t hindi niya iyon maaaring ipakita kay Manson at baka kantiyawan siya nito. “Don’t be so tense, Lucas. Act natural.” At hindi nga nakaligtas sa mapanuring tingin ni Manson ang kaba niya. “Parang hindi naman kita kapatid,” mahinang napatawa si Manson.Ang buong akala ni Lucas ay hindi napansin ng kapatid kung gaano siya kinakabahan na parang hindi isang lalaki. Inirapan niya ito habang ang dalir
Next:“Claire? How are you?” malamlam ang boses na tanong ni Lucas kay Claire nang sagutin nito ang tawag. Nasa auction house siya ngayon kaharap ang isang malaking painting at mataman iyong pinagmasdan. “Lucas? I’m good. How are you? Bakit ang aga-aga napatawag ka?” Agad na sumeryoso ang mukha ni Lucas. Pagdating sa mga produkto na ini-auction sa Amore ay binubuhos niya ang buong atensyon niya doon. “Pasensya na kung naistorbo kita, Claire. May gusto akong ipasuri sana sa ‘yo. There was a painting that is up for auction here. Pero hindi ako kumbinsido na isa itong authentic. At si Austin naman, alam mo namang ang espesyalidad ng lalaking iyon ay hindi painting. Ang sabi ng appraiser ay authentic ang painting na ito, but I doubt it. Something is wrong with this painting. I just couldn’t grasp what it was.”“Hmm… I get it. Nasaan ka? Ako na ang pupunta diyan dahil paalis din ako maya-maya lang.”Lucas placed the painting on top of the table and left the display room. Nadaan niya ang
NextAng mga sumunod na araw ay iginugol nina Manson at Claire sa Australia para sa kanilang honeymoon. The two were enjoying their happy married life. Hindi lang iyon ang magandang nangyari. Nang bumalik sila sa Pilipinas naging maayos na rin ang trato ni Mister Perrie sa kanila. Ibang-iba na ito noon na laging minamata ang pagiging mahirap ni Claire. Ngayon ay tanggap na tanggap na siya ng ama ni Manson at ito pa ang nagmamadali na magkaroon sila ng anak. Bagama’t lagi itong nakikipagsagutan kay Khaleed, hindi pa rin maitatanggi na masaya na ang lahat. Kahit si Austin ay close na rin sa pamilya del Vega. Isang umaga, nagising si Claire na bahagyang nahihilo at tila hinahalukay ang sikmura. Mabilis siyang bumangon at muntikan pang mapabuwal. Mabuti na lang at naabutan siya ni Manson kaya inalalayan siya nito na puno nang pag-aalala ang mukha. “Claire, ayos ka lang ba? Ano’ng nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng asawa. Hinawakan siya nito sa beywang upang hindi siya mabuwal at