Share

Divorce Now, Marry Me Later
Divorce Now, Marry Me Later
Автор: SQQ27

Chapter 1. Let's Divorce

Aвтор: SQQ27
last update Последнее обновление: 2024-05-28 07:27:59

May ngiti sa labing nagmulat ng mata si Claire nang maalala ang masarap na pag-iisa ng katawan nila ni Manson kagabi. Hindi lang iisa kundi ilang beses na may nangyari sa kanila. Bukod sa kama ay may nangyari sa kanila ng asawa sa banyo, sa terrace habang nanonood ng kabilugan ng buwan, sa kusina nang bumaba si Claire para uminom ng tubig at sa hagdan habang nakaluhod siya at binabayo ni Manson mula sa likuran.

It was a wild night, but Claire felt all the consequences when she woke up. Nananakit ang buong katawan niya na parang inararo ng sasakyan. Marahan siyang nag-inat ng katawan upang hindi magising ang katabi na mahimbing pa rin ang tulog. Alam niyang tulad niya ay pagod din ito.

Mula nang ikasal sila ni Manson, tatlong taon na ang nakakaraan, ay isang beses lang na may mangyari sa kanila kaya tuwang-tuwa si Claire na kagabi ay muling pinagnasaan ng asawa ang katawan niya. Ang buong akala niya ay hindi siya nito gusto kaya ayaw nitong makipagtalik.

Contract marriage lang ang nangyari sa kanila ni Manson at iilan lang din ang nakakaalam niyon. Si Nana, ang lola ni Manson ang pumili kay Claire na maging asawa nito habang lumpo pa si Manson at nakaupo lang sa wheelchair. He was very hot-headed. Kahit konting pagkakamali ay mabilis na uminit ang ulo at maraming gamit na rin ang binasag nito. Pero kahit ganoon ay naging matiyaga si Claire sa pag-aalaga sa asawa hanggang sa tuluyan itong gumaling at makalipas ang tatlong taon ay nakakalakad na ito nang maayos.

“Baka matunaw na ako niyan kapag matagal mo pa akong tinitigan.”

“Kapag matunaw ka ay momoldehin kita upang maging solid ulit,” nangingiting sagot ni Claire saka itinaas ang kumot hanggang sa dibdib upang itago ang kahubdan sa asawa. May nangyari man sa kanila ay nahihiya pa rin siyang ibalandra rito ang hubad na katawan.

Maya-maya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Manson na kaagad napansin ni Claire. “Bakit? May problema ba?” Hinaplos niya ang mukha ng asawa. Lingid sa kaalaman nito ay natutunan na niya itong mahalin. Pero hindi sigurado si Claire kung tulad niya ay nagugustuhan na rin siya ni Manson. Alam niyang hindi magtatagal ang kasal nila ayon sa nakasaad sa kontrata pero umaasa siyang magbago ang damdamin ni Manson at magugustuhan din siya.

“I received news at dawn. Bumalik na ng Pilipinas si Veena, Claire. Napagpasyahan kong ito na ang tamang panahon para mag-file ng divorce.”

Claire’s smile froze and her heart beat erratically. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya o ilusyon lang.

“D-divorce?” Nauutal na tanong niya. Mahina ang boses niya at hindi siya sigurado kung narinig siya ni Manson. Napahigpit ang paghawak niya sa kumot at pinigilan niya ang sarili na huwag lumuha kahit pa parang gustong sumabog ng dibdib niya sa balita. Hindi siya dapat umiyak sa harapan ni Manson dahil wala siyang karapatan na pigilan ito sa magiging desisyon nito. Nakasaad sa kontrata na anumang oras na nanaisin nitong makipaghiwalay ay papayag si Claire.

At dahil sa ibang bansa sila ikinasal ay kailangan nila ng mahabang proseso upang maasikaso ang dapat na asikasuhin. At gustong sulitin ni Claire ang mga panahong iyon na makasama pa si Manson. Hindi na niya kailangang ipaalam dito ang tunay niyang nararamdaman at baka lalo lang nitong bibilisan ang ang pag-process ng divorce.

“Yes. Let’s get a divorce. Alam kong naghihintay na sa akin si Veena upang magkasama kaming muli.”

“You would get back at her even if she left you? Iniwan ka niya nang mga panahong kailangan mo siya, Manson,” mapait na sambit niya. Nag-init ang sulok ng kanyang mata kaya tinalikuran niya ito.

“Hindi naman niya kasalanan kung bakit siya umalis, Claire. Her mother forced her to leave. Isa pa, nasa panganib ang buhay niya ngayon dahil nagkaroon siya ng depresyon. Ilang beses na siyang nagtangka na kitlin ang sarili at ang lahat ng iyon ang dahilan ay ako.”

Bumaba ng kama si Claire at ginamit ang kumot upang balutin ang kahubdan niya. Naglakad siya sa patungo sa banyo upang magbihis. Ngayong nagdesisyon na si Manson na magdi-divorce sila ay wala nang dahilan upang manatili pa siya rito. Ngunit bago siya makapasok ay mahigpit siyang niyakap ni Manson mula sa likuran.

“Huwag kang mag-alala, Claire. Kahit wala nang bisa ang kasal natin ay susuportahan pa rin kita, okay?” Bulong ni Manson sa kanyang tainga.

Mapait na ngumiti si Claire at sinubukan na sumagot kahit pa may bikig sa lalamunan niya at gustong-gusto na niyang umiyak.

“Sige. If you’ll excuse me, maliligo muna ako bago magsimulang mag-empake.”

Binitawan siya ni Manson matapos siyang halikan sa batok. Nagpaalam din ito na maliligo ito sa banyo sa kabilang kuwarto dahil may pupuntahan din ito. Pagkapasok sa banyo ay walang ibang ginawa si Claire kundi ang umiyak upang ibuhos ang sama ng loob. Hindi kasalanan ni Manson kung bakit nasasaktan siya kundi ang sarili niya mismo dahil inibig niya si Manson kahit alam niyang may limit ang kanilang kasal.

Hindi na naabutan ni Claire si Manson sa apartment kaya hila-hila ang maleta ay bumaba siya at nagtawag ng taxi saka nagpahatid sa bahay ng kanyang ina na hindi naman kalayuan.

“Oh! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan ang ayos mo? Pinalayas ka ng asawa mo?”

Tumango si Claire saka muling bumuhos ang luha. Nang mahimasmasan siya kahit papaano ay saka lang niya sinabi sa ina ang plano ni Manson tungkol sa divorce. Alam ng kanyang ina na nasasaktan siya kaya hinayaan siya nitong magmukmok pero makalipas ang isang linggo ay hinila siya nito palabas ng kuwarto at inayusan. Kapagkuwan ay dinala sa dati niyang pinagtatrabahuan, ang maging isang alahera. Pumayag naman si Claire upang kahit papaano ay may mapaglilibangan. Isa pa, isa ito sa talento na tinatago-tago niya.

Isang linggo matapos siyang magsimula sa pagiging alahera, at dalawang linggo mula nang umalis siya sa apartment nila ni Manson ay muli siyang binisita ng asawa.

“May kailangan ka ba, Manson? Kung wala ay huwag mo muna akong abalahin dahil marami pa akong ginagawa,” pagtataboy niya. Muli na namang bumalik ang sakit nang makita niya ito.

“Pinapatawag ka ni Nana.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Комментарии (3)
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
bakit Ang mga nababsa Kong love story magkatulad lang Ang kanilang mga kwento mga pangalan lang Ang pinapalitan ikaapat natong story na Ang mga kwento kagaya lang rin sa una Hanggang ikaapat pangalan lang Ang naiba
goodnovel comment avatar
Cherry Rodrigo
ai nakakaawa nman claire
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawang Claire
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 240: I will not Give Up

    Next:Ngumiti si Equinox nang marinig ang sinabi ni Lucas. Imbes na ma-discourage ay lalo pa siyang ginanahan na habulin ito. She was born a fighter. Kaya siya nananalo sa mga kompetisyon dahil palaban siya. At hindi siya basta-basta susuko dahil lang sa sinabi ni Lucas na tumigil na. Tumayo siya nang tuwid at hinarap ito na may buong paninindigan. “Sorry, pero kahit ano ang sasabihin mo ay hindi kita susukuan. Nasa bakasyon ako ngayon at ilang araw na lang ay babalik na ako sa training kaya sa loob ng araw na iyon ay hayaan mo akong amuin kita.”Napanganga si Lucas sa sinabi ng dalaga at naalala niya ang sarili noong panahong siya pa ang humahabol kay Claire. There was obviously no chance for him, but he kept pestering her. Alam niya kung ano ang feeling ng isang unrequited love. It was painful, and he didn't want this woman to experience that. Napakaganda nito para lang masaktan dahil sa pag-ibig na nabigo. Ayaw niyang sundan nito ang yapak niya. Kaya naman, bago pa lumago kung an

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 239: Stop it here

    Next: Pakiramdam ni Equinox ay isang taong yelo si Lucas dahil may mga pagkakataon na malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ramdam niya rin na tila hindi pa ito naka-move on sa unang babaeng minahal nito. At alam niyang si Claire iyon, ang asawa ng kapatid nitong si Manson del Vega. pero hindi siya susuko. As an athletic person, she was born with perseverance and patience. Hindi siya basta-basta susuko. Kaya naman nang muli siyang magkaroon ng pagkakataon na makasama si Lucas ay agad niya iyong tinanggap. It was always Mr. Perrie arranged the meet-ups, but Equinox still accepted it. Ganoon niya kagusto si Lucas. Mula pa noong makita niya ito sa New York, ay hindi na ito mawal-wala sa isip niya. Tonight, Lucas and his brother, Austin, were in a barbecue stall, a simple restaurant outside the city. Nag-commute siya papunta roon dahil gusto niyang ihatid siya ni Lucas pauwi. Oh, hindi ba, clever? Napangisi siya sa naisip. Nang makarating nga sa barbeque restaurant ay agad niyang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 238: Horse Riding

    Next:Ang akala ni Lucas ay kaya niyang tanggihan si Equinox pero hindi. Nang muli itong magyaya na lalabas sila ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama. Narito sila ngayon sa farm ng kaibigan ng babae kasama si Meesha at Vincent dahil na rin iyon sa pagungulit ng kapatid niya. Gusto raw nitong mag-horseback riding at agad namang pumayag si Equinox. Ngayong nakita ni Lucas kung gaano kagaling sa pangangabayo ang dalaga ay mas lalo pa siyang humanga rito. His throat even felt dry while watching her race with Meesha. The girl looked so stunning sitting on top of her horse. Nang makabalik ang dalawa ay hindi man lang ito nakitaan ng takot at pagod pero ang kapatid niya ay sumuko na. “I will leave you two here. Pagod na ako. I need my boyfriend,” reklamo nito saka mabilis na bumaba ng kabayo nito at ibinigay ang tali sa caretaker upang ito ang magdala sa kwadra. Habang si Meesha ay nagtatakbo nang pumunta sa boyfriend nito. Naiiling na nangingiti si Lucas sa isinawi ng kapatid. “How’s

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 237: Blind Date Went Right

    Next It was a Friday night when Manson and Lucas went to an exclusive restaurant for VIPs. kilala ang restaurant na ito na nagke-cater lamang ng reservations at iilang tao lang ang ina-accomodate tuwing araw. Ito ang unang beses na makipag-blind date si Lucas sa babae na hindi naman niya kilala. Noong nasa misyon siya ay may mga babae siyang nakakaulayaw, pero iba pa rin ngayon dahil ito ang pagkakataon na magtatakda kung magugustuhan niya ang babae o hindi. He was only assured when Manson told him that the girl knew about him. Pero hindi niya kilala ang babae kaya may kaba pa rin siya bagama’t hindi niya iyon maaaring ipakita kay Manson at baka kantiyawan siya nito. “Don’t be so tense, Lucas. Act natural.” At hindi nga nakaligtas sa mapanuring tingin ni Manson ang kaba niya. “Parang hindi naman kita kapatid,” mahinang napatawa si Manson.Ang buong akala ni Lucas ay hindi napansin ng kapatid kung gaano siya kinakabahan na parang hindi isang lalaki. Inirapan niya ito habang ang dalir

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 236: Book Two

    Next:“Claire? How are you?” malamlam ang boses na tanong ni Lucas kay Claire nang sagutin nito ang tawag. Nasa auction house siya ngayon kaharap ang isang malaking painting at mataman iyong pinagmasdan. “Lucas? I’m good. How are you? Bakit ang aga-aga napatawag ka?” Agad na sumeryoso ang mukha ni Lucas. Pagdating sa mga produkto na ini-auction sa Amore ay binubuhos niya ang buong atensyon niya doon. “Pasensya na kung naistorbo kita, Claire. May gusto akong ipasuri sana sa ‘yo. There was a painting that is up for auction here. Pero hindi ako kumbinsido na isa itong authentic. At si Austin naman, alam mo namang ang espesyalidad ng lalaking iyon ay hindi painting. Ang sabi ng appraiser ay authentic ang painting na ito, but I doubt it. Something is wrong with this painting. I just couldn’t grasp what it was.”“Hmm… I get it. Nasaan ka? Ako na ang pupunta diyan dahil paalis din ako maya-maya lang.”Lucas placed the painting on top of the table and left the display room. Nadaan niya ang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 235: Pregnant

    NextAng mga sumunod na araw ay iginugol nina Manson at Claire sa Australia para sa kanilang honeymoon. The two were enjoying their happy married life. Hindi lang iyon ang magandang nangyari. Nang bumalik sila sa Pilipinas naging maayos na rin ang trato ni Mister Perrie sa kanila. Ibang-iba na ito noon na laging minamata ang pagiging mahirap ni Claire. Ngayon ay tanggap na tanggap na siya ng ama ni Manson at ito pa ang nagmamadali na magkaroon sila ng anak. Bagama’t lagi itong nakikipagsagutan kay Khaleed, hindi pa rin maitatanggi na masaya na ang lahat. Kahit si Austin ay close na rin sa pamilya del Vega. Isang umaga, nagising si Claire na bahagyang nahihilo at tila hinahalukay ang sikmura. Mabilis siyang bumangon at muntikan pang mapabuwal. Mabuti na lang at naabutan siya ni Manson kaya inalalayan siya nito na puno nang pag-aalala ang mukha. “Claire, ayos ka lang ba? Ano’ng nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng asawa. Hinawakan siya nito sa beywang upang hindi siya mabuwal at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status