ILANG segundo ang dumaan pero wala man lang dumamping halik. Napamulat ng mata ang babae at nakitang nakatingin lang si Louie, madilim ang ekspresyong pinapakita. "W-What? Hindi mo ba ako hahalikan?" kabadong tanong ng babae. "Sino ka ba para halikan ko?" Ang mapulang mukha ng babae dahil sa blush-on at ininom na alak ay mas lalo pang pumula dahil sa hiya. Bago pa maitulak ay kusa ng lumayo si Louie at bumalik sa paghuhugas ng kamay. "Kadiri," bulong ni Louie na narinig ng babae. Sa galit ay akma itong susugod ngunit humarap si Louie at madilim ang tingin sa babae. "Kilala mo ba ako? Kung hindi ay bibigyan kita ng pagkakataong umalis bago pa kita ipadampot sa security," babala niya. "Wala akong pakialam kung--" Naglakad na paalis si Louie at hindi pinansin ang babae. Tuloy-tuloy palabas ng club at hindi na nagpaalam sa mga kasamahan. Saka tumawag ng chauffeur para ipagmaneho pauwi. Pagdating sa bahay ay dumiretso siya sa kwarto kung saan ay natutulog na si Zia, hindi man lang
SA HALIP na makapagsalita ay katok sa pinto ang gumambala sa dalawa. At maingat na pumasok ang katulong dala ang luggage ni Louie. "Ito na po ang bagahe niyo, Sir." Pagkatapos ay kaagad ring umalis. Sa pagsulyap ni Zia ay nakapikit na ito na animo ay natutulog. "Nagugutom ka ba, gusto mong ipaghanda kita ng makakain?" Hindi sumagot si Louie kaya nagpasiya na lamang siyang lumabas para ipaghanda ito ng pagkain. Pagkaalis ni Zia ay nagmulat ng mata si Louie at nagtungo sa study room. Matapos ay dinukot sa bulsa ang cellphone para basahin ang mensahe ng doctor ni Bea. Na muling ooperahan matapos makitaan ng chance of survival rate ng doctor. Isang magandag balita kaya agad na ipinaasikaso ni Louie sa assistant ang operasyon kay Bea, gawa ng hindi niya maipasa kay Alice ang trabaho dahil abala ito sa kompanya. Ayos na sana ang lahat pero muli na namang nangungulit si Bea na magpakita si Louie sa mismong araw ng operasyon. Siyempre, hindi pumayag si Louie dahil sa dami ng trabahong m
MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Zia ng mga sandaling iyon sa puntong naririnig na niya ang pagtibok ng puso.Nasa may sink lang ang pregnancy test kit, tinititigan niya ng matagal hanggang sa napagpasiyahan na ngang gamitin. May guide sa likod ng box na kahit makailang-beses ng binasa ay tila hindi niya maisaulo ang instruction. Lutang na lutang ang isip niya."Tama ba 'yung ginawa ko? Parang mali ata," kausap niya sa sarili habang hinihintay ang resulta.Nakatutok siya sa pregnancy test kit habang nakakagat sa kuko ng hinlalaking daliri. Pigil hininga si Zia nang magsimulang gumuhit ng kulay pula ang aparato.Ilang sandali pa ay kumurap-kurap. Sinisiguradong hindi siya namamalik-mata sa nakikita.Ang sabi sa guide, kapag dalawang pulang guhit ang nagpakita ay nangangahulugang buntis ang gumamit ng aparato.Isa... dalawa....Iyon ang bilang ni Zia. Ibig sabihin ay...Agad siyang umiling-iling. "Baka sira lang 'to," aniya saka kumuha pa ng isang pregnancy test kit. Apat ang binili niya
ANG tatlong araw na pananatili sa ibang bansa para sa operasyon ni Bea ay na-extent pa dahil sa biglaang pagbabago ng schedule. Dahil nasa Canada na rin naman si Louie ay isinabay na niya ang pakikipag-meeting sa mga prospect client at investor.Kaya halos isang buwan na patawid-tawid sa ibang lugar. Napuntahan na nila ang Denmark, United Kingdom at pinakamatagal sa United States.Sa pagbabalik bansa ay sinalubong kaagad siya ng trabaho ni Alice. Sunod-sunod ang pagbanggit ng mga susunod niyang business trip."Kauuwi ko lang, 'wag muna ngayon at pagod ako," awat ni Louie sa sekretarya."Okay, Sir, didiretso po ba tayo sa kompanya?""Gusto ko munang umuwi at magpahinga ng isang buong araw. Kaya lubuyan niyo muna ako ng tungkol sa trabaho ngayon," ani Louie, nakapikit at sandal na sa kinauupuan.Oras ang lumipas ng marating ang bahay dahil na rin sa traffic. Nasa labas na ang mga katulong para salubungin ang pagdating ni Louie ngunit wala ang asawa. Inisip niya na lamang na baka nasa pa
SA ARAW na iyon ay bumisita si Zia sa bahay ng magulang at bigla niyang namiss ang mga ito. Nabo-bored na rin siya sa bahay at si Louie mismo ang nagsabi na makakatulong sa pagbubuntis niya ang pumasiyal-pasiyal.Tapik sa kamay ang ginawa ni Maricar matapos maaktuhan si Zia na hawak ang kuts*lyo. "Maupo ka riyan at 'wag mo ng pakialaman ang trabaho ko sa pagluluto. Madaling mapagod ang buntis kaya maupo ka lang diyan," aniya sa anak.Sumimangot at humaba ang nguso ni Zia. Nangalumbaba pa nga sa harap ng lamesa.Habang naghihiwa ng gulay si Maricar ay napatanong siya. "Kamusta naman, masaya ka ba ngayon, anak? Nagugustuhan mo na ba ulit si Louie ngayong nagbabago na siya?"Nagbaba ng tingin si Zia, hindi makasagot kaya iniba na lamang ni Maricar ang usapan, "Nakuwento nga pala ni Lindsay na may bagong pinapatayong branch sa Cebu. Hindi ba parang mas maaga naman ata para magtayo ng panibago? Bakit hindi ka muna magdahan-dahan at buntis ka pa naman.""'Wag po kayong mag-alala, 'Ma. Hindi
MASAMA ang loob at hindi mawari ang ekspresyong ipinapakita ni Megan nang sundan ang katulong."Where are we heading to? Ang sabi ko'y gusto kong makausap si Louie," mataray niyang saad.Tumigil sa paglalakad ang katulong ng makarating sila sa patio malapit sa garden. "Dito raw po kayo kakausapin ni, Sir, Miss Megan. May gusto po ba kayong inumin?" may paggalang na tanong ng katulong."No need, pakisabi na naghihintay na 'ko rito, ayokong mag-aksaya ng oras," ani Megan saka naupo sa isa sa mga upuan na naroon.Bahagya namang yumukod ang katulong bilang pagtugon saka tuluyang umalis. Ilang sandali pa ay nakita na ni Megan si Louie na papalapit kaya agad siyang ngumiti. Nawala ang iritasyong nararamdaman na ang bisitang gaya niya ay sa labas dinala sa halip na sa loob ng bahay.Para siyang hindi welcome sa pamamahay nito. Sa palagay niya ay si Zia nag-utos doon sa katulong.Tuluyang nakalapit si Louie. "Anong kailangan mo?" aniya sabay upo sa harap nito.Napalis ang tuwa sa mukha ni Meg
SA ISANG iglap ay naglaho ang tuwang nararamdaman ni Louie dahil sa anak at napalitan ng pangamba dahil sa sinabi ng Ina."Bakit hindi niyo po sinabi kaagad ang kondisyon ni Lola, 'Mmy?""Pinagbawalan ako ni Mama at inaalala niya ang pagbubuntis ni Zia. Masiyado ka na raw abala sa kompanya at sa asawa mo't ayaw na niyang makadagdag pa," paliwanag ni Lucia.Nais pa sanang magsalita ni Louie ngunit hinawakan na siya ni Zia sa braso para pigilan. Umiling-iling ito at umusal ng 'huwag ng makipagtalo' kaya iyon ang ginawa niya."Okay, pupunta na lang ako riyan, isasama ko si Zia.""'Wag na, Louie. Siya ang isa sa rason ni Mama kaya ayaw nitong sabihin sa'yo ang kondisyon tapos isasama mo pa? Baka magalit lang siya sa'kin."Napalingon sa kanyang tabi si Louie, sa palagay niya ay narinig ni Zia ang sinabi ng Ina. Kaya saglit na tinakpan ang cellphone saka kinausap si Zia, "Ayos lang ba sa'yong ihatid muna kita sa bahay?"Tumango naman si Zia. "Pakisabi kay Lola na 'wag siyang mag-alala sa'ki
NAGULUHAN pa noong una si Zia hanggang sa mapagtanto niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Awtomatiko siyang napatingin sa kama ngunit nilagpasan iyon ni Louie. Nakahinga siya nang maluwag dahil nagkamali lang pala siya ng akala hanggang sa huminto ito sa harap ng sofa. Saka lang niya naisip na favorite spot nga pala iyon ni Louie. "Wait, sandali--" Hindi na natapos ni Zia ang sasabihin ng halikan siya nito sa labi sabay tulak nang marahan pasandal sa sofa. Awtomatikong humawak ang dalawang kamay ni Zia sa balikat ng asawa para awatin ito at itulak. Pero hindi man lang natinag si Louie na ang dalawang kamay ay nasa bewang at batok ni Zia, humahaplos at pumipisil sa malambot na balat. Ang banayad na halik ni Louie ay naging mapusok at mapaghanap. Ginagalugad ang bibig ni Zia at nakikipag-espadahan sa dila nito. Ang kamay ng asawa na nasa balikat niya ay biglang napakapit at pilit inilalayo ang mukha na parang ayaw na nitong makipaghalikan. "Hindi ako makahinga--" bigkas pa ni Zia
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang