ILANG MINUTO ang lumipas nang masinagan ng ilaw na nagmumula sa isang lumang tricycle ang katawan ni Zia. Nawalan na ito ng malay dahil sa dinaranas na sakit. Ang hita ay may bahid ng dugo kaya inakala ng tricycle driver na nasugatan ito. "Jusko! Anong nangyari sa kanya?!" saad ng babaeng pasahero. "Tulungan natin at buntis pa naman," aniya sa driver. Kaya pinagtulungan ng dalawa na buhatin si Zia at madala sa pinakamalapit na ospital. "Tulong, nakita naman siya sa may daan na duguan!" untag ng pasahero matapos makarating sa ospital. "Hindi niyo po siya kilala, Ma'am?" tanong ng Nurse. Umiling ito at saka naman binigay ang bag ni Zia na kinuha nila mula sa kotse. "Ito ang bag at cellphone niya, kayo ng bahalang komuntak sa kamag-anak niya't kailangan na naming umalis." Tumango naman ang Nurse at matapos ay saka na umalis ang dalawang estranghero. Bumalik ang Nurse sa counter saka naghanap ng impormasyon tungkol kay Zia nang biglang tumunog ang cellphone. "Hello?" "Zia, hindi
SAMANTALANG ang batang bagong silang pa lamang ay nailagay na sa incubator para obserbahan ng ilang araw.Sa labas ng intensive care unit ay naroon si Lucia na nakamasid sa apo. May ngiti sa labi kahit may pag-aalala para sa batang premature.Kahit malayo-layo sa kanyang puwesto ay hindi maikakailang namana ng bata ang mata at kilay ni Louie.Hanggang sa maalala ang pagpanaw ni Arturo kaya inutusan niya ang kasamang katulong na pumunta sa ospital at alamin kung anong pwede nilang maitulong. Kilala sa industriya si Arturo kaya nasisiguro niyang maaaring may makaalam ng pagkamatay nito. Kailangan niyang magpaabot kaagad ng assistance bago pa may masabi ang ibang tao tungkol sa pamilya niya, lalo at nangyari ang lahat ng ito habang wala ang anak na pinaghihinalaan niyang nagpunta sa lugar kung nasaan si Bea."Yes po, Madam," tugon ng katulong saka umalis.Sa kabilang dako naman, ay pinipigilan ni Lindsay at Nurse si Zia na umalis sa ospital."Mahina ka pa," ani Lindsay."Kailangan kong p
NAPAKUNOT-NOO si Louie sa narinig. "Pa'nong nanganak si Zia? May nangyari bang masama?"Bago sumagot ay naibaling muna ni Alice ang tingin sa babaeng kasama nito. Ang kanyang mata ay mababakasan ng panghuhusga. "... Inatake sa puso ang biyenan niyo't naging sanhi kung bakit napaaga ang panganganak ni Ma'am Zia. Muntik na po silang mapahamak ng bata kung wala pong nakakita at nagmalasakit na dalhin siya sa ospital," mahabang paliwanag ni Alice na panaka-naka ang tingin sa babae."Safe na ba ang mag-ina ko ngayon?" ani Louie na tinanguan ni Alice."Tara na po sa kotse, Sir at ihahatid ko po kayo ngayon sa ospital.""Dumiretso muna tayo sa funeral home."Mariing nailapat ni Alice ang labi saka nag-alangan na sabihin ang totoo. "Sir... hindi po kayo pinapayagan ni Ma'am Zia na magpunta roon.""At bakit?""Siya na lamang po ang tanungin niyo."Napatiim-bagang si Louie. Hindi makatarungan para sa kanya ang ganoon pero marahil ay kasalanan niya rin ang lahat. Dahil mas pinili niyang umalis s
BAHAGYANG nakaangat ang dalawang kamay ni Louie, tila sumusuko sa harap ni Zia. "Hindi kita lalapitan... pero lumayo ka muna sa railings, delikado."Kung ano-anong masasamang ideya ang pumapasok sa isip ni Louie. Kaya hangga't maaari ay gusto niyang kumalma ang asawa."Umalis ka na lang!" singhal muli ni Zia."Oo, aalis ako kung lalayo ka muna. Please, Zia umalis ka riyan." Saka unti-unting humakbang patalikod si Louie pabalik sa pinanggalingang pintuan.Ngunit nang muling tumalikod si Zia ay saka siya mabalis na tumakbo palapit dito at niyakap sa bewang palayo sa railings."Bitawan mo 'ko!" nagsisisigaw na sabi ni Zia. Nagpupumiglas at pinapadyak pa ang paa para lang makawala.Pero hindi nagpatinag si Louie na binuhat ito patungo sa pintuan ng rooftop. "Pakawalan mo 'ko, Louie!""Hindi! Hangga't hindi ko nasisigurong safe ka't walang gagawin na masama!"Tila napagtanto naman ni Zia ang ibig nitong sabihin kaya mas lalo siyang nagpumiglas sa puntong sinabunutan na niya at nagawang kag
MATAPOS ang libing ni Arturo ay nagpaalam si Maricar na mauuna nang umuwi kasama si Lindsay. Makikisabay ito sa kotse ni Patrick kasama ang Ina."Sasama na rin po ako sa inyo, 'Ma," ani Zia."Hindi ka babalik ng ospital?" tanong ni Maricar."Pwede naman kitang ihatid roon," sabat ni Patrick.Tumango si Zia pero bago pa makaalis kasama nila ay lumapit na si Louie at hinawakan ang braso ng asawa. "Sa'n ka pupunta? Babalik pa tayo sa ospital.""Sasabay ako sa kanila," sagot ni Zia saka binawi ang braso."Hindi, sasama ka sa'kin," pinal na sabi ni Louie.Si Maricar na agad naramdaman ang tensyon ng mag-asawa sa isa't isa ay agad na nagsalita, "Sumama ka na lang sa kanya, Zia at baka hindi na tayo magkasiya pa sa sasakyan ni Patrick."At dahil si Maricar na ang nagsalita ay hindi na umapela si Zia at labag sa loob na nagmartsa patungo sa kotse ni Louie.Pabagsak pa nga niyang sinara ang pinto ng sasakyan. Pagpasok nito sa loob ay saka siya nagsalita, "'Wag mo 'kong pinipilit na sumama sa'y
HINDI na talaga kaya ni Zia na makasama si Louie sa iisang bubong. Ang makatabi ito sa kama at makita ay sadyang mahirap na sa kanya. Para siyang nasasakal, nahihirapang huminga sa tuwing nakikita at nakakausap niya ito.Dahil sa ginawang pag-alis ni Louie ay muntikan na siyang mawala sa mundo kasama ang anak. Kaya sa papaanong paraan niya pa kakayaning makasama ito?Araw-araw, sa pagmulat ng mata ay lagi niyang naaalala ang gabing iyon na nahihirapan siya nang sumakit ang tiyan at wala man lamang mahingan ng tulong. Nakaka-trauma."Wala na kong nakikitang rason para magsama pa tayo, Louie. Kaya para hindi na tayo magkasakitan pa'y mas mabuting maghiwalay na lang tayo."Naging matagal ang titig ni Louie hanggang sa tumayo ito at nagpasiyang lumabas ng kwarto. "Saka na natin 'to pag-usapan, bababa muna ako't hindi pa 'ko nakakakain ng hapunan."Marahang isinara ni Louie ang pinto kahit nanginginig ang kamay at gustong ibagsak ang pagsara. Iniisip na lamang niya ang anak na kakapahinga
NAPATIIM-BAGANG si Louie sa narinig. Paulit-ulit na parang sirang plaka si Zia sa gusto nitong mangyari at nakakairita na."Ilang beses ko bang sasabihin na hindi tayo maghihiwalay?! Gusto mo talagang makita akong sumabog at mawalan ng pasensiya sa'yo?"Saglit na pagsulyap sa anak ang ginawa ni Zia bago ibalik ang tingin kay Louie. "Hinaan mo lang ang boses mo't magigising ang bata," aniya habang inis na nakatingin dito.May gigil na napahawak si Louie sa sariling batok para ilabas ang inis saka nagtungo sa cloakroom para magpalit ng kasuotan. Napagpasiyahan niyang pumasok na lang sa kompanya kaysa magtagal sa bahay na paniguradong magtatalo lang sila ni Zia.Paglabas ay naka-suit na siya at inaayos ang kurbata. At kahit iritado ay nagpaalam pa rin siya kay Zia na aalis. Wala naman itong sinabi kaya nagpatuloy si Louie, kinuha ang suitcase saka lumabas ng kwarto.Pagsakay sa kotse ay saka niya tinawagan si Alice para utusan na magpadala ng maraming bodyguard na magbabantay kay Zia. Ma
BAHAGYANG natigilan si Louie. Ang malambot na ekspresyon para sa biyenan ay biglang naglaho. Naging seryoso ang tingin niya kay Maricar."Hindi po sasama sa inyo si Zia. Dito lang siya," saad ni Louie, na nanatiling marespeto sa Ginang."Tumawag sa'kin si Zia at sinabing ikinukulong mo siya rito.""Hindi po totoo 'yun, 'Ma. Malaya po siyang nakakagalaw rito sa buong bahay.""Ang sabi ng anak ko'y hindi mo siya pinapayagang umalis at may nakabantay sa kanyang bodyguard, twenty-four-seven," ani Maricar."Dahil gusto niyang makipaghiwalay at iwan ako. At hindi ko 'yun mapapayagang mangyari.""Kaya ikinukulong mo siya rito?" giit muli ni Maricar.Napabuntong-hininga si Louie. Hindi na dapat niya ipapaalam ang nangyari dahil isang sensitibong usapin ang isisiwalat niya sa biyenan. Pero kailangan nitong malaman ang totoo para maintindihan nito na para lang sa ikabubuti ni Zia ang gusto niyang mangyari. "Noong nakaraang araw ay nagpunta kami sa ospital dahil nahihirapan siyang mag-produce ng
HINDI mapaniwalaan ni Archie ang narinig habang umiiling-iling. "H-Hindi... Niloloko mo lang ako para maapektuhan ako!"Napakunot-noo si Chantal. "Ba't ko naman 'yun gagawin?""Dahil galit ka sa'kin."Muntik ng matawa si Chantal, mabuti na lang at tinakpan niya ang sariling bibig. "Nagkakamali ka, Archie. Kung gusto man kitang saktan... Edi sana, hindi na 'ko bumalik rito. Mas mainam para sa'kin ang gano'n."Natauhan naman si Archie at napaatras. Hindi mabitiwan ang tingin kay Chantal, kinukumbinsi ang sariling baka nagsisinungaling ito.Pero hindi dahil tunay ang kanyang nakikita.Hanggang sa mapansin niya ang pagbukas ng banyo. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.Napabuntong-hininga si Chantal saka nilingon ang asawa."Tapos na kayong mag-usap?"Tumango si Chantal. "Narinig mo ba lahat?"Umiwas ng tingin si Felip saka naglakad palapit sa kama upang kunin ang damit. "Magagalit ka ba kung sabihin kong, oo?""Hindi," ani Chantal. "Alam mo naman an
NAPANGANGA sina Shiela at Asher habang kinilig naman si Amber na tinakpan pa ang bibig. Ngunit si Chris ang naging matindi ang reaksyon."Ano?! Pa'nong-- Bakit?!" nagugulahan niyang tanong. Dahil para sa kanya, mananatiling bata si Chantal. Hindi pa siya handang mag-settle down ito. Lalo na ngayon na limang taon itong nawala at bumalik na kasal na sa iba?!Napangiti naman si Chantal sa naging reaksyon ng Ama. Kaya nilapitan niya ito at nilingkis ang braso, tila naglalambing. "Sorry po. 'Pa."Napabuntong-hininga naman si Chris. "Hindi, pasensiya na rin. Nabigla lang ako sa sinabi mo." Pagkatapos ay binalingan si Felip. "Maaari ba kitang makausap?"Tumango naman ito saka sumunod patungo sa study room."Kinakabahan ako," ani Chantal habang nakatanaw sa dalawa."Don't worry. Kakausapin lang siya ng Papa mo," komento naman ni Shiela. "Gusto mo bang samahan muna ako sa kusina? Gusto kong lutuin ang paborito mo. Si Felip-- Ang asawa mo, anong gusto niyang pagkain para maihanda ko rin."Sinab
LIMANG TAON ang lumipas...Marami ang nangyari sa loob ng mga panahon na iyon. Naging presidente ng kompanya si Archie. Napagtagumpayan niyang i-expand ang negosyo sa iba't ibang bansa sa loob lang ng dalawang taon ng ganoon kabilis!At pormal na rin itong na-engaged kay Heather at ikakasal na ngayong taon, pina-finalized na lang ang magarbong kasal.Nakapagtapos na ng elementarya si Amber habang si Asher naman ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Ilang birthdays, okasiyon at holidays ang nagdaan pero...Wala pa rin silang naging balita kay Chantal.Dinamdam ng husto ni Shiela ang pag-alis ng anak. Si Chris naman ay nagalit nang malaman na nilihim ng dalawa ang relasyon.Nagalit rin siya sa sarili dahil pakiramdam niya, isa siya sa dahilan kaya nagkalabuan ang dalawa hanggang sa napagpasiyahan na nga ni Chantal na lumayo.Kung alam niya lang, hindi na sana niya ipinares si Archie kay Heather.Pero habang tumatagal, unti-unti na nilang tinanggap na hindi na ito babalik pa kahit anong
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang