Se connecterZia’S POV
“Thank you sa pagsakay sa akin.” Natigilan siya at napangisi dahil sa sinabi ko. Is there something wrong? Oh fúck! Gano'n ba siya ka green minded at iba ang dating no’n sa kaniya? “Ah…I mean…” Magkahalong takot at hiya ang pilit kong itinatago habang dahan-dahang lumalabas sa land cruiser niya. Simpleng tango at pilyong ngiti lang ang sinagot ni Zayn. Magiliw namang ngumiti sa akin si Marcus, assistant ni Zayn na kabaliktaran ng ugali niya. “Walang anuman, Miss Zia,” aniya. Kumaway pa si Zayn bago ako tuluyang tumakbo papasok sa kumpanya ni Ace. Hindi ko pinansin ang tinginan ng ibang empleyado sa lobby at tuloy-tuloy lang akong dumiretso sa office kung nasaan ang managerial department. “Mr. Thompson?” mahina kong tawag sa lalaking abala sa pagtipa sa computer na kaharap at halos magsalubong na ang kilay, pero nang makita siya ay agad na lumiwanag ang mukha niya. “Zia?” Napatayo pa ito na parang hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo rito? Bukas pa ang start mo sa work mo.” Saglit kaming nagyakapan at hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman. Hindi ko maitago ang excitement na magtatrabaho ulit ako. “Sorry, hindi na kasi ako makapaghintay. Ilang taon din akong hindi nagtrabaho kaya hindi ko mapigilang ma-excite,” natatawa kong pag-anim na naging dahilan ng paglambot ng tingin sa akin ni Mr. Thompson. “Mabuti naman at bumalik ka na pero dahil nagsisimula ka palang ulit ay mas mainam na sundin mo ang payo ni Ace,” may pag-aalala niyang sabi. “Alam ko ang kakayahan mo pero---” “Naiintindihan ko, Mr. Thompson,” nakangiti kong sambit at tumango. “Uhm, kung hindi mo rin mamasamain, mas mainam kung isesekreto mo muna sa lahat na ikaw ang asawa ni Sir Ace. Mas mainam kung mananatiling isang normal na empleyado ang tingin sa’yo ng mga katrabaho mo lalo na at sa business department ka mapupunta.” “Gusto mong itago ko ang totoo kong pagkatao sa lahat at manatiling low-profile?” pag-uulit ko. Baka sakaling naguguluhan lang ako sa gusto niyang mangyari. “Mas dadali ang trabaho mo kung itatago mo ang tungkol sa pagiging asawa ni Sir Ace, Zia.” Hinaplos niya ang braso ko at huminga ng malalim. “Just for a few months hanggang mapatunayan mong deserve mo ang posisyong makukuha mo.” “Fine, kung kinakailangan,” napipilitan kong sagot at bumuntong-hininga. Hanggang dito ay ba naman ay kailangan ko pa ring patunayan na deserve ko ang trabaho dahil nakakabit ang pangalan ko kay Ace? Hindi bale, susundin ko na lang ang nais nila para wala ng gulo. Isa pa, kailangan kong gawin ito bago pa man tuluyang maisip ni Ace na makipaghiwalay sa akin. I need to secure my assets before he could do that. “Great!” Muling lumawak ang ngiti sa labi ni Mr. Thompson at may kinuha siyang folder. “You can now sign this, Zia, then I will discuss your job contract!” Dali-dali kong inabot ang folder at maingat na binasa ang bawat salitang nakasulat sa kontrata. Nang masigurado kong ayos ang lahat ay agad ko iyong pinirmahan at muling ibinalik kay Mr. Thompson. “Perfect! And, this will be your job order.” Inabot niya ang isa pang folder sa akin. “Medyo mahirap ‘yan, Zia pero alam kong kakayanin mo ‘yan kahit kasisimula mo palang. Isa pa, para mas mapabilis din ang promotion mo.” “Five years of collaboration with Royal Corporation?” Basa ko sa document na ibinigay niya sa akin. “You want me to organize it from the first year of collaboration until this day?” “Yes, masyado bang mabigat ‘yan para sayo? Gusto mo bang palitan ko ng iba---” “No, no. It’s fine,” mabilis kong sagot. Ito ang unang trabaho ko at kailangan kong gawin ito. “Very well then. Halika na at ihahatid kita sa magiging office mo. Magugustuhan mo ang mga katrabaho mo.” Muli kong naramdaman ang mga titig ng mga empleyado sa akin pero agad din namang iiwas ng tingin kapag magtatama na ang mga mata namin. Hindi rin naman ganoon ka-big deal dahil parang simpleng pagka-curious lang iyon kung sino ako. Pagbukas ng elevator ay agad kaming pumasok ni Mr. Thompson. May iilan na rin sa loob na nakasakay ngunit sapat pa rin ang space para sa aming dalawa. “Nakita n’yo ba kung gaano ka sweet sina Sir Ace at Katrina kanina?” bulong ng isa sa mga empleyado na nasa gawing gilid at halatang kinikilig. Gano’n din naman ang naging reaksyon ng dalawa pa niyang kasama. “Ano pa ba ang bago? Tuwing umaga ay lagi silang sabay kung pumasok. Tuwing tanghali naman ay sabay silang kumain. Kulang na lang ay umuwi sila sa iisang bahay kapag gabi,” salaysay naman ng isa. “Ewan ko na lang talaga sa mga naniniwalang simpleng assistant at boss lang ang relasyon nilang dalawa. Hindi ko naman magawang sisihin si Sir Ace dahil maganda at sexy si Katrina medyo naiingit lang, s’empre at sir Ace na ‘yan.” So, all this time, magkasama sila? “Mr. Thompson, empleyado rito si Katrina?” bulong kong tanong sa kaniya. “Ah, yes. Matagal na siyang personal assistant ni Sir Ace. Akala ko ay alam mo,” inosente niyang sagot at muling bumalik sa binasang dokumento. Personal assistant? Kaya pala hindi niya ako magawang i hire bilang personal assistant niya dahil si Katrina ang nasa posisyon, at sinekreto niya sa akin simula pa noong una. How could he fool me like this? He's a good boyfriend, fiancé and husband at home but it was just for display. He's a two-faced assh0le who loves fooling women! “Guys, okay. I have announcement, please listen,” pag-agaw ng pansin ni Mr. Thompson sa limang taong abala sa kani-kanilang computer. Pati ako ay nabalik ang wisyo. Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa gawi namin at agad nila akong tinitigan ng buong pagtataka. “Mr. Thompson,” bati ng isa sa kanila. “Sino ang kasama mo?” “Well, this is Zia at simula ngayong araw ay magiging parte na siya ng business department,” anunsyo ni Mr. Thompson at tumingin sa akin. “Magpakilala ka sa kanila. Mababait ang mga ‘yan..Huwag lang kapag oras na ng bakbakan,” dagdag niyang biro at marahan akong tinulak sa harapan. Isa-isa ko silang tiningnan at halatang interesado rin naman silang pakinggan ako, unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. “Good day. I am Zia. Simula ngayon ay magiging parte na ako ng departamentong ito. Sana ay tulungan n’yo akong maintindihan ang mga bagay-bagay at h’wag din kayong mahihiya sa aking humingi ng tulong kung kailangan n’yo. Let's do our job well for the sake of this company.” “Hi Zia, I’m Avery!” masayang bati ng isa sa kanila. “Hello, Avery. It’s nice to meet you. Please take care of me,” masaya kong balik sa kaniya. Ngayon pa lang ay pakiramdam ko nang makakasundo ko siya. Isa-isa rin namang nagpakilala sa akin ang iba pero agad din silang bumalik sa kani-kanilang trabaho. Binigyan na rin ako ng designate table para makapagsimula. Mabuti na lang at magkalapit lang kami ni Avery at talagang tinutulungan niya ako sa lahat. “So, Zia… Anong pakiramdam na nakapasok ka sa kumpanyang ‘to?” tanong ni Avery habang nasa lobby kami, naghihintay na matapos ang break. “Pakiramdam?” Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya lalo na at naging parte ako habang nagsisimula palang ang kumpanya, pero sa halip na magsinungaling ay ngumiti ako. “Sa totoo lang ay hindi ito ang unang beses kong nagtrabaho sa isang kilalang kumpanya, pero masaya ako at excited na may trabaho ulit ako.” Namamangha niya akong tiningnan. “Wow! No wonder na nakapasok ka rito. May experience ka na pala talaga.” “Paano mo naman nasabi?” natatawa kong tanong at tinignan siya. “Ang galing mo kaya! Nagawa mo agad ang trabaho mo nang hindi gaanong nagtatanong. I can tell you are knowledgeable in this field,” puri niya sa akin at sumimsim sa hawak niyang decaf na kape. Sasagot pa sana ako nang muling umingay ang paligid. Agad kong sinundan ang tinitingnan nila at halos manigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang pinag-uusapan nila. Maingat na inaalalayan ni Ace palabas ng kotse si Katrina na animo’y magkasintahang mahal na mahal ang isa’t-isa. Magkahawak na ang kanilang mga kamay habang naglalakad. I couldn't help but smile, not out of joy but out of disappointment. So tama nga ang mga narinig ko kanina sa loob ng elevator? They've been displaying their affection towards each other publicly as if they're not married and committed. Assh0les! Umangat ang ulo ni Ace hanggang magsalubong ang aming mga tingin. Kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya at akala ko ay bibitiwan niya si Katrina pero mali ako. Sa halip na umiwas sa babaeng katabi niya ay ako pa ang iniwasan niya at mas hinapit pa ito sa bewang na parang may aagaw rito. Muli akong napangisi ng mapait. Ganito pala talaga ang ginagawa niya sa harapan ng mga empleyado niya tuwing nakatalikod ako. “Let’s go back to our office, Avery,” pag-aya ko. Hindi ko na maatim na panoorin ang kalandian ng asawa ko at ng kerida niya. Hindi ko ibababa ang sarili ko para lang komprontahin si Ace sa kagaguhan niya. Hindi ako gano’ng klase ng babae and I will never be. ~~~~ “What was that? Wala sa usapan nating papasok ka na ngayong araw sa kumpanya, Zia.” Pagpasok ko palang ng bahay ay sinalubong na agad ako ng nakasimangot na mukha ni Ace. Suot pa rin ang suit niya kanina at halatang kanina pa niya akong inaabangan. “Pumayag kang p’wede akong bumalik sa pagtratrabaho, pero ikaw pa rin ba ang magdedesisyon kung kailan ako dapat magsimula o hindi?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Nakakagalit bang hindi ako nagsabi o dahil nahuli kitang nilalandi na naman ang first love mo?” sarkastiko kong sabi. “Zia,” may pagbabanta niyang tawag sa pangalan ko pero nanatili akong diretsong nakatingin sa kaniya. Sa tingin ba niya ay matatakot niya ako? “What? Mali ba ako?” Tinulak ko siya paalis sa harapan ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nang muli niya akong hablutin sa braso paharap sa kaniya. “Huwag mong idamay si Katrina rito. Wala siyang ginagawang masama—” “Talaga ba? Kaya pala ayaw mo akong pabalikin sa kumpanya at gawing personal assistant mo dahil makakasagabal ako sa sweetness niyo. Halos lahat nga ng empleyado mo ay kinikilig sa inyo without knowing na pareho na kayong nakatali—” “Zia, stop!” “Huwag mo akong sigawan, Ace, at huwag mo akong utusan.” Ako naman ngayon ang may pagbabanta sa tono. “I-I’m sorry, hindi ko sinasadya. Pero mali ka naman kasi ng iniisip sa amin, Zia. Walang namamagitan sa amin ni Katrina. Tinutulungan ko lang siya.” Hindi ko mapigilang mapaismid at mapailing. “Tinutulungan? Ang sweet mo naman masyado. Gano’n ka rin ba tumulong sa iba, ha? Alam mo bang halos lahat ng empleyado sa kumpanya mo ay iniisip na may secret relationship kayo ng babaeng ‘yon?!” “Zia naman, hindi ko na kasalanan kung gano’n ang iniisip nila sa amin. Kaibigan ko lang si Katrina. Sinasaktan siya ng asawa niya. She needs my help regarding their divorce. Kailangan niya ng kahit isang kakampi at karamay.” “At ikaw ‘yon?” Tinitigan ko siya sa mata. Unti-unti naman siyang humakbang palapit sa akin at marahan akong hinawakan sa magkabilang braso. “Tell me, did you also sleep with her just to comfort her huh? “H-Ha? H-Hindi. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ikaw lang ang mahal ko at sa'yong sa'yo lang ako. Intindihin mo naman ang sitwasyon ni Katrina, Zia.” Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at akmang hahalikan ako nang mabilis kong iniwas ang mukha ko. “Let’s stop this discussion kung ipipilit mo sa aking intindihin ko kayo, dahil kahit anong isip ko at pilit ko ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano, Ace.” Muli ko siyang tinulak at mabilis na umakyat sa second floor. Padabog kong isinara ang pinto dahilan para bumagsak ang isang frame na may wedding photo naming dalawa. Nanginginig ang mga kamay habang pinupunasan ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong hindi na dapat ako masaktan. Noong gabing nakita ko sila, dapat tinanggap ko na. Ace could deny it all he wants but it wouldn't change the fact that they've been sleeping together behind my back. They've been doing all the things that only husband and wife should. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang contact ng isa sa mga private investigator na kilala ko. Kahit minsan ay hindi ko akalaing magagalit ako nang ganito katindi. Kung hindi siya aamin sa kolokohan niya, ako na mismo ang kukuha ng ebidensya sa kagaguhan niya. “Ace, hintayin mong isampal ko sa pagmumukha mo kung gaano ka kasinungaling at kung gaano ka kagaling manloko at magpaikot ng tao," bulong ko habang patuloy ako sa paghahanap ng number ng private investigator. "Uno, I want you to do something for me. I'm going to send you the details later. Okay. Thank you.” Ibinaba ko ang tawag at agad akong napahiga sa kama. Tumigil na rin ng kusa sa pag-agos ang mga luha ko. Muli akong napatingin sa cellphone ko nang paulit-ulit itong mag vibrate. Rumehistro ang pangalan ni Miss Claire, ang manager ng business department sa screen na agad kong pinagtaka at dali-daling sinagot.Zayn’s POV “Take her in, I want to talk to her,” I said as I kept my attention focused on the woman in front of me. I scanned her from head to foot and only realized what she’s wearing. Kumpara sa mga madalas niyang mga suot, she looks like a highschooler now.Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya nang sa wakas ay tumayo na siya at ibinalik ang atensyon sa akin. Bitbit ang box ng herbal tea ay muli siyang naupo ng maayos sa sofa, sa gilid.“Para sa’yo nga pala, Uncle Zayn,” mahina niyang bulong kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi na hindi nagawang palampasin ng mga mata ko.She has small, pinkish lips… even her cheeks are getting red, right now. She effortlessly made herself adorable, but clumsy in the bad way.Muling bumalik sa ala-ala ko ang gabing iyon and even someone spiked my drink… I still vividly remember some of the scenes. Ang maliit na bewang na saktong-sakto sa mga bisig ko, ang mga impit na ung0l na pilit pinipigilan, at ang malambot na labing halos maging dahi
Zia’s POV“I want to own you tonight, wifey. Can I? Hmmm?”Kung hindi ko lang alam kung ano ang ginagawa nila ni Katrina kapag nakatalikod ako, baka bumigay na ako sa pag-aaya niya. Nakakasulasok ang amoy ng pinaghalong alak at pabango ni Katrina. To think that my husband devoured someone in bed before coming to me, disgust me.“I’m sorry. Wala ako sa mood ngayon. Ang mabuti pa ay maglinis ka na muna ng katawan mo. May naaamoy kasi akong hindi kanais-nais.” Marahan kong hinawi ang mga bisig niyang nakapulupot sa akin. Pilit pa rin niya akong hinahalikan pero dumistansya pa rin ako. Napalunok ako nang makita kong inihilamos niya sa kaniyang mukha ang kaniyang mga kamay. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Mabuti naman.“Zia, may problema ba tayo? Ilang araw mo na akong iniiwasan. Asawa kita pero bakit hindi mo ako mapagbigyan? Bakit parang ang layo-layo mo kahit magkalapit lang naman tayo? As my wife, it is your duty to make me happy…in bed or not.”I could sense how disappointed he was
Zia’s POV“Avery!” Mabilis ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Puno ng luha ang mga mata at pisngi niya. Kita ko rin ang panginginig ng buong katawan niya.“Miss Zia,” hikbi niyang bulong sa pangalan ko na animo’y isang batang nagsusumbong.“Ayos na, Avery. Ligtas na tayo mula sa matandang ‘yon. Wala ka nang dapat ikatakot.” Paulit-ulit kong hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya.“P-Pero paano ang…ang kontrata, Miss Zia?” aniya na puno ng pag-aalala. “Malaking pera ang nakasalalay sa project na ‘to. Anong gagawin natin? Tiyak na magagalit sa atin si Miss Claire. Malaki ang posibilidad na mawalan tayo pareho ng trabaho. I can't lose my job, Miss Zia. Mahirap humanap ng trabahong tulad nito,” humihikbi niyang sambit.Hindi agad ako nakakibo. Gusto ko mang pagaanin ang loob niya at sabihing magiging maayos din ang lahat, alam ko kung gaano kabigat ang kontratang pinakawalan namin.“Avery, ang mahalaga ay ligtas tayo. Susubukan kong
Zia’s POV “M-Miss, Z-Zia…” Nanginginig ang boses ni Avery. Ramdam ko rin ang kamay niyang hawak ko na nanlalamig habang tumatakbo kami sa hallway. “It’s okay, Avery. Makakaalis tayo ng ligtas sa lugar na ‘to–” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang harangan kami ng isang grupo ng bodyguards. Pareho kaming napatigil ni Avery sa pagtakbo at unti-unting napaatras. Isang ngising nakakaloko ang kumawala sa labi ng isang lalaki. “Saan kayo pupunta? Sa tingin n’yo ba ay makakaalis kayo ng gano’n-gano’n na lang?” Humakbang siya palapit sa amin at ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan niya. Napaigtad ako nang bigla niyang nahagip ang aking braso. Pinisil niya iyon at sinaman ako ng tingin. “Bumalik kayo sa loob. Hindi pa tapos sa inyo si Mr. Collins– Ack!” Isang impit na ungol ang kumawala sa kaniya nang kagatin at pisilin ni Avery ang kaniyang braso, dahilan para mabitiwan niya ako. “Putang.ina mong babae ka! Bitiwan mo ang braso ko!” sigaw niya at walang pag-iingat na hinila ang
Zia’S POV“Miss Claire, good evening. Anong problema at napatawag ka nang ganitong oras?”“Oh, I’m sorry, Zia. Nakauwi ka na ba?” Halata ang urgency sa boses niya at halatang problemado.“Oh, well yes. Pero kung may kailangan kang ipagawa ay p’wede ko namang tingnan kung magagawa ko rito sa bahay,” hindi ko mapigilang alok. Kababalik ko palang sa trabaho at masyado ko nang tinatambakan ang sarili ko ng mga tasks.“W-Well, mayroong urgent meeting ngayon para makipag-deal ng contract kay Mister Collins. Malaking project ito at hindi p’wedeng hayaan na lang. Malaki ang magiging damage sa kumpanya kapag hindi na close ang deal. Ako dapat ang kasama ni Avery na makikipag-usap kay Mr. Collins pero nagkaroon ako ng emergency rito sa bahay. Tatanungin ko sana kung p’wede bang ikaw ang pumalit sa akin?”Hindi agad ako nakakibo. Masyadong mabigat ang trabahong gusto niyang ipasa sa akin.“Please, Zia. Hindi kakayanin ni Avery mag-isa ang makipag contract deal kay Mr. Collins. Kailangan niya ng
Zia’S POV“Thank you sa pagsakay sa akin.”Natigilan siya at napangisi dahil sa sinabi ko. Is there something wrong? Oh fúck! Gano'n ba siya ka green minded at iba ang dating no’n sa kaniya? “Ah…I mean…” Magkahalong takot at hiya ang pilit kong itinatago habang dahan-dahang lumalabas sa land cruiser niya. Simpleng tango at pilyong ngiti lang ang sinagot ni Zayn.Magiliw namang ngumiti sa akin si Marcus, assistant ni Zayn na kabaliktaran ng ugali niya. “Walang anuman, Miss Zia,” aniya.Kumaway pa si Zayn bago ako tuluyang tumakbo papasok sa kumpanya ni Ace.Hindi ko pinansin ang tinginan ng ibang empleyado sa lobby at tuloy-tuloy lang akong dumiretso sa office kung nasaan ang managerial department.“Mr. Thompson?” mahina kong tawag sa lalaking abala sa pagtipa sa computer na kaharap at halos magsalubong na ang kilay, pero nang makita siya ay agad na lumiwanag ang mukha niya.“Zia?” Napatayo pa ito na parang hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo rito? Bukas pa ang start mo sa work mo.







