공유

Kabanata 5

작가: Docky
last update 최신 업데이트: 2026-01-12 14:57:25

Zia’S POV

“Miss Claire, good evening. Anong problema at napatawag ka nang ganitong oras?”

“Oh, I’m sorry, Zia. Nakauwi ka na ba?” Halata ang urgency sa boses niya at halatang problemado.

“Oh, well yes. Pero kung may kailangan kang ipagawa ay p’wede ko namang tingnan kung magagawa ko rito sa bahay,” hindi ko mapigilang alok. Kababalik ko palang sa trabaho at masyado ko nang tinatambakan ang sarili ko ng mga tasks.

“W-Well, mayroong urgent meeting ngayon para makipag-deal ng contract kay Mister Collins. Malaking project ito at hindi p’wedeng hayaan na lang. Malaki ang magiging damage sa kumpanya kapag hindi na close ang deal. Ako dapat ang kasama ni Avery na makikipag-usap kay Mr. Collins pero nagkaroon ako ng emergency rito sa bahay. Tatanungin ko sana kung p’wede bang ikaw ang pumalit sa akin?”

Hindi agad ako nakakibo. Masyadong mabigat ang trabahong gusto niyang ipasa sa akin.

“Please, Zia. Hindi kakayanin ni Avery mag-isa ang makipag contract deal kay Mr. Collins. Kailangan niya ng kasama. Narinig ko si Mr. Thompson na pinupuri ang pangalan mo sa mga managers, so I think kakayanin mo ‘yon,” puno ng pag-asa niyang sabi sa kabilang linya.

“Okay, Miss Claire. Paki-send na lang ng address ng lugar para mapuntahan ko agad si Avery. Also, please send me the soft copy of the contract so I can read it while I'm on my way,” wika ko. Wala naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang trabahong iniatang sa akin.

“Oh gosh! Maraming salamat sa pagpayag! I-e-email ko agad ang contract sa'yo. I chat ko na lang din ang exact location na pagtatagpuan nina Avery at Mr. Collins!” Ang malungkot at problemado niyang boses kanina ay biglang sumigla na parang wala siyang inisip na problema sa kaniya kanina.

Hindi pa ako nakakasagot ay mabilis na niyang pinatay ang tawag. Wala pang ilang segundo ang nakalipas ay natanggap ko na ang email na naglalaman ng attachment ng soft copy ng contract. Mayamaya ay nag chat na rin siya at tanging address lamang ang nakalagay roon. Nagulat ako sa nakita kong address. Isang club? Contract deal sa loob ng isang club? Pumunta si Avery mag-isa sa gano’ng lugar para sa trabaho? Paano kung mapahamak siya roon?

Agad kong dinampot ang jacket ko sa kama at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Mabilis namang napatayo si Ace na nadatnan kong nakaupo pa rin sa sofa.

“Saan ka pupunta? Gabi na,” pigil niya sa akin at akmang kukunin pa ang susi ng kotse ko nang samaan ko siya ng tingin.

“May trabaho ako, Ace. Hindi ako aalis basta-basta ng walang dahilan. Hindi rin ako aalis para lang makipagkita ng palihim sa kung sino,” sarkastiko kong sagot at akmang tatalikuran siya nang muli niya akong hinila paharap sa kaniya.

“Trabaho? Anong oras na! Anong trabaho ang tinutukoy mo?” salubong ang kilay niyang tanong.

“This is an urgent task, Ace. Kung gusto mong makasiguro eh ‘di tawagan mo si Miss Claire. Siya ang nagbigay ng instructions sa akin. Kung ang nais mo lang naman ay makipag-away, huwag muna ngayon. Nagmamadali ako.” Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at tuloy-tuloy na akong lumabas sa bahay. Wala na akog pakialam kahit paulit-ulit niyang tawagin ang pangalan ko.

Inabot ako ng kinse minuto bago makarating sa address ng club. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi basta-basta ang club base sa labas dahil may parking lot ito at mga security guards.

Mabilis kong inayos ang damit at buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kotse. Taas-noo akong dumiretso sa entrance ng club. Unang humarang sa akin ang bouncer at hinanapan agad ako ng ID na agad kong pinakita bago tuluyang makalapit sa front desk.

“Good evening,” nakangiti kong bati sa babae na agad naman niyang binalik sa akin.

“Good evening, ma’am. May reservation room po?” magalang niyang tanong na halatang sanay na sanay na sa trabaho.

“Ah yes, under Mr. Collins name,” mabilis kong sagot.

Ang matamis niyang ngiti ay unti-unting nawala. “O-Oh, Mr. Collins… please come this way, ma’am.” Kinalabit niya ang kasama para palitan siya sa p'westo at nauna nang naglakad sa hallway kung saan naroroon ang mga VIP room.

Wow! Hindi ko akalaing bigatin talaga si Mr. Collins. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ni Miss Claire na makuha ang contract with Mister Collins. Mukhang malaki nga talaga ang mawawala sa kumpanya kung hindi siya mapapapayag na pirmahan ang contract.

“Ito po ang kuwarto kung nasaan si Mr. Collins. Kung may kailangan po kayo ay tumawag lang po kayo sa amin,” aniya bago ako tuluyang iniwan sa harapan ng pinto.

Saglit akong huminga ng malalim bago ko unti-unting pinihit ang doorknob. Natigilan ako sa halakhakan sa loob. May mga lalaking halatang tuwang-tuwa sa nangyayari roon.

“Why are they laughing? Bakit parang maraming tao sa loob? It should be between Avery, Mr. Collins and Miss Claire—”

Naguguluhan man ay mas itinulak ko pa ang pinto para tingnan kung nagkamali lang ang babae ng kuwartong pinagdalhan sa akin pero hindi. Mula sa p'westo ko ay kitang-kita ko kung paano tahimik na nakaupo si Avery. Nakaakbay sa kaniya ang isang may edad ng lalaki.

“So, huwag na muna nating pag-usapan ang contract. Bakit hindi mo muna inumin ito? Mas magandang mag-usap ng business kapag nakainom na,” wika ng matandang lalaki at pilit inaabot ang baso sa kamay ni Avery.

“Tama, kung iinumin mo ang alak na ‘yan ay mas lalakihan namin ang perang iiinvest sa project. Hindi ba at mas matutuwa ang boss mo kapag ginawa namin ‘yon?” suhol pa ng isa at saka humalakhak. Pinasadahan niya ng malagkit na tingin si Avery mula ulo hanggang paa at nanatiling nakatitig lang sa hita niya.

“Excuse me, sorry for being late,” agaw ko ng pansin nila at ngumiti ng matamis bago ako tuluyang lumakad kung nasaan si Avery. “Bakit hindi na lang ako ang uminom ng alak? Mas magaling akong mag handle ng alcohol kaysa sa kasama ko,” dagdag ko pa na naging dahilan ng pagtitinginan nila.

“And you are?” tanong ng matandang lalaking nakaakbay kay Avery. Sa tingin ko ay siya si Mr. Collins.

“I’m Zia. You must be Mr. Collins, right? It’s nice to meet you.” Inilahad ko ang kamay ko sa tapat ng kamay niyang nakaakbay kay Avery. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi ang alisin iyon at makipag handshake sa akin.

“Well then, Miss Zia… tingnan natin kung gaano ka kalakas mag handle ng alcohol. Baka matuwa ako at pirmahan ko agad ang deal.” Ngumisi siya na parang aso at tumayo sa harapan ko. Hinawakan pa niya ang baba ko at marahan iyong hinaplos. “Not bad, magaganda talaga ang empleyado sa kumpanya ni Mr. Evans.”

“Miss Zia, anong—”

Lumapit ako kay Avery. Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. Doon ko lang napansin ang panginginig ng mga kamay.  "Don't worry. I'm here to help you seal the deal. Kinausap ako ni Miss Claire para samahan at tulungan ka."

Nagulat ako nang bigla na lamang hinigit ni Mr. Collins ang kamay ni Avery. Mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano niya hinawakan ang dibdib ng aking kasama! That's séxual harassment!

“Huwag ka munang aalis, Miss Avery. Hindi pa ako nagsisimula sa'yo. Kapag tapos nang uminom ng alak ang kasama mo, siya naman ang hahaplusin at titikman ko." 

“M-Mr. Collins…"

Napasinghap ako nang bigla na lamang pinisil ni Mr. Collins ang dibdib ni Avery. Nagdilim bigla ang paningin ko at agad kong kinuha ang bote ng alak na nasa mesa. Sa isang iglap ay nagawa ko iyong ipukpok sa ulo niya dahilan para tumalsik ang pulang likido mula sa sugat na natamo niya dahil sa ginawa ko.

“Miss Zia, p-paano na ang contract…" sigaw ni Avery nang makita niyang dumudugo ang ulo ni Mr. Collins.

Nilingon ko si Avery. "May mas mahalaga pa ba kaysa sa kaligtasan natin? Kaysa sa dignidad natin?” Dali-dali kong hinablot ang kamay niya at mabilis kaming tumakbo palabas ng silid habang abala pa ang lahat na alalayan si Mr. Collins.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle   Kabanata 89

    Zayn’s POVZia smiles, a real smile as she lets her hair blow by the wind. The sound of her laugh mingled with the waves as we let our bodies sway together with it. I could not help but stare at her and smirked to hide the smile starting to form on my lips, but watching her was not the right choice in this situation. I didn’t see the wave coming toward us. I lost my balance and fell. “Fúck!” hindi ko napigilang mura. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan siya pabalik na kung nasaan ako. Nauubo pa ako, ngunit agad akong napasinghap at natigilan nang makita ko siya. Mas lumawak ang ngiti niya at mas humalik ang mahinang halakhak na kumakawala sa kaniyang mapupulang labi. Namumula pa rin ang mga pisngi niya at nagniningning ang kaniyang mga mata. Halatang tuwang-tuwa siyang natalo niya ako sa pustahan naming dalawa, lalo na at ako ang nagyayabang kanina. Not fair. She kept smiling to distract me. She should not smile like that and she should not let her walls down when I’

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle   Kabanata 88

    Zia’s POV“Now, try to lay on your stomach and quickly stand up when the wave is coming,” muli niyang sabi nang may paparating na maliit na alon sa amin.Smooth niyang nagawa ‘yon, hindi man siya umusad ng malayo sa akin ay naipakita naman niya ang tamang postura at kung paano ibabalanse ang kaniyang sarili.“Ikaw naman.” Pinanood niya ako. Tinitingnan niya ang bawat galaw ko kung tama ba ang ginagawa ko…kung naiintindihan at natatandaan ko ba ang mga ipinakita niya.Tulad nang ginawa niya ay inayos ko rin ang postura ko at naghanda sa paparating na alon. Hindi pa ako tuluyang nasasalpok ng alon ay agad na akong bumagsak sa tubig. Paulit-ulit akong naubo. Hindi pala talaga masarap ang lasa ng tubig sa dapat.“You’re doing it wrong, you need to calm your muscles,” sabi niya at lumangoy palapit sa akin. Hinawakan niya ako para tuluyang maupo muli sa surfing board. Ramdam ko ang init ng kamay niyang nakahawak ngayon sa aking balakang, habang ang isang kamay naman niya ay naka-alalay sa s

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle   Kabanata 87

    Zia's POV“Zia, kanina pa kitang hinahanap. Sa’n ka ba nagpunta—” Mabilis na naitikom ni Avery ang kaniyang labi nang makita niya si Uncle Zayn na nasa gilid ko. Lumipat ang tingin niya sa akin at tiningnan ako nang may pagtatanong sa kaniyang mga mata.Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. Gusto kong sabihin kay Avery na hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Kung bakit nandito rin sa beach resort si uncle at kung paano niya ako inalok na maging student niya sa surfing. Oo, student kasi siya ang magiging trainor ko.“Un—I mean, Mr. Zayn…” Napatigil ako nang mapagtanto kong mas madalas gamitin ang pangalawa niyang pangalan ng ibang tao kaysa sa una. “Mr. Alexander volunteered to become our trainor, Avery.”Pilit akong ngumiti kay Avery na halatang hindi rin alam kung ano ang kaniyang i-re-react.“O-Oh… Actually, may nakuha na akong trainor sana natin… Siguro ay sa akin na lang siya mag focus. K-Kayo na lang si Sir Alexander ang mag partner!” mabilis niyang sambit. Hal

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle   Kabanata 86

    Zia’s POV“What are you doing here?” Bakas ang pagtataka sa mukha ni Uncle Zayn ng magkasalubong kami sa loob ng renting cottage kung saan p’wedeng magbayad ng board.Imbis na sagutin ang tanong niya ay hindi ko maiwasang bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan. Mas maliwanag ngayon at mas malinaw sa paningin ko ito ng buong-buo kumpara noong gabing may nangyari sa aming dalawa.Paulit-ulit akong napalunok at napaiwas ng tingin sa hulmado niyang abs at napaangat ang tingin ko sa mga mata niya. Gano’n na lang ang gulat ko nang titig na titig din pala siya sa akin. Pakiramdam ko ay nahuli niya ako sa isang bagay na hindi ko dapat ginagawa.“U-Uncle Zayn…” Iyon lang ang lumabas na salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag na hindi ko sinasadyang titigan ang katawan niya dahil magtutunog guilty lang ako kapag ginawa ko ‘yon. “A-Ano ulit ang sabi mo?” wala sa sarili kong dagdag.Mas lalong nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin siya sa akin. Mukhang nair

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle   Kabanata 85

    Zia’s POVAlas sais pa lang nang umaga ay may nag-doorbell na agad. Nauna namang buksan ni Ella ang pinto at nakita ko ang bitbit niyang paper bag.“Good morning,” bati ko sa kaniya habang pinagpapatuloy niya ang pag-toothbrush ng kaniyang ngipin.Tumango lang siya dahil hindi makasagot at itinuro ang paper bag na ilalagay lang niya sa lamesa. Nilapitan ko naman ‘yon at isa-isang nilabas.“Sorry, na-late ako sa paggising. Promise, bukas ay magluluto ako. Salamat at dinamay mo ako sa order mo,” nakangiti kong sabi at agad kong kinagat ang sandwich.Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Masyadong detalyado ang sandwich batay sa gusto kong paraan ng pagkakagawa nito.“Ikaw ba ang nag-order nito?” nagtataka kong tanong at tiningnan siya.Bumuntong-hininga naman siya at umiling, kaya mas lalong naging malinaw sa akin kung sino ang nagdala ng sandwich.“Nakausap mo siya?” tanong ko, pero muli lang siyang umiling at umismid pa.“Naabutan ko lang siyang papasok na sa kotse. Anong drama niya? Nga

  • Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle   Kabanata 84

    Ace’s POVTinitigan ko si Zia habang hinihintay ko ang sagot niya pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin. “Hindi lang maganda ang pakiramdam ko dahil sa pagkakahulog ko kanina sa tubig. Isa pa, inaantok na kasi ako at gusto ko nang matulog. Hindi pa ba tayo puwedeng maunang umalis?” tanong niya at luminga-linga para tingnan kung marami pa ba ang mga kamag-anak kong naroon. “Kung hindi ka pa puwede ay magpapasundo na lang ako kay Ella.”Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon sa gusto niyang mangyari. “Kung pagod ka na at gusto mo nang umuwi, puwede naman na tayong umalis. Magpapaalam lang ako saglit at ihahatid na kita. Hintayin mo na lang ako sa labas. Isuot mo ‘to.” Hinubad ko ang suot kong bagong suit at binalot ko sa kaniya.Hindi siya kumibo at lumakad na palabas ng mansyon. Mabilis naman akong nagpaalam sa lahat at kay mama na hindi ako magawang kibuin dahil sa pagtatampo.I jogged outside and immediately opened the door for her. “Get in, I will take you home,” malambing

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status