Share

Kabanata 4: Pagdududa

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-02-14 15:48:28

Napatitig si Scarlett sa sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Matangkad ito at may itsura. Mukhang galing sa isang prominenteng pamilya. Siya na ba si Mr.Vasquez na siyang tumawag sa kanya kanina? Bakit kaya? Sa pagkakaalala niya ay hindi pa niya ito kailanman nakita.

Subalit kahit ano paman ang sadya nito sa kanya, nagpapasalamat parin siya at dumating ito. Nang sa ganun, makapagpahinga siya sa pakikipagtalo kay Amelia. Napahawak siya sa gilid ng mesa at dahan-dahang umupo at iniwasang masulyapan si Amelia.

Sinipat naman ng tingin ni Amelia ang lalaking kaharap mula sa maganda nitong tindig, mga matang nakakatunaw kung tumingin, simpleng pananamit subalit napakaeleganteng tingnan at galing pa sa isang sikat na law firm. Napagtanto niyang hindi ito ang klase ng tao na sasantuhin ang sinumang makakalaban nito.

Matagal din siyang nagtatrabaho sa gobyerno kaya't marami siyang alam na law firm at isa na doon ang Nexus. Nais niyang matawa. At nagtawag pa talaga ng isang abogado si Scarlett para lang harapin siya!

Siguro ay sinadya nitong galitin siya para magkaroon ito ng ebidensya na magagamit laban sa kanya at madiin siya. That sly bítch! Kung inaakala nito na susuko siya sa pagbura ng video ay nagkakamali ito! Pero agad niyang naisip na hindi na niya pwedeng alipustahin at takutin si Scarlett gaya ng dati niyang ginagawa kaya't umisip siya ng paraan para makuha ang kanyang gusto sa mahinahon na paraan.

Tumikhim siya at pilit na ngumiti. "Lawyer Vasquez right? Alam mo kasi, hindi ko naman sinasadya ang nasabi ko sa kanya. She's my daughter-in-law after all. We are still family. Nadala lang ako ng galit ko. Hindi mo naman ako masisisi lalo na't sinagot-sagot ako ni Scarlett imbes na respetuhin niya ako bilang nakakatanda sa kanya."

Umarko ang isang kilay ni Scarlett. "Ah, pamilya pala tayo. So hindi pala ilegal na sirain ko ang mga gamit ko, right?" Singit niya habang nasa likuran siya ni Kairo.

Napangiti naman si Kairo sa pagiging palaban ni Scarlett at marahang tumango. "Of course. It's not illegal since it's yours."

Napatingin si Amelia kay Scarlett na ngayon ay prente ng nakaupo sa silya. "Pero divorce na kayo ng anak ko at bahay ko yun. Hindi ba't trespassing na ang tawag doon sa pagpasok mo ng walang pahintulot mula sa akin?"

Nilingon ni Kairo si Scarlett na kasalukuyan ng nakaupo. Mas lalo pa itong namutla kaysa kanina. Pawis na pawis din ang noo nito at mukhang nanghihina. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "You don't look well, Miss Lopez. Gusto mo bamg dalhin muna kita sa ospital?

Nag-angat siya ng tingin kay Kairo bago palihim na hinagod ang kanyang tiyan. "Ayos lang ako, salamat."

Sandali pang pinagmasdan ni Kairo si Scarlett bago muling hinarap si Amelia. "Madam, please allow me to state a legal fact. Ang bahay po na sinasabi ninyo ay common property nilang mag-asawa noong kasal pa sila kaya ibig sabihin, kalahati ng bahay na iyon ay pag-aari parin ni Miss Lopez," malamig at seryoso niyang turan.

"Ngayon, kahit na legal ng hiwalay si Mr.Vergara at Miss Lopez, may karapatan parin siya sa bahay nilang mag-asawa at hindi matatawag na trespassing ang kanyang ginawa," pagpapatuloy pa niya.

Natulala si Amelia sa mga sinabi ni Kairo. Nais man niyang magdahilan subalit walang salitang namutawi sa kanyang bibig. Nang mapagtanto niyang talo siya sa laban nila ni Scarlett sa ngayon, agad siyang nakaisip ng paraan para mabura parin ang video na nasa cellphone ni Scarlett at masiguro ang kaligtasan ng anak niya.

"Okay, hindi na ako magdedemanda at hindi narin ako hihinginng compensation sa ginawa mo sa bahay ko pero kailangan mong burahin ang video ni Liam sa cellphone mo dahil kung hindi, irereklamo kita sa mga pulis."

Pinukol ni Scarlett ng malamig na titig si Amelia bago nagsalita. "You're right. Dapat ko na itong burahin dahil ayokong mabahiran ng dumi ang cellphone ko," aniya at walang pag-aalinlangan na binura ang video.

Matapos niyang mabura ang video ay agad ng binawi ni Amelia ang reklamo nito laban sa kanya. Magkasabay naman sila ni Kairo na lumabas ng presinto. Humarap siya sa lalaki at nagpasalamat dito.

"Maraming salamat, Mr.Vasquez."

"You're welcome." Tinitigan ni Kairo si Scarlett. Hindi niya maiwasan na mag-alala sa kalagayan nito lalo na ng masikatan na ito ng araw at nakita niya ang kaputlaan nito. "Ayos ka lang ba talaga? Dalhin na kaya kita sa ospital?"

Marahan namang umiling si Scarlett at tipid na ngumiti. "Hindi na. Ayos lang talaga ako. This is an old problem. Mawawala din ito kapag nainuman ko ng gamot," tanggi niya. "Ano nga pala ang sadya mo sakin Mr.Vasquez?" Pag-iiba niya ng usapan.

Napatingin si Kairo sa pharmacy na nasa kabilang kalsada. "Mas mahalaga ang kalusugan mo, Miss Lopez. Give me the name of the medicine. Ako na ang bibili para sayo."

Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi nang muli na namang sumigid ang kirot sa kanyang tiyan. Wala na siyang nagawa pa kundi sabihin sa lalaki kung anong gamot ang iinumin niya.

"Wait for me here, okay? Babalik din ako agad," paalam ni Kairo at mabilis na nagpunta sa pharmacy.

Umupo siya sa bato na nasa harapan ng police station at dinukot ang kanyang cellphone. Pinagmasdan niya ang video na kanyang binura kani-kanina lang. Pinindot niya ang restore button para ibalik ang video sa kanyang folder. Kilala niya si Liam lalo na si Amelia kaya't mas mabuti ng may hawak siyang ebidensya. Ayaw man niyang ipalabas iyon pero kung sakaling kinakailangan ay hindi siya mag-aatubili.

Bumalik si Kairo dala ang gamot at isang cup ng maligamgam na tubig. "Gusto mo bang kumain muna? Sabi ng pharmacist mas mainam kung kumain ka ng lugaw o kahit anong pagkain na may sabaw."

"Hmm, may malapit na pansit lomi dito. Gusto mo bang subukan?"

Mabilis namang tumango si Kairo kaya't agad niya itong dinala sa lugar na sinasabi niya. Umupo sila sa isang bakanteng upuan sa may sulok.

"Pasensya ka na kung maliit itong kainan pero huwag kang mag-alala, maselan ang may-ari nito kaya sigurado akong malinis ang pagkain."

Tipid na ngumiti si Kairo at tumango. "I can see it. By the way, you seemed familiar with this place. Lagi ka ba dito?"

Marahang umiling si Scarlett. "Nagpartime job ako dito noong highschool ako."

Ilang sandali pa'y dumating na ang order nila. Agad niyang tinikman ang sabaw. Mabilis na nanuot ang init sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura. Unti-unti ring nawala ang sakit ng kanyang tiyan na iniinda.

Napatingin siya kay Kairo na mukhang sarap na sarap sa kinakain nito. "Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" 

Nag-angat ng tingin si Kairo. Agad niyang napansin ang unti-unting pamumula ng pisngi nito. Napangiti siya at mukhang umayos na ang kalagayan nito. "Saka na tayo mag-usap pagkatapos nating kumain."

"May kaso po ba ako Mr.Vasquez?" Tanong niya nang matapos na silang kumain.

"Don't worry too much Miss Lopez, wala kang kaso. Pero mas mabuting sumama ka sakin sa Nexus para makapag-usap tayong mabuti tungkol sa pakay ko," nakangiting tugon ni Kairo.

Nakahinga siya ng maluwag nang marinig na wala pala siyang kaso. "Okay, sure."

Ilang sandali pa'y dinala na siya ni Kairo sa sinasabi nitong Nexus. Habang nakasunod siya sa lalaki ay hindi niya maiwasang itanong sa sarili niya kung bakit ang isang abogado na gaya ni Kairo na nasa isang sikat na law firm ay nais na makipag-usap sa kanya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 25

    Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 24

    Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 23

    Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 22

    Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 21

    Napahilamos ng mukha si Leonardo at hindi malaman kung ano ang gagawin niya. “Tulungan mo ako, Mom. Ano ba talagang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?”Umayos ng upo ang ginang at pinukol siya ng isang masamang titig "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't anak mo si Scarlett? Hindi mo siya inalagaan kaya aksidente siyang nawalay sa inyo. Ngayon gusto mong makabawi tapos ako ang tatanungin mo? Inalagaan kita mula ng maliit ka pa hanggang sa ngayon, Leonardo. Wag mong sabihin na hanggang sa mamatay nalang ako itatanong mo parin sakin kung ano ang gagawin mo?!" Nayayamot nitong asik.Napasabunot ng sariling buhok si Leonardo. "Hindi naman namin ginusto na mangyari ito, Mom. Masyadong magulo ang ospital ng araw nayun kaya maling bata ang naibigay ng nurse sa amin."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Carmen. "Kahit na nagkamali ang nurse, responsibilidad mo parin na hanapan ng solusyon ang nangyari. Tinawagan ko na si Liliana at darating siya mamayang alas kwa

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 20: Bayad

    Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status