Share

Kabanata 26

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2026-02-09 14:19:47

Nangilid ang luha sa mga mata ni Liliana habang nakaluhod sa harap ni Carmen. Nakasubsob ang kanyang ulo sa mga tuhod ng ginang, humihikbi habang nagtatanong, "Grandma, ituturing niyo pa rin ba akong apo?"

Marahang hinaplos ni Carmen ang kanyang buhok, at sa isang matatag na tinig ay sinabing, "Apo kita. Walang magbabago sa pakikitungo ko sayo, Liliana. Gusto mo na bang itakwil ako bilang lola mo?"

Umiling si Liliana, habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. "Natatakot lang po ak
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 26.1

    Sinagot niya ang telepono sa nanghihinang boses."Hello, Attorney Vazquez."Nang marinig ang kakaibang boses ni Scarlett, lumingon si Kairo sa nag-aalalang si Leonardo at sa asawa nito na nakaupo sa tabi niya, saka nagtanong nang may pag-aalala, "Miss Scarlett, anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?""Pasensya na Attorney pero ang sama ng pakiramdam ko ngayon, sobrang sakit ng ulo ko," ani Scarlett habang nanlalabo ang kanyang paningin.Pakiramdam niya ay umiikot ang mundo sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata."Nasaan ka ngayon? Pupunta na ako riyan!" Nag-aalalang bigkas ni Kairo."Nandito ako sa apartment ko, sa pangatlong..." Unti-unting humina ang boses ni Scarlett hanggang sa tuluyan itong mawala. Tumingin si Emily kay Kairo nang may kaba."Attorney, anong nangyari sa kanya?"Mabilis na kinuha ni Kairo ang susi ng kanyang kotse bago sumagot. "Sabi niya ay masama ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang ibigay ang address, wala na akong narinig sa kabilang linya. Nat

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 26

    Nangilid ang luha sa mga mata ni Liliana habang nakaluhod sa harap ni Carmen. Nakasubsob ang kanyang ulo sa mga tuhod ng ginang, humihikbi habang nagtatanong, "Grandma, ituturing niyo pa rin ba akong apo?"Marahang hinaplos ni Carmen ang kanyang buhok, at sa isang matatag na tinig ay sinabing, "Apo kita. Walang magbabago sa pakikitungo ko sayo, Liliana. Gusto mo na bang itakwil ako bilang lola mo?"Umiling si Liliana, habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. "Natatakot lang po ako na baka hindi niyo na ako kilalanin!"Bumuntong-hininga nang malalim si Carmen. "Noong bata ka pa, abala ang mga magulang mo, kaya ako ang nag-alaga sayo. Ngayon, tatlumpu't tatlong taong gulang ka na..."Hindi na kailangang tapusin ang pangungusap para maunawaan ng lahat; ang pagmamahal nila kay Liliana ay wagas at malalim, hindi nababawasan kahit wala silang pagkakaugnay sa dugo. Ang pag-ibig na ito ay matagal nang lumampas sa hangganan ng kadugo.Mananatiling isang Van Buren si Liliana sa k

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 25

    Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 24

    Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 23

    Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 22

    Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status