Share

Kabanata 3: Pagbabanta

Penulis: Georgina Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-14 15:47:19

"Pag-isipan ninyong mabuti kung ano ba talaga ang nais ninyo para matapos na ang gulo sa pagitan ninyo. Marami pa akong gagawin kaya't tawagan niyo nalang ako kapag nagkasundo na kayo tutal ay dati naman kayong magkapamilya," ani ng pulis bago sila iniwang dalawa.

Pinukol ni Amelia ng nang-aalipustang tingin si Scarlett na nakasandal sa upuan. "Mabuti nalang talaga na hiniwalayan ka na ng anak ko! Hindi ka nababagay sa kanya!" Mataray nitong anas at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa.

"Ikaw ang bumili ng mga gamit ha? Nakakalimutan mo na yata kung sino ang tumulong sayo para makahanap ka ng matinong trabaho! Kung hindi dahil sakin, isa ka paring inutil at palamunin sa bahay namin!"

Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi. Naalala niyang balak niyang magtake ng civil service exam noong nagpakasal sila ni Liam pero dahil nais niyang pagsilbihan ang kanyang asawa, hindi muna siya tumuloy.

Kaya noong kailangan na niyang magtrabaho para makatulong din sa gastusin sa bahay, pinili niyang magtrabaho bilang isang sales clerk sa mall. Mababa man ang sahod niya, at least may maiimabag parin siya pero hindi naging masaya ang ina ni Liam sa trabaho niya.

Pakiramdam nito kahihiyan na may miyembro ng pamilyang Vergara ang maliit na sahod kaya't ipinasok siya nito sa kasalukuyan niyang trabaho ngayon. Pinagsasabay niya ang pagtatrabaho, pagiging asawa kay Liam at pagiging katulong ni Amelia kaya nawalan na talaga siya ng oras para sa kanyang civil service exam.

At ngayong naiwan na siyang mag-isa, wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Masyado niyang iginugol ang pagmamahal at oras niya kay Liam at kinalimutan ang sarili niya. Wala siyang labasan ng sama ng loob at mapagbuntunan ng lahat ng hinanakit niya.

"Huwag mo na akong hamunin pa Amelia at baka hindi na ako makapagpigil pa," malamig at pagod niyang turan.

Kita niya ang gulat sa ekspresyon nito. Siguro dahil iyon ang unang beses na tinawag niya ito ng walang paggalang pero sa ngayon ay wala na talaga siyang pakialam pa. Sana nga lang ay matapos na ang buhay niya para makapagpahinga na siya ng tuluyan.

Hindi naman makapaniwala si Amelia habang pinagmamasdan si Scarlett. Nasanay siya na palagi itong malumanay at masurin sa kanya. Tama nga siya. May tinatago itong kulo sa loob.

"At bakit? Tingin mo ba natatakot talaga ako sayo? Hindi ka pa ipinanganak, pabalik na ako Scarlett. Ako ang huwag mong hamunin dahil baka makikita mo ang hinahanap mo!"

Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi at nag-angat ng tingin sa kanyang dating biyenan. Hindi pa siya kailanman nagalit ng ganito. Ngayon palang. Paano niya ba nakaya ang walong taon na kasama ito?

Napahawak siya sa kanyang tiyan ng sumigid ang kirot sa parteng iyon. Ilang sandali niyang kinalma ang kanyang sarili bago hinanap ang video ni Liam at Daphne sa loob ng hotel na nasa kanyang cellphone kung saan niya ito nahuli at walang pag-aalinlangan na iniharap kay Amelia.

Nanlaki ang mga mata ni Amelia nang makita si Liam na n*******d sa video kasama si Daphne. Agad na umusbong ang takot sa kanyang dibdib. "You dirty bitch! Ibigay ko sa akin yan!" Aniya at sinubukang hablutin ang cellphone ni Scarlett pero mabilis naman itong iniwas ng huli.

"Dirty?" Sarkastiko siyang natawa. "You're right. Liam is dirty! Ano nalang kaya ang mangyayari kapag ipinasa ko ang video na ito sa boss ni Liam?"

Naniningkit sa galit ang mga mata ni Amelia. "Delete that video Scarlett! Baka nakakalimutan mong nasa police station parin tayo! Gusto mo bang dagdagan ko pa ang reklamo ko laban sayo?!" 

"Hindi ako natatakot sayo, Amelia," sarkastiko niyang turan. Minsan pala ay masarap ding maging walang modo kung ganung klase ring tao ang kaharap mo. "Gusto mong idelete ang video na'to hindi ba?" Tanong niya sa nakakalokong boses.

Napansin man ni Amelia ang panunuya ni Scarlett sa kanya pero hindi na iyon mahalaga pa. Ang kailangan ay madelete ang video na posibleng maging dahilan ng pagkalaglag ni Liam.

"Ano bang gusto mo Scarlett?"

Umangat ang sulok ng labi ni Scarlett sa naging takbo ng usapan nila. "Diba humihingi ka sakin ng three hundred thousand kanina? Pwes ngayon ako naman ang manghihingi sayo. Pay me three hundred thousand Amelia at buburahin ko na ang video na ito."

Pagak na natawa ang ginang. "You wish!"

"Bakit? Mas mahalaga pa ba ang three hundred thousand kaysa reputasyon ni Liam? Kapag napromote na siya sa trabaho niya, mas malaki pa ang kikitain niya. Hindi ba? Three hundred thousand in exchange for your son's bright future. Hindi narin masama."

Halos mamula na sa galit si Amelia dahil sa mga pinagsasabi niya. "Sa tingin mo ba magtatagumpay ka sa pagbabanta mo sakin? Hindi ka mananalo laban sa'kin Scarlett!"

Nagkibit balikat naman siya. "Well, kung ayaw mo, wala na akong magagawa pa diyan. Basta isipin mong nasa cellphone ko parin ang video na'to. At ipapalabas ko, hmmm… depende sa mood ko," nakangisi niyang wika.

Tiningnan ni Amelia si Scarlett mula ulo hanggang paa. Hindi siya kailanman magpapatalo sa babaeng ito. "Alam mo ba kung bakit ka iniwan ng anak ko? Dahil losyang ka na. Daig mo pa ang isang baboy. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin? Hindi ka ba nahihiya? Dapat nga ay matagal ka ng iniwan ng anak ko! Magpasalamat ka na lang at binigyan ka pa niya ng pansin!"

Hindi paman nakakasagot si Scarlett ay pumasok na ang isang matangkad at gwapong lalaki. Kanina pa dapat lumapit si Kairo kay Scarlett pero natigilan siya nang marinig ang pinagsasabi ng babaeng kausap nito.

Agad siyang nakaramdam ng awa habang pinagmamasdan si Scarlett na inaalipusta ng matanda. Maluwag ang damit nitong suot at magulo ang buhok. Halata din ang naglalakihang eye bags nito at mukhang pagod na pagod na ang itsura.

Nabasa na niya ang impormasyon tungkol kay Scarlett pero hindi niya aakalain na ganito kalala ang sitwasyon ng babae. Literal na sobrang putla nito at para bang pinagsakluban na ng mundo.

Nang akmang duduruin ng ginang si Scarlett ay agad na siyang pumagitna sa dalawa. "Excuse me, Ma'am. I am Scarlett Dorothy Lopez's lawyer and I have recorded every insult you had just said to my client."

Nalilito namang tiningnan ni Amelia ang bagong dating. "At sino ka naman para makialam sa aming dalawa?"

Humugot siya ng business card at inabot kay Amelia. "I am Kairo Timothy Vasquez of Nexus Legal Group and Miss Lopez's lawyer. Please understand that everything you say will be used against you in the court kaya't mas mabuti pong humihanon kayo at bigyan ng respeto ang kliyente ko."

Tinanggap ni Amelia mag business card at sinipat ng tingin. Lihim siyang napasinghap nang mapagtantong hindi magbibiro ang kaharap niya. Galing sa isang sikat at hindi basta-bastang na law firm sa buong Pilipinas ang lalaking kaharap niya. 

Hindi niya maiwasang mapasulyap kay Scarlett. Paano ito nagkaroon ng koneksyon sa Nexus gayong galing lamang ito sa mahirap na pamilya?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 20: Bayad

    Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 19: Kwento

    "Ang tagal na ng mga panahong iyon. Bakit mo naisipan na itanong?"G—gusto ko lang po talagang malaman kung bakit doon sa Romero Hospital mo ako ipinanganak."Ibinigay ni Dahlia ang feeding bottle sa kanyang apo at hinayaan itong hawakan iyon at inumin bago dinampot ang kanyang cellphone. "Hindi ba't naikwento ko na ito sayo?" Nakangiting niyang sambit bago nagpatuloy."Mahigit tatlumpung taon na ang nakalilipas, nagtrabaho kami ng tatay mo sa isang construction site diyan sa Makati para kumita ng mas malaking pera. Hindi ako bumalik agad sa probinsya kahit na kabuwanan ko na dahil akala ko, may isang linggo pa naman ako. Kahit na buntis ako, naisip ko na makakagawa parin naman ako ng magaan na trabaho. Pero sino ba namang mag-aakala na kahit may ilang araw pa ako bago manganak pero lumabas na ka. Mabilis akong dinala ng isa sa mga contractor sa Romero Hospital at doon kita ipinanganak. Gumastos pa nga ako ng malaki. Kung sa bahay lang sana ako nanganak, makakatipid pa sana ako."Tahim

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 18: Lungkot

    Sandali pang napasulyap si Kairo sa mag-asawang Van Buren bago lumingon kay Scarlett. "Ihahatid na kita.Tipid namang ngumiti si Scarlett bago umiling. "Wag na. Salamat nalang. Sasakay nalang ako ng taxi pabalik."Lumapit si Scarlett sa mag-asawa na ngayon ay tahimik parin. Kung siya nga ang nawawalang anak ng mag-asawa, sigurado siyang dismayado ang mga ito. Lihim siyang napabuntong hininga bago nagsalita."Mauuna na po ako," mahina niyang paalam.Hindi sumagot ang dalawa. Mapait siyang napangiti bago tuluyan ng nilisan ang lugar.Mataman namang pinagmasdan ni Kairo ang bulto ni Scarlett habang patawid ito ng kalsada. Nang makasakay na ng taxi si Scarlett, saka lang siya lumingon sa mag-asawa. Nakasandal na si Tita Emily sa balikat ni Tito Leo habang umiiyak. Mahigpit naman itong niyakap ng huli habang inaalo.Nabasa na nina Emily ang impormasyon tungkol kay Scarlett—kung gaano kahirap ang buhay nito, ang pang-aapi ng head nito sa trabaho, pagtataksil ng asawa nitong si Liam, ang misc

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 17: Pagkikita

    Unti-unting bumagal ang lakad ni Scarlett nang makita niya ang mag-asawa sa unahan. Nakasuot ang lalaki ng isang makintab at mamahaling suit habang ang ginang namang kasama nito ay suot din ang isang puting silk dress. Parehong elegante at kagalang-galang ang dalawa.Biglang nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili si Scarlett. Kitang-kita naman na malayo ang agwat ng estado nito sa kanya. Ang mabagal niyang lakad ay kusang huminto habang nanatili siyang nakatitig sa mag-asawa na papalapit na sa gawi nilang dalawa ni Kairo.Humakbang si Kairo at binati ang mag-asawa. Uncle Leo, Auntie Emily, this Scarlett Dorothy Lopez," pakilala ni Kairo sa kanya.Nag-alinlangan Scarlett kung lalapit ba siya para bumati sa mga ito pero dahil hindi naman sila magkakilala, napagdesisyunan niyang panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Tumayo siya sa likod ni Attorney Kairo at nagsalita."Magandang araw po."Maingat na pinagmasdan nina Leo at Emily si Scarlett. Kahit nakita na nila ang impormasyon n

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 16: Kaba

    Dahan-dahang umusad ang sasakyan paalis sa tinutuluyan ni Scarlett. Nilibang nalang niya ang sarili sa panonood sa nakikita niyang mga building sa labas. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Hindi niya masasabi kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon, kung naghihintay ba siya sa katotohanang malapit nang mabunyag, o natatakot na harapin ang hindi mahuhulaan na hinaharap. Sobrang kumplikado naman ng lahat."Dito ka ba talaga nakatira, Miss Lopez?" Basag ni Kairo sa katahimikan sa pagitan nila."Oo, bagong lipat lang ako dito," patangong sagot ni Scarlett.Nakatira siya sa isang iskwater sa pagitan ng lungsod at mga kanayunan. Kung ikukumpara sa ibang mga lugar, medyo marumi at magulo nga ito at medyo malayo pa sa bus station. Gayunpaman, ang renta at ang mga presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan dito ay mas mababa kaysa sa lungsod kung saan swak sa budget niya.Ngunit para sa mga taong nasanay sa maginhawang buhay na tulad ni Kairo na karaniwang luma

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 15: Awa

    Natigil si Scarlett sa plano niyang pagbubukas ng pinto kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Hindi kaya nagkakamali lang kayo, Attorney Vasquez?"Kinagat ni Kairo ang pang-ibaba niyang labi bago sumagot. "Kung totoo man ang nakasulat sa resulta then ikaw nga ang batang naipalit na anak ng mga magulang mo sa client ko ng taong iyon."Umawang ang labi ni Scarlett sa narinig mula sa abogado. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at tila ba parang tumigil ang mundo niya sa pag-ikot. Wala sa sarili siyang pumasok sa loob ng tinutuluyan niya at napaupo sa sofa. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling tulala bago siya nahimasmasan."N—nandyan pa po ba kayo Attorney?" Tanong ni Scarlett sa nanginginig na boses."I'm still here.""Ano ang dapat kong gawin ngayon?" Naguguluhang tanong ni Scarlett. Hindi niya alam kung haharapin ba niya ang biglaang katotohanang pasabog o pipiliin niyang balewalain ang nalaman niya?"Are you free today? Gusto ng client ko na magsagawa pa ng karagd

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 14: Resulta

    Kinabukasan, nagluto ng sopas si Scarlett para magkalaman ang kumukulo niyang sikmura. Gutom na gutom siya lalo pa't tinanghali na siya ng gising. Nang matapos niya ang kanyang pagkain, saka palang siya nakaramdam ng kaginhawaan.Pagkatapos niyang kumain at maglinis ng kusina, muli siyang humiga sa kanyang kama. Pinakiramdaman niya ang sugat na natamo niya. Hindi naman iyon ganun kagrabe pero mas mabuti narin na makapagpahinga siya.Hindi namalayan ni Scarlett na nakatulog na pala siya sa kaisipang iyon. Nagising nalang siya dahil sa maingay na ringtone ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang tumawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Mang Ben iyon. Gayunpaman, pinili parin niyang sagutin ang tawag ng lalaki."Hello po, Mang Ben…""Naaksidente ka raw kahapon, Scarlett. Kumusta ka na? Maayos lang ba ang kalagayan mo? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" Tanong nito sa nag-aalalang boses."Ayos lang po ako, Mang Ben. Hindi naman ganun

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 13: Pag-aalaga

    Sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya, nauntog ang ulo niya sa steering wheel ng kotse. Ramdam niya ang pag-agos ng mainit at malagkit na likido mula sa kanyang sugat sa bandang noo. At hindi lang iyon, pati ang dalawa niyang ilong ay dumudugo narin.Dahil nakaramdam ng pagkahilo si Scarlett, nanatili siyang nakasubsob sa steering wheel hanggang sa unti-unti na siyang bumalik sa huwisyo.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang matapang na amoy ng gasolina. Mabilis siyang kumuha ng tissue at pinahiran ang dugo sa kanyang ilong saka bahagyang diniinan ang kanyang sugat para tumigil ang pagdurugo.Pilit niyang binuksan ang pintuan ng koste. Mabuti nalang at hindi siya masyadong nahirapan. Gumapang siya palabas ng sasakyan at nagpunta sa ligtas na lugar.Mabilis namang siniyasat ng driver na nakabanggaan ni Scarlett ang sitwasyon ng babae. Agad itong tumawag ng ambulansya. Hindi rin naman sila naghintay ng matagal at agad na dumating ang rescue. Isinakay si Scarlett sa stretcher at dinala

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 12: Aksidente

    Inalala ni Kairo ang mukha ni Scarlett. Kahit na mukhang haggard ang babae, mahahalata mo parin ang matangos nitong ilong at nagniningning na mga mata. Bilugan ang hugis ng mukha nito at kapag tinititigan mo ay parang kay sarap na pisilin. Kung mag-aayos lang ito kagaya ng mga babae sa alta sosyedad, mas maganda pa ito sa babaeng ipinalit ng dati nitong asawa…Kinabukasan, habang naglilinis sa kanyang mesa si Scarlett ay dumaan si Chief Darwin habang bakas sa mukha nito ang disgusto sa kanya. Sigurado siyang nagsumbong na si Liam at nakarating na sa tenga nito ang nangyari sa pagitan nila noong nakaraang araw. Malamang sa malamang, pagdidiskitahan na naman siya nito.Lihim siyang napabuntong hininga kasabay ng paglukob ng lungkot sa puso niya. Kailangang makapasa siya sa civil service exam sa susunod na taon para makakuha siya ng mas maayos pang trabaho malayo sa mga taong nang-aapi sa kanya.Hindi man siya kinausap ni Chief Darwin, tinambakan naman siya ng lalaki ng napakaraming file

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status