"Nagbibiro ka ba?" Nanginginig ang boses na tanong ni Scarlett kay Kairo nang masabi ng lalaki ang pakay nito sa kanya.
"Unfortunately, hindi ako nagbibiro, Miss Lopez. Romero Hospital… Does it ring a bell?" Ani Kairo.
Of course alam niya ang tungkol sa Romero Hospital. Madalas itong banggitin ng kanyang ina sa kanya noon kung gaano kalaki ang nagastos nito mula sa panganganak sa kanya.
Dahil mahirap ang buhay ng mga magulang niya noon sa bukirin, lumuwas ang kanyang ama sa Maynila para magtrabaho sa construction, sumunod naman ang kanyang ina habang buntis ito sa kanya at tumulong bilang tagapagluto subalit hindi paman nito kabuwanan ay napaanak ito ng wala sa oras at isinugod sa Romero Hospital.
Hindi niya aakalain na malaki ang magiging parte ng ospital sa buhay niya at magdudulot ng kaguluhan sa isipan niya. Pilit man niyang pinapakalma ang sarili, sobrang lakas parin ng tibok ng puso niya.
Halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Scarlett kaya naman lumipas muna ang ilang minuto bago siya muling nagsalita. "Attorney Vasquez, napakaraming sanggol ang ipinanganak ng mga panahong iyon. Paano ka nakakasiguro na ako nga ang nawawalang anak ng pamilyang sinasabi mo?"
Huminga ng malalim si Kairo bago siya sinagot. "Tatlong araw ang pananatili ng aking kliyente sa Romero Hospital, Miss Lopez at sa loob ng tatlong araw na iyon, nasa limampu't walo ang bilang ng mga batang isinilang kasabayan mo. Dalawa ang namatay at ang iba naman ay hindi kapareho ng kasarian sa anak ng aking kliyente. Nasa pitong sanggol ang babae at kabilang ka na doon."
Mas lalo lang siyang nagulat sa mga nalalaman niya. "So, lahat ba sila ipina-DNA ninyo o ako lang mag-isa?"
"The DNA testing with the other people involved is already done," tugon ni Kairo bago inilapag ang isang cheke sa harapan niya. "Kapag pumayag kang magpa-DNA test, magbibigay ang kliyente ko ng isang milyon para bayad sa pag-abala namin sayo."
Napatingin si Scarlett sa tseke na nagkakahalaga ng isang milyon. Napakalaking pera nun para sa kanya. "Isang milyon para sa DNA test? Wala naman siguro kayong gagawin na ilegal hindi ba?" Puno ng pagdududa niyang sambit.
Tila naiintindihan naman ni Kairo ang nararamdaman niya. "Huwag kang mag-alala Miss Lopez, kilala ang Nexus sa buong bansa kaya hindi kami gagawa ng bagay na maaring makadungis sa pangalan ng law firm namin. Isa pa, ang ospital ang bahala sa lahat kaya wala kang dapat na ikabahala," nakangiti nitong paliwanag.
Matapos mapakinggan ang sinabi ni Kairo ay agad na naglaho ang lahat ng pagdududa niya. Nais pa nga niyang pagtawanan ang sarili niya. Sino ba siya sa tingin niya para pag-aksayahan ng panahon ng mga kagaya nina Kairo.
"Anong mga kailangan para sa DNA test na iyan. Kukuhanan ba ako ng dugo?" Sa wakas ay tanong niya.
"Sa ngayon ay hibla lang muna ng buhok," tipid na tugon ni Kairo.
"May gunting ka ba? Igugupit ko lang sana sa buhok ko," aniya sa lalaki.
Sobrang laki ng ibabayad nito kumpara sa ilang hibla lang ng buhok. Kahit na magbanat siya ng buto buong taon, hindi siya basta-basta kikita ng isang milyon sa trabaho niya. Kahit na hilingin pa ni Kairo ang lahat ng buhok niya at makalbo siya ay ayos lang sa kanya. Walang reklamo niya itong ibibigay sa lalaki.
Isa pa, sigurado naman siya na hindi siya ang nawawalang anak ng kliyente nito. Mas lalo ng hindi niya pinagdudahan na anak siya ng mga kinikilala niyang magulang ngayon.
Galing ang pamilya nila sa Batanes at pagsasaka ang kanilang pangkabuhayan doon. May isa siyang kapatid na lalaki na walong taon ang tanda sa kanya. Hindi man siya galing sa may kayang pamilya, ramdam naman niya ang pagmamahal at pag-aalalaga ng mga magulang niya sa kanya mula pa noong bata siya.
Dahil sa kahirapan nila noon, muling lumuwas ng Maynila ang mga magulang niya para magtrabaho habang naiwan silang dalawa ng kanyang kapatid sa Batanes. Nang makaipon ang mga ito ng sapat na pera ay saka lang sila isinama ng mga ito sa Maynila at dito na sila tumira hanggang sa lumaki siya.
Pareho sila ng kapatid niya na nag-aral sa isang unibersidad sa Maynila. At dahil matalino ang Kuya niya, nakakuha ito ng scholarship at nagtapos bilang isang pulis habang siya naman na hindi ganun katalas ang isipan, ay nakapagtapos din naman ng kurso.
Ngayong matanda na ang mga magulang niya, nasa kuya na niya nakatira ang mga ito. Ito narin ang nag-aalaga sa mga anak ng kanyang kapatid habang nagtatrabaho ang mag-asawa. Habang siya ay paminsan-minsan ding bumibisita sa mga magulang niya. May mga pagtatalo man sila minsan, pero alam niyang mahal na mahal nila ang isa't-isa bilang pamilya.
Napukaw ang naglalakbay na diwa ni Scarlett nang magsalita si Kairo. "Wait a minute."
Pinagmasdan niya si Kairo na may tinawagan sa cellphone nito. "Hello Doctor Reyes, you may now come in."
Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas na ang pinto at iniluwa nun ang dalawang panauhin na nakasuot ng puting coat. Mukhang ito na ang doctor na tinawagan ni Kairo…
Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna
Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo
Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob
Napahilamos ng mukha si Leonardo at hindi malaman kung ano ang gagawin niya. “Tulungan mo ako, Mom. Ano ba talagang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?”Umayos ng upo ang ginang at pinukol siya ng isang masamang titig "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't anak mo si Scarlett? Hindi mo siya inalagaan kaya aksidente siyang nawalay sa inyo. Ngayon gusto mong makabawi tapos ako ang tatanungin mo? Inalagaan kita mula ng maliit ka pa hanggang sa ngayon, Leonardo. Wag mong sabihin na hanggang sa mamatay nalang ako itatanong mo parin sakin kung ano ang gagawin mo?!" Nayayamot nitong asik.Napasabunot ng sariling buhok si Leonardo. "Hindi naman namin ginusto na mangyari ito, Mom. Masyadong magulo ang ospital ng araw nayun kaya maling bata ang naibigay ng nurse sa amin."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Carmen. "Kahit na nagkamali ang nurse, responsibilidad mo parin na hanapan ng solusyon ang nangyari. Tinawagan ko na si Liliana at darating siya mamayang alas kwa
Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala