Share

Kabanata 6: Kabayaran

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-02-21 21:34:22

"This is Doctor Shan and nurse Erin," pakilala ni Kairo sa dalawang panauhin na pumasok sa loob ng opisina nito. "Sila ang mag-aasikaso sa DNA testing na gagawin sayo," dagdag pa ng lalaki.

Agad na binuksan ni Nurse Erin ang dala nitong medical box at inabot kay Doctor Shan ang isang pares ng hand gloves. Kumuha ng isang gunting ang doktor habang muling nag-abot ang nurse ng isang malinis na plastic na lagayan ng buhok ni Scarlett. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Iba na talaga kapag mayaman. Isang tawag lang ay andyan agad ang doktor na aasikaso sa mga kakailanganin ng kliyente.

Tinaguan ni Doctor Shan si Kairo senyales na magsisimula na sila. Tumango naman pabalik si Attorney Vasquez at nagset-up na ng isang camera at inirecord ang lahat ng ginagawa nila.

Nang mapansin ni Scarlett ang camera malapit sa kanya ay nagsimula ulit siyang makaramdam ng kaba. Halos umabot lang ng sampung minuto ang proseso. Mabilis lang ding natapos ng dalawa ang paggupit ng kanyang buhok.

Nang matapos na sina Doctor Shan at Nurse Erin ay agad narin itong nagpaalam sa kanila. Pagkaalis ng dalawa ay saka palang pinatay ni Kairo ang video recording.

"Thank you for your cooperation Miss Lopez," pormal na sambit ni Kairo.

Ngumiti naman si Scarlett. "Naku, ako dapat ang magthank you, Attorney. Biruin mong kumita ako ng isang milyon sa loob ng isang araw sa pamamagitan lang ng paggupit ng aking buhok."

Natawa si Kairo sa itinuran niya. "Oo nga pala, saan ka pupunta pagkatapos mo dito ngayon nang maipahatid kita sa driver."

Bahagya pa siyang napasimangot nang parang pakiramdam niya ay itinataboy na siya ng abogado. Pero sa kabilang banda, alam niyang abala ito kaya hindi narin siya nagtagal pa.

"Huwag mo na akong alalahanin. Magtataxi nalang ako pauwi."

Hindi naman ito nangulit sa kanya at tinanguan siya. "Okay, tatawagan nalang kita mapag may resulta na."

Tumango siya. "Thank you Mr.Vasquez..."

Hinatid ni Kairo si Scarlett palabas ng kanilang law firm. Nang makarating sila sa tapat ng building ay bigla siyang may naalala. "Miss Lopez, may I ask a question if you don't mind?"

Lumingon naman si Scarlett kay Kairo. "Ano bang itatanong mo?"

Bahagyang nakaramdam ng pag-aalinlangan si Kairo pero lumipas ang ilang sandali ay nagtanong parin siya. "Ano nga pala ang tungkol sa video na sinasabi ng babaeng nakaaway mo kanina sa presinto?"

Napakurap-kurap si Scarlett. Hindi siya sigurado kung sasabihin ba niya kay Kairo pero nang mapagtanto niyang mukhang wala naman itong ibang intensyon ay pinili nalang niyang sagutin ang lalaki.

"Ah, video iyon ng isang taong taksil na nahuli ko sa akto."

Tumango naman si Kairo. "Ganun ba? As a lawyer, I will still advice you na huwag ipagkalat ang mga video na may pribado at malalaswang laman, Miss Lopez. May pananagutan ka parin kasi sa batas kung sakali. Ayoko lang na masangkot ka sa anumang gulo."

Bahagyang kinabahan si Scarlett sa narinig mula kay Kairo. "H—huwag kang mag-alala, binura ko na ang video na iyon," pagsisinungaling niya.

Tipid na ngumiti sa kanya ang lalaki. "That's good. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

Pagkatapos niyang makaalis sa law firm ni Kairo ay agad siyang dumiretso sa bangko para itsek kung totoo nga ba ang tseke na ibinigay ni Kairo. Malakas ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang kasagutan sa kuryosidad niya. Ilang saglit pa'y tinawag na siya ng teller kaya't nagmamadali siyang lumapit.

"Good Day Ma'am, the amount in the check is indeed one million pesos from Stellar Bank and the money is already transferable to your account. Would you like to proceed?"

Halos tumalon sa tuwa si Scarlett at agad na sumang-ayon sa sinabi ng teller. Nang makalabas siya ng bangko ay halos hindi mapuknat ang ngisi sa kanyang labi. Pakiramdam niya nagliwanag ang buong paligid at napakaganda at gwapo ng bawat nilalang na nasasalubong niya. Ganito yata ang pakiramdam kapag marami kang pera.

Akala niya ay mamalasin nalang siya buong buhay niya pero nagkamali pala siya. Sino bang mag-aakalang magkakaroon siya ng isang milyon sa account niya ngayong araw. Pwede na siyang bumili ng maliit na lote at magpatayo ng sariling bahay, nang sa ganun, pwede na ring manirahan ang mga magulang niya kasama siya.

Matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang pamamahay. Mula pagkabata niya ay nagrerenta na sila ng bahay at madalas pa silang lumipat. Hindi niya tuloy alam kung anong address ang ilalagay niya tuwing may pipirmahan siya.

Nang araw na maghiwalay sila ni Liam ay mas lalo siyang nalungkot. Nang lumabas na siya sa bahay ng dati niyang asawa, natatanaw niya ang mga ilaw ng bawat kabahayan sa buong lugar at ni isa sa mga iyon ay walang kanya. Doon niya naramdaman na sobrang hirap at nakakalungkot pala kapag mag-isa ka at walang-wala ka pa.

Pero ngayon habang pinagmamasdan niya ang laman ng bank wallet niya ay buhay na buhay ang kanyang dugo. Hindi niya maiwasang mag-imagine ng magiging buhay niya sa mga susunod na araw. Sigurado siyang matutuwa ang mga magulang niya pati na ang Kuya Stephen niya.

Habang hindi pa siya nakakahanap ng lupa na pwede niyang bilhin, namili muna siya ng iilang kagamitan sa bahay na pansamantala niyang magagamit habang nagrerenta pa siya. Bumili din siya ng ilang mga bagong damit, bag, sapatos at iba pa.

Nakaupo siya sa kanyang kama habang pinagmamasdan ang ilang paper bags na naglalaman ng mga pinamili niya. May iilan ding mamahaling furnitures sa gilid na kakadeliver lang, pati bagong sofa at mesa. Iyon ang unang beses na gumastos siya ng malaki na para lang sa sarili niya at masasabi niyang masaya din pala. Totoo nga ang kasabihan na there's always a sunshine after the rain…

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
yeah,,ang ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 25

    Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 24

    Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 23

    Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 22

    Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 21

    Napahilamos ng mukha si Leonardo at hindi malaman kung ano ang gagawin niya. “Tulungan mo ako, Mom. Ano ba talagang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?”Umayos ng upo ang ginang at pinukol siya ng isang masamang titig "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't anak mo si Scarlett? Hindi mo siya inalagaan kaya aksidente siyang nawalay sa inyo. Ngayon gusto mong makabawi tapos ako ang tatanungin mo? Inalagaan kita mula ng maliit ka pa hanggang sa ngayon, Leonardo. Wag mong sabihin na hanggang sa mamatay nalang ako itatanong mo parin sakin kung ano ang gagawin mo?!" Nayayamot nitong asik.Napasabunot ng sariling buhok si Leonardo. "Hindi naman namin ginusto na mangyari ito, Mom. Masyadong magulo ang ospital ng araw nayun kaya maling bata ang naibigay ng nurse sa amin."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Carmen. "Kahit na nagkamali ang nurse, responsibilidad mo parin na hanapan ng solusyon ang nangyari. Tinawagan ko na si Liliana at darating siya mamayang alas kwa

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 20: Bayad

    Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status