Kinabukasan ay maaga paring gumising si Scarlett para pumasok sa trabaho. Kahit pa may malaking pera na siya sa bangko, hindi pa rin siya liliban sa trabaho. Imbes na ubusin niya iyon, dapat ay mag-ipon parin siya para sa hinaharap niya lalo na't napakadali lang maubos ng pera sa panahon ngayon. Sapat na ang nagastos niya kahapon. Bukas ay weekend na kaya makakapagpahinga parin naman siya.
Nakipagsiksikan siya sa bus kung saan kasabayan niya ang iilang mga empleyado ng iba't-ibang kumpanya sa siyudad. Pagdating niya sa opisina ay nalaman niyang kanselado pala ang meeting dahil sumama si Section Chief Darwin sa Director at may dinaluhan na conference meeting.
"Bakit kaya lagi nalang si Chief Darwin ang isinasama ng Director sa meeting sa Municipal Bureau. Mabilis lang naman matapos ang meeting tapos si Chief hindi na bumabalik dito pagkatapos. Hindi ba napakaunfair nun?" Biglang sambit ni Nina, ang kasamahan niya na nakaassign sa Budget Section.
Graduate si Nina mula sa isang prestihiyosong unibersidad. Pulis ang tatay nito samantalang ang ina naman ng dalaga ay nasa pulitika. Pumasok ito noong nakaraang taon. At siguro dahil may kaya ang pamilya ni Nina, medyo may pagkaspoiled ang babae. Halos wala din itong preno kung magsalita pero maayos parin namang kasama.
"Matagal ng nagtatrabaho dito si Chief Darwin kaya natural lang na siya ang dadalhin ng director sa mga meetings na dadaluhan din nito. Kabisado ni Chief ang pasikot-sikot sa mga conferences at hindi din iyon madali. Mahabang oras ang gugugulin kahit pa maikli lang ang oras ng meeting."
"Kahit na. Wala namang ibang ginagawa si Chief Darwin kapag nandito yan eh. Paupo-upo lang yan sa swivel chair niya tapos inom ng kape at panay pa ang cellphone. Dapat ikaw ang isinama ng Director kasi halos ikaw naman ang gumagawa ng trabaho dito na dapat ay kay Chief!" Himig nayayamot nitong sambit.
Walang buhay siyang natawa. Isa lang naman siyang ordinarying empleyado. Bakit siya pagtutuunan ng pansin ng isang Director? Maraming koneksyon si Chief Darwin samantalang siya ay wala.
Ipinilig niya ang kanyang ulo at huminga ng malalim. Pinili niyang manahimik nalang at huwag ng patulan pa ang mga sinasabi ni Nina pero mukhang wala yatang balak na tumigil ang dalaga.
"Alam mo Scarlett, feeling ko pinag-iinitan ka talaga ng Chief Darwin nayan! Biruin mo, yung trabaho na ibinigay sayo noong nakaraan, dapat bawat department may representative para hindi ka na mahirapan pa sa dami ng dokumento na tatrabahuin mo pero anong ginawa ni Chief, sinabi niya sa Director na kaya mo yung gawin mag-isa. Tapos pinagtrabaho ka niya ng weekend at holiday ng wala man lang double pay? Ano yun? Gaguhan?! Kung ako ang nasa kalagayan mo, natapunan ko na yan ng resignation letter sa mukha!"
Bahagya siyang nalungkot sa sinabi ni Nina. Naiingit siya kung paano ito pinalaki ng mga magulang nito para maging ganun katapang kung magsalita.
Una palang ay alam na niya na pinag-iinitan siya ni Chief Darwin at sinasadya nitong pahirapan siya sa trabaho niya. Halos lahat naman ng mga kasamahan nila alam ang bagay na iyon pero hindi lang nagsasalita. Pero ngayong narinig niya mismo sa bibig ni Nina ang mga ginagawa ni Chief sa kanya, hindi niya maiwasang maawa sa sarili niya.
Siguro kung nasa telenobela lang siya, sinampal na niya si Darwin ng resignation letter sa mukha pero siya naman ang sinampal ng katotohanan na nasa realidad siya at hindi niya magagawa ang bagay na iyon lalo pa't kailangan niya ng trabaho para mabuhay siya.
Pilit siyang ngumiti. "Ayos lang Nina. Kailangan ko rin naman ng pera kaya pumayag ako sa trabaho na ibinigay ni Chief."
Huminga ng malalim si Nina at mukhang hindi parin humuhupa ang inis nito. "Yun na nga. Kailangan mo ng pera pero hindi parin makatarungan yung ginawa niya."
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napasandal sa kanyang upuan. "Alam mo kasi, maganda ang family background mo kaya mataas din ang posisyon mo at mas malaki ang sahod mo kumpara sakin. Napakalaking bagay na sa kagaya ko na hindi marangya ang buhay yung dagdag na isang libo, Nina."
Tila natuwa naman sa papuri niya si Nina kaya't tipid itong napangiti. "Sabagay, pambili ko lang ng lotion yang isang libo eh."
Kung hindi lang siguro siya nakatanggap ng malaking halaga ng pera kahapon ay masama na ang loob niya sa mga sinabi ni Nina. Napatingin siya sa mukha ng dalaga at napansin ang ilang pimples nito sa pisngi. "Siguro mas mabuti kung bumili ka ng mamahalin na cosmetics para sa iyong mukha."
Nang marinig ni Nina ang sinabi ni Scarlett ay hindi naman ito nagalit, bagkus ay ngumiti pa habang nakatingin sa salamin. "Alam mo tama ka, bibili nga ako sa Watsóns mamaya para mawala itong mga pimples ko."
Ilang sandali pa'y ibinaba ni Nina ang hawak nitong salamin at hinila ang upuan palapit sa kanya. "Totoo ba na hiwalay na kayo ni Liam?" Pabulong nitong tanong.
Hindi naman niya iniwasan ang tanong ni Nina at kaswal na tumango. Katunayan nga, iilan sa mga kasamahan nila ay alam na ang tungkol sa bagay na iyon pwera lang sa pagkawala ng anak niya.
"Talaga? Hindi ba't gwapo at mabait naman si Liam? Bakit kayo naghiwalay?"
"Nina, hindi ba't may iniutos pa si Chief sayo? Bumalik ka na sa trabaho. Kanina ka pa kaya dito. Sige ka at baka mapagalitan ka rin," pagtataboy niya sa babae.
Hindi man niya inililihim ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Liam, wala naman siyang balak na ipagsabi kahit kanino ang dahilan ng hiwalayan nila. Baka makarating pa iyon sa tenga ni Chief Darwin at magalit ito sa kanya't mas pahirapan pa siya sa trabaho niya.
"Sige na. Sabihin mo naaaa...." Pangungulit pa nito.
Tinapik niya ang makapal na dokumento sa kanyang mesa. "Marami pa akong gagawin, Nina."
Napasulyap naman sa mga dokumento si Nina. Alam niyang nakakapagod ang trabaho ni Scarlett kaya't hindi na siya namilit pa. "Okay. Hindi na kita iistorbohin," pagsuko nito.
Pinagmasdan niya ang papalayong bulto ni Nina. Mukhang masaya ang buhay nito bilang dalaga. Malaya nitong nagagawa anuman ang gustuhin nito.
Nang muli niyang maalala ang hiwalayan nila ni Liam ay halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. May parte parin ng puso niya ang nalulungkot. In the process of loving someone and making him her world, she didn't notice that she had already lost herself.
Siguro nga blessing in disguise narin ang paghihiwalay nila. At least hindi na niya kailangan pang pakisamahan ang mga biyenan niya na araw-araw pinaparamdam sa kanya na isa siyang walang kwentang babae. At least hindi na niya kailangan pang linisin ang bawat kalat ni Liam tuwing lasing ito kasama ang mga barkada. At least hindi na magulo ang buhay niya.
Siguro nga patutuunan nalang niya ng pansin kung paano mahalin ang sarili niya...
Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna
Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo
Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob
Napahilamos ng mukha si Leonardo at hindi malaman kung ano ang gagawin niya. “Tulungan mo ako, Mom. Ano ba talagang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?”Umayos ng upo ang ginang at pinukol siya ng isang masamang titig "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't anak mo si Scarlett? Hindi mo siya inalagaan kaya aksidente siyang nawalay sa inyo. Ngayon gusto mong makabawi tapos ako ang tatanungin mo? Inalagaan kita mula ng maliit ka pa hanggang sa ngayon, Leonardo. Wag mong sabihin na hanggang sa mamatay nalang ako itatanong mo parin sakin kung ano ang gagawin mo?!" Nayayamot nitong asik.Napasabunot ng sariling buhok si Leonardo. "Hindi naman namin ginusto na mangyari ito, Mom. Masyadong magulo ang ospital ng araw nayun kaya maling bata ang naibigay ng nurse sa amin."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Carmen. "Kahit na nagkamali ang nurse, responsibilidad mo parin na hanapan ng solusyon ang nangyari. Tinawagan ko na si Liliana at darating siya mamayang alas kwa
Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala