CHAPTER 4
Clarissa knew she hit a nerve.
Bumangis ang mukha ni Ahmed. Impit siyang napasigaw nang tinabig nito ang mga nakapatong sa mesa. Nagkandabasag-basag ang mga iyon. Bumalentong ang upuan nang marahas nitong sinipa at saka nilayasan siya. Halos magiba ang pinto sa lakas ng pagkasasara.
Alam niyang nanginginig ito sa galit. Ahmed resents his father for abandoning him and his mother for another women. Walang sinuman ang nangangahas na magbanggit ng kahit ano tungkol sa anak ni Al-Faisah.
Sinimulan niyang mag-empake ng mga gamit. Alam niya na sa pagkakataong iyon ay pipirmahan ni Ahmed ang divorce paper.
Or she thought so…
Ilang araw ng hindi umuuwi si Ahmed. Nagdisisyon siyang puntahan ito sa opisina upang tanungin kung napirmahan na ba nito.
“He’s currently busy.”
“Babalik na lang ako ulit,” wika niya kay Vicky.
Tila nakokonsensya ang Ginang. “Ang totoo ay parang ayaw ka muna niyang makita. Pasensya na, Ri.”
Tumango siya. Mabigat ang dibd ib na bumalik sa sariling opisina.
AH FIRM foundation anniversary.
Mag-isang naglakad si Clarissa sa red carpet na umani ng bulong-bulungan sa mga empleyado. Hindi niya sana papansin ngunit nagpapalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanya at sa kung sino ang nasa likuran niya.
“Hi, everyone!”
Nanikip ang dibd ib niya habang pinapanood si Brianna habang nakaalalay rito ang asawa niya.
Ahmed’s cold eyes caught hers.
Iyon ang unang beses na nagdala ng kapareha si Ahmed sa foundation anniversary. Mas pinipili nitong solong maglakad sa red carpet kaysa pumunta na kasama siya.
Na tila ba ay ikinakahiya siya nito.
“She’s Miss Brianna, right? Sir Ahmed’s childhood sweetheart.”
Iniwas niya ang tingin at tuloy-tuloy sa mesa ng mga executives. Iilan lang sa mga empleyado ng AH Firm ang nakakaalam na kasal sila ni Ahmed. Most of them thought they’re merely colleagues to one another.
“Hi, Ri. You look good tonight,” wika ni Brianna nang mapadaan sa mesa nila.
Alam niyang peki ang matamis nitong ngiti kaya simpleng itinaas niya lang ang wine glass bilang balik-bati.
Brianna looks delicate like a fairy in her red off shoulder gown. Nakataas ang buhok nito katulad ng isang ballerina habang may mga takas na hibla sa magkabilang gilid ng mukha.
Ahmed gave a simple speech. Then, food and wine were served.
Pumunta siya sa Ladies Room sandali. Hindi na siya nagulat nang paglabas niya mula sa isa sa mga cubicle ay naghihintay si Brianna.
“What’s it like being Mrs. Ahmed Haddad while he treats you like you don’t even exist?” nanunuya nitong tanong.
Hindi siya sumagot at sa halip ay humarap siya sa salamin para ayusin ang nakalugay na buhok.
“Sa akin pa rin siya bumabalik. Lahat ng inagaw mo ay babalik at babalik sa akin.”
Malamig niya itong tiningnan. “Nakalimutan mo na yata na nagpalitan lang tayo? Pinakasalan ako ni Ahmed, kinuha mo ang scholarship ko sa Juilliard.”
“I-It’s mine,” defensive na sagot nito at naging malikot ang mga mata.
“Kung gusto mong makuha si Ahmed, ibalik mo sa akin ang pagkakataon na ninakaw mo. Oh,” she scoffed, which made Brianna surprised. “Once in a lifetime nga lang pala iyon kaya hindi mo na maibabalik.”
Kumuyom ang mga palad nito sa inis.
“Kasama niya ako habang naghihintay ka noong wedding anniversary niyo. And he’s staying with me for a week now. At the Villa he named after me!”
Akala niya ay sa Ancestral House tumutuloy ang kanyang asawa?!
“Surprised? Don't be. We always know Ahmed is in love with me. Now that I’m back, I’m sure he’ll dispose you anytime soon. Poor, Clarissa. You’re not Mom’s favorite nor Ahmed.”
Nilunok niya ang pait na humagod sa kanyang lalamunan.
“Goodluck with that.”
“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” Marahas nitong hinila ang kanyang braso pabalik nang akmang iiwan niya.
Ngumiwi siya nang sumugat ang matulis nitong kuko sa balat niya.
“Where did you get that gown?” puno ng inggit na tanong ni Brianna, walang pakialam sa dumudugo niyang braso.
Her white violet elegant gown was one of the clothes bought by her mother in law.
“That is Haute Couture Chanel!”
“I don’t want to waste my time so let go of me.”
“I-I want that gown.” Halos maghisterikal ito kaya itinulak niya palayo para makaalis siya.
Akala niya ay tapos na ang ka-dramahan ni Brianna. Hindi pa pala dahil pagkatapos ng party ay bigla na lang siyang hinila ni Ahmed papunta sa may kadilimang bahagi ng Hardin.
“Why did you do that to Brianna?”
Hindi pa siya nakakasagot ay muli itong nagsalita.
“Hindi ba’t pinagsabihan na kita? Stay away from her! She went through so much and more bullsh!ts from you could kill her!”
Gigil na tumalikod si Ahmed na parang pinapakalma ang sarili.
“She’s just asking about the dress yet you pushed her? Pinagsalitaan mo pa ng kung anu-ano.”
“Naisip mo ba kahit minsan na alamin ang mga pinagdaanan ko?” Her eyes watered. Fortunately, it was a bit dark.
“This is not about you! D amn it! Kung galit ka pa rin dahil hindi ako sumipot sa anibersaryo natin, huwag mong idamay si Brianna.”
“Then sign the divorce paper.”
“One more word about it, I’ll remove you from your post in the Firm. Don’t push me to my limit!”
“I went through so much too, Ahmed. Yet you never bother asking me,” mapait niyang bulong habang sinusundan ng tingin ang papalayo nitong bulto.
Bata pa lamang siya ay iniwan na siya ng Nanay niya para mag-OFW sa Dubai. Hiniwalayan nito ang tatay niya at nag-asawa ng Pilipino rin na nakabase sa nasabing bansa. Disi-nuwebe siya nang muling tumapak sa Dubai dahil nangako ang Nanay niya na aalagaan siya nito roon.
Subalit, hindi iyon nangyari. Sa halip, ay bawat subo ay pinagtatrabahuhan niya. Clarissa worked multiple jobs while studying so she could also send money to her father and grandparents back in the Philippines.
Marami siyang alam sa negosyo at sa konstruksyon dahil sa mga part time jobs niya. Dugo’t pawis ang ibinigay niya sa AH Firm kaya anong karapatan ni Ahmed na pagbantaan siyang aalisan ng trabaho?
“Are you crying?”
Hindi na niya itinago ang mga luha kay Jaxon. Umigting ang panga nito.
“Is it Ahmed again? Where is he?”
Umiling siya kaya bumuga ito ng marahas na hangin.
“I’ll take you home. Come on.”
Namalayan niya na lang na impit siyang humihikbi sa loob ng kotse nito.
MAHIGPIT ang hawak ni Clarissa sa kopya ng medical records na ilang taon niya rin pinakatagu-tago. Napagdisisyunan niyang sabihin na kay Ahmed ang totoo para pirmahan na nito ang divorce paper.
“Ri, nasabi na ba sa ‘yo ni Ahmed?” Sinalubong siya ni Vicky.
“Ang alin po?”
“Ako na ang pinapahawak niya ng lahat.”
“Tanggal na po ako sa pagiging sekretarya?”
Nakokonsensya na tumango ang Ginang. “Sabi niya, mas mabuti raw iyon para makapag-focus ka sa pagigiging General Manager. Hindi naman sa pangingialam pero ano bang nangyayari sa inyong mag-asawa?”
“Nagdi-divorce na po kami.”
Napanganga si Vicky.
“May sasabihin ako sa kanya. Nandyan ba siya?”
“O-Oo pero bawal daw isturbuhin. Teka, sasabihan ko.” Maliksi na pumasok si Vicky sa loob ng opisina ni Ahmed. Ilang sandali lang ay bumalik na at sinabing pwede na siyang pumasok.
Nanatili ang mata ni Ahmed sa pinag-aaralan nitong blue-print nang pumasok siya.
“What do you need?” tanong nito na hindi man lang nagtaas ng tingin.
“May sasabihin ako.”
“Say your apology now and later to Brianna.”
Sandaling nag-hang ang utak niya bago mariin na napapikit sa sakit gumuhit sa kanyang dibd ib.
“I’m here to give you this.”
CHAPTER 8 Nagtuluan ang mga luha ni Clarissa nang binasa ni Al-Faisah ang laman ng medical report niya mula sa Oby-Gyne. Ilang taon na rin ang nakararaan simula nang sinabi sa kanya ng doktor na hindi na siya magkakaanak subalit sariwa pa rin sa puso niya ang sakit. Ngayon, mukhang madadagdagan na naman ang kamiserablehan niya dahil sa lolo at ina ni Ahmed. “I-Is this true, Ri?” naluluhang tanong ni Mariam Haddad. Natuod siya sa kinauupuan kaya kinublit ni Brianna ang kanyang balikat. “She’s asking. Cat got your tongue?!” “That’s enough!” Tumayo si Ahmed. Iniharang nito ang sarili sa pagitan nila ng kapatid. “I’m just helping you and your family, Ahmed. She’s f wreaking useless infertile!” “You’re faking this to create conflict between Ahmed and Ri. This has to stop, Brianna!” sigaw ng ina ni Ahmed. Napayuko si Clarissa. “Why don’t we ask, Clarissa?!” Muli sana siyang aabutin ng babae nang tinabig ni Ahmed ang kamay nito. “Ahmed, ano ba? I’m helping you and this is how
CHAPTER 7 DALAWANG ARAW NG nagkukulong si Clarissa sa Hotel na pansamantalang tinutuluyan. Mabuti na lang at nakapag-withdraw siya ng sapat na pera nang nakaraang linggo, dahil ni-freeze ni Ahmed lahat ng cards niya. “Thank you, Jax. I’m sorry, ikaw pa ang nautusan ko. Ayaw ko kasi talagang lumabas.” “Don’t worry about it,” ngiti ni Jaxon matapos nitong ilapag ang mga pintura na kailangan niya. Natuon ang tingin nito sa canvas na kasalukuyan niyang pinagtutuonan ng atensyon. “Hindi siya gaanong kagandahan.” “Are you serious? They are amazing—no, deep and meaningful are the right terms.” “Thank you. Ilang taon na rin kasi nang huling beses—” “Do you want it to be displayed in a gallery?” “Huh?” Kumurap-kurap siya. “I had an invitation from a friend. I can pull some strings to display your paintings.” “Naku, baka walang bumili. O kaya mapahiya ang kaibigan mo kapag nahilera ang gawa ko sa gawa ng magagaling na painter.” “Why are you discrediting yourself? Aren’t you
CHAPTER 6 Parang pinupukpok ng martilyo ang kanyang ulo nang magising kinabukasan. Nasa living room siya ng penthouse at suot niya pa rin ang damit mula kahapon. “Gising na pala kayo, Ma’am,” wika ng bagong kasambahay na Pilipina rin. “Ito po para sa hangover.” Kinuha niya ang inabot nito. “Thank you, Ate Glo. Pasensya na pala na nakita mo akong lasing kagabi.” “Naku, Ma’am. Bakit kayo humihingi ng pasensya, eh, amo ko kayo. Saka sanay na ako. Iyong Tatay ng anak ko, medyo nakakaangat din sa buhay kaya lang lasenggo rin.” “Taga-saan po kayo sa Pilipinas?” “Metro-Manila lang. Lagomoy ang pangalan ng barangay. Kapag umuwi ka, dalaw ka sa amin.” Tipid niya itong nginitian. “Siya nga pala, Ma’am. Kagabi, umuwi si Sir Ahmed. Akala ko nga inilipat ka sa kwarto kasi nadaanan ko na binubuhat ka.” Parang nawala bigla ang sakit ng kanyang ulo. “Umuwi siya?!” Gulat, tumango ito. “Anong oras siya umalis kanina?” “Kagabi po siya umalis. Papabalik na po ako sa Quarters nang na
CHAPTER 5Saka pa lamang ito nagtaas ng paningin, salubong ang mga kilay. “You’re not going to apologize?” Hindi siya sumagot bagkus ay inudyukan ito na kunin ang dala-dala niya. Marahas itong bumuga ng hangin at puno ng diin na nagsalita. “I will not sign—” “Hindi ito divorce paper,” putol niya. Kinuha ni Ahmed ang envelope. Ngunit bago pa nito iyon mabuksan ay tumunog ang cellphone nito. “Ahmed, help me!” mangiyak-ngiyak na boses ni Brianna ang nasa kabilang linya. “What happened?” Lihim siyang napalunok dahil may timbre ng pag-aalala ang boses nito. Bagay na kahit minsan ay hindi nito ginamit sa kanya. Kapag may sakit siya, ay kung hindi malamig ay tila pasinghal ang tono nito. “I think my tire just went flat! I was about to pick up Mom from the airport.” Nanlalamig si Clarissa. Sumama ang kanyang ina sa Amerika nang matanggap si Brianna sa Juilliard School. Iyon ang huling beses niya itong nakita ng personal. Bagaman, nag-uusap sila sa telepono, ay tumatawag lamang
CHAPTER 4 Clarissa knew she hit a nerve. Bumangis ang mukha ni Ahmed. Impit siyang napasigaw nang tinabig nito ang mga nakapatong sa mesa. Nagkandabasag-basag ang mga iyon. Bumalentong ang upuan nang marahas nitong sinipa at saka nilayasan siya. Halos magiba ang pinto sa lakas ng pagkasasara. Alam niyang nanginginig ito sa galit. Ahmed resents his father for abandoning him and his mother for another women. Walang sinuman ang nangangahas na magbanggit ng kahit ano tungkol sa anak ni Al-Faisah. Sinimulan niyang mag-empake ng mga gamit. Alam niya na sa pagkakataong iyon ay pipirmahan ni Ahmed ang divorce paper. Or she thought so… Ilang araw ng hindi umuuwi si Ahmed. Nagdisisyon siyang puntahan ito sa opisina upang tanungin kung napirmahan na ba nito. “He’s currently busy.” “Babalik na lang ako ulit,” wika niya kay Vicky. Tila nakokonsensya ang Ginang. “Ang totoo ay parang ayaw ka muna niyang makita. Pasensya na, Ri.” Tumango siya. Mabigat ang dibd ib na bumalik sa sarilin
CHAPTER 3[JAXON] Jaxon watched Clarissa—Ri, taking her time stirring their coffee. Halatang malalim ang iniisip nito dahil nakatulala lamang sa tasa. Bilang divorce lawyer, pamilyar siya sa ekspresyon na meron ngayon ang babae. His friend’s wife is emotionally drained! “Ri,” marahan niyang tawag. “Are you okay?” Kumurap-kurap ito bago ibinigay sa kanya ang kape. “Did Ahmed send you to talk to me?” He was stunned for a moment. Didn’t expect her to be this straightforward. Ri has always been quiet and timid.“Well he…” “Pwede bang kumbinsihin mo siya na walang patutunguhan ang kasal namin?” “You two should try marriage counseling first.” “Para lamang iyon sa mag-asawang dating nagmahalan. You knew I was a substitute bride. Ngayon bumalik na si Brianna, wala ng dahilan para manatili pa kami sa kasal na ito.” “Hindi papayag ang lolo niya.” “Iyan ba ang sinabi niya sa ‘yo?” bumuntong-hininga ito. “Ang totoo, hinihingi ko ang kalahati ng AH Firm kaya ayaw niyang makipaghiwalay.