Share

CHAPTER 19: WAY

Author: aqescritora
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-03 20:19:46

CHAPTER 19: WAY

Sa kabilang banda, matapos makababa ng sasakyan at makaupo ng maayos sa wheelchair sa tulong ng private nurse at driver ay marahang inayos ni Chesca ang kanyang sarili.

Nag-angat siya ng tingin sa mga bantay niya partikular na sa kanyang private nurse bago siya nagsalita.

"Make sure to wake up early in the morning tomorrow, okay? I'll make a soup for my uncle tomorrow," aniya na tinanguan nito.

"Yes po, Ma'am. Tayo na po sa loob." Hinawakan nito ang wheelchair niya at akmang ip
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubyana
ang tagal ng update, tapos Isang chapter lng ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 19: WAY

    CHAPTER 19: WAYSa kabilang banda, matapos makababa ng sasakyan at makaupo ng maayos sa wheelchair sa tulong ng private nurse at driver ay marahang inayos ni Chesca ang kanyang sarili.Nag-angat siya ng tingin sa mga bantay niya partikular na sa kanyang private nurse bago siya nagsalita. "Make sure to wake up early in the morning tomorrow, okay? I'll make a soup for my uncle tomorrow," aniya na tinanguan nito."Yes po, Ma'am. Tayo na po sa loob." Hinawakan nito ang wheelchair niya at akmang ipipihit na para makapasok sa gate ng bahay nila nang makarinig sila ng isang boses."Chesca!"Napaigtad siya sa lakas ng pagtawag sa kanya ng kung sino. Nilingon niya ang tumawag sa kanya at gano'n na lang ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya nang makita si Yasmine.Naglalakad ito palapit sa kanila at kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Bahagya pa itong hinihingal kaya naman natitiyak niya na talagang galit nga ang babae. Agad na naalarma ang mga bantay niya kaya pinalibutan siya ng

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 18: DATING BAHAY

    CHAPTER 18: DATING BAHAYUmawang ang labi ni Yasmine sa narinig at ramdam niya talaga na para bang pinag bagsakan siya ng langit at lupa dahil sa panlulumong nararamdaman niya.Malakas ang koneksyon ni Professor Alex, marami ang nakakakilala at humahanga rito.Idagdag mo pa na ilan sa mga sikat na tao sa bansa ay minsan na nitong naging estudyante. Kaya nga rito siya lumapit dahil siguradong mapapadali ang lahat para sa kanya kung tutulungan siya nito. Ngunit, hindi niya ito masisis kung bakit siya nito tinanggihan. Marahil ay galit pa rin ito sa ginawa niyang desisyon noon."Teacher, alam ko pong nagkamali ako. Padalos-dalos po ang naging desisyon ko noon. Pero totoo pong determinado na akong gawin ang lahat ngayon para makapagtrabaho abroad."Nakita niyang natigilan ang matanda, hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa itinawag niya rito.Ang mga estudyante nito ay "Professor" ang tawag sa matanda. Ngunit, siya lang ang natatanging estudyante na pinayagan nitong tawagin itong

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 17: SI ALFRED ANG MAY GUSTO NA BUMALIK SI CHESCA

    CHAPTER 17: SI ALFRED ANG MAY GUSTO NA BUMALIK SI CHESCAHindi pa nakakalayo si Yasmine nang maramdaman niya ang paghawak ni Chesca sa kamay niya. Inis niya itong nilingon at nakita niya kung paano nito sinenyasan ang nagtutulak ng wheelchair nito upang medyo lumayo sa kanila"Yasmine, I--""Chesca, do I really have to spell it out? Ano ba talaga ang hindi mo maint8ndihan sa sinabi ko? Ha? Ayoko ng bracelet na 'yan, maliwanag ba?" Napigtas na ang pagpipigil niya.Napalabi si Chesca at napayuko. Napairap naman si Yasmine. Alam niyang nabigla ito sa sinabi niya. Sigurado siya ro'n dahil matagal niya nang kilala ang babae.Sa totoo lang, sabay pa nga silang lumaki nito. Elementary pa lang sila ay magkakilala na sila. Naging magkaklase sila kahit pa mas bata siya ng dalawang taon dito, matalino kasi siya kaya accelerated siya.Naging matalik din silang magkaibigan ng babae noon. Kaya naman kilala niya na ito. At nasisiguro siyang kilala na rin siya nito, marahil ay gaya niya ay naiintindi

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 16: ANNOUNCEMENT

    CHAPTER 16: ANNOUNCEMENTPagkatapos maghanda, sandaling nag-ayos si Yasmine ng sarili. Hindi na siya nag-abala pang maglagay ng mga kolorete sa mukha dahil wala siya sa mood. Isa pa, hindi naman sa pagmamayabang pero natural ang taglay niyang ganda kahit pa walang nilalagay na kahit na ano sa kanyang mukha kaya kampante siyang hindi na gaanong mag-ayos. Nang tuluyang matapos ay agad siyang bumyahe patungo sa TV station na pinagtatrabahuhan niya. Oo nga at sariwa pa rin sa isip at puso niya ang desisyon niyang pagpirma sa divorce agreement pero kahit na gano'n ay alam niyang hindi dapat niya hayaang sakupin ng bagay na 'yon ang sistema niya.Dahil kahit hiwalay na sila ni Alfred ay patuloy pa rin naman ang buhay niya. Oo, mahal niya si Alfred. Mahal na mahal, kaya nga nang maaksidente ito noong nakaraang taon ay hindi niya ito pinabayaan. Naaksidente kasi ang sinasakyan nitong sasakyan na kasama si Chesca. Naalala niya pa kung gaano niya kagustong iligtas si Alfred na pilit niyang

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 15: PANGAKO

    CHAPTER 15: PANGAKO Matapos pirmahan ang divorce agreement ay umiiyak na pinagmasdan ito ni Yasmine. Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na buong puso niyang pipirmahan ang papel na 'yon.Mahal na mahal niya si Alfred. Ngunit alam niya sa mga nangyayari ngayon ay nararapat lang na ang sarili niya naman ang mahalin niya. Nararapat lang na ang sariling kapakanan niya naman ang unahin niya. Habang tinititigan ang kanyang pirma ay hindi niya tuloy maiwasang alalahanin noong ang marriage contract pa nila ni Alfred ang pinipirmahan niya.Ingat na ingat siya noong mga panahong 'yon at sobrang saya niya dahil sa wakas ay naikasal siya sa lalaking mahal na mahal niya. Natatakot pa siyang magkamali sa pagpirma no'n dahil baka magbago ang isip ni Alfred.Pero ngayon, hindi na siya natatakot na baka magbago ang isip ni Alfred na makipaghiwalay sa kanya, dahil alam niya sa sarili niyang mas imposible pa 'yon sa pagputi ng uwak.Sa totoo lang ay mad natatakot pa siya sa sarili niya. Mas

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 14: PASYA

    CHAPTER 14: PASYANagmamadali siya ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas sa pool area ay nakaahon na si Jack ng pool at saka siya marahas na hinawakan sa braso."Hindi pa tayo tapos mag-usap, Yasmine!" Nagpumiglas siya sa hawak nito ngunit masyadong mariin 'yon. "Bitiwan mo nga 'ko!" "Bakit?! Para ano, ha?! Para mapuntahan mo na ang pinakamamahal mong asawa?! Bakit ba baliw na baliw ka sa lintek na Alfred na 'yon, ha?! Hindi ka naman mahal no'n! Ako! Ako, Yasmine! Ako ang nagmamahal sa'yo! Bakit hindi na lang ako, ha?!" desperadong tanong nito saka siya muling tinulak a sun lounger at bago niya pa ito masipa au mahigpit na nitong pinigilan ang paa niya.Dinaganan siya nito saka pwersahang hinalikan."Let me go, you asshole!" pagpupumiglas niya ngunit hindi siya nagtagumpay."I won't, Yasmine! Ang bango bango mo, hmm..." tila baliw na bulong nito habang pilit siyanh hinahalikan.Nasa gano'n silang tagpo nang laking pasasalamat niya dahil bumukas ang sliding door ng pool area at

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 3.1; ANAK O KONDISYON?

    Nanigas si Yasmine sa narinig. Ginala niya ang paningin sa madilim na kwarto at tukuyan niyang naaninag si Alfred na nakasandal sa bukas na bintana habang naninigarilyo.Tinignan niya ito, halo-halong emosyon ang nararamdaman niyaSiguro, kung noon ito nangyari, malamang ay nagtatalon na siya sa tu

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 2.2; MAY SAKIT SI LOLA

    Napatitig naman si Alfred sa nakangiting mukha ni Yasmine. "Napakapait nito!" saad ng lola niya matapos uminom ng gamot."It's okay, lola. Kapag mapait ang gamot, ibig sabihin mabilis kang gagaling," nakangiting sabi naman ni Yasmine. Sumimangot ang lola niya kaya nakita niya kung paano marahang

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 2.1: SA WAKAS, UMUWI NA ANG ASAWA KO

    Ramdam ni Yasmine ang sakit habang pinagmamasdan ang divorce agreement paper na hawak niyam Tatlong taon na ang nakararaan, napakasalan niya si Alfred dahil sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hindi siya mahal ni Alfred ag napilitan lang itong pakasalan siya nang sa gano'n ay makuha nito ang manan

  • Divorcing My Cold and Ruthless Husband   CHAPTER 1.2: ANG BALITA AT ANG DIVORCE PAPER

    Nang makauwi, nagtatanggal pa lang siya ng sapatos nang makita niya ang kasambahay na palapit sa kanya. Nakangiti ito ngunit agad 'yon napawi nang makita ang kalagayan niya. "Naku, Ma'am! Anong nangyari?! Bakit napakarami mong pasa?!"Tinulungan siya nito ngunit aksidente nitong nahawakan ang nam

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status