ANMELDENSandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita.
"Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya. "Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kang pakialam sa ibang bagay dahil ang mahalaga lang sa'yo ay ang maikasal ka sa'kin. Tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganyan?" Hinawakan nito ang baba niya saka ito ngumisi. "Tell me, Yasmine, anong gusto mong mangyari, hmm?" Iniwas niya ang mukha para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba niya saka siya bahagyang umatras. Hindi niya kinakaya ang lamig at talim ng tingin nito. Napansin ni Alfred ang pag-atras niya kaya mabilis siya nitong hinapit sa bewang saka seryosong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mata, sa ilong, at pababa sa labi. Nakita niyang nagtagal ang pagtitig nito sa labi niya na siyang kanyang ikinalunok. Alam niyang namumula pa 'yon dahil sa paghalik nito sa kanya. Yumuko ito upang mas lalo silang magkalapit hanggang sa ramdam niya na ang mainit nitong hininga na tumatama sa tenga niya. "Do you really want to know my answer, Yasmine? Are you sure that you can handle it? Cause I'm afraid that you can't," bulong nito bago walang pasabing kinalas ang pagkakahapit sa bewang niya. Napasinghap siya sa pagkabigla at hindi niya na napigilan pa ang pagbagsak niya sa sahig dahil do'n. Nang makabawi ay blanko niyang hinabol ng tingin ang papalayong bulto ni Alfred. Sa kabilang banda, palabas pa lang si Alfred ng bahay na nasa tabi ng ancestral house nila nang makita niya ang pagparada ng itim na sedan sa harap no'n. Agad siyang sumakay sa kotse saka komportableng umupo. Niluwagan niya rin ang necktie niya at hinubad 'yon. Nakita niya ang pagsulyap sa kanya ng assistant niyang si Karl bago ito nagsalita. "Sir, tumawag po si Ms. Chesca, ang sabi niya ay may gulo raw pong kinasangkutan ang kapatid niya." "Kumusta ang lagay ng kapatid niya?" "Maayos lang naman daw po, may kaunting galos lang. Pero na-traced na po ng mga pulis na isa siyang Enriquez kaya nag-aalala po ngayon si Ms. Chesca," sagot nito. Bumuntong-hininga siya saka kumuha ng sinenyasan ang assistant na bigyan siya ng sigarilyo. Binigyan naman siya nito kaya agad niyang sinindihan 'yon bago siya nagsalita. "Hmm, asikasuhin mo 'yan. Make sure to solve that problem so Chesca will not worry anymore, understood?" "Yes, Sir," sagot nito bago nagsimulang magmaneho paalis. Samantala, kinabukasan, nalaman ni Lola Greta na umalis si Alfred kagabi kaya ginagawa nito ang lahat para damayan si Yasmine. "Lola, hayaan niyo na po 'yun. Sa ngayon, kumain na muna tayo dahil masarap itong mga pagkain," aniya saka nilagyan ng pagkain ang mga plato nila. Ayaw niyang nang isipin pa ang nangyari kagabi. Kung paanong agad pinuntahan ng asawa niya ang ex-girlfriend nito at kung paanong hindi ito natulog kasama siya sa iisang kwarto gaya ng nais ni Lola Greta. "Hmm, sige na nga. Pero talagang ako na ang humihingi ng tawad dahil sa ginawa ng apo ko," saad ng matanda bago nagsimulang kumain kasabay niya. Matapos ang almusal, agad na naghanda si Yasmine para umuwi. At dahil sa injury na meron siya sa kanyang binti, alam niyang hindi tama kung magmamaneho pa siya kaya naman nagpasya siyang mag commute na lamang. Habang hinihintay ang sasakyang binook niya, nilabas niya mula sa kanyang bag ang ointment na makakatulong para sa kanyang mga pasa at ginamit 'yon. Pagkatapos ay napatitig siya sa ancestral house na nasa harap niya. Habang nakatitig sa bahay ay hindi niya maiwasang alalahanin noong araw na nakilala niya ang pamilyang Deogracia. Seven years old lang siya noong mga panahong 'yon habang twelve years old naman si Alfred. Sa garden ng mga Deogracia sila unang nagkita ni Alfred. Tahimik itong nakikinig sa music habang nakapamulsang nakatingin sa mga pananim nang lapitan nila ito at ipinakilala siya ng isang kasambahay. Naaalala niya kung paano siya malamig na pinasadahan ng tingin no'n ni Alfred. Maraming sinabi no'n ang kasambahay habang pinapakilala siya ngunit ang tanging sinabi lang nito ay "Okay, just don't bother me." Nasa gano'n siyang sitwasyon nang may magsalita mula sa likuran niya. "Oh, looks who's here! My dear sister-in-law! What happened, hmm? Why are you looking at the house like that?" sarkastikong tanong ng may-ari ng boses na alam niyang walang iba kung hindi si Jack—ang pinsan ni Alfred na hindi naman nito kasundo. Hindi rin niya kasundo si Jack at ayaw niyang kausapin ito kaya naman aalis na sana siya nang humarang ito sa daraanan niya, nakangiti pa ito na para bang malapit sila sa isa't isa. "Aalis ka na agad? Why? Ayaw mo ba akong makausap, hmm? Ayaw mo bang malaman kung nasaan ngayon si Alfred at si Chesca?" tanong nito na ikinabato niya. Napansin ni Jack 'yon kaya ngumisi ito saka mas lumapit sa kanya. Nagtaas din ito ng kilay bago nagsalita. "You know, tatlong taon na kayong kasal pero parang hindi pa rin kayo malapit sa isa't isa. Ah! Alfred is really heartless, huh?" Huminga ng malalim si Yasmine saka niya sinamaan ng tingin ang lalaki "Pwede ba, kung ano man ang meron sa pagitan namin ni Alfred, sa amin na lang 'yon. Hindi mo na kailangang makialam pa dahil hindi ka naman apektado. Isa pa, sa halip na pinapakialaman mo kami, bakit hindi na lang ang sarili mong buhay ang pakialam mo? Bakit hindi mo na lang isipin kung ano pa ba ang magagawa mo para magkaro'n ng pwesto sa kumpanya at ari-arian ng mga Deogracia?" sarkastikong aniya. Mukhang hindi nagustuhan ni Jack ang sinabi niya dahil malamig siya nitong tinignan saka nito marahas na hinawakan ang braso niya bago umismid. "Napakatapang mong magsalita, Yasmine. Alam mo, kung ako sa'yo ay tigilan mo na ang ambisyon mong magiging masayang mag-asawa kayo ni Alfred. Tatlong taon na kayong kasal, pero ni minsan ay hindi ka niyang tinuring na asawa, ni hindi ka nga niya kinikilalang asawa niya," saad nito na muli niyang ikinabato.Sandali siyang tinitigan ni Alfred dahil sa tanong niya bago ito walang buhay na ngumiti at malamig ang boses na nagsalita."Does it matter?" Naglakad ito palapit, hindi tinatanggal ang seryoso at matalim nitong mga mata na nakatingin sa kanya."Noon, gigil na gigil kang pakasalan ako, ni wala kang pakialam sa ibang bagay dahil ang mahalaga lang sa'yo ay ang maikasal ka sa'kin. Tapos ngayon ay tatanungin mo ako ng ganyan?" Hinawakan nito ang baba niya saka ito ngumisi. "Tell me, Yasmine, anong gusto mong mangyari, hmm?"Iniwas niya ang mukha para matanggal ang pagkakahawak nito sa baba niya saka siya bahagyang umatras.Hindi niya kinakaya ang lamig at talim ng tingin nito. Napansin ni Alfred ang pag-atras niya kaya mabilis siya nitong hinapit sa bewang saka seryosong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mata, sa ilong, at pababa sa labi.Nakita niyang nagtagal ang pagtitig nito sa labi niya na siyang kanyang ikinalunok. Alam niyang namumula pa 'yon dahil sa paghalik nito sa kanya.
Nanigas si Yasmine sa narinig. Ginala niya ang paningin sa madilim na kwarto at tukuyan niyang naaninag si Alfred na nakasandal sa bukas na bintana habang naninigarilyo.Tinignan niya ito, halo-halong emosyon ang nararamdaman niyaSiguro, kung noon ito nangyari, malamang ay nagtatalon na siya sa tuwa dahil sa wakas ay sa iisang kwarto na sila matutulog ni Alfred. Ngunit iba na ngayon, bumalik na sa Pilipinas ang ex-girlfriend nito at nakita niya na rin ang divorce paper. Kaya hindi na siya umaasang mangyayari pa 'yon.Hindi siys sumagot, at sa halip ay naglakad siya palapit sa sofa. Doon na lang muna siya matutulog ngayon dahil alam niyang ayaw siyang katabi ni Alfred. Hindi niya na binuksan ang ilaw dahil bukod sa ayaw niya, sobrang sakit ng kanang hita niya.Habang naglalakad palapit sa sofa, biglang hinila ni Alfred ang braso niya, sumubsob siya sa dibdib nito dahil do'n. At bago pa siya makapagsalita, naramdaman niya na ang pagsiil sa kanya ni Alfred ng halik, pumulupot ang kam
Napatitig naman si Alfred sa nakangiting mukha ni Yasmine. "Napakapait nito!" saad ng lola niya matapos uminom ng gamot."It's okay, lola. Kapag mapait ang gamot, ibig sabihin mabilis kang gagaling," nakangiting sabi naman ni Yasmine. Sumimangot ang lola niya kaya nakita niya kung paano marahang hinawakan ni Yasmine ang kamay nito. "Alright, kukuha na lang po ako ng tubig na may kaunting asukal para kahit papaano ay mawala ang pait sa panlasa niyo."Tumango ang lola niya saka nakangiting nagpasalamat kay Yasmine. Sa kabilang banda, nang makuha ni Yasmine sng tubig at sopas, muli siyang bumalik sa kwarto ng matanda at papasok na sana nang marinig niyang kausap nito si Alfred "Nakakagulat ang balita kahapon, Alfred. At gaya ng inaasahan, talaga namang kayang-kaya mong gumawa ng malaking pasabog sa isang kurap lang.""Lola, tama na po. Hindi nito naman kailangang maging sarcastic, naiintindihan ko po ang pinupunto niyo.""Umayos ka, Alfred! Si Yasmine ang asawa mo! Pamilya lang nat
Ramdam ni Yasmine ang sakit habang pinagmamasdan ang divorce agreement paper na hawak niyam Tatlong taon na ang nakararaan, napakasalan niya si Alfred dahil sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hindi siya mahal ni Alfred ag napilitan lang itong pakasalan siya nang sa gano'n ay makuha nito ang mananat ang posisyong inaasam sa kumpanya.Sa kagustuhan niyang subukan na paibigin si Alfred, pumayag siyang agad na magpakasal kahit pa hindi siya mahal ng lalaki. At sa loob ng tatlong taon nilang kasal, parang estranghero kung ituring siya nito. Divorce ang nagsisilbing bomba na tatapos sa kasal nila.Sa tatlong taon nilang pagsasama, nj minsan ay hindi nabanggit ni Alfred sa kanya ang tungkol sa divorce. Ngunit ngayong may nakahanda na itong divorce paper, alam niya agad na kaya 'yon naasikaso ng lalaki ay dahil bumalik na ang ex-girlfriend nito.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo at nakatitig sa divorce paper, natauhan lang siya nang marinig niya ang sasakyan ni Alfred. Nak
Nang makauwi, nagtatanggal pa lang siya ng sapatos nang makita niya ang kasambahay na palapit sa kanya. Nakangiti ito ngunit agad 'yon napawi nang makita ang kalagayan niya. "Naku, Ma'am! Anong nangyari?! Bakit napakarami mong pasa?!"Tinulungan siya nito ngunit aksidente nitong nahawakan ang namamaga niyang braso. Masakit 'yon ngunit hindi siya nagpakita ng kahit na anong reaksyon na para bang manhid na siya at wala lang sa kanya ang sakit."Havang abala ang mga tao, mayroong dumakio at nanakit sa akin," kaswal na sagot niya na ikinasinghap ng kasambahay.Noon pa man ay alam niya nang delikado ang trabaho niya bilang isang news reporter, hindi niya lang inakala na ganito kadelikado yon at aabot pa sa puntong mayroong dadakip sa kanya para lang saktan siya."Siya nga po pala, Ma'am, hindi pa rin po umuuwi ang asawa niyo. Narinig ko rin po na nakabalik na si Ms. Chesca sa Pilipinas," tukoy nito sa ex-girlfriend ng asawa niya. Napayuko si Yasmine sa narinig, natakpan ng ilang hibla n
Gabi na nang makalabas si Yasmine sa police station na pinuntahan niya. Malakas ang ulan sa labas, at pansin niya ang mga taong pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi niya na dinamdam 'yon. Normal lang naman siguro na sulyapan at pag bulungan siya ng mga tao dahil bukod sa paika-ika siya, magulo rin ang buhok niya at punong-puno pa ng pasa ang mukha at katawan niya. Nagpatuloy sa paglakad si Yasmine. Bawat hakbang ay mabibigat. Mayamaya ay huminto siya sa isang waiting shed, blanko ang ekspresyon niyang tinitigan ang cellphone ñiyang basag na anv screen.Pagkatapos ay gamit ang mga daliri niyang may bahid ng mga dugo; nagtipa siya ng numero para tawagan ang asawa niyang si Alfred. Ngunit, gaya ng desperadong sigaw niya habang binubugbog siga; tila walang nakarinig sa tawag niya dahil walang sumagot ng cellphone.Naramdaman niya ang tilamsik ng iilang patak ng ulan sa kanyang mukha kaya pagod siyang napangiti at napabuntong-hininga.Muling nag-dial si Yasmine ngunit wala pa ring sumagot. Il







