LOGINNanigas si Yasmine sa narinig. Ginala niya ang paningin sa madilim na kwarto at tukuyan niyang naaninag si Alfred na nakasandal sa bukas na bintana habang naninigarilyo.
Tinignan niya ito, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya Siguro, kung noon ito nangyari, malamang ay nagtatalon na siya sa tuwa dahil sa wakas ay sa iisang kwarto na sila matutulog ni Alfred. Ngunit iba na ngayon, bumalik na sa Pilipinas ang ex-girlfriend nito at nakita niya na rin ang divorce paper. Kaya hindi na siya umaasang mangyayari pa 'yon. Hindi siys sumagot, at sa halip ay naglakad siya palapit sa sofa. Doon na lang muna siya matutulog ngayon dahil alam niyang ayaw siyang katabi ni Alfred. Hindi niya na binuksan ang ilaw dahil bukod sa ayaw niya, sobrang sakit ng kanang hita niya. Habang naglalakad palapit sa sofa, biglang hinila ni Alfred ang braso niya, sumubsob siya sa dibdib nito dahil do'n. At bago pa siya makapagsalita, naramdaman niya na ang pagsiil sa kanya ni Alfred ng halik, pumulupot ang kamay nito sa bewang niya at mas pinalalim pa 'yon. Mayamaya ay marahan siya nitong inihiga sa sofa at kinubabawan. Ang mainit at mabango nitong hininga ay tumatama sa mukha niya. "Ang sabi ni lola ay kailangan na raw nating magkaanak," saad nito at para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Naalala niya ang divorce paper at ang narinig niyang sinabi ni Lola Greta kay Alfred kanina. Akmang hahalikan siya ulit ni Alfred nang umiwas siya at sinalubong ang tingin nito. Nagbara ang lalamunan niya dahil sa nagbabadyang pag-iyak. Tumikhim siya bago nagsalita. "Gusto mo ba talaga na magka-anak tayo o gusto mo lang ang kondisyon na pinangako sa'yo ng lola mo?" Hindi sumagot si Alfred, sa halip ay hinawakan nito ang mga braso niya at ipininid 'yon sa itaas ng ulo niya. Tinanggal nito ang salamin suot saka siya malamig at matalim na tinignan. "What's the difference, Yasmine? Dapat umpisa pa lang alam mo nang ganito ang mangyayari sa oras na pakasalan mo 'ko. Nawalan ng emosyon ang mukha ni Yasmine. "Gano'n ba?" Nasasaktan siya, wala talagang pakialam sa kanya ang asawa niya. Talagang alam nito kung paano siya sasaktan nang walang kahirap-hirap. Mahinang natawa ang lalaki at tumango saka siya muling hinalikan. Hindi siya gumanti sa halik nito. Ngunit, nang marahas nitong punitin ang damit niya, agad siyang naalarma dahil naalala niya ang pambubugbog sa kanya ng mga hindi pa kilalang lalaki kagabi. Kung hindi lang dahil sa tumulong sa kanya, pagsasamantalahan din siya ng mga lalaking 'yon kagabi. Takot na takot siya, kaya ngayong pinunit ni Alfred ang damit niya, hindi niya na mawari kung si Alfred pa nga ba talaga ang kaharap niya o baka isa na ito sa mga lalaking nanakit sa kanya kagabi. "No! 'Wag! Ayoko!" sigaw niya saka ginamit ang natitira niyang lakas para kagatin ang leeg ni Alfred at itulak ito. "What the hell?! Why did you bite me, Yasmine?!" Galit ito, at gamit ang sinturon at Itatsli na sana ang kamay niya nang pumalag siya. Hanggang sa napansin niya ang pag-va-vibrate ng cellphone nito na nasa coffee table. Mula sa screen sy nakita niyang ang ex-girlfriend nitong si Chesca ang tumatawag. Napansin din 'yon ni Alfred, at dahil na distract ito, kinuha niya ang pagkakataon 'yon para kunin ang punit niyang damit upang takpan ang katawan niya. Saka siya namaluktot sa sofa, pilit tinatago ang mga pasa sa katawan. Kasabay no'n ay ang pagbukas ng ilaw. Nakita niyang magulo na ang suot na suit ni Alfred, maluwag na ang tie nito at hindi na rin maayos ang oagkakabutones ng polo. Pansin niya ang ilang beses nitong paglunok. Patuloy pa rin sa pag-va-vibrate ang cellphone nito. Masama niyang tiningnan si Alfred. "Tumatawag ang pinakamamahal mo, bakit hindi mo sagutin?" Sinamaan din siya nito ng tingin bago sinagot ang tawag. Hindi niya alam kung anong sinabi ng nasa kabilang linya ngunit malambing ang boses na kinakausap ito ni Alfred. Ibang-iba sa kung paano siya nito kausapin. Matapos ang sandaling pag-uusap ay binaba na nito ang tawag saka inayos ang sarili nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. "Pupunta ka na kay Chesca?' "It's none of your business," malamig nitong sagot. Tumayo si Yasmine, hindi alintana ang sumasakit na hita. Naglakad siya palapit sa lalaki at niyakap ito mula sa likuran. Muntik na siyang matumba pero pinilit niyang umayos. "You had no choice when you married me." Kumuyom ang kamao ni Alfred at malamig siyang tiningnan. "What kind of trick are you trying to pull now?" "Sa akin na lang 'yon." Bumitaw siya sa pagkakayakap ss lalaki at tinignan ito. "Kung hindi ba ginamit ni Lola Greta ang kumpanya, pakakasalan mo pa rin ba 'ko?" Hindi sumagot si Alfred kaya mahina siyang natawa. Talaga ngang malakas ang loob niya para tanungin 'yon gayong alam niya na namang wala itong kahit katiting na pagmamahal para sa kanya.CHAPTER 26: CLUBTila binuhusan ng malamig na tubig si Yasmine sa nabasa saka siya napaupo ng tuwid sa kama.Magulo ang mahaba niyang buhok, nakalugay iyong at halos natatakpan ang buong mukha niya. Huminga siya nang malalim, ilang beses. Pagkatapos ay hinawi niya ang buhok niya saka marahas na napahilamos sa mukha niya para magising.Walanghiya si Chase, totoo 'yon. At sa totoo lang ay wala na siyang pakialam kung mabuhay man o mamatay ang hayop na 'yon. Bago pa niya isiwalat ang kwento ng Club ni Chase, si Chase at ang grupo niya ay sumira na ng hindi mabilang na buhay — kabataan, babae, lalaki, bata man o matanda, wala itong pinili. Ginahasa, binugbog, ginawang laruan, at kung ano ano pa.Ang ganyang tao, talagang dapat lang na mawala na sa mundong 'to.Pero ang problema...hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ikinamatay nito. Kung aksidente ba o hindi. At kung hindi man aksidente, sino ang may pakana?Hindi niya tuloy mapigilang isipin ang sinabi ni Jack sa kanya kanina tungk
CHAPTER 25: BREAKING NEWS Napabuntong-hininga si Yasmine saka marahas na napalingon sa papalayong bulto ni Jack nang may maalala siya."Sandali!" sigaw niya.Tumigil ito sa paglalakad saka siya nakangising nilingon, mukhang siyang-siya ito sa pagtawag niya.Seryoso siyang naglakad palapit dito habang matalim niya itong tinitingnan."Hindi mo 'ko maloloko, Jack. Oo, sabihin nating isa ang plantation na ito sa napakaraming negosyo ng mga Deogracia. Pero hindi ako naniniwala na nandito ka ngayon dahil lang sa nangyaring aksidente. Hindi ako naniniwalang nag-aalala ka sa nangyari at mabuti ang intensyon mo."Mahinang natawa si Jack saka pinagmasdan niya. Nakangisi ito, pero may bahid ng pang-aasar ang tingin."Hmm, you know, while I understand your sentiments, I can help but to notice your beautiful face, Yasmine. Ang ganda-ganda mo kahit pa nga wala kang kahit na anong kolorete sa mukha. Pero... bakit naman mukhang hindi ka masaya, huh?" mapaglarong tanong nito "Nasunog ang factory ni
CHAPTER 24: KAYA PALASa kabilang banda, matapos mapagtanto ni Alfred ang mga salitang itinuran niya ay mariin siyang napapikit saka lihim na minura ang sarili.Ilang segundo niya munang pinagmasdan ang asawa niyang mahimbing nang natutulog matapos ang kanilang mainit na pagtatalik bago siya nagpasya na magtungo sa banyo.Nang makapasok sa banyo ay itinukod niya ang dalawang kamay sa sink saka napatitig sa sarili niyang repleksyon sa salamin."What now, Alfred? Why did you say those words? Huh? What if she's awake and has heard it? You're just going to give her mix signal, you moron!" singhal niya sa sarili saka paulit-ulit na sinuntok ang sink na tinutukuran niya.Habol niya ang hininga saka napayuko at napailing-iling sa sarili. Ilang minuto pa siya nanatili sa ganoong posisyon bago siya nagpasya na maligo saka nagbihis at lumabas ng kwarto dala ang tray ng pagkain na hindi man lang nagalaw ng kanyang asawa. Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong niya ang kasambahay nila."Oh,
CHAPTER 23: YOU ARE MY LIFE Napailing-iling na lamang si Yasmine dahil sa kabaliwan ni Alfred. Sa totoo lang ay hindi niya mawari kung bakit tila mabait ito sa kanya ngayon. Talagang nahihiwagaan siya sa inaasta nito.Binalik niya ang tingin kay Alfred na hanggang ngayon ay naroon pa rin ang nakakalokong ngiti habang nakatingin sa kanya."Stop grinning, Alfred. You look like a fool," kumento niya pero hindi ito nagpatinag.Natigil lang ito nang mag-ring ang cellphone nito na nakapatong sa kama. Sabay silang napatingin do'n at ramdam niya ang pagbagsak ng kalooban niya nang makitang si Chesca ang caller.Sinulyapan niya si Alfred at napansin niya ang pag-igting ng panga nito bago kinuha ang cellphone bago lumabas ng kwarto upang sagutin ang tawag.Napabuntong-hininga siya dahil do'n saka pagod na napaupo sa kama. Mapait siyang napangiti nang maalala ang nangyari."Oh, Gosh! I hope he'll stop giving me mix signals," bulong niya saka pinunasan ang luha niyang hindi niya namalayang sunod
CHAPTER 22: MIX SIGNALSHindi agad nakapag-react si Yasmine dahil sa bilis ng pangyayari. Natauhan lang siya nang maramdaman ang muking paggalaw ng labi ni Alfred. Ginagalugad nito ang kanya kaya naman wala sa sariling napakapit siya sa tuxedo na suot nito kasabay no'n ay ang pagkawala ng isang mahinang daing mula sa kanya."Hmm.. Alfred.." mahinang daing niya nang mula sa labi ay bumaba ang halik ni Alfred sa kanyang baba at leeg.Napapikit siya sa sensenasyong dala no'n. Oo, galit siya kay Alfred, ngunit magiging hipokrita siya kung sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman na pagmamahal para rito. Hindi madaling gawin ang bagay na 'yon."How dare you sign that paper, hmm? D@mn, wife, I want to punish you for that," bulong nito habang hinahalikhalikan siya, dahilan kung bakit natigil ang makundong pag-iisip niya.Buong pwersa niya itong tinulak saka malakas na sinampal. Binalingan niya ang divorce agreement na pinunit nito saka dinampot. "Ayos lang, I can just print another copy
CHAPTER 21: SAVIORNang makalabas ng station ay agad na nakita ni Yasmine ang mga nakapilang emergency shuttle. Mukhang marami rin ang nag-uunahang makapunta sa lugar ng insidente. Napailing siya at sasakay na sana sa isang shuttle nang may pumigil sa braso niya. Nilingon niya 'yon at nakita niya ang hinihingal na editor in chief nila."Bakit, Chief?""Yasmine! Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?! I can send other journalist there, kagagaling mo lang sa aksidente!" may pag-aalala sa boses nito.Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito. Sariwa pa ang mga galos na natamo niya dahil sa nangyari, ang pinakamalala pa ro'n ay ang naging impeksyon sa kanyang tainga, hanggang ngayon ay medyo masakit at mahina pa rin ang pandinig niya. Pero, para sa kanya ay wala lang 'yon. Ang mga sugat, galos, at sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan dahil sa nangyari ay walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ng damdamin niya. Ang mga negatibong marka na nasa katawan niya ay mabilis lang
Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghaw
Ramdam ni Yasmine ang sakit habang pinagmamasdan ang divorce agreement paper na hawak niyam Tatlong taon na ang nakararaan, napakasalan niya si Alfred dahil sa kagustuhan ng mga magulang nito. Hindi siya mahal ni Alfred ag napilitan lang itong pakasalan siya nang sa gano'n ay makuha nito ang manan
Nang makauwi, nagtatanggal pa lang siya ng sapatos nang makita niya ang kasambahay na palapit sa kanya. Nakangiti ito ngunit agad 'yon napawi nang makita ang kalagayan niya. "Naku, Ma'am! Anong nangyari?! Bakit napakarami mong pasa?!"Tinulungan siya nito ngunit aksidente nitong nahawakan ang nam
Gabi na nang makalabas si Yasmine sa police station na pinuntahan niya. Malakas ang ulan sa labas, at pansin niya ang mga taong pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi niya na dinamdam 'yon. Normal lang naman siguro na sulyapan at pag bulungan siya ng mga tao dahil bukod sa paika-ika siya, magulo rin ang







