Chapter: VOLUME 1 CHAPTER 5 ANG KINABUKASAN MO ANG ANAK MOHindi na sinubukang kwestyunin ng kasambahay ang utos ni Kristoff at umalis nalang upang sundin ito At matapos umalis ng kotseng nasa garahe, nakita ni Timothy si Aloce na tumatakbo palayo sa pinto ng bahay niya. Dalawang matatapang na german shepherds ang humahabol dito at bakas sa mukha ng babae ang labis na takot at pagmamadali. Sigurado siyang kagagawan 'yon ng anak niyang si Kristoff. Napangisi siya at hindi 'yon pinigilan. After all, wala namang magandang maidudulot si Alice. Napailing siya bago nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya. "Nag-reply na ba ang stock market expert?" Ang pagbabalik ng stock market expert ay nagdulot ng hindi mapakaling pag-iisip sa mundo ng negosyo. Bawat kumpanya ay gustong maka-partner ang stock market expert dahil ang makasosyo siya ay para mo na ring pinamunuan ang buong stock market. Maapektuhan agad no'n ang stock price ng kumpanya at market capitalization dahil kung bakit gustong-gusto niya talagang makasosyo ang stock market expert.
최신 업데이트: 2026-01-27
Chapter: VOLUME 1 CHAPTER 4 SIYA ANG STOCK MARKET EXPERT AT ANG DOKTOR NA MAY HIMALASa loob lamang ng 20 minuto. Sumabog sa hospital ang isang balita. Ang balita tungkol sa "Pagbabalik ng hari ng stock market" ay naging usap-usapan. At habang tinitignan ang trending na usap-usapan sa kanyang cellphone, hindi maiwang hangaan ni Tricia na nasa nakaupo sa backseat ng sasakyan ang propesyonal na skills ni Xia. At habang nag-iiba ang mga tanawin mula sa labas ng bintana ng kotse, hindi makapaniwala si Tricia. Marami talaga ang kayang baguhin ng anim na taon. Naaalala niya pa anim na taon na ang nakararaan, si Xia na alam lang at kung paano magtago sa likuran niya ay iyakin. At ngayon, ang iyakin noon ay isa namang babaeng presidente ng Cruz Group. Nang makarating sa bahay ng mga Imperial, bago pa makapasok sa loob si Tricia ay narinig niya na ang umiiyak na sigaw ni Tontin. "Kuya, 'wag kang mamamatay!" Nagulat siya at nagmamadaling pumasok kung saan nakita niya si Kristoff na napapalibutan ng napakaraming doktor. Maputla ang bata, ang payat nutong katawan ay na
최신 업데이트: 2026-01-27
Chapter: VOLUME 1 CHAPTER 3 ANG GAWA GAWANG SAKIT - PLANO PARA ISALBA ANG KASAL NI DADDYBakas sa mukha ni Aldrin ang sakit bago ito nagtanong sa nanginginig na boses. "Hindi ba't divorced na kayong dalawa?" "Sinong nagsabing divorced na kami?" Malamig ang ekspresyon ni Timothy: "Aldrin, lumayo ka sa anak at asawa ko mula ngayon. Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa mundong 'to!" Matapos sabihin ang babalang 'yon, wala sa sariling sinulyapan ni Timothy ang gawi ni Tricia. Noon, kung babantaan niya si Aldrin kagaya ng ginawa niya ngayon, magmamadali itong lalapit sa kanya at sasampalin siya, bago matapang siyang tatakutin, "Kapag sinubukan mong galawin si Aldrin, papatayin kita!" Pero ngayon, hindi ito nagalit gaya ng inaasahan niya; sa halip, tahimik si Tricia. Tahimik na para isang magandang estatwa. Ang Imperial Group ay nangunguna sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas, at dahil si Timothy ang namumuno sa lahat ng negosyo ng mga Imperial; makapangyarihan siya. Tipong isang salita lang ang kailangan niyang sabihin para wakasan ang buhay ni Aldrin. Per
최신 업데이트: 2026-01-27
Chapter: VOLUME 1 CHAPTER 2 SIYA SI TRICIA SANDOVAL, ANG MRS. IMPERIALHabang binabasa niya ang note, pakiramdam ni Tricia ay bayolenteng pinipiga ang puso niya. Kadalasan, makukulit ang mga batang limang taong gulang, pero ang munting si Tintin ay makatwiran na kayang wasakin ang puso mo. "Nawawala si Tintin? Bilisan na natin at hanapin natin siya!" Katatayo niya lang nang itulak siya ni Kristoff. "Ano pa't nagpapanggap ka, Tricia?! Malamang ay inutusan mo si Tintin kaya siya umalis ng bahay! Kaya pala kakaiba ang inaakto mo kahapon, 'yun pala, hindi ka pa rin sumusuko sa pagpilit na gamitin ang bone marrow ni Tintin para mailigtas ang anak ng bastardong 'yon!" Puno ng luha ang mga mata ng batang lalaki. Galit na galit ang tingin nito kay Tricia. Mayamaya, dumating si Timothy at kinarga ang anak. Galit na galit ito at walang emosyon ang mga matang tumingin sa kanya "Tricia, importante sa akin ang bata. At kapag may nangyaring kahit na ano kay Tintin, I will personally tear Aldrin into pieces," mariing saad ni Timothy. Matagal niya na ring g
최신 업데이트: 2026-01-27
Chapter: VOLUME 1: CHAPTER 1 NAGISING AT NAGING ISANG INA MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON Nagising si Tricia na nasa ICU ng isang hospital. Umupo siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Timothy Imperial. Ang lalaking gusto at pinapangarap niya."Tricia, gaya ng gusto mo, mag-divorce na tayo."Ibinigay nito sa kanya ang isang divorce agreement na pirmado na."Kasal tayo?!"Binasa ni Tricia ang mga pangalan at petsang nakasulat sa divorce agreement at hindi niya maiwasang magulat sa mga nabasa.Si Timothy Imperial na kilalang kilala sa buong Pilipinas hindi lang dahil sa taglay nitong katalinuhan, kundi pati na rin dahil nagawa nitong pamunuan ang lahat ng negosyo ng angkan nito sa edad lamang na 18, dahilan kung bakit naging isa itong pinaka batang business tycoon. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng six years ay kasal sa kanya ang lalaking pinapangarap niya! Siguradong panaginip lang ito!Kinurot niya ang pisngi niya sa pag-aakalang ma
최신 업데이트: 2026-01-27