LOGINHindi agad siya nakagalaw sa sinabi ni Jack ngunit nang makabawi ay masama niya itong tiningnan saka niya pilit na tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya.
Nasaktan siya sa sinabi ni Jack dahil kahit naman alam ng buong pamilya ni Alfred na mag-asawa sila, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito na kailanman ay hindi siya itinuturing na asawa ng lalaki. "Asawa man ang turing sa akin ni Alfred o hindi, hindi pa rin mababago no'n ang katotohanan na sister-in-law mo ako at hindi mo dapat ako hinahawakan at kinakausap ng ganito! Remember this, Jack, isang beses pa na gawin mo ulit itong ginawa mo ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipapulis ka!" galit niyang saad bago mabilis na sumakay sa binook niyang sasakyan nang makitang dumating na ito. Nang makasakay ay marahan niyang hinilot ang hita niyang masakit pa rin hanggang ngayon bago nag-angat ng tingin sa driver nang magsalita ito. "Saan po kayo, Ma'am?" Naisip niya agad na pumunta sa TV station kung saan siya nagtatrabaho ngunit Naalala niyang binigyan nga pala siya ng ilang araw na day off ni Mr. Alcantara. Pero naalala niya ring mayroon pa siyang interview transcript na kailangang tapusin kaya naman sa huli ay sa TV station pa rin siya nagpahatid. Sakto 'yon dahil nalulungkot siya, mas mabuti nang may gagawin siya nang sa gano'n ay kahit papano ay makalimutan niya ang lyngkot na nararamdaman. Isang senior news reporter si Yasmine, at lagging nakatoka sa kanya ang mga imbestigasyon lalo na sa mga kahina-hinalang negosyo ng maraming sikat o Kkhit pa yung mga hindi kilalang personalidad sa buong bansa at marami na siyang natulungan dahil sa ginagawa niya. Nang makarating siya sa TV station, sinalubong siya agad ng editor in chief nila na siya ring boss niya na si Mr. Alcantara, inimbitahan siya nito sa opisina nito. "Take a seat, Yasmine," ani nito, iminuwestra ang visitor's chair. Ginawa niya naman 'yon bago siya nagtatakang tumingin sa lalaki lalo na nang mapansin niyang tila may gusto itong sabihin sa kanya ngunit nag-aalangan lang. "Mr. Alcantara? Ayos lang po ba kayo? Uhm, is there something that you want to tell me?" tanong niya. Bumuntong-hininga ang lalaki bago ito umupo sa swivel chair. Actually, yes. May gusto talaga akong sabihin sa'yo. Tungkol ito sa nangyari sa'yo. Nalaman na naming kung sino ang mga nanakit sa'yo, ang kaso.." "Ang kaso ay may koneksyon sila at makapangyarihan?" pagpapatuloy niya. Sa totoo lang, hindi na siya magugulat kung makapangyarihan nga ang mga nanakit sa kanya. Gano'n naman palagi dahil kapag makapangyarihan ang isang tao at maraming koneksyon ay madaling mapagtatakpan ng mga ito ang mga kasalanang ginawa. Muling bumuntong-hininga ang lalaki bago ito tumayo at kumuha ng isang basong tubig bago inabot sa kanya. "Nagtanong-tanong ako at nalaman ko na ang nag-utos sa mga lalaking nanakit sa'yo ay walang iba kung hindi ang kapatid ng ex-girl friend ni Alfred Deogracia. Ngayon, ang Malala pa ay protektado siya ni Alfred, pati ang mga lalaking nanakit sa'yo ay pinoprotektahan." Nabato si Yasmine sa narinig, mariin niya ring naikuyom ang kanyang mga kamao, hindi niya alintana ang sakit ng mga kuko niyang bumabaon sa kanyang palad dahil sa sobrang diin ng pagkakakuyom niya. Sa kabilang banda, agad na binalot ng pag-aalala si Mr. Alcantara nang makita niya ang nakakuyom na mga kamao ni Yasmine. Lalo pang nag-igting ang pag-aalala niya para sa lalaki nang mapansin na naging malamig ang emosyon nito. "Yasmine? Yamine?" kapagkuwan ay tawag niya sa babae nang hindi agad ito makapagsalita. Napa Kurap-kurap naman ito. "Ano pa pong nalaman niyo, Mr. Alcantara? Please, tell me everything," saad nito. Napalunok siya dahil doon, sa nakikita niyang sitwasyon ng babae, parang ayaw niya nang sabihin ditto ang lahat. Ngunit alam niyang hindi Pwede 'yon. Alam niyang dapat ay malaman ni Yasmine kung ano ang totoo. Kaya naman lakas loob niyang inabot sa babae ang isang cheke, limang milyon ang halaga no'n. "This is the compensation from the Enriquez family. Gusto nilang makapag-areglo at handa raw silang magdagdag pa ng pera kung gugustuhin mo basta ay 'wag ka nang magsasampa ng kaso." Malamig na tiningnan ng babae ang cheke bago ito tumayo at kinuha 'yon. "Okay, naiintindihan ko ang gusto nila," ani pa nito bago nagpaalam at lumabas ng opisina. Siya naman ay kunot-noong hinabol ng tingin ang babae. Nagulat siya sa ginawa nito. Hindi naman kasi 'yon ang unang beses na may nanakit sa babae at gustong makapag-areglo. Ang bago lang ay ang pagtanggap nito sa cheke na senyales na pumapayag itong makapag-areglo. Hindi niya maitatanggi na medyo dismayado siya sa desisyon ni Yasmine. Noon kasi ay talagang hinaharap at kinakasuhan nito ang mga nanakit ditto. Ngunit, hindi niya rin naman ito masisisi kung bakit itong pumayag na makioag-areglo sa mga Enriquez na tinutunlungan naman ng makapangyarihang negosyante na si Alfred Deogracia. Samantala, matapos makapag-usap sa editor-in-chief ay agad namang inasikaso ni Yasmine ang mga interview transcript na siyang dahilan kung bakit siya pumunta ng TV station. Kinabukasan ay gano'n din ang ginawa niya. Nagtrabaho ulit siya, hindi alintana ang katawang medyo nananakit pa rin. Alam din ng mga kasamahan niya sa trabaho ang nangyari sa kanya kaya naman ang ilan sa mga malalapit niyang kaibigan doon ay kinumusta at dinamayan siya. "Naku, Salamat ditto. Hindi na dapat kayo nag-abala pa," aniya nang bigyan siya ng pagkain at ointment ng mga ito. "Sus! Okay lang 'yan, Yasmine! Tanggapin mo lang lalo na yung mga ointment, makakatulong 'yan para mas mabilis na maghilom ang mga sugat at pasa mo." Napangiti siya dahil do'n at muling nagpasalamat. Ilang minuto pa siyang kinausap ng mga kaibigan niya at niyaya pa siya ng mga ito na lumabas pagkatapos ng trabaho na maingat niya namang tinanggihan. Naintindihan naman ng mga ito ang desisyon niya at labis niyang ipinagpapasalamat 'yon. Nang matapos sa pakikipag-usap ay muling bumalik sa pagtatrabaho si Yasmine. Nasa gano'n siyang sitwasyon nang maramdaman niya ang isang presensya sa gilid niya. Nilingon niya 'yon at hindi niya napigilan ang lihim na mapairap nang Makita kung sino ang taong nakatayo sa gilid niya.CHAPTER 11: BRACELET (2)Mabilis ang lakad niya at dahil sa sobrang pagmamadali na makalayo kina Alfred ay hindi niya na namalayan na madulas ang madadaanan niya dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse at natumba.Naitukod niya ang palad niya sa kalsada at dahil sa lakas ng impact ay ramdam niya ang pagkakasugat ng kanyang palad ngunit hindi niya alintana 'yon.Sa dami pa naman ng mga sakit na naranasan niya? Pisikal man o mental? Wala lang ang sugat sa palad niya ngayon kumpara sa mga sakit na pinilit niyang itago at lihim na indahin kahit pa gustong-gusto niya nang sumuko.Ngunit kahit na gano'n, hindi niya pa rin maiwasang malungkot habang tinitignan ang mga palad niyang may mumunting dugo dahil sa sugat na natamo. Ramdam niya ang hapdi roon lalo na nang mapatakan ng mga luha niyang hindi niya namamalayang tumulo na pala.Nasa gano'n siyang sitwasyon nang mapansin niya mula sa gilid ng mata niya ang pagsunod sa kanya ng kung sino na alam niyang walang iba kung hindi si Alfred.T
CHAPTER 10: BRACELET Tahimik niyang kinain ang sandwich at Habang ginagawa niya ;yon ay ramdam niya pa rin ang pananakit ng kanyang tainga. At Habang abala siya sa pagkain ay hindi niya rin maiwasang alalahanin kung gaano niya kagusto si Alfred noon.Noon, talagang Determinado siyang pakasalan ang lalaki. Naalala niya pa nga ang kaibigan niya noon na mayroong gusto sa kamya at talagang ilang beses siyang niligawan ngunit hindi niya pinagtuunan ng pansin dahil si Alfred ang lalaking kinababaliwan niya.Natigil sa pag-iisip si Yasmine nang mapansin niyang iba ang tinatahak nilang daan. Sa halip na daan pauwi sa bahay nila, tinatahak nila ang daan patungo sa hospital na pagmamay-ari nila Alfred. Ang Minfre Hospital."Umuwi na tayo, Alfred. Nakapagpa-check up na ako sa doctor. Hindi ko na kinakailangang matignan pa ulit.""just cooperate, Yasmine. You know that I only feel at ease if an investigation is conducted under my nose," malamig ang boses na sabi nito kasabay ng tuluyang aghinto
CHAPTER 9: BIRTH CONTROL PILLS AT SANDWICH Matapos ang pakikipag-usap sa nurse ay lumabas din siya agad ng hospital. Nakasunod pa rin sa kanya ang bodyguard. Sasakay na sana siya ng kotse nang mapansin niya ang isang pharmacy na nasa tapat lang ng hospital. Nilingon niya ang bodyguard saka siya nagsalita."Sandali lang ha, may bibilhin lang ako," aniya."Ma'am, sumakay na lang po kayo at maghintay sa kotse. Ako na po ang bibili ng kailangan ninyo." Binuksan nito ang pinto ng kotse at iminuwestra na pumasok at maupo na siya.Nagtaas siya ng kilay. "Hmm, I need to buy birth control pills," saad niya dahilan kung bakit natigilan ang bodyguard ngunit agad din naman itong nakabawi dahil pinigilan siya nito nang akmang aalis na siya.Tumayo ito ng diretso saka seryosong nagsalita. "Ma'am, pasensya na po, pero kailangan po muna itong malaman ni Mr. Deogracia.""Katawan ko 'to. Sinapupunan ko 'to. Gagawin ko kung ano man ang gusto kong gawin sa katawan ko. Now tell me, bakit kailangan ko pa
CHAPTER 8: ENT WARD Lumipas ang ilang oras, nagising si Yasmine nang marinig niya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kinusot niya ang mata niya bago sinulyapan ang labas mula sa bintana ng kwarto niya.Mahamog sa labas dahil sa ulan. Sinulyapan niya ang orasan at nakitang pasado alas dose na ng tanghali. Napabuntong-hininga siya, 'yon ang unang beses ngayong taon na nakatulog siya ng ganito kahaba nang hindi umiinom ng sleeping pills.Naupo siya, saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Medyo magulo 'yon at alam niya ang dahilan kung bakit. Hindi niya rin maiwasan ang mapalunok nang maalala niya kung paano siya paulit-ulit na inangkin kagabi ng kanyang asawa.Pinakiramdaman niya ang sarili, at napahinga siya nang maluwag nang hindi siya makaramdam ng panlalagkit. Ibig sabihin lang niyon ay nilinisan at binihisan siya ni Alfred. Napahaplos din siya sa pisngi niyang may hiwa nang maramdaman niyang mayroong malamig at medyo malagkit na nandoon. Maayos din ang pakiramdam niya, ni
CHAPTER 7: CCTV FOOTAGE Galit na galit siya nang maramdaman niya ang paghawak nito sa baba niya. "Don't look at me like that, Yasmine," tukoy nito sa galit niyang tingin.Nanlalabo na ang paningin ni Yasmine at alam niyang dahil 'yon sa mga luhang nagbabadya nang tumulo sa mga mata niya. Ngunit, kahit na gano'n ay hindi siya nakinig kay Alfred, dahil sa halip ay pinanatili niya ang diretso at galit na galit na titig dito hanggang sa naramdaman niya na lamang ang sunod-sunod na pagdaloy ng maiinit na luha sa pisngi niya."'Wag kitang tingnan ng ganito? Bakit? Ha? Nakokonsensya ka na ba? Ayaw mong tingnan kita ng ganito? Kung gano'n, sa paanong paraan mo gustong titigan kita, huh? Gusto mo bang tingnan kita na para bang mahal na mahal pa rin kita gaya noon? Ha, Alfred?! O gusto mong tingnan kita na para bang umaasa pa rin akong mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sa'yo? Ano, ha? Tell me! Paano, Alfred? Anong klaseng tingin ba ang gusto mong igawad ko sa'yo, ha?!"Hindi sumagot
CHAPTER 6.2: BATHROOM "Ang mga taong kagaya ng kapatid mo ay hindi dapat kinakaawaan, Chelsea," malamig na saad ni Yasmine bago siya napasulyap kay Alfred na naabutan niyang nakatingin sa mukha niyang may bahid ng dugo."Yasmine, that's enough."Kanina pa nararamdaman ni Yasmine ang pamamanhid ng katawan niya, patungo sa puso niya hanggang sa tila wala na siyang maramdaman na sakit. Ngunit, sa tatlong salitang binanggit ni Alfred, tila biglang nawala ang pamamanhid ng buong katawan niya dahil naramdaman niya agad ang pagsidhi ng kirot sa bawat himaymay ng katawan niya lalo na sa puso niya.Walang buhay siyang ngumiti saka niya dahan-dahang binitawan ang kwelyo ni Chase. Kasabay no'n ay ang pagpapakawala ni Chelsea ng isang buntong-hininga, tila nakahinga ito ng maluwag dahil sa ginawa niya. "Kunin niyo si Kuya at dalhin niyo siya agad sa hospital," utos agad nito sa mga bodyguard na nasa paligid na agad namang sumunod.Kilala ang kapatid nitong si Chase na basagulero. Ngunit, ngayo
Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghaw
Muling napaatras si Yasmine nang maglakad palapit sa kanya ang sampung bodyguard. Lihim siyang napamura sa isip niya bago sinulyapan ang direksyong pinanggalingan niya kanina. "Nasaan na ba sila?" bulong niya sa sarili, tinutukoy niya ang mga bodyguard na binayaran niya para magbantay at tumulong
Sa kabilang banda, abala sa pakikipag sayahan si Chase at pakikipagpalitan ng halik sa mga babaeng nakalingkis sa kanya nang may tumapik sa balikat niya.Napahingo siya dahil do'n bago inis na hinarap ang tumapik sa kanya ngunit kasabay ng pagpihit niya upang harapin ito ay isang paghampas ng bote
Bumuntong hininga si Yasmine nang makitang si Freya Lim ang nakatayo sa gilid niya. "Hmm, well, kung nabugbog din naman ako kagaya mo, malamang ay hindi ko rin kakayaning magsaya at makakain ng payapa," saad nito bago sumandal sa cubicle na para sa kanya. May bitbit pa itong kape na binili sa isa







