May hindi maipaliwanag na nararamdaman si Moss.Biglang naging masama ang kanyang kutob sa nangyari. Kaya’t napilitan siyang tanungin ang tauhang ipinadala.“Paano mo ba talaga isinagawa ang bagay na ’yon?”Ikinuwento ng lalaki ang buong nangyari sa bahay ng mga Esquivel.Pagkatapos na marinig lahat ni Moss ay bumigat ang kanyang paghinga.Halos hindi niya maiangat ang mukha upang tumingin kay Bryson.Sa huli ay hindi na niya napigilan ang sarili at biglang pinalo nang malakas ang ulo ng lalaki.“Putangina, ganito ka ba talaga magtrabaho? Ito ang sinasabi mong ayos na?”Natulala at napakamot ang lalaki sa pagkakapalo.Hindi alam kung saan siya nagkamali.Galit na galit ang kanyang amo.“Lumayas ka!”“No.” mababa ang boses ni Bryson.Natigil ang lalaki.Nakayuko itong humarap kay Bryson.“Alam mo ba ang ginawa mo?”“I-inutusan lang po ako.”“Ngunit alam mong makakasira sa kumpanya ito, hindi ba?”Tumango ang lalaki.Ngunit nagmamakaawa ang mga mukhang tumingin ito kay Bryson.“Pero su
“Kumalat daw ang balita mula sa matalik na kaibigan ni Hara na si Miss Andy. Sabi pa ni Miss Andy…”“Ano pa raw ang sinabi niya?”“Unang sinabi niya na niloko mo si Rana para kay Ms. Pey hanggang sa tuluyan mo nang iniwan ang asawa mong sumuporta sa’yo sa hirap at ginhawa. Na may problema raw talaga ang pagkatao mo. Ngayon naman ay pinapakalat mo raw ang masasamang tsismis laban sa dati mong asawa at mga kalaban mo sa negosyo. Para lang magmukhang moral ka sa publiko at tuluyan kayong magsama ni Ms. Pey.”Napangiti si Bryson nang may halong pang-uuyam matapos marinig ang mga sinabi ni Froilan.Aminado siyang may saysay ang mga paratang ni Andy sa kanya.Kung hindi siya ang mismong sangkot sa pagtataksil ay baka naniwala rin siyang totoo nga ang lahat ng iyon.Na may isang lalaki na nagtaksil sa asawa para kay Pey.Ngunit siya ang tinutukoy.At alam na alam niyang inosente sila ni Pey.Wala naman talagang namagitan sa kanila ng babae.Hindi rin naman niya pinlanong hiwalayan si Rana.N
Ang buong set up ng paligid ang tuluyang nagpabalik sa katinuan ni Rana.It was very intimate.Ang kanyang kuya Ruan, si Andy, si Vern, ang kanyang lolo butler at ibang mga kasambahay ang naroon.Maingat siyang tinitigan ni Vern habang papalapit dala ang cake.Malumanay itong nagsalita.He was wearing a black button down polo.Malaki ang ngiti niya kay Rana.“Happy birthday, Rana. Sa bagong taon ng iyong buhay sana matagpuan mo ang bagong kaligayahan. Itapon mo na ang lahat ng pagsisisi sa nakaraan. Nais kong manatiling maliwanag ang iyong ngiti at palaging maaliwalas ang iyong damdamin.”Tinitigan lamang ni Rana si Vern ng matagal bago siya ngumiti.“Salamat.”Sa gitna ng pagbati ng lahat ay humiling si Rana ng kahilingan at saka hinipan ang mga kandila.Tinawag siya ni Andy sa tabi. Nakipag-beso sa kanya.“Happy birthday!”“Salamat, Andy.”Matapos hipan ang mga kandila ay oras na upang hiwain ang cake.Kinuha ni Rana ang kutsilyo mula sa kamay ng kanyang kuya.Ruan smiled sweetly at
Nagkasundo na lang ang dalawa sa isang yakap na iyon.Ayaw rin naman ni Vern na unti-unting lumayo kay Rana matapos mabigo ang kanyang pag-amin ng damdamin dito.Kahit manatili lang siya sa tabi nito bilang isang "kuya” ay ayos lang sa kanya.Hanggang nakakasama at nakikita niya pa ang dalaga ay ayos lang sa kanya.Ngunit kahit papaano'y may pait sa puso niya.Sa huli, alak na lang ang naging kanlungan niya sa lahat nang nangyari.Sa una, sinasamahan pa siya ni Ruan uminom, pero kalaunan ay pinabayaan na lang siya nito.“‘Wag mo na akong kaawaan.” tawa ni Vern.Inisang lagok niya ang laman ng kanyang baso.Nagkakainan na silang lahat.Ang dalawang babae ay nakikipagtawanan sa iilang kasambahay.Habang si lolo butler ay umakyat na at matutulog na raw.“Alam niyo na, matanda na.” tumawa si lolo butler nang nagpaalam.Ruan scoffed at Vern's remarks.“Bakit naman kita kakaawaan? Natutuwa nga ako kasi hindi ka sinagot ng kapatid ko.”Inangat ni Vern ng tingin sa lalaki.Habang pinakiramdam
Dati ay magkapitbahay ang pamilya Santiago at ng pamilya Esquivel.Napakaliit pa ni Rana noon. Maganda ang relasyon ng dalawang pamilya.Lalo na ang dalawang ginang.Ang ina ni Rana at ina ni Vern.Pero nang lumipat sila at pumanaw ang mag-asawang Esquivel ay unti-unting lumamig ang ugnayan ng dalawang pamilya.Ngunit si Vern ay matagal nang may gusto kay Rana.Palaging nagpapakita ng malasakit sa pamilya nito.Gumagawa rin siya ng kahit na anong alibi upang makapunta sa bahay ng mga ito.Malayo ang bini-byahe para lang daluhan si Rana sa lahat ng kailangan nito.He was there.He was heartbroken when she’s crying.He was smiling when she’s happy.Lahat ng nararamdaman ni Rana ay doble nang sa kanya.Kaya naman galit na galit ang ama ni Vernon.Bukod sa dumidikit ito sa walang kwentang babae ay talagang nakikipag-kumpetensya pa ito kay Ruan.Kung buhay pa ang mag-asawang Esquivel ay baka lalo nilang itinakwil si Vernon.Nakakahiya ang ginagawa nito!Pero nag-iisa nalang na lalaki ng pa
Pagkarinig sa sinabi ng kausap ay napataas ang kilay ni Rana.Hindi niya alam kung mamamangha ba siya o manggagalaiti.Huwag na nating pag-usapan kung sila nga ba ni Vern ay magkasintahan.Na kahit pa nga totoo 'yon ay hindi naman dapat sila pinakikielamanan sa relasyon nila, hindi ba?At saka, dalawang milyong piso lang?Sino ba ang minamaliit nito?Tinitigan niya ang babae sa harap niya.May kaunting pagkakahawig kay Pey.Sa kayabangan ng ugali nito ay halos sigurado si Rana kung sino siya.Pareho lang pala si Pey at ang nanay niya.Pareho ring vitamins sa manok ang itinurok noong bata.Pagkuwan ay bigla siyang natawa.Kinuha ang tseke mula sa kamay ng bodyguard.Pinitik-pitik pa niya ito sa ere.At tinignan ng mabuti.Ngiting tagumpay si Eliza.Agad tinanggap ng maduming babaeng ito ang kanyang pera.“Tunay ngang taga-probinsya. Madaling suhulan.” halakhak niya sa kanyang isip.“Ngayong tinanggap mo na ang pera, umalis ka na lang. Sa tingin mo ba ang isang babaeng kagaya mo na hiwa
Matamang tinitigan ni Rana si Eliza sa loob ng ilang sandali.Napansin niya ang pagkabulag nito sa kanyang sinabi.Na malaki ang nakukuhang sweldo ni Vern.Halos masuka siya sa ugali ng ginang.Dahil doon ay ipinakita niya ang kanyang pulso.Nakangisi niyang ininggit lalo ang matanda.Makikita sa maputing pulsong iyon ang isang bracelet na may mga diyamante.Kumikislap pa ang mga ito kapag nasisikatan ng araw. Ang buong bracelet ay binubuo ng tatlumpung maliliit na diyamanteng nakapalibot dito.Bawat isa'y may mataas na halaga.Bukod sa mga diyamante ay may isang matingkad na pulang hiyas sa gitna.Isang batong halatang hindi karaniwang alahas.“Pinakabagong koleksyon ng Suey, ang Flower Shadow bracelet Tinatayang nasa tatlumpung milyong piso ang halaga. Siguro naman alam niyo na ’yan?”Napanganga si Eliza.Siyempre alam niya.Hindi lang basta alam.Noong una itong lumabas sa auction ay personal pa siyang pumunta para makita ito nang malapitan.Ang disenyo at halaga nito ay sadyang t
Napaka-angas ng grupo ni Eliza.Hindi iniisip ang ginagawa.Nilamon na ng inggit at galit para sa babaeng wala namang masamang ginagawa sa kanila.Tiyak na napakalaking gulo ang ginawa nila.Agad itong nakaabala sa mga kapitbahay sa parehong palapag.Maraming tao ang nagbukas ng kanilang mga pinto at nagsimulang magbulungan habang nakatingin sa grupo ni Eliza.Kitang-kita na ang pula sa mukha ni Eliza.Matindi ang naging epekto nang pang-iinis ni Rana rito. Kaya nang makita niya ang dumadaming mga tao ay dali-daling nagsuot siya ng sunglasses.Pinalo na rin ang bodyguard na sumisira sa pinto nito.Umayos siya at sumigaw ito sa pinto nang may malambing na boses.“Rana, hija. Naiintindihan ka ni Tita na iniwan ka lang ng lalaki. Hindi mo kasalanan ang ma-divorce. Pero yung susubukan mong akitin na si Vernon at ang pagnanakaw ng bracelet niya, at panunulsol ng masasakit na salita para saktan ako ay hindi na yata tama iyon.”Tumingin siya sa madla at muling tumingin sa pintuan ni Rana.“
Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.“Sobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi ‘yang pagmumukha niyo.” ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.“Tara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.”Agad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!” iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina
Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And here’s his mother, calling him. “Nasaan ka, anak?”Halos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.“I have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?”“Ewan ko ba..” umubo ng ilang beses ang ginang. “Nahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.”“Naubusan ka?”“Yes, my dear.”Halos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.“Hold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.” he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.“Anong nangyari? May problema ba?”Tuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.“Hindi na tayo
“Sigurado ka ba?” Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.“Sigurado ako. Hindi lang ‘yung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.”“Ganito karami?” Namangha si Andy. “Pero ‘di ba mga alahas mo ‘yan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?”Nang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.“Ako rin gustong malaman.”Rana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. “Eh anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Andy. “Gusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?”Bumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.“Lahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami
Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma