Share

CHAPTER 54: Back up

Author: novelYsta
last update Last Updated: 2025-04-02 21:22:17

“Gosh. Alam ko fashion gala ang pinuntahan natin. Fliptop battle at live rambulan pala.”

Nang naramdaman ni Rana na ang atensyon ng lahat ay napunta na sa iba muli niyang binalikan si Bryenne.

Hindi niya nakalimutan ang tunay na may kasalanan ng kaguluhang ito ay siya.

Malamig niyang tiningnan si Bryenne.

Napaatras ito ng bahagya sa tingin niya.

"Sinabi mong peke ang suot ko ‘diba? You better remember this day, Bryenne."

Napamaang si Bryenne sa bantang iyon ni Rana.

Bigla siyang nakaramdam ng takot.

Hindi niya inakala na malalaman ni Rana ang lihim ni Jillian.

Tiyak niyang magiging tampulan ito ng katatawan sa kanilang buong grupo.

Palaisipan pa rin sa kanya kung paano ito nakakuha ng impormasyon.

“Did Vern hired some private investigators for her?” tanong niya sa kanyang isip.

Ngayon, malinaw na sa kanya na hindi na ganoon kadaling kalabanin si Rana.

Hindi na niya kayang tapatan kung paano ito mag-isip ngayon.

Isama pa ang pagiging handa nito sa mga ebidensya na hawak niya.

"Dati ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 55: Childish

    Habang nagkukumahog si Pey patungo sa fashion gala ay natagpuan na ni Rana si Andy.Nasa isang air-conditioned room ito habang inilalatag ang ibang gown na gagamitin mamaya kapag nagsimula na ang catwalk.Si Andri Aboitiz o mas kilala sa pangalang Andy, ang punong-abala ng fashion event na ito.Siya ang tagapagtatag ng Aboitiz Entertainment at kasalukuyang may-ari ng pinaka-kilalang platform para sa paglikha at pagtuklas ng mga bituin sa bansa."Rana! It’s been a while. Ginulat mo naman ako."Lumapit si Andy at niyakap si Rana habang nakatingin sa kanya nang may lambing.“I missed you!”Si Andy ay ang pangalawang anak na babae ng pamilya AboitizMayroon siyang isang nakatatandang kapatid na babae at isang nakababatang kapatid na lalaki.Ang kanilang pamilya ay may kakaibang sitwasyon.Ang panganay at pangalawang anak na babae ay parehong mahuhusay.May matagumpay na karera sa buhay.Ngunit ang bunsong anak na lalaki ay hindi maasahan.Bagaman siya ang nagmana ng kumpanya ng pamilya, w

    Last Updated : 2025-04-03
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 56: Jewels

    Naiiling na tinignan ni Andy si Rana.Hindi niya alam kung dapat ba niyang payuhan ang dalaga na maging mas madiskarte.Pero nang mapag-isipan niya ay naisip niyang mabuti rin ang pagiging ganito ni Rana.Sa kabutihan niya, tiyak na may lalaking makakaunawa at magpapahalaga sa kanya.Kahit sikat at maraming humahanga kay Bryson sa larangan ng negosyo o pagiging maganda at makisig nitong lalaki ay hindi na-iimpress si Andy.Ngunit hindi siya tulad ni Moss.Siya ay may pinong asal, may respeto, at hindi basta-basta naninira ng iba.Kahit na hindi siya sang-ayon sa isang bagay hindi siya gagawa ng gulo nang walang dahilan."Hayaan na natin, tapos na rin naman ang lahat. Ang sitwasyon mo ngayon ay hindi rin naman masama."Tumango si Rana.“Living my best life again.”Natawa si Andy.“Buti naman dahil nade-depress na sa lungkot ang kuya mo.”Nagtawanan silang dalawa.Dumating ang juice na ipinakuha ni Andy at nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan.“Nagkakausap ba kayo ni kuya?”Saglit na napat

    Last Updated : 2025-04-03
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 57: Worried

    “Ituring mo na lang itong pasasalamat ko sa iyo, Ate Andy. Sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa akin noon. Maliit na bagay lang ito at hindi naman ito mahal. Kaya hayaan mo na lang akong bigyan ka ng regalo.” paliwanag ni Rana habang nakangiti.Napailing si Andy.“Ang ganda-ganda ng regalo na ito. Tapos sasabihin mong hindi ito mahal? Lalo akong nakokosensya sa’yo eh.”Napabuntong-hininga si Rana at umiling.“Isa pa, lahat ng ginawa ko para sa iyo ay maliit na bagay lang. Hindi mo kailangang suklian. Don’t say anything. Parang nagkakailangan pa tayo niyan eh. Para kang others.” tawa niya.Ngumuso si Andy. Tila gusto pang umapela. Rana sighed.“Sige na nga, hindi ko na ito ibibigay nang libre. Bibigyan na lang kita ng malaking discount, ayos ba?”“Ayan, mas okay na 'yan.” sagot ni Andy habang masayang patuloy sa pagtingin sa mga alahas.Sinabi ni Rana ang presyo.Halos one-thhird lang sa market value nito.Alam ni Andy na sobrang laki ng diskwento. Pero naintindihan niya ang intensy

    Last Updated : 2025-04-03
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 58: What if

    “Hindi ba sinabi ko na sa’yo na pupuntahan ko si Andy?” Sinabi ni Rana.Kumuha siya ng plato para kaya Vernon at para sa kanya.Ginutom na naman siya.“Eh, tinatawagan kita nang maraming beses pero hindi mo sinagot.” Nagreklamo si Vern.“Naka-silent nga ang phone ko diba. Hindi ko narinig.”“Tss.”Napailing nalang si Vern.Sana ay hindi nalang niya iniwan ang dalaga.Napasarap din kasi ang pakikipag-kwentuhan niya sa ibang mga kakilala.Mas tumindi ang kanyang pag-aalala nang makita niya si Bryson na kasama ang mga alagad nito.Sa huling pagtatagpo nila ay hindi iyon naging maganda kaya agad na pumasok sa isip niya si Rana.“Sige, sige. Sabihin mo na lang kung saan ka pa pupunta. Sasamahan na kita..” “Wala na. Tapos na rin kaming mag-usap ni Andy.”“Ano namang pinag-usapan niyo?”“Tsismoso ka?” tawa ni Rana.Naghanap sila ng table na pwedeng kainan.Hindi natuloy ang pagkain niya kanina dahil nga hinarang siya ng bwisit na kapatid ni Bryson.Agad silang umupo nang may makitang bakant

    Last Updated : 2025-04-04
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 59: Mine

    “Right.” tahimik nalang na sagot ni Bryson.Ramdam niya pa ang galit ni Rana.Masyadong maraming nangyari kanina.And he should at least say sorry to her. Kaya naman tumikhim siya at hindi na pinansin ang nanunusok na titig ni Vern sa kanya.“Tungkol sa nangyari kanina, hindi naman talaga nila intensyon na awayin ka. Humihingi ako ng paumanhin para sa kanila. Aminado akong sumobra sila sa pagkakataong ito.”Sa totoo lang ay wala na naman iyon kay Rana dahil hindi naman siya naapetukhan sa mga pinagsasabi ng mga iyon.Isa pa ay hindi naman siya ang napahiya doon.Kundi sila.Pero nang marinig niya ang sinabi ni Bryson ay bigla siyang nainis.Imbis na matuwa siya sa paghingi nito ng paumanhin ay tila iba pa yata ang pinaparating nito dahil humabol pa ng pagdadahilan.“Ibig mong sabihin, kasalanan ko pa rin ang lahat ng ito?”“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”“Kung ganoon, ano ang ibig mong sabihin? Hindi nila sinadya na awayin ako? Kaya ako ang may kasalanan dahil ginusto kong maging

    Last Updated : 2025-04-04
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 60: Perfect Match

    Hindi maipaliwanag ni Bryson ang mararamdaman.Gusto niyang magalit ngunit nahahaluan pa rin ng panghihinayang, inggit at lungkot ang galit na iyon.Sa tingin palang na ibinibigay ni Rana sa kanya ay gustong-gusto niyang magalit.Siguro ay pinagtatawanan na siya nito sa kanyang isip.Dahil sa hindi maintindihang damdamin, nag-resort nalang si Bryson sa isang emosyon na pakiramdam niya ay makakaganti siya sa dalawa."Magpapalit ka nalang, ‘yung mas mababa pa sakin, Rana."Hindi mapigilan ni Bryson ang kanyang dila.Ang kanyang mga salita ay punong-puno ng panunuya.And that was Vern’s last straw of patience.Malakas niyang itinulak ang lalaki."Anong sabi mo?!"Sa kanyang mga mata na puno ng galit, panlalamig at pagod.Nanghahamon na boses ang itinugon niya kay Vern."Subukan mong itulak ako ulit.""Eh ano kung itulak kita? Sa totoo lang, gusto na kitang suntukin!"Titiklupin na ni Vern ang kanyang manggas at tila handa nang sumugod ngunit hinila siyang muli ni Rana sa laylayan ng kany

    Last Updated : 2025-04-04
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 61: Yes

    Nagtatagisan ng tingin sina Rana at Vern.Tatlong araw makalipas ang fashion gala ay muling dumami ang trabaho ng dalawa kaya heto sila ngayon, nag-oovertime ulit.Pansamantalang nasa opisina pa ng RR Group si Rana para sa ilang finalization ng mga project na naging under sa kanya noong nakaraang siya pa ang nakaupong chairman.Isa pa ay fina-finalize pa rin ang magiging opisina niya sa Haraya.Kaya habang narito siya ay isinisingit niya ang ibang trabaho niya sa Haraya.Vern shook his head.“Pinag-overtime mo na naman ang Presidente. Anong klaseng empleyado ka?”Dahil doon ay nag-iwas si Rana nang tingin.Natawa sa sinabi at itsura ni Vern.“Bwisit.”“Dapat ilibre mo ako ng dinner.”Nanlaki ang mata ni Rana.“At bakit? Ikaw lang ba ang nag-oovertime?”“Eh ikaw ang nag-suggest nito eh.” ngumuso ito. “Pwede naman siguro to bukas diba.”Umirap si Rana.“Napakatamad mong presidente.”“At least hindi tulo ang laway ko pag natutulog.” saka tumawa ito ng malakas.Noong pauwi na sila galing

    Last Updated : 2025-04-05
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 62: Not Approved

    Back to the night when Vern dropped Rana off at her house..Pinagmasdan ni Ruan ang kapatid habang himbing na himbing ito sa pagtulog.Hindi niya alam kung ipapatawag ba niya ang isang kasambahay upang palitan si Rana o hayaan nalang itong matulog.She looked very peaceful.Ayaw niyang sirain ang masarap na tulog nito. Ruan sighed.Malinaw na alam niya ang nararamdaman ni Vern para sa kapatid.But he did not sign for it.Ni hindi niya kinakausap ang binata tungkol dito.Dati, tinangka pa ni Ruan na paglapitin ang dalawa.Ngunit hindi pa rin nagkamabutihan ang dalawa dahil walang pagtingin ang kapatid niya sa binata.Kung meron man ay pagkakaibigan lang.Bukod pa rito, sa mga nakaraang taon ang reputasyon ni Vern ay patuloy na lumalala.Bagamat alam ni Ruan na karamihan sa mga tsismis ay hindi totoo at hindi talaga ganun si Vern, hindi pa rin niya kayang magpatawad.Ang sinumang lalaking nagpapakita ng interes sa kanyang kapatid ay hindi niya matatanggap.Kaya naman, lalo pang naging

    Last Updated : 2025-04-05

Latest chapter

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 133: Bid

    Sampung minutong pahinga.Kaya naman agad na nagpaalam si Andy para sa banyo.Kaya sinamahan nalang siya ni Rana na pumunta roon.Pagdating nila sa may pinto ay muli na naman nilang nakasalubong sina Pey at Bryenne.Mabilis na tumapang ang itsura ni Rana.While Bryenne was on her defensive stance too."Aba talagang ayaw mo kaming tantanan. Sinusundan mo ba kami? Dukha! May pera ka ba?" pangungutya agad ni Bryenne kay Rana.“Sobra namang liit ng mundo para sa atin. Palibhasa pakalat-kalat kasi ‘yang pagmumukha niyo.” ganti naman ni Rana.Natawa si Andy.Nagkatinginan sila ni Rana.“Tara na. Sa ibang floor tayo. Kaya pala sobrang panghe ng cr dito. May mga baboy na gumamit.”Agad niyang nilampasan ang dalawa.Hindi na lumingon pabalik.Wala na siyang balak makipagtalo sa mga ito.Nakakaubos ng energy ang kabobohan ng mga ito.Magmumukha lang siyang walang pinag-aralan kung gagawin niya 'yon.Katulad ng dalawa."Che! Mas mapanghe ka!” iritadong sabi ni Bryenne. "Kala mo kung sino. Kanina

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 132: Auction

    Tinignan ni Bryson ang cellphone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito.The auction was about to begin.And here’s his mother, calling him. “Nasaan ka, anak?”Halos hindi niya marinig iyon dahil may nagsasalita na sa harap.“I have important errands to run, ma. Bakit may nangyari ba?”“Ewan ko ba..” umubo ng ilang beses ang ginang. “Nahihilo ako ng sobra at parang hindi na makahinga. Parang kulang na naman ako sa gamot.”“Naubusan ka?”“Yes, my dear.”Halos lunurin iyon ng nagsasalita sa harap.Kaya naman halos mapatingin rin sa kanya ang mga nakakarinig sa boses niya.Maging sina Rana at Andy ay napatingin sa direksyon niya.“Hold on. Hindi kita marinig. Lalabas ako, ma.” he urgently said.Agad na tumayo si Bryson upang makalabas ng hall.Nagkatinginan sina Rana at Andy. Hindi maintindihan ni Moss ang nangyayari kaya agad siyang sumunod.“Anong nangyari? May problema ba?”Tuloy-tuloy si Bryson palabas.Hindi na rin napapansin ang mga bumabating negosyante sa kanya.“Hindi na tayo

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 131: Jade

    “Sigurado ka ba?” Gulat na gulat si Andy habang nakatingin kay Rana. Kinuha ni Rana ang isa pang talaan sa tabi niya.Sa tanong ni Andy ay tila ba nagdalawang-isip pa siya.Binuklat ito hanggang sa hulihang bahagi at unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha.“Sigurado ako. Hindi lang ‘yung kwintas na iyon. Pati na rin ang mga hikaw na ito. Pulseras, mga cufflink, at itong singsing na jade.”“Ganito karami?” Namangha si Andy. “Pero ‘di ba mga alahas mo ‘yan bilang dowry? Paanong napunta dito? Talagang binenta nila?”Nang maalala ni Rana ang pagdating nina Bryenne at Pey kanina alam na niya.Mapait siyang ngumiti sa loob-loob niya.“Ako rin gustong malaman.”Rana filled with much anger.Talagang hindi tumitigil ang bruha na iyon na inisin siya. “Eh anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Andy. “Gusto mo bang kontakin ang organizers? O gusto mo ba ako na lang ang bumili ng mga ito?”Bumalik sa ulirat si Rana at tumingin kay Andy.“Lahat ng ito ay mga alahas na dinala ko mula sa bahay nami

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 130: Fair and square

    Nang makita si Bryenne na umalis ay agad na humabol si Pey. Nakita rin niya si Bryson pero hindi siya naglakas-loob na batiin ito. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Kahit hindi naman siya gaanong sumali sa usapan ay siguradong hila-hila siya pababa ni Bryenne."Lintek talaga 'tong tanga na 'to. Nadamay pa ako!" gigil niyang bulong habang hinahabol si Bryenne.Sa kabila ng gamit niyang tungkod ay mabilis siyang kumilos at agad na naabutan si Bryenne.Halos itago nila ang mga mukha dahil sinusundan sila ng tingin ng mga tao. May isa pang binangga si Bryenne sa sobrang init ng ulo.Hindi inakala ni Bryson na ganoon ang gagawin ni Bryenne, kaya’t napapapikit nalang siya sa inis. Umigting ang kanyang panga ng magtama ang mata nila si Rana. Mariin ding nakatingin sa kanya si Andy.Palaisipan sa kanya kung paanong nagkakilala ang dalawa. Ngunit hindi na rin niya masyadong pinagtunaan ng pansin. Kinakain pa siya ng hiya dahil sa ginawang kapalpakan na naman ni Bryenne at Pey.But, knowin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 129: Say sorry

    “Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 128: Nobody

    Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 127: Rejection

    “Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 126: Box

    Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 125: Kryptonite

    Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status