Nakahilig si Rana sa front desk habang madilim ang ekspresyon na nakatingin sa pagbukas ng private elevator.
Samantala, ang dalawang babaeng nakatao sa front desk ay walang pakundangang nag-tsi-tsismisan.
“Hay, ang mga babae ngayon, kahit ibenta na ang sarili, makaangat lang sa lusak. Hindi man lang nila tinitingnan ang sarili nila kung kagusto-gutso ba sila.”
“Kaya nga! Araw-araw, may mga naghahanap kay President Vern mula sa elevator hanggang sa pintuan ng kumpanya. Nakakainis na!”
“May iba namang nag-aakalang espesyal sila, pero pare-pareho lang naman! Ang aasim! Makakita lang ng gwapo at mayamang lalaki, hahabulin hanggang opisina. Wala na bang kahihiyan?”
Kinagat ni Rana ang kanyang labi sa inis.
"Tapos ihahanay niyo ko dyan." irap niya sa hangin.
Biglang bumukas ang elevator at lumabas ang isang lalaking nakasuot ng three piece suit at sa likod niya ang ilang empleyadong may hawak na mga dokumento at laptop.
“President Vern, hindi pa tapos ang meeting, pero paki-check na po ang planong ito.”
“President, hindi puwedeng basta itigil ang proyekto! Bilyon-bilyon ang halaga niyan!” habol ng isa dito.
“Ah! Vernon!”
Bago pa makahabang ang lalaki ng ilang hakbang ay biglang sumugod ang mga babaeng nakaupo sa sofa at pinalibutan siya nang husto.
Ang mga empleyadong nasa likod ng lalaki ay napatalsik sa gilid.
Tila idol na kalalabas lang ng dressing room.
“Lumayas kayo!”
“Guard, paalisin ang mga ‘yan!”
Narinig ng front desk ang sigawan at agad na umaksyon.
Dinala nila ang security guard upang itaboy ang mga babaeng nagkukumpulan at humahablot kay Vern.
Ang babaeng receptionist kanina ay nakitang nakatayo pa rin si Rana sa lugar nito, kaya’t napailing ito at nagsalita nang may diin,
“Bakit nakatayo ka pa diyan? Gusto mong pilitin pa kaming alisin ka?”
Nilingon ito ni Rana at tinaasan ng kilay, sabay.. "Vern!" malakas na sigaw nito para marinig siya.
“Hoy, ang kapal din ng mukha mo! Guard, meron pang isa dito!” sigaw at turo nito kay Rana.
Sa gitna ng kaguluhan, sa wakas ay napansin rin ni Vernon si Rana.
Ang pamilyar na mukha at ang kagandahan nitong hindi naman nawala kahit ilang taon na ang lumipas, bagkus ay mas lalo pa nga itong naging bata tignan.
Ang matatapang ngunit kaakit-akit nitong mga mata ay puno ng galit, dahilan upang agad siyang kumalas sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.
Rana has soft features but her eyes are very expressive.
Once it caught you, it's hard to look away.
Nagmadaling lumapit si Vern, may bahid ng pagpapakumbaba sa kanyang mukha.
“Your Highness! Nagbalik ka na pala!" tawa nito.
Natigilan ang mga babae.
Si President Vern ay kilala bilang isang lalaking hindi madaling mahulog sa sinuman, biglang nagpakita ng ganitong kababaang-loob sa isang babae.
Maging ang mga lalaki ay nagulat.
Si President Vern na itinuturing na isang “hari” sa kumpanya, ay marunong palang magpakumbaba sa iba?
Tumingin si Rana sa kanya nang malamig, ngunit nangingiti na rin sa kalokohan nito.
"Plastik!" salubong niya rito.
Mabilis silang nagyakapan.
Narinig ni Rana ang singhapan ng mga tao sa paligid. Tinapik niya ang likod nito.
“Wala man ako, pero ang galing mong pamahalaan ang kumpanya, ha.”
Umiling si Vern at hinawi ang buhok nito.
Nakita ni Rana sa gilid ang mga babae nitong halos mangisay sa kilig sa ginawa ng lalaki.
"Ganito talaga kapag masyadong hot."
"Sa sobrang hot mo, itutulak talaga kita sa bunganga ng bulkan kapag hindi mo linisin ang lobby na ito! Baka akalain ng iba na ginawa mong club ang RR Group!" turo nito sa mga babae. "Parang recruiting agency tayo ng mga japayuki!"
Napabungisngis ang lalaki. Nilingon ang mga guard na naka-stand by. “Security! Paalisin ang lahat ng ‘yan! Itapon din ang mga sofa!”
Dahil galing sa itaas ang utos, mabilis na kumilos ang security.
Hindi nagtagal, nawala na ang mga babaeng maingay sa lobby.
Muling tumingin si Rana sa dalawang babaeng nasa front desk at sinabing may halong panlalamig.
Kita na niya ang takot sa mga mukha nito. Hindi rin siya matignan sa mata.
Hindi katulad kanina na parang mga tagapagmana kung umasta.
“Ang front desk ang mukha ng kumpanya. Kung hindi niyo kayang hawakan nang maayos ang mga bisita, paano kayo natanggap sa trabaho?” katok niya sa lamesa ng mga ito.
Itinuro ni Vern ang isang lalaki sa grupo ng mga empleyado.
“HR, tanggalin ang dalawang ‘yan at mag-hire ng mas may kakayahan. Simula ngayon, istriktong ipatutupad ang appointment system sa kumpanya. Walang sinumang makakapagtambay sa lobby nang basta-basta.”
Mabilis na tumango ang HR manager.
“Copy, President.”
“B-Bakit kami tinatanggal? Sino ka ba?!” Tanong ng isang babae sa front desk, naglalakas loob magsalita.
Ngumiti si Vern, ngunit seryoso ang tono.
“Let me introduce her properly." anito.
Hinawakan niya ang balikat ni Rana at iniharap sa mga nakapilang empleyado sa harapan nila.
"This is Ranayah Esquivel, ang nag-iisang anak na babae ni Mr. Russo at Mrs. Rean Esquivel. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng RR Group.”
Natigilan ang mga empleyado, lalo na ang front desk.
Umugong ang mga bulong-bulungan sa paligid pagkatapos ay sinundan ng palakpakan galing sa mga empleyado.
"Welcome back, Ms. Esquivel!" ani ng isang matandang lalaki.
Naka-uniporme ito ng pang maintenance at marahil ay matagal na ito sa kumpanya at kilala ang mga magulang ni Rana.
Ang dalawang babae sa front desk ay lalong hindi nakatingin sa kanya.
Hindi nila akalain na nakabangga na pala sila ng isang bigating tao!
Pagkatapos maipakilala si Rana sa ground floor ng kompanya ay inaya siya ni Vern na sumakay sa private elevator upang maipakilala naman siya sa mga board of directors na kasalukuyang nasa conference room pa rin.
Ngumiti sa kanya ang lalaki nang makapasok sila sa elevator.
"Are you okay?"
Tipid lang na ngumiti si Rana. Tila naramdaman ni Vern ang panlalamig niya.
Kinakabahan pa rin siya kahit wala pa naman siyang tatrabahuhin. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag nasa sila.
Pagkabukas ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang isang buong floor na buong salamin lang.
Napakaliwanag nito. Walang mga cubicle, walang maraming computer katulad ng nasa isip niya.
Kitang kita ang mga tao sa loob na sabay-sabay na lumingon sa kanila. Pare-parehong mga naka suit.
Bumagal ang lakad niya kaya napunta siya sa likuran ni Vern. Kinagat niya ang labi sa kaba.
"Shucks, ano ba naman, Rana! Bonjing ka ba?! Sana nagsuot ka manlang ng mas maayos na damit. Mukha kang teenager na gagala sa mall! Kaya ka namamata ng receptionist e!"
Dire-diretsong naglakad si Vern.
Kinuha ang keycard sa bulsa at iti-nap sa gilid ng pinto saka ito kusang bumukas.
"Hi, everyone! It's good that you are all still here. I came back because I have something important to announce." habang pumupunta sa harap ay sinasabi niya ito.
Hinila nito ang upuan sa kabisera ng napakalawak na lamesang pabilog na iyon.
May butas sa gitna niyon. Nanatili si Rana sa gilid hindi sumunod kay Vern.
Hanggang sa tinignan ng lalaki si Rana at nakangising inanyayahan para lumapit sa harap.
Sa nanginginig na binti ay lumapit si Rana. Ramdam niya ang tingin ng lahat.
Nang makalapit ay pinaupo siya ni Vern sa upuang hinila nito.
Dahan-dahan siyang umupo doon. Kitang kita niya ang mukha ng lahat.
Hinawakan muli ni Vern ang dalawang balikat niya.
"Everyone, I present to you, Ranayah Esquivel, the real President of this company. The only daughter of the late Russo and Rean Esquivel."
"I was just an acting President. And now na nagbalik na siya ay unti-unti na niyang pamamahalaan ang kompanya." ngiti nito. "Are we clear?"
Katahimikan ang lang naririnig ni Rana ng mga sandaling iyon.
"Talagang kagalang-galang si Vern dito, ha."
“Lahat ng ipinahintong proyekto ay hindi gagalawin hangga’t hindi natatapos ang transition. Lahat ng desisyon ay manggagaling na sa kanya.”
Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. “We can go to a mall. To buy you.. new clothes.”“It’s fine.”Muling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Rana’s face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.“Tutuloy ba tayo sa–”“Ayaw mo ba? I can go alone.” akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.“No! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.” sinulyapan niya ulit si Rana. “Gusto kong sumama.”Hindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin
“Are you done?”Marahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.“Almost! Give me a sec!” sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.“Happy Anniversa
“Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin
Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t
“Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa