مشاركة

CHAPTER 7: Issue

مؤلف: novelYsta
last update آخر تحديث: 2025-03-20 01:06:35

Karamihan sa silid na iyon ay mga lalaking nasa late 40's ang edad. Natitigilan at tila bagong discover na species siya na ine-examine ng mga ito.

"Langyang Vern na ito, malay ko ba naman kasing ipababalandra na ako agad sa lahat." kagat labing niyang sabi sa isip.

"Ito mga matandang ito naman, kala mo naman nasa bumbunan ko si Angeli Khang kung makatingin. Nakakailang na, ha."

Pinisil niya ang daliri sa ilalim ng lamesa ngunit pinanatili niya ang malamig na tingin sa mga ito.

"Buti nalang pasok pa rin sa banga ang make-up ko. Kahit mukhang basahan ang suot ko, slay pa rin."

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay may isang lalaking nagtaas ng kamay.

“President, I am sorry to ask, pero.. hindi ba masyadong biglaan ang desisyong ito?”

At sa isang tanong na iyon ay umingay ang paligid.

Kanya-kanyang bulungan na ang mga naroon. Tila gatilyo iyon ng matagal nilang pakikiramdam.

“Mr. President, alam niyong ang paghawak ng kumpanya ay hindi biro. Hindi ba dapat muna itong pag-usapan nang mabuti?”

Ramdam ni Rana ang disgusto ng mga ito sa kanya.

They became shameless. Expressing their disappointment to her. It was very evident to their faces. She was especially younger than Vern and a woman. That's what she thought.

Ang pagiging anak ng mag-asawang Esquivel ay hindi sapat upang ilagay siya sa pinakamataas na posisyon.

Ngunit naiintindihan niya ang mga ito.

Napansin ito ni Vern kaya't sumeryoso ang nakangiti nitong mukha. Nais sanang ipagtanggol si Rana, ngunit agad siyang pinigilan nito.

Tumayo siya sa pagkaka-upo, agad tumahimik at nakuha niya agad ang atensyon ng lahat.

Taas noo niyang tinignan ang mga tao sa kanyang harapan.

“Ladies and gentlemen, allow me to reintroduce myself again. Ako si Ranayah Esquivel, ang isang R sa RR Group of Companies at ang nag iisang may-ari ng R.A.N Financial Consortium.”

Sa isang simpleng pahayag, biglang nagbago ang ekspresyon ng maraming tao sa silid. Nagsinghapan ang mga ito.

"Siya pala ang sinasabi nilang "little Rean" ng pamilya Esquivel!"

"Ang pinakamamahal na kapatid ng Young Master, Ruan!"

"Talaga palang ipinangalan sa kanilang magkapatid ang kumpanya. Akala ko ay Russo at Rean ang ibig nitong sabihin." bulong-bulong ng isang apprentice sa isa pang apprentice.

“Narinig ko na kahit noong nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo, nakapagtayo na siya ng sariling fashion brand at nanalo pa ng mga international awards. Pagkatapos, matagumpay niyang na-handle ang kanyang investment sa stock market kaya nakabili ang ilang matagal nang kilalang kumpanya tulad ng Gu Group at Lin Group. Isang tunay na alamat sa industriya!”

"Hindi ko akalain na siya pala iyon!"

Tatlong taon na ang nakalipas mula noong huling narinig ng mga tao ang tungkol kay Rana.

Inisip siguro ng mga ito na nanirahan na siya sa Europa para i-pursue ang fashion industry.

Kaya hindi nila alam kung sino talaga ang tagapagmana ng RR Group dahil hindi rin naman nagpapakita rito si Ruan.

Ngunit walang sinuman sa industriya ang hindi nakarinig ng pangalang "little Rean" mula sa pamilya Esquivel.

Si Rana ay isang makinang na bituin noon sa business world.

Ngunit dahil sa kanyang pagpapakasal kay Bryson, ay tinalikuran niya ang lahat ng ito.

Ang kanyang pagkawala sa industriya ang naging dahilan kung bakit hindi agad siya nakilala ng mga tao.

Isa pa, mayroong mga bagong negosyanteng mas yumabong ang pangalan kaya't tuluyan na siyang nakalimutan ng iilan.

Matapos patahimikin ang mga usapan, mabilis na pinangunahan ni Rana ang pulong at ipinakita ang kanyang kakayahan.

Pagkatapos ng pagpupulong ay inaya siya ni Vern na silipin ang kanyang magiging opisina. 

Pinagmasdan ni Vern si Rana na walang kahirap-hirap na napatahimik ang lahat at nakuha ang kontrol sa sitwasyon.

Masaya siya para sa kanya at, sa parehong oras, palihim na ipinagmamalaki siya.

"She's really back." anito sa isip habang papunta sila sa dati niyang opisina.

Muli silang sumakay sa elevator at pinindot ni Vern ang 40th floor o ‘Penthouse’ kung tawagin.

That floor is exclusive for the President. Ang Presidente lang ang may kakayahang pumasok doon o ang ibang taong pinayagan ng Presidenteng pumasok doon.

"Ngayong bumalik ka na, hindi ka na aalis, tama ba?"

Tinignan ni Vern si Rana sa repleksyon nito sa pinto ng elevator.

Busy ito sa pagbabasa sa mga dokumentong binigay ng mga secretary niya kanina. Napangiti ang lalaki.

"Namiss mo 'yan?" tukso nito.

Tumingala si Rana sa kanya at tinigil ang ginagawa.

"Medyo. Nakakamiss ma-stress sa trabaho."

Nawala ang ngiti ni Vern.

Tila naawa siya rito dahil parang sa asawa nalang niya na-sstress ang babae.

"At sa tanong mo kanina, malapit na akong ma-divorce. Saan pa ako pupunta?" ngisi ng babae.

Narinig ng lalaki mula kay Ruan na nag-file na nga ng divorce agreement si Rana sa kanyang asawa. Ngayon na siya mismo ang nagsabi nito, hindi niya mapigilang makaramdam ng kasiyahan.

Nakawala na siya sa lalaking iyon.

Gayunpaman, alam niyang minahal nang lubos ni Rana ang Deogracia na iyon,  kaya’t tiyak na nasaktan siya sa desisyong ito.

Kaya naman, pinili niyang hindi ipakita ang kanyang kagalakan at sa halip ay nagkunwaring nag-aalala.

"Mas mabuti ngang bumalik ka. Ako at ang kuya mo ang mag-aalaga sa’yo."

Napangiti nang bahagya si Rana at natatawang sumagot.

"Ikaw ang mag-aalaga sa akin? Mas mabuting ayusin mo muna ang lahat ng tsismis tungkol sa'yo!"

"Wala naman akong ginagawang masama ah." natatawa nitong sagot.

"Anong wala? Eh kulang nalang magkaroon tayo ng priority lane sa haba ng pila kanina sa baba!"

"Priority lane?" lalo itong natawa.

"Oo, mukha  tayong namimigay ng relief goods." napapa-face palm na sabi ni Rana.

Humagalpak ito ng tawa.

Nakarating na sila sa tamang floor at isang tap lang sa doorlock ay agad bumukas ang automatic door. Laglag pangang tinignan ni Rana ang magiging opisina niya.

It's not an office! Bahay talaga.

Malawak na tanggapan agad ang bubungad sayo. May malaking led tv sa harap at may grand piano pa sa sulok.

There's a bed on the side while the other side were made of glass. Ceiling to floor. Doon nakapwesto ang kanyang long table at mga kagamitan. Isang ikot ng swivel chair ay matutunghayan niya ang city lights sa ibaba.

Napakaganda!

Ngunit naputol ang pagkamangha niya nang malakas na tumunog ang receiver sa desk. Mabilis iyong pinindot ni Vern. Naka-loudspeaker.

"RR Group, President Vernon speaking, what is it?" aniya.

"Masamang balita, Mr. President! Maraming negatibong balita tungkol kay Miss Rana ang lumabas sa internet! Napakabilis kumalat ng masasamang tsismis at ang publiko ay laban sa kanya ngayon!"

Nagpalitan ng tingin sina Rana at Vern.

Agad na kinuha ni Rana ang cellphone sa bulsa at hinanap ang sinasabing issue sa kanya.

At isang search sa pangalan niya ay mabilis siyang lumabas sa 'popular now'. Iba't ibang post na ang nagkalat.

"Dating asawa ng Deogracia Corporation President, walang kredibilidad at hindi karapat-dapat sa respeto. Nag-demand ng napakalaking bayad kapalit ng diborsyo—isang babaeng sakim at walang hiya!"

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 164: Bomb

    Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. “We can go to a mall. To buy you.. new clothes.”“It’s fine.”Muling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Rana’s face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.“Tutuloy ba tayo sa–”“Ayaw mo ba? I can go alone.” akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.“No! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.” sinulyapan niya ulit si Rana. “Gusto kong sumama.”Hindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 163: Red Wine

    “Are you done?”Marahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.“Almost! Give me a sec!” sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.“Happy Anniversa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 162: Sorry

    “Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 161: Family

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 160: Cook

    Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 159: Cravings

    “Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status