Home / Romance / Divorcing The Forgotten Heiress / CHAPTER 5: Compensation

Share

CHAPTER 5: Compensation

Author: novelYsta
last update Last Updated: 2025-03-19 22:03:03

Natameme nalang si Bryenne sa kanyang kuya. Dahil habang binabasa ang mga dokumento, lalong lumala ang ekspresyon sa mukha ni Bryson.

"Kuya?" maingat na tanong ni Bryenne. "Gusto ba niyang humingi ng pera?"

Pinipigil ni Bryson ang kanyang emosyon habang binabasa ang malinaw at diretso nitong mga termino.

Isang kasunduan na walang anumang hinihinging kapalit.

Nakita ni Bryenne ang hindi magandang ekspresyon ng kanyang kapatid at mas lalo siyang naniwala sa kanyang hinala.

Pumitik ang babae sa hangin.

"Sabi ko na nga ba! 'Yang ganyang klaseng babae ay nagpakasal lang sa'yo para sa pera. Ngayon na nakikita niyang seryoso ka kay Feia, alam niyang wala na siyang pag-asa kaya gusto niyang makuha ang lahat sa isang bagsakan. Hindi mo dapat tanggapin ang kasunduang ito!"

Sa isip ni Rana, ang mga kondisyong inilagay niya ay napaka-basic na kaya wala na dapat dahilan para tanggihan ito ni Bryson.

Kumunot ang noo ni Bryson sa kapatid. Kinuha niya ang telepono at may tinawagan.

"Makaka-alis ka na." titig niya sa kapatid. "Ako ang asawa, kaya ako ang magdedesisyon sa problema namin." dagdag pa niya.

Naghahanda na si Rana para mag site visit muna sa kompanya.

Hindi pa siya pwedeng magsimula agad hanggat hindi pa nangyayari ang turnover ng position sa kanya.

Natigil siya nang tumunog ang cellphone sa tabi niya.

"Hi, goodmorning, Ms. Ranayah Esquivel! This is Atty. Herman Pelaez, private attorney of Mr. Bryson Dale Deogracia. I want to clarify some things about your divorce with my client. Naririto ako bilang kinatawan ni Mr. Deogracia. Do you have time to meet?" bungad ng tao sa kabilang linya.

"Ano pa ang kailangang pag-usapan?"

Hawak ng abogado ang telepono, maingat na tiningnan ang lalaking assistant na pinadala ni Bryson para agad maireport sa kanya ang mapag-uusapan ng kanyang abogado at ng kanyang asawa.

"Ah." inayos nito ang salamin. "Inihanda na po ni Mr. Deogracia ang tatlumpung milyon in cash at isang property as compensation for your divorce.

Malamig na tumawa si Rana.

"Sa tingin ko ay malinaw ang nakasaad sa kasunduan ko. Wala akong balak kumuha ng kahit ultimo barya sa bulsa ng brief niya."

Narinig niyang tumikhim ang abogado sa sinabi niya.

Sa buong karera ng abogado, ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong kaso ng divorce. 

Karaniwan, isa sa mag-asawa ang humihingi ng pera.

Pero sa pagkakataong ito, ang lalaki ang gustong magbigay ng pera, at ang babae naman ang ayaw tumanggap nito. 

Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo bago nagpatuloy.

"Ms. Esquivel, ito ay nakasaad sa inyong kasunduan bago ang kasal. Kailangan ninyo itong tanggapin."

"Hindi ko tatanggapin." matigas na sagot ni Rana bago ibinaba ang telepono.

Sa loob ng mga taong inilagi niya sa pamilya Deogracia, ipinaramdam sa kanya ni Bryson na sa papel lang sila mag-asawa.

Para lang siyang isang kasambahay ng mga ito.

May sarili siyang pera at hindi niya kailangan ang pera ni Bryson. 

Ayaw niya ng pakiramdam na isa lamang siyang utusan na binayaran para sa kanyang serbisyo.

Kung tatanggapin niya ang pera, baka isipin ng pamilya Deogracia na wala na silang pagkakautang sa kanya.

Pagkababa ng telepono, kinuha niya ang kanyang susi ng sasakyan.

Kahapon pa sila nag-usap ni Vern na pupunta siya sa kumpanya upang mag-familiarize sa negosyo nila.

Pagpasok niya sa garahe ay huminga siya nang malalim.

Ito ang tunay niyang buhay.

Isang pagkakamali na iniwan niya ito para sa lalaking hindi naman siya nakikita, kahit bilang tao nalang sana.

Ngunit isang multo siya sa paningin nito.

Ang anim na daang metro kuwadradong underground garage ay punung-puno ng mga kotseng koleksiyon ng kanyang kapatid na si Ruan. 

Ang hawak niyang susi ay mula sa pinakabagong kotse nito na ibinigay sa kanya.

Kahapon lang, nasabi niya sa kanyang kapatid na maganda ang bagong modelo ng Aston Martin mula sa isang car show sa ibang bansa. 

Ngayon, nandito na ito sa kanyang garahe.

Pagkababa ni Rana sa sasakyan, pinitik ng isa ang buhok pagkatapos ay iniabot ang susi sa valet saka diretsong pumasok sa loob ng gusali.

Ang kompanyang iniwan ng kanilang mga magulang na siyang pamamahalaan niya.

"Uy, sino 'yang babaeng 'yan? Ano'ng ginagawa niya rito?"

Bago pa siya makalayo, may isang empleyado na agad siyang hinarang. Tinanggal ni Rana ang kanyang sunglasses.

"Nandito ako para kay Vernon Santiago."

Tiningnan siya ng receptionist mula ulo hanggang paa. Ang suot niyang damit ay walang anumang kilalang tatak.

Simpleng white flowy midriff top, black slacks at brown pumps kaya't agad na lumamig ang ekspresyon ng receptionist.

"Sige, sumunod ka sa akin."

Nang lumapit siya sa front desk, isang babaeng receptionist na may makapal na makeup ang nag-abot ng isang notebook.

"Magsulat ka sa listahan."

Tumaas ang kilay ni Rana.

Ginagamit pa rin pala ng RR Group ang ganitong klaseng manual na sistema para sa mga bisita? Hindi ba ito delikado sa seguridad ng impormasyon?

Matapos niyang sulatan ang form, walang pakialam itong kinuha ng receptionist at itinuro ang isang sulok ng lobby.

"Doon ka na lang maghintay."

Paglingon niya, nakita niyang may isang hilera ng mga babaeng nakaupo sa sofa. 

Nakasuot sila ng maiikling palda, ang ilan ay mukhang inosente, ang iba naman ay lantaran ang pang-aakit. Nanliit ang mata niya sa mga ito.

Lahat sila ay nakatingin sa private elevator na eksklusibo para sa presidente ng kumpanya.

Halos mapamura siya sa naisip. Alam niyang may reputasyon si Vern bilang isang babaero, pero hindi ba ito masyadong sobra? Bakit dinadala sa trabaho? 

"Ano kayang ayuda ang pinapamahagi ni Vern sa mga ito at ang tiyagang maghintay sa kanya?" sa isip niya.

Nilingon niya ulit ang receptionist na may mayabang na ngiti sa kanya ngayon.

"Ano? Gusto mo bang makasama siya?"

Her face dropped. "Nandito ako para sa isang negosyo, hindi para sa kung anumang monkey business na ginagawa niya."

Napabuntong-hininga ang receptionist.

"Alam na alam ko na iyan, miss. Hindi lang ikaw ang sumubok sa salitang 'yan. Kaya, umupo ka na lang doon at maghintay."

Nanliit ang mga mata niya sa panunuya nito sa kanya.

Kahit may mahabang pasensya si Rana ay napuno na rin siya ng inis. Dahil hinahanay siya ng receptionist na ito sa mga babae ni Vern.

Kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag.

"Bumaba ka rito, ngayon din!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 164: Bomb

    Walang imik ang dalawa habang nagmamaneho si Bryson.Ramdam na ramdam ng lalaki ang tensyon.Hindi niya alam kung tutuloy pa ba sila sa columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ng mga magulang ni Rana.Lumunok siya at bahagyang sumulyap sa katabi. “We can go to a mall. To buy you.. new clothes.”“It’s fine.”Muling natahimik si Bryson.Hindi nawawala ang tensyon sa kanya.Rana’s face seems to be relaxed and peaceful, but her aura tells another story.Napapikit siya.“Tutuloy ba tayo sa–”“Ayaw mo ba? I can go alone.” akmang kakalasin nito ang seatbelt kaya agad itong inagapan ni Bryson.“No! No! Diyan ka lang. Sasama ako. Dalawa tayo.” sinulyapan niya ulit si Rana. “Gusto kong sumama.”Hindi na ito sumagot at inilubog nalang ang sarili sa upuan.Pumikit ito kaya lalong bumagsak ang damdamin ni Bryson.Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang itong magpahinga.Nakarating sila sa sementeryo.Hindi na siya hinintay ni Rana kahit obvious na nagmadali pa siya para ipagbukas ito ng pin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 163: Red Wine

    “Are you done?”Marahang kumatok si Bryson sa kanilang kwarto.Nasa loob pa ang dalaga at naghahanda para sa kanilang dinner date routine tuwing sabado.Sa labas sila kumakain, konting date date sa kung saan matipuhan ni Rana.“Almost! Give me a sec!” sigaw ni Rana sa loob.Pinatunog ni Rana ang mga labi nang matapos ilagay ang lipstick.Pinaghandaan niya talaga ito dahil kung hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin sila ni Bryson, ay ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.Bahagya rin niyang inihahanda ang sarili na hindi madisappoint kung hindi man ito maalala ni Bryson.After all, they are starting again.Kaya baka ang lahat sa nakaraan ay gustong kalimutan ng lalaki.Ngunit paglabas niya nang silid niya ay tumambad sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak pagkatapos ay sumungaw sa gilid non ang mukha ni Bryson.Malaki ang ngiti nito at napakagwapo sa bagong gupit na buhok.Naliligo na kasi si Rana nang magpaalam ito na magpapagupit kaya ngayon lang niya ito nakita.“Happy Anniversa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 162: Sorry

    “Andy?”Sinabayan ng katok ni Rana ang pagtawag niya kay Andy.Napag-alaman niyang sa kwarto ng kanyang kuya na ito tumutuloy kaya doon siya agad dumiretso.Hindi sana muna niya kakausapin si Andy dahil baka naiilang pa ito ngunit ito nalang ang magiging takas niya sa kuya Ruan niya.“Please, Andy, let's talk. Hindi naman ako galit eh.”Nakadikit siya sa pinto kaya naman na-out balance siya nang buksan nito ang pintuan.Namumula ang mga mata nito at tungki ng ilong.“Can I come in?”“Ano ka ba. Syempre bahay niyo ito eh.”Ngumiti si Rana. “Bahay natin.”Napanguso si Andy. Halatang pinipigilan ang muling pagbuhos ng luha. “Pumasok ka na nga.”Sabay silang naupo sa kama.Saglit na nanahimik bago siya tuluyang humarap kay Andy.Tumingin din ito sa kanya kaya niyakap na niya ito.Naramdaman ni Rana na saglit na nanigas si Andy ngunit lumambot rin kalaunan.“I’m so happy for you.”“I’m sorry.”Kumalas si Rana sa pagkakayakap at nakakunot ang noong tinignan si Andy.“Bakit ba sorry ka ng so

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 161: Family

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa magkapatid.Lahat ng kaba at pagkabalisa ni Rana at tila lumipad na sa hangin dahil sa nalaman.Pareho silang nakatitig sa lamesa.Nabasag ang katahimikan nang tumayo ang kanyang kuya upang patayin ang kalan saka bumalik sa pagkakaupo nito, isang silya ang pagitan mula sa kanya.“Like what Andy said. We are sorry. Hindi namin nasabi agad sa’yo. It’s intentional but we have no choice.”Kinagat ni Rana ang labi. “Wala naman kayong dapat ipag-sorry.”Nakita ng dalaga sa gilid ng kanyang mata na nilingon siya ng kapatid kaya lumingon din siya dito.“Are you sure? You’re not… upset with her?”“Bakit naman?” bigla siyang natigilan sa susunod na sasabihin. “Ang saya nga eh. May… pamangkin na ako.”Habang sinasabi iyon ni Rana ay hindi niya mapigilan ang pangingilid ng kanyang luha.Hindi iyon mailabas ng kanyang dila.Tila ngayon lang sa kanya nag-sink in talaga ang nangyayari at mangyayari sa mga susunod pang araw.Masaya niyang inangat ang paningin

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 160: Cook

    Maayos na lumipas ang mga araw para kina Rana at Bryson.Halos inuunti-unti na rin ni Bryson ang pagpapalipat sa mga gamit ni Rana sa bahay nito.“Parang nakakahalata na ako sa’yo.” sita ni Rana isang gabi. “Palagi mo ako dito pinapatulog at sinasabihang magdala nalang ng damit para di na ako mahirapan pagpasok.”Natawa si Bryson.Sinamahan niyang tumayo sa tapat ng kanyang walk-in closet si Rana na nakatitig sa mga damit niya roon.Halos isang parte noon ay mga gamit at damit ni Rana ang nakalagay roon.Nakataas ang gilid ng labi ni Rana nang harapin niya si Bryson.Nagkibit balikat ang binata.“Bakit pala hindi ka sumama maghatid kila Bryenne?”“Kaya na nila ang mga sarili nila.”“Buti sumama ‘yung kapatid mo ‘noh?”“Well, if not. Alam niyang magdudusa ang buhay niya na kaming dalawa lang ang magkasama dito sa Pilipinas. Siya na mismo ang nagprisinta na sumama kay mama.”Binasa ni Rana ang labi. “D-did they know?”“Ang alin?”Hindi nakapagsalita si Rana. Hindi niya alam kung anong t

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 159: Cravings

    “Ugh..” ungol ni Rana habang pinipilit ang sarili na bumangon mula sa pagkakahiga. Ihing-ihi na siya.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone. 5:28 am na. Nilingon niya ang nasa tabi niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Bryson.Matapos nilang mag-usap kagabi ay sa isang umaatikabong tagpo na naman natuloy ang pag-uusap na iyon.Bandang huli ay hindi na nakapagluto ang lalaki at nag-order na lamang sila.At katatapos lang nila kani-kanina!Natawa si Rana at napailing nalang. She leaned in for a kiss.Muli siyang napaungol nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Habang padalas nang padalas ang pagtatagpo ng kanilang mga katawan ay patindi rin ng patindi ang mga ginagawa sa kanya ni Bryson.Kung hindi lamang masarap ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan ay umayaw na siya.She knows that Bryson might be good in bed. But she didn’t expect this wild!Para siyang nasisiraan ng bait tuwing may mga bago itong ginagawa sa kanya.Kahit siya ay hindi niya na makilala ang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status