Share

Chapter 7 Souvenir. A perfect picture.

(Monina POV)

Lumabas nga ako. Okey yung umaga ko. Badtrip lang talaga ang sumunod na mga eksena. Pero Papa God di po ako nagrereklamo. Tangap ko po na kailangan ko pong makarma dahil sa ginagawa ko. Huhuhu. Sa gusto ko lang po mabuhay ang pamilya ko.

Nagsiliparan ang mga kalapati ng naramdaman nila presensya ko. Meron daw akong bad aura. Sa mahapdi nga ang sugat ko. Naupo ako sa bench at lakas loob kong tinignan ang sugat ko. May dugo na din ang mahaba kong skirt. Anong gagawin ko? Nakakahinayang na inalagaan ko sarili ko, tapos masusugat lang ako ng ganto.

Hinihipan ko. Sa mahapdi talaga.

Ano ba yan! Para magkapera lang, kailangan pa ng sakripisyo, magpagod at higit sa lahat magbigay ng oras. Buti pa yung mga taong kahit natutulog na lang kumikita pa. Sana diba, lahat ganoon?

Pumasok kaya ako sa networking business. Hehe. Wag. Ayoko magbenta ng products na di ko naman hilig. Saka baka scam lang. Sayang pa ng oras ko.

Napa-ihip ulit. Kinukuha ko na nga sa bag ko yung panyo. Asaan na ba yun?

Nang napa-aww ako dahil may umangat ng binti ko. Halos tumalon ang puso ko dahil… si Kuya Gwapo.

Puso ko na biglang na-freeze. Yung kamay niya sa binti ko, kung anong kuryente ang dinadala nito sa sikmura ko. Plus, napatitig pa sa akin, na parang kanya ang binti ko. Tapos ginalusan ko lang ng ganoon.

Oh my gulay! Ang gwapo niya sa malapitan! Yun ang narealize ko.

Kilala ko siya. Si Kuya Gwapo kahit nakasuot pa ito ng transparent glass, na bumagay sa uniporme niya. At ang linis niyang tignan sa uniforme na…

Wow! Kagaya ni Justin Sy, isa din siyang medical student.

Sa uniporme nitong para nga akong nakakita ng isang anghel.

Binitawan niya ang binti ko matapos makita ang sugat ko. Sa ginawa niya kanina, talagang masisilipan ako. Di ko man lang naramdaman ang pagdating nito. Saan ba siya nangaling? Saka ni excuse me, di man lang nagsabi. Binti mo ang binti ko Kuya Gwapo?! Sumusobra din pala ang pagiging concern ng mga tao. Kahit di magkakilala, tutulong at tutulong. No more question.

May kinuha siya sa bag at nanatili akong tahimik. Naupo sa harapan ko saka…

“Face the wound. I'll clean it.” Ang lamig talaga ng boses nito.

Sinunod ko siya at idinampi nga ang medyong basang tela. Dahan-dahan na makakaramdam ka na lang ng kiliti. Ngunit narealize ko… ang hapdi lalo ng sugat ko! At dahil nasa harapan lang ako ni Kuya Gwapo, napapalunok laway na lang ako… at tiis lang Monina.

Okey lang sana na wag niya gamutin, mawawala lang naman ang hapdi ng sugat ko. Pero ako na itong namumula ang pisngi dahil sa ginagawa niya.

Nakilala ko siya sa araw na ito. Simula na din ba ito sa pagsali ko sa Crush club? Puso ko… ayaw paawat sa kakatibok. Ang lakas! Highblood na ba ako?!

Hangang sa matapos siya. Walang titig na napatayo siya ulit. At bago ako talikuran na di man lang ako nakapag thank you…

“Woman must note get any scar. Their body is a piece of art. Don't you know?” Bigla akong na weirduhan sa sinabi niya. Napa-green ang isipan ko.

Kaagad?! May pagnanasa si Kuya gwapo sa akin? Wow.

Umalis ito na naiwan akong nakatulala habang sinusundan siya ng aking paningin. Tipong siya lang ang nakikita ko. Hangang sa mawala nga ito sa aking paningin. Natulala ako. Bakit ang green ng utak ko?

“Ate Monina!” saka nagising ako. Agad naman akong lumingon sa tumawag sa akin.

Yung cliente ko! Pera na to!

“Nakuha mo na yung order ko?”

Siya nga pala yung rich kid na cliente ko. Graduating na nga ako as a Journalist Student habang siya nasa pangalawang taon pa lang. Napatango ako dito. Masayang tango.

Usapang pera nakalimutan na nga kaagad ang tungkol kay Kuya Gwapo. Kahit nga yung linya niya may pagkamanyak. O utak ko lang talaga ang madumi. Thank you parin sa ginawa nito. Lalo na kung anong magic at kumabog talaga ang puso ko.

“Open ko na yung Bluetooth ko.”

Napa-open ng camera ko. Hinanap ang larawan na kailangan kong ipasa sa kanya.  Hangang sa tumampad sa akin ang larawan na nakuha ko, kasama si Mature na Kuya Gwapo din. Kita sa kanyang mga mata ang kasungitan.

Napa-swipe na lamang ako. Andito cliente ko. Mamaya na niyan Monina Alvarez!

Saka nga naipasa ko yung larawan ni Justin Sy sa cliente ko.

“Wow. Ang galing mo ate!” Isang napakaganda na naman sa pakiramdam ang paghanga nila sa kakayanan ko. Pero wait… Asaan ang pera ko?

Lahad ko ng kamay sa kanya. I'm sorry, hangin na lang ang libre sa mundong ito.

“Heto na ate! Super thank you talaga! Ayaw kasi sa akin ni Justin Sy. Buti ka pa na picturan mo ng malapitan.”

Huh? Sa friendly naman si Justin Sy ah? Bakit biglang umayaw sa batang to na meron din namang kagandahan.

Binigay niya sa akin ang halagang pinag-usapan namin. Plus, bonus. Sana ganito lahat ng cliente ko.

Pero bawing-bawi naman sa sugat kong natamo. Plus, ang panimula ng lahat para kumabog ang puso ko sa isang lalaki. Wag muna please! Wala pa akong oras para riyan!

Monina. Bawal yan muna. Trapik na trapik ka.

“Sa susunod ulit ate Monina.”

Napatango ako. Dahil yung mga nasatisfy ko ngang kliyente bumabalik yan sa akin. Napaba-bye ako sa kanya.

Saka nga binalikan ang larawan na nakuha ko kay Kuya gwapo. Okey na sa akin ang likuran niya. Napangiti ako.

I-crop ko na lang itong highblood na mature ngang kuya gwapo. I think di na din naman mag-ko-cross ang landas namin. Souvenir. A perfect picture.

Tada!

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status