Dominant lover

Dominant lover

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-21
Oleh:  Margarette GonzalesOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel12goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
1.4KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Marife is already 29 years old when she meets Atlas. A younger guy who is four years younger than her and has a habit of pretending to be a driver of his company. When destiny took an interest in them, their story begins.

Lihat lebih banyak

Bab 1

DL1

Dali-dali siyang nagtungo sa venue pagkababa sa sinakyang bus. Nasa second floor daw kasi ang birthday party, sabi ng kapatid niya kanina nang tumawag ito upang magtanong kung nasaan na siya.

Nang makarating na si Fe sa harap ng pintuan ay huminga muna siya ng malalim bago pumasok at kaagad nagtungo sa kanyang kapatid ng makita ito.

"Tita!" bating takbo ni Honey pagkakita kay Fe. Hanggang balikat ang haba ng buhok niya at may suot na cat ears headband at berde na bestida. Lumingon naman ang mag-asawa sa pagsigaw ng anak nila at nakita ai Fe na papalapit sa kanila.

"Sorry na-late ako. Marami kasi akong ginawa sa trabaho eh," hinging paumanhin niya nang nasa harapan na siya ng mag-asawa.

"Ayos lang po Tita!" masayang sabi ni Honey.

"Buti nakaabot ka. Tamang-tama at kakain na." Tinuro ng kapatid ni Fe ang lamesa nila para umupo na at kumain. Umupo naman si Fe at tumabi si Honey.

"Tita, si Ninong Brian po?" nagniningning ang mga mata na tanong ni Honey at tumingin sa pintuang pinasukan ni Fe.

"Hindi makakapunta eh. Marami kasing inaasikaso sa trabaho. Happy Birthday na lang daw and eto." May inabot na paperbag si Fe sa bata na kaagad namang kinuha at tiningnan ang laman. "Regalo niya sa'yo. Bawi na lang daw siya sa susunod."

Nakita ni Fe na ngumiti si Honey at nagpasalamat.

"Text mo si Ninong Brian mo ha? Thank him," sabi ng mommy niya at tumango naman si Honey.

"Opo, mommy!" masayang tugon nito.

"By the way, happy birthday again, Honey! Ilang taon ka na?" tanong ni Fe.

"10 years old na po." Nakangising sagot ni Honey.

"Gift din ni tita sa'yo!" Binigay ni Fe ang isa pang paper bag na hawak na may lamang mga regalo.

"Wow. Ang dami naman po!" Lumaki ang mga mata ni Honey sa mga regalo na binigay sa kanya at niyakap si Fe.

"Salamat po tita!" Hinalikan ni Honey si Fe sa pisngi.

"You're always welcome, Honey! Isuot at ingatan mo 'yan ah," nakangiting sagot ni Fe.

"Opo!" nakangising sagot ni Honey at binigay ang mga regalo sa mommy niya at nagpaalam pupunta sa kaibigan niya. Tinawag kasi siya nito. Pinagmasdan naman ni Fe at ng mag-asawa ang umalis na bata.

"You're spoiling her, Ate." Pagbasag sa katahimikan nilang tatlo nang makaalis ang bata. Kapatid ni Fe ang nagsalita.

"Mag-anak ka na kaya," duktong pa ng kapatid na kinalingon naman ni Fe. Natawa naman siya at iniba ang usapan.

"Nagugutom na ako. Ang dami kong ginawa kanina at hindi pa ako kumain o uminom since lunchtime." Inabot kaagad ni Fe ang kutsara at tinidor at sumubo na ng kanin. Hindi na siya kinulit pa ng mag-asawa.

Iniiwasan niya talaga ang usaping related to love. Ang magkaanak o nobyo o kahit anong topic connected with love ay iniiwasan niya. Ayaw niya kasing maalala ang nakaraang pangyayari.

...

Mag-aalas otso na ng gabi ng matapos ang birthday. Napagdesisyunan ni Fe na makitulog na lang sa kapatid.

"Salamat ha, bukas na ako babalik sa apartment ko sa Pila. Napagod kasi ako ngayong araw. Takbo dito, takbo doon," ani Fe habang hinahaplos ang buhok ni Honey. Tulog na kasi ito.

Kasalukuyan kasing nasa sasakyan na si Fe ng kapatid niya dahil pauwi na sila. Ang kapatid niya ang nagmamaneho at katabi nito ang kanyang asawa. Nasa back seat si Fe kasama si Honey na tulog na sa kanyang hita.

"Nasaan sasakyan mo?" tanong ni Diane na tumingin sa kanya at kay Honey na tulog na.

"Pinaayos ko. Sa isang araw ko pa daw makukuha," sagot ni Fe habang hinahaplos ang buhok ni Honey.

"Ah. Ano bang sira ng sasakyan mo? Buti at nakapunta ka pa kanina. Nag-bus ka ba?" mahinang tanong ni Diane.

"Makina. Hindi na umiinit aircon saka namamatay eh. Kamuntikan na nga ako maaksidente ng ipagawa ko. Tumirik kasi. Buti malapit na ako sa pagpapagawaan ko," Kwento niya.

"Ate, balik ka na dito kaya para hindi ka na mahirapan," biglang salita ng kapatid ni Fe. Napatingin na lang si Fe sa kapatid na ikinatigil ng ilang segundo sa paghaplos sa buhok ng bata.

Napatahimik si Fe miski si Diane na kausap ay tumahimik at umayos ng upo sa harap.

"Maiba ako, ang daming batang inimbita ni'yo ah!" pag-iba ng usapan ni Fe. Hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw niya kasi maisip ang nakaraan.

"Walang may gusto sa-" nagsalita si Manny pero kaagad siyang pinutol ni Fe.

"Manny, stop it," mahinahong sabi ni Fe. Hinahaplos-haplos niya na lang ang buhok ni Honey at hindi na nagsalita. Tumingin siya sa madilim na daan at mahinang nagsalita. "Hindi na ako babalik."

Tahimik silang tatlo buong byahe pagkatapos sabihin 'yon ni Fe.

Pagkarating sa bahay ng mag-asawa ay nag-park ang kapatid niya. Nang huminto at pumarada ay kaagad nagtungo sa side ng pintuan ni Honey at binuhat ang bata.

"Sorry, Ate. Concern lang sa'yo," hinging paumanhin ni Manny sabay talikod at naglakad na papasok sa kanilang bahay.

Ngumiti na lang si Fe at bumaba na rin ng kotse. Sabay silang naglakad ni Diane papasok sa bahay.

"Buti RD(rest day) mo bukas," ani Diane at tumango na lang si Fe. "Tamang-tama at may makakatulong ako sa shop bukas!" duktong niya pa at ngumiti na lang si Fe bilang tugon.

Nararamdaman niya na ang pagod kung kaya't bihira na siya tumugon. Pinagmamasdan niya na lang ang likod ng kapatid habang buhat-buhat si Honey. Sinusundan ng tingin ang kilos ng kapatid na paakyat sa hagdan at nawala na sa kanyang paningin.

"Kung 'di ko alam na kapatid mo si Manny at nakita kong ganyan mo siya tingnan, malamang nagalit na ako. Iisipin ko talaga may gusto ka sa asawa ko," sinabi ni Diane na kaagad nilingon ni Fe.

Nakita ni Fe ang nang-aasar na ngiti ni Diane kung kaya't namula ang pisngi niya. Biglang nagseryoso ang itsura ni Diane.

"Ate, you're a sweet and sentimental lady. But now, you look too intimidating at mataray. You are beautiful yet ayaw mo namang magmahal."

"Tapos? Anong gagawin ko?" kunot-noo na tanong ni Fe. Naghalukipkip ng kamay si Fe habang hinihintay ang sagot ni Diane.

"Ate, 29 years old ka na. Let yourself be happy again. Stop punishing yourself. You can love again." Napatahimik si Fe sa sinabi ni Diane.

May punto naman kasi siya. Si Fe lang naman ang nagkandado sa puso niya para magmahal ulit. Her past ruined her capability to love again.

Pagkaraan ng ilang segundong pananahimik ay nagsalita si Fe, "Diane, thank you for your concern pero I can't let myself be happy again. My happiness brought misery to others." Naglakad na si Fe sa direksyon ng banyo at hindi hinintay ang sagot ng kausap.

Napabuntong hininga na lang si Diane habang nakatingin sa likod ni Fe na paakyat ng hagdan. Sinara at ni-lock na lang niya ang front door nila at sumunod na.

Pagkarating sa banyo ni Fe ay sinarado niya ito kaagad. Tiningnan ang repleksyon sa salamin. Naaalala ang nakaraang ayaw niya nang balikan.

Matagal-tagal din ang ginugol niya sa loob ng banyo bago lumabas at matulog sa tabi ni Honey.

Napatingin siya sa maamong mukha ng bata habang natutulog. Ngumiti si Fe sabay tingin sa kisame ng kuwarto.

Naalala bigla ni Fe ang eksena ng mag-ama kanina. Ang mapayapang mukha ng bata sa balikat ng kapatid niya. Bigla niya tuloy naalala ang yumaong ama.

"Panginoon, kung kasama ni'yo ang aking ama, pakisabi po na na-mi-miss ko na siya."

Ilang minuto din siyang tahimik at nakatitig sa kadiliman. Maya-maya ay pumikit na siya at pagkaraan ng ilang saglit ay nakatulog na ito.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status