Share

Dream Note # 2

"Ikaw babae na may mahabang buhok! Bakit kayo pumarito!" sigaw ni Nikki na nakatirik ang mga mata at umaalon ang buhok kasabay ang hangin. Kapansin-pansin ang kaibahan ng kanyang boses kumpara sa karaniwan naming naririnig sa araw-araw. Sobrang lamig ng paligid noong mga oras na iyon at talagang nakakapanindig balahibo.

Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga sandaling ito dahil tila ba may dalawang dagang naghahabulan sa aking dibdib. Alam ko sa aking sarili kung ano ang mga nangyayari at marahil ito na ang karma sa lahat ng mga panlolokong aming ginawa.

Malinaw sa’kin ang lahat, hindi na ito gaya nang karaniwan naming ginagawa kung saan para lang kaming naglalaro o nagtatanghal sa entablado. Totoo na ito, walang pag-arteng nagaganap.

Dahil isa nga akong huwad na Paranormal Expert wala akong ideya kung ano ba ang mga hakbang o paraan para mapaalis ang kaluluwang nakasanib ngayon sa aking kaibigan na si Nikki.

Ito ang unang pagkakataong naka-encounter ulit ako ng ganitong sitwasyon, kaya wala na lang akong nagawa kung hindi ang mapaluhod at maiyak habang nakikita ko sa aking harapan ang mga nangyayari.

"Ghawa kha pharaan. Whag ka basta upho lhang diyhan!" tarantang-tarantang sabi ng Chinese habang niyuyugyog niya ang aking balikat.

"Wala po akong magagawa. Hindi po talaga ako nakakakausap ng mga kaluluwa o ano man," balisang sagot ko na sa mga pagkakataon na ito ay wala nang humpay sa pagtulo ang aking mga luha sa mata.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iyak ay biglang may humila sa 'kin paatras at mabilis akong hinawi sa likod niya. Sa porma at tindig pa lang niya ay namukhaan ko na agad ang taong iyon.

"Zi.. Zibal? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Na-alarma ako noong sinabi ng staff ko na may paranormal activity kayong gagawin dito. Pero mamaya na natin pag-usapan ‘yon. In the mean time, tulungan mo muna ako rito," tugon niya.

Kasama ang team ni Zibal ginamit nila ang kanilang mga kakaibang aparato na makapagpapaalis sa kaluluwang nakasapi kay Nikki. Sinabayan din namin ito nang taimtim na pagdadasal. Unti-unti gumaan ang aking pakiramdam sa kadahilang alam kong magiging maayos na ang lahat sa tulong ni Zibal at ng kanyang paranormal expert team.

Matapos ang isang oras ay napaalis na nila ang kaluluwang nakasanib kay Nikki at pinagpahinga niya na ito, samantalang si Sana ay ginagamot ang mga gasgas na natamo niya noong sakal sakal siya sa ere ng masamang ispiritu.

"Salamat kanina, ah," pasasalamat ko kay Zibal na nagliligpit na ng kanyang mga gamit.

"Alam mo bang hindi lang earthbound spirits ang nasa balon na iyon? Of course, 'di mo alam. Ay! oo nga pala, ano bang alam mo bukod sa manloko ng tao? Wala ka namang third eye, eh. Sa halip na magpasalamat ka, bakit 'di ka na lang magpaliwanag doon sa Intsik na niloko mo," pagalit at panlalait na sagot niya sa 'kin.

“P-pero kasi ano,” mahinang tugon ko ngunit bago ko pa maituloy ang aking sasabihin ay agad na niya ako pinutol at tumingin siya sa aking mga mata. Ang kanyang mga tingin ay naglalaman nang matinding pagkadismaya.

“Hindi ka ba nahihiya sa yumao mong ama?” tanong niya.

Nasaktan ako sa mga aking narinig mula sa kanya, masakit dahil tama siya. Oo, wala akong kakayahang makakita ng kaluluwa at totoo na puro panloloko lang ng tao ang kaya kong gawin pero ang pinakamasakit ay ang pagyunbanggit niya sa aking ama. Malumanay akong yumuko habang madiin kong isinara ang aking dalawang kamao. 

Wala pang isang linggo ang lumilipas ay mabilis nang kumalat ang balita tungkol sa pangloloko namin sa mga taong nangangailangan ng tulong patungkol sa usaping super natural. Nakadagdag pa ang pagpapalabas sa telebisyon ng aktuwal na pangyayari kung saan inamin ko na wala talaga akong kakayahan at ang lahat nang ginagawa namin ay isang lang malaking scam.

Hindi mabilang na memes ang nagsilabasan patungkol sa 'kin at sa pamilya Alison. Ilang taon na raw kaming nangloloko gamit ang kunwari-kunwariang third eye namin.

Ilang refund letter ang dumating sa aking tinutuluyan. May mga demanda o lawsuits  din na darating kapag hindi raw namin binayaran ang mga taong niloko ng aming team. Ang mayaman na Chinese ang nag-uudyok sa mga tao na lalo kami idiin. Kung susumahin lahat-lahat ng dapat bayaran ay tumataginting na Two hundred Million ang dapat bayaran.

"Tangina, Entice! Jusko! Saan natin pupulutin ‘yang ganyang halaga? Kahit ibenta natin lahat ng kidney natin hindi natin babayaran ‘yan!" sigaw ni Nikki sa akin na bakas sa mukha niya ang pag-aalala at stress.

"Ewan ko! Hindi ako palamura pero shit! Hindi ko alam!" Kamot sa ulo ko habang gulong-gulo sa kaiisip sa anong dapat gawin.

"Nasaan nga pala si Sana?" tanong niya sa 'kin habang nag-aayos ng mga letters sa sahig.

"Pakiramdam ko masama ang loob niya sa nangyari at sa kawalan ko ng aksyon noong halos mamatay na siya sas pagkakasakal mo," tugon ko.

"Entice! Look, oh! May isang letter dito na hindi kagaya ng iba. Walang nakasulat pero may address. Ano kaya 'to?" Tingin niya sa harap at likod ng sulat.

"Akin na nga." Kuha ko kay Nikki ng sulat at mabilis siniyasat kung may nakasulat pa.

"Nikki, may pangalan pala rito, eh." Pakita sa kanya ng sulat at tinuro ‘yong pwesto ng pangalan ng sumulat ng liham.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay binabasa ‘yong pangalan na maliit ang pagkakasulat sa bandang ilalim ng isang pirasong bondpaper.

"Ey-zi-kiel Asmo-de-us. Tama ba basa ko, Entice? Hahaha." Basa ni Nikki sa pangalan.

"Vovo mo talaga. It's Acezikiel Asmodeus. Weird naman ng name nitong taong 'to," Sagot ko kay Momo na halata sa mukha na walang interest.

“Sugar daddy ba ‘yan? Kung babayaran niya ‘yun utang edi nice,” sagot ni Nikki na naghahanda na rin umalis.

Ipinatong ko ang sulat na iyon sa may tabi ng mga libro ko sabay ayos ulit ng mga nagkalat na refund letter sa sahig ng aking kwarto. Hindi mawala sa isip ko ang pangalan na iyon. Tila ba naintriga ako sa kanyang rason kung bakit siya nagpadala ng sulat.

"Hmmmm... Acezikiel Asmodeus, you caught my attention. Sino ka kaya?" bulong ko sa aking sarili sabay ngiti at tuluyan iniipit ang sulat sa gitna ng libro.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status