Share

Dream Note # 6

Palakad-lakad ako sa aking kwarto at hindi mapakali, ilang araw na din ganito ang aking sitwasyon dala ng pag-iisip sa naging alok sa ‘kin ni Acezikiel. Ito ang alok kung saan bibigyan ko siya ng kalayaan gamitin ang aking katawan sa mundo ng panaginip kapalit ang tulong niya. Siya na isang incubus, ito ang uri ng dyablo na nakikipag-talik sa isang babaeng natutulog.

Ilan sa mga unang naituro sa ‘kin ng aking nasirang ama ay h’wag na h’wag makipagkasundo sa isang dyablo. Una, hindi sila patas at labis itong mapahamak. Panglawa, babaliktarin nila ang naging usapan upang sa huli ikaw ay matalo at maiwang nagdurusa.

Bilang isang babae ginagalang ko ang aking puri at hindi ko ito basta-basta pagagamit sa isang tao este isa palang dyablo na isang beses ko palang nakita. Ngunit kung ang lahat ay mangyayari lang naman sa panaginip, ano ang mawawala sa ‘kin?

“Tutulungan niya ako maibalik ang dangal ng aking pamilya,” bulong ko s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status