Share

Dream Note # 5

Ang buhok niya ay itim na itim at may haba itong ‘di lalagpas sa balingkinitang niyang balikat. Kapansin-pansin din ang dalawang sungay na nakatanim sa magkabilang dulo ng kanyang noo.

Ganito ang itsura ng lalaking nasa aking harapan habang ako ay nakasandal sa malamig na pinto ng lugar na iyon.

"O-okay medyo malapit ka na masyado ah," lihis ng tingin sa kanya saka sabay yuko.

"Nagulat ka ba?" tanong niya. Malaki at malamig ang kanyang boses.

"Ya-yang sungay mo sa-saan mo nabili? Hehehe," paturo ko sa sungay niya ng hindi lumilingon.

Lubhang napakatahimik nang palitan namin ng mga salita. Walang ibang tunog na maririnig sa sandaling ito maliban sa pintig ng aking pulso kasabay ang mabigat kong paghinga.

"These? Totoo yan." sagot niya.

Pinipilit ko na manatili sa realidad ang usapan na iyon, dahil kahit naman siguro sino ay hindi maniniwala pag nakakita ng isang nilalang na may sungay at nakatira sa isang abandunadong bahay na sobra ang pagka-haunted.

"I h-have no time for t-this. Sorry. Wag ako p-pag tripan mo ah, open this goddamned d-door," pagmamatapang kong utos sa kanya, ngunit nanginginig ang aking labi habang sinasabi yun sa kanya.

Tinalikuran ko siya sabay pinihit ang door knob pakaliwa. Pumasok sa aking isip na maaaring isa lang itong prank na ginawa upang maging katawa-tawa ako sa mata ng mga bashers at ng mga tao na niloko ko noon.

Sa mga pagkakataong iyon ay umatras siya sa kanyang kinatatayuan at tila hinahayaan lang ako. Nakangiti lang siya sa akin na para bang mas iniinis niya ako dahilan para mapuno ako.

“Okay, nasaan ang camera?” sabi ko. Lumakad ako at inaangat ang isang silya na may taklob na puting kumot.

“Fakexorcist at scammer ako. Happy na kayo?” dugtong ko sabay silip sa ilalim ng lamesa at tinignan kung mayroon bang hidden camera doon.

“Sinabi ko na yung punchline. Pwede na ba ako umuwi?” gigil na tanong ko.

Tuloy lang ako sa paghahanap ng camera dahil sigurado akong nasa isa akong prank video. Pinanonood ng milyon-milyon online. Sa mga ganitong sitwasyon mas mainam na malaman ng taong pina-prank na pina-prank siya kaysa sakyan niya ang buong joke at maging mas katawa-tawa sa huli.

"Did. You. Enjoy. It?" mabagal niyang sagot habang tahimik lang na nakaupo sa isang sulok at pinapanood lang ako.

"Huh? Fuckyou!" pataray kong tugon sa kanya. Nakataas ang kaliwa kong kamay at minura siya gamit ang dirty finger habang ang kanan kong kamay ay pinupwersa na sirain ang walang kalaban-laban na door knob.

"Bathtub?" mahinang sagot niya.

Hindi agad pumasok sa aking utak ang kanyang sinabi dala ng pagkagigil ko sa mga nangyayari.

“You grabbed me down here ah? Remember?” sabi niya at sinundan ito ng tingin niya paibaba.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nakaramdam ng isang matinding panlalamig, pinapawisan ako at sa mga sandaling iyon parang may nag uutos sa akin na lingunin siya. Nakakaloko ang mga ngiti niya, hindi ko alam ang aking gagawin hanggang sa nagdilim na lang ang aking paningin.

"N-nasaan ako?" pagtataka kong tanong.

Nawalan pala ako ng malay dahil sa mga pangyayari. Nakahiga ako sa isang malaking kama na may pulang sapin at napaliligiran ito ng mga iba't ibang klaseng kandila.

"Gising ka na pala," bungad niya. 

"Sino ka ba? Ano ba kailangan mo sa'kin?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan ko binangon ang aking sarili. Isinuot ko ang akong antipara.

Tumayo siya sa kanyang kinauupan, katabi ito ng kamang aking pinaghihigaan. Hinawi ang kanyang buhok pataas saka sumampa sa kama.Pagapang siyang lumalapit sa akin.

Malalim siyang tumitig sa aking mga mata. Marahan niyang binasa ng kanyang dila ang mga labi niyang parang rosas sa pula.

"Acezikiel Asmodeus, isa akong incubus." pakilala niya sa akin sabay ihip sa aking kanang tenga.

Napabuntong hininga ako sa ginawa niyang iyon kaya natulak ko siya sa kabilang side ng kama.

"I-Incubus? I've read something about that? Ka-kayo 'di ba yung mga nakikipag sex sa mga babaeng natutulog?" patanong ko sa kanya sabay balot sa aking katawan ng kumot.

Mabilis siyang bumangon sa kanyang kinahihigaan saka muling inayos ang mahaba niyang buhok na nagulo dahil sa aking pagkakatulak. Ngumisi lang siya at inunat ang nalukot na parte ng kanyang itim na polo.

"Exactly." tugon niya.

"A-ano bang gusto mo sa'kin? Why me? A-ang dami-dami dyan sa tabi-tabi na pwede mong iyutin eh." pasinghal na sagot ko sa kanya.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at tumayo, hinanap ang pintuan saka nag tangkang umalis hanggang sa nag salita siya ulit.

"I have this offer for you. Mababayaran mo mga utang mo at the same time malilinis mo rin ang reputasyon ng pamilya mo, miss Entice Y. Alison." 

Napahinto ako sa harapan ng pinto ng silid na iyon, malakas ang kutob ko na hindi magandang ideya ang makipag deal sa isang demonyo pero naiisip ko na pagkakataon na rin ito upang mabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan.

Hindi biro ang halagang kailangan kong mabayaran sa mga taong nag filed ng complained sa akin, kung baga marahil ito na yung sabi ng mga matatanda na kapit sa patalim na desisyon.

Huminga ako ng malalim at isinara ko ang aking kamao nang madiin. Ano ba kakong mawawala pa sa isang babaeng walang wala na?

"I have nothing to lose," bulong ko sa aking sarili. Naiisip ko ang hirap ng aking ama na ingatan ang pangalang Alison tapos sinira ko lang. Wala na akong choice.

"M-maybe we can talk that offfer na binabanggit mo Mr. Asmodeus." Alok ko.

Binitawan ko ang pihitan ng pinto at mabagal na humarap sa kanya.

Namatay ang mga sindi ng kandila sa aking paligid at napalitan ito ng matitinding pulang alab. Hindi na ako kinakabahan sa mga oras na iyon, inihanda ko na ang aking sarili sa kung ano pang pwedeng mangyari. Isang totoong demonyo ang aking nasa harapan kaya ano pa ang simpleng pagkamatay lang ng kandila.

"Nabalitaan ko na wala kang third eye? which means wala kang kakayanan makakita ng mga elemento, kaluluwa o ano pa man. Ironically nakikita mo ko pero the things is hindi lang ako basta elemento ispiritu isa akong incubus," paliwanag niya.

"Entice.. Entice.. Kayanin mo.. kaya mo yan," utos ko sa aking utak. 

Hindi kinakaya ng aking isip ang mga sinasabi ni Acezikiel na mga bagay tungkol sa mga kademonyohan pero wala akong ibang choice kung 'di pakinggan siya, ginusto ko ito in the first place.

"Ako ang magpapaalis sa mga kaluluwang mae-encounter mo then you can take all the credits." alok niya sa akin.

"K-kaya mong gawin yun?" tanong ko sa kanya.

"I can and I will." maiksing tugon niya sabay turo sa kanyang sungay, pagpapakita na walang sinabi ang mga kaluluwa sa isang demonyong gaya niya.

Naging mahaba pa ang aming pag-uusap hanggang sa dumating na sa pagkakataong gusto ko na malaman ang kapalit sa serbsiyong kanyang gagawin. Mababayaran ko na ang 200 million at the same time malilinis ko ang pangalan na Alison. Nilakasan ko ang loob ko at tinanong siya.

"S-so ano kapalit?" pakabang tanong ko kay Acezikiel.

"Your body and soul." sagot niya habang nakatitig ang kanyang pulang mga mata sa akin.

"What do you mean? Body and soul?" patakang tugon ko sa kanya.

"I'm a incubus, right? I’ll use you while you’re sleeping," pangiti niyang sinabi kasabay ang pag lakas ng liyab ng apoy sa mga kandila sa aking paligid.

"u-use me... GAGO KA BA?!" sigaw ko. Mataas ang respeto ko aking katawan at bilang isang babae hindi ko gusto na ino-objectify ako.

Gusto ko tumakbo palabas dahil pakiramdam ko ay nabastos ako sa mga sinabi niya ngunit hindi ako makalabas sa hawlang apoy na ginawa niya.

"Will you accept it, Entice?” titig niya sa aking nanggagalaiting mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status