Share

Dream Note # 3

Malalim na ang gabi at marahil karamihan ay mahimbing nang natutulog. Pero heto ako, panay pa rin ang basa sa mga erotic na babasahin, libangan na tanging ako lang ang nakakaalam.

Isa siguro sa mga dahilan ng pagkahilig ko sa mga ganito ay ang pagiging NBSB ko or No Boyfriend Since Birth.

"Hays. Makapag-halfbath na nga muna. Medyo iniinit na ako rito shit," sabi ko sa sarili ko. 

Gawing-gawi ko ang pagligo sa gabi kahit malamig. Ewan ko ba at nakasanayan na lang siguro.

Ibinaba ko ang aking salamin malapit sa lababo habang nakababad ang aking katawan sa aking maliit na bathtub. Unti-unti akong napapikit dala na rin siguro ng pagod dulot ng pagbabasa.

Sa aking pagpikit, naramdaman ko ang init na ngayon ko lang naramdaman. Pilit ko idinidilat ang aking mga mata pero hindi ko makontrol ang mga muscle ng mata ko. Wala akong idea sa mga nangyayari sa mga oras na ito. Napansin ko na lang na parang may dalawang paa ang lumubog sa loob ng bathtub na pinagtatampisawan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nagsimula na akong matakot nang biglang may sensasyon akong naramdaman.

Parang may kamay na dahan-dahan humimas sa aking mga binti papunta sa aking hita. Pilit akong sumisigaw pero tila walang tinig ang lumalabas sa aking bibig.

‘Nababaliw na yata ako’ tanong ko sa aking sarili. Gusto ko lumaban pero hindi ko maigalaw ang aking mga katawan.

"Fuck!" sigaw ko sa aking isip nang naramdaman ko na may labi ang humalik sa aking mga leeg.

Alam ko na maling-mali ito pero napakagat-labi ako dahil kung hindi ay uungol ako. At ayoko isipin sa sarili ko na nagugustuhan ko ang mga nangyayari.

Tuloy siya sa paghalik sa aking leeg at ang kamay niya na nasa hita ko kanina ay nakarating na sa aking bandang bewang.

Hanggang sa napalunok ako dahil unti-unti niyang iginapang ang halik sa aking leeg pababa sa aking dibdib na tila may usapan ang kanyang kamay at labi na mag-meet sa partikular na parteng iyon. Dahil sa isang iglap ay inilagay niya ang kanyang palad sa aking dibdib kasabay ng kanyang labi na humalik sa parteng iyon.

Wala na akong nagawa. Lahat ng pangontrol ko sa aking katawan ay bumigay na sa mga oras na iyon. Umungol ako nang isang mahinang-mahina, at sa hindi malamang dahilan ay bumalik ang aking boses na kanina naman ay wala. Naigagalaw ko na rin ang aking katawan.

"Ahhhh.. Uhmm. Fuck! Sige p--- shit!" Mabilis kong pigil sa aking bibig na tinakpan ko agad ng mga kamay ko.

Nababaliw na ako sa ginagawa sa aking ito. Parang ayoko na matapos ang mga sandali. Kusang gumagalaw ang aking kamay pero alam ko sa aking sarili na sariling kagustuhan ko iyon. Sinalat ko ang aking pagkababae at basang-basa na ito. Nasa bathtub ako pero alam kong ibang pagkabasa ito.

Tuluyan na akong nilisan ng katinuan at iginalaw ko ang aking kamay. Kung isa mang lalaki ang nagpaparamdam sa akin ng ganitong sensasyon ay paniguradong mayroon siyang alaga sa pagitan ng kanyang binti. Kahit nakapikit ay hinanap ko sa ilalim ng tubig ang aking hinahanap.

"Uhm!" mahinang tinig na aking narinig. Malaki ang boses nito at lalaking lalaki.

Hawak-hawak ko ang buong kahabaan ng misteryosong nilalang na ito, matigas at mainit sa aking palad. Buhay na buhay ito at ramdam ko ang mga ugat sa balat. Balot na balot na ako ng kamunduhang nararamdaman ko lalo pa't naging mas aggressive siya sa sandaling hinawakan ko ang kanyang pagkalalaki. 

"Ah... uhmm. I wa-want thi-this in m-my mo-mouth," bulong ko nang mahinang-mahina pero pinaririnig ko talaga sa kanya iyon.

Magkaiba ang sinasabi ng aking bibig sa sinasabi ng aking isip. Nagtatalo ang sarap at katinuan kaya para na akong mabubuang. 

"Putangina!" sigaw  ko sa aking isip. Alam kong mali ang ginagawa sa akin na ito pero hindi ko naman siya mapigil dahil para akong tanga na nasasarapan.

All of a sudden, bigla akong nalubog sa bathtub at muntik na akong malunod dahil pinasok ng tubig ang ilong ko. Nang dahil doon ay agad-agad akong umahon sa bathtub.

Medyo naguluhan ako dahil wala namang ibang tao sa loob ng CR ko. Naka-lock din ang pinto, though blurry sa aking paningin. Basta alam kong ako lang mag-isa ang nandito.

"Tangina! Panaginip lang ba ‘yon? WTF?" painis kong sambit sabay tayo sa bathtub.

Hinahanap ko ang salamin na ipinatong ko sa lababo bago ako maligo. Pero laking pagtataka ko at wala na siya roon. Panay ang kapa ko sa paligid habang nakatapis. Inabot ako ng ilang minuto sa paghahanap bago ko tuluyang linubayan.

Nasa sala ako habang nakaupo sa sofa, at blurred ang aking paningin. Medyo mainit pa rin ang ulo ko dahil sa pagkabitin na aking naranasan kanina. Napansin ko ang aking maliit na lamesa na puno ng mga refund letters at saka mga kung ano-ano pang sulat. Nagtaka ako dahil ‘yong isang letter na inipit ko sa libro kanina ay muling napunta sa pinaka-ibabaw at ang nakakagulat pa ay parang sealed siya ulit, although binuksan na namin ni Nikki ito kanina bago siya umuwi.

Kinuha ko ang letter, at pagbukas ko niyon ay bigla akong kinilabutan. Iyong letter na blanko ang address at sender lang ang nakasulat ay ngayon may laman na. Hindi magandang biro ito kung may nagpa-prank man sa akin dahil sa loob ng sobre ay ang salamin ko na kanina ko pa hinahanap.

May kakaiba sa paligid at tila may nagmamasid sa akin na hindi maipaliwanag. Hawak ko ang magkabilang dulo ng aking salamin nang mapansin ko na parang may anino na nakatayo sa aking likuran. Mabilis kong isinuot ang aking salamin at marahan siniyasat ang buong paligid. Wala namang ibang tao sa silid ko bukod sa akin.

Muli ko kinuha ang basyong sobre saka ito tinitigan mabuti. May pangalan ito sa likod.

"Acezikiel Asmodeus,"  basa ko nang mahina sabay tingin sa patay na TV sa aking harapan. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko sa aking reflection na may parang kiss mark sa bandang ilalim ng aking leeg. Hinawakan ko iyon at kinusot. Hindi ito isang dumi o alikabok kung ‘di isang totoong chikinini na nasa aking leeg. Paano ako nagkaroon ng chikinini? Saan ko ito nakuta? Marami tanong sa aking isipan.

Nakaramdam ako ng isang matinding pagtaas ng balahibo sa aking batok.

"No. No. This can't be real."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status