Share

Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.
Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.
Author: Steven Zabala

Dream Note # 1

Ayon sa Siyensya, maliit na porsyento lang ng ating mga mata ang lubusan nating nagagamit sa pang araw-araw nating buhay. Ngunit ibang usapan na kapag tuluyan mo nang nabuksan ang iyong Third Eye. Ito ang kakayahang makakita ng mga elemento, kaluluwa, at kung ano-ano pa na hindi nakikita ng normal na mga mata.

Kilala ang pamilya Alison sa Paranormal Society magmula sa aking lolo na nagsasagawa ng exorcism noong panahon niya, hanggang sa aking yumaong ama na si Elias Y. Alison. Ngayon, bitbit ang pangalan ng aking pamilya, ako si Entice Y. Alison, gagawin ang lahat upang maituloy ang tradisyon na ito. Ang kaso nga lang, sa buong angkan namin ay ako lang ang 'di biniyayaan mabuksan ang third eye, bagay na hindi ko lubos na maintindihan.

Alison Super Natural Institute ang samahang binuo ng aking ama bago siya pumanaw. Matapos niyang sumakabilang buhay ay isa-isang nag-alisan ang aming mga batikang paranormal experts at lumipat sa samahang binuo ng dating protege ng aking ama na si Zibal. Siya ang dati kong kababatang kinupkop ng aking ama noong nakitaan niya ito ng potensyal.

Sa kasalukuyan, ginagamit ko ang paranormal activity bilang isang raket. Hindi naman kasi talaga ako nakakakita ng mga multo at saka wala din akong kakayahang maitaboy sila so bale ginagawa ko lang itong source of income. Hanapbuhay ko ang mga patay.

Isang gabi, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang network station at iniimbitahan kami na magsagawa ng paranormal activity sa isang minumultong bahay.

"Hello, yes, this is Entice from Alison Super Natural Institute. How can I help you po?" panimulang bati ko sa kausap ko sa telepeno.

"Ay, Ms. Alison! Thank you for picking up our call. Gusto sana namin kayo i-feature sa susunod na linggo. Need namin ng paranormal experts na kakausap sa batang multo na nahulog sa isang balon," sabi ng isang babaeng malumanay ang boses sa kabilang linya.

"Oh, sure! Expect us to be there. Ay maiba po ako. Ah, by the way, this isn't for free 'di ba? hehehe," pabirong hirit ko sa kanya na may kaunting pagtawa sa dulo.

"Yes, of course, Ms. Alison! Well known ang brand niyo. And besides, medyo mataas ang talent fee na hinihingi ni Sir Zibal kaya 'di siya ang kinuha namin," tugon niya.

"Okay po. See you next week, Ma'am," paalam ko sa kanya bago ko tuluyang ibinaba ang telepeno. Sa pagkakataong iyon tila mistulang naging peso sign ang aking dalawang nagni-ningning na mga mata.

Pagkatapos nang naging usapang iyon sa telepono ay mabilis kong tinipon ang team ko na sina Nikki at Sana para makabuo kami ng plano para sa susunod na linggo. Agad kaming nag-meeting sa aking kwartong punong-puno ng mga librong may kinalaman sa mga supernatural na bagay, gaya ng mga paraan upang mabuksan ang thrid eye at kung ano-ano pang out of this world na babasahin.

"My gosh, Entice! Heto na naman tayo sa kabaliwan mo na 'to. Sinasabi ko sa ‘yo huwag ako ang pagpanggapin mong sasapian, ah! Malat ako ngayon." Mabilis na pagtanggi ni Nikki.

"Tanga, ikaw lang sanay um-acting dito. Eh alangan namang si Sana ang pagpanggapin natin. Baka tumawa agad ‘yan habang pinaliliit niya boses niya,” pasinghal kong sagot sa kanya.

"HAHAHA! Tangina niyo. Ako na nga pagre-research-in niyo, ako pa magbabaliw-baliwan doon." Singit ni Sana na biglang nag-fold ng laptop niya sabay irap.

"Oh, siya. Maghanda kayo at malaking pera ang nakasalalay rito. Chinese pa ‘yong nanawagan kaya tinuan niyo ah. Nako, sinasabi ko sa inyong dalawa," huling paalala ko bago namin tinapos ang meeting na iyon.

Dumating ang araw ng aming pagpunta sa isang wishing well na pag-aari ng isang Chinese business tycoon, kung saan may naririnig daw na batang humihingi ng tulong tuwing gabi. Mabilis namin inilabas ang mga gamit namin na naipamana sa akin ng yumao kong ama.

"All set!" sigaw ng mga media crew habang hinahanda ang kanilang mga camera upang ma-video-han ang gagawin naming pagkausap sa nagmumultong bata sa loob ng nasabing balon.

"Nikki, ano handa ka na ba? Siguraduhin mong nakabisado mo na ‘yung linya mo, ah," bulong ko kay Nikki habang kinakapa-kapa ko ang bawat sulok ng balon na para bang may hinahanap na prisensya.

"Oo na, sige. Pwesto na ro’n, Entice. Si Sana na bahala sa mga equipments mo," sagot ni Nikki sa 'kin. Noong mismong oras na iyon ay dumating na sa wakas ang Chinese na may-ari ng lugar na iyon.

"Ahh kayo nha ahng bhalah diyan ahh. Akho ditho nood laang sa inyho usapin niyho bathang multoh," pakiusap niya sa amin na unti-unting nagpakaba sa 'kin lalo.

Wala pang ilang segundo ay sumenyas na ako kay Nikki, isang kindat na hudyat para simulan niya ang kanyang pag-arte na sinasapian na siya. Dali-dali ko siyang pinahawakan kay Sana upang mapigilan nito ang pagwawala at pagpupumiglas dala ng pag-arteng sinasapian na siya.

"Tangina, Sana, huwag ka ngumiti!" mahinang bulong ko kay Sana na hindi mo maririnig kung hindi mo babasahin ang buka ng aking bibig.

"Tulungan niyo ako. Gusto ko lang naman matahimik. Ako si Tzuyushi." Pagpapanggap ni Nikki na sa mga oras na iyon ay tirik ang mata at panay ang mala demonyong tawa.

"Ano ba ang kailangan mo? Bakit ka nagpaparamdam sa mga tao rito!" sigaw ko sa kanya habang nakapikit at may hawak na water gun na pinangwiwisik ko sa kanya. Isa itong laruang baril na kunwari may holy water sa loob pero ang totoo galing lang sa gripo ang tubig.

Sa kalaliman ng aking pagpikit bahagya ko idinilat ang isa kong mata. Bahagyang nahagip ng aking paningin si Sana na kagat-kagat ang labi na tila’y nagpipigil ng kanyang tawa.

“Tzuyushi daw saan galing yun hahaha,” pabulong ni Sana sa akin. Inapakan ko siya sa paa na mabilisang nag patigil sa kanya.

Manghang-mangha naman ang mga taga-media at ang Chinese sa aming ginagawang iyon. Hanggang sa biglang nagsibasagan ang mga ilaw, lente ng mga camera, kasabay ng isang hanging pagkalakas-lakas. Nagulat ang lahat sa nangyari at naging tahimik ang lahat hanggang sa makarinig kami ng isang kakaibang tunog. Tunog mula sa isang taong unti-unting nalalagutan ng hininga.

Lumingon ako agad sa aking likod sa kadahilanang sa pwesto na iyon ko naririnig ang ingay na iyon. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita.

"Nikki! Ano ginagawa mo! Bitawan mo si Sana!" malakas kong sigaw kay Nikki na sa pagkakataon na iyon ay sakal-sakal si Sana. Nakalutang ang paa nilang pareho sa lupa, bagay na hindi normal at nagpakilabot sa 'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status