Share

Chapter 5

Masipag sa trabaho si Jolie at iniiwasan niyang maalala ang mga nangyari sa kanya sa gabi ng bluemoon night. Iniiwasan niyang mapag - usapan nila ng kaibigan niya ang tungkol dito. Ginugol niya ang panahon at oras sa coffeeshop para kumita ng pera. 

"Heto ang sahod mo Jolie. Napakasipag mo talaga. May bonus ka!" ani ng boss habang inaabot ang sobre na may lamang pera.

"Talaga po? Salamat po boss!" Masayang sagot ni Jolie na hawak na ang sobre. Napahalik pa siya sa sobre dahil sa sobrang saya. 

Masaya namang makita ng boss na masaya ang mga tauhan niya lalo na si Jolie. Agad umalis ng shop ang dalaga pagkatapos ng shift niya. 

"Ano kayang magandang pasalubong kay lola? Hmm..." tanong niya sa sarili habang naglalakad sa daan. "Pagkain o di kaya gamit? Bibili kaya ako ng bagong salamin ko?Medyo luma na itong gamit ko."

Habang naglalakad siya ay bigla siyang nakaramdam na para bang may sumusunod sa kanya. Bigla syang kinabahan. Hinawakan nya ang kanyang shoulder bag kung saan naroon ang sobre na pera niya. Binilisan niya ang bawat hakbang. Pinigilan niyang lumingon at dire-diretso lamang siyang naglakad ng mabilis. Bawat segundo ay mas lalo siyang kinakabahan at nararamdaman na may sumusunod sa kanya. 

Napatigil si Jolie nang may dumaan na isang pusa sa harapan niya. Huminga siya ng malalim hanggang may biglang may humawak tuloy sa kanyang kanang kamay. Napasigaw nalang si Jolie at napapikit ng mata.

"Ahhhh!" sigaw ni Jolie sabay hampas ng bag sa taong nasa likuran niya.

"Teka lang Jolie!"

Tinamaan niya ang ulo ng tao at napabitiw sa pagkakahawak sa kanya. "Jolie! Jolie! Tama na!"

Nang marining nya ang isang pamilyar na boses ng lalaki ay napadilat ang kanyang mga mata. 

"Kuya?"

"Jolie naman, ano ka ba! Papatayin mo ba ako!?" sermon ng kuya ni Jolie.

"Eh ikaw itong nanggugulat! Papatayin mo ba ako sa takot?" naiinis na sagot ni Jolie na napapakunot ang noo. 

Naging maamo ang mukha ng kuya nya na si Jorge. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadyang takutin ka."

Napakrus ang mga braso ni Jolie sa may dibdib nito. Tinaas din niya ang kanyang isang kilay. "Anong ginagawa mo rito?"

Lumuhod si Jorge sa harap ni Jolie. "Jolie, mahal kong kapatid. Kailangan ko ang tulong mo!"

"Huh? Ano? Ano naman ba ang ginawa mo?"

"Kailangan ko ngayon ng pera. Ikaw lang ang makakatulong sa akin."

"Kuya, nangutang ka naman ba? Para saan? Sa bisyo mo?"

"Jolie, iba ito."

"Anong kaibahan ba ito sa mga pinaggagawa mo noon? Umuutang ka para sa bisyo mo at sa mga laro na palagi ka namang talo! Kailan ka ba nanalo?"

"Outch, ang sakit mo naman magsalita. Nananalo naman ako paminsan - minsan nga lang pero tinat*ya ko ulit. Baka kasi lumaki pa." paliwanag ni Jorge. 

"So?"

"Beke may kaunti kang... alam mo na..."

"Ewan ko sa iyo! Pinahiram na kita noon. Uutang ka ulit? Hindi mo pa nga nababayaran iyon!"

"Jolie, kapatid naman kita. Babayaran talaga kita pero hindi pa ngayon." 

"Hmmp.. kailan?"

"Jolie, iba ang sitwasyon ngayon kung bakit ako hihiram..." mahinahong sabi ni Jorge na dahan - dahang tumatayo. Napayuko ang ulo niya na talagang nakakaawa ang itsura. 

"Bakit ba? Ilalaro mo naman? Tapos ano?"

"Ang totoo nakabuntis ako.."

Nanlaki ang mga mata ni Jolie sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita habang patuloy sa pagsasalita si Jorge. 

"Manganganak na kasi siya at kailangan ko ng pera para sa hospital bills at mga bagay bagay na para kay baby."

"Gumawa ka ng mga bagay na di mo kayang panindigan? Ganon?"

"Sermonan mo na ako pero wala na akong magagawa, nangyari na ang lahat. Gusto ko lang naman na maging maayos ang pangnganganak niya at maibigay ko ang para sa baby at sa ina nito."

Natahimik si Jolie sa kasesermon at napahawak sa shoulder bag niya. Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang kuya ni Jolie. 

"Alam kong masama akong kapatid. Puro nalang problema ang dala ko sa inyo ni lola. Pasensya na talaga."

Taas noong hinamon ni Jolie si Jorge. "Kuya, kung totoo ang sinasabi mo, patunayan mo. Magpakita ka ng ebidensya!"

Agad hinablot ni Jorge sa bulsa nya ang isang larawan ng ultrasound ng baby. 

"Heto, para maniwala ka." 

Inabot niya ang larawan sa kapatid. Napatakip ng bibig si Jolie ng mapagmasdan ang larawan ng baby. Bigla siyang naawa at ramdam ang kalungkutan na maaaring maranasan ng bata. Binalik nya ang larawan sa kapatid at agad tinago ni Jorge sa bulsa.

Hindi na nagdalawang - isip si Jolie at kinuha ang sobre na naglalaman ng pera niya.

"Heto, gamitin mo ito para sa mag - ina mo."

Inabot niya ang sobre kay Jorge. Tinanggihan ng binata at napakipot pa. "Huwag na. Maghahanap nalang ako ng mauutangan. Alam kong napipilitan ka lang Jolie."

"Kunin mo na ito. Hindi ito para sa iyo, para ito sa mag - ina mo."

Hindi na tumanggi pa si Jorge at tinanggap na niya. "Salamat Jolie. Ang swerte ko na ikaw ang kapatid ko. Huwag kang mag - alala, babayaran din kita."

"Kailan ka ba uuwi kuya? Nag - alala na si Lola sa iyo."

"Kapag okay na ang lahat."

Napabuntong - hininga nalang si Jolie habang minamasdan ang mga bituin mula sa kanyang bintana sa kwarto niya. Mahimbing na natutulog ang kanilang lola na hindi alam ang mga nangyari sa kapatid nitong si Jorge. 

"Sasabihin ko kaya kay lola ang mga nangyari kay kuya?"

------

Niyaya ni Tom si Hunter na magkape sa isang coffeeshop. Suot ni Hunter ang isang sunglasses para hindi ito agad makilala ng mga tao roon. Hindi pa naikwekwento ng kaibigan ang mga nangyari sa bluemoon night. Maraming tanong na gusto niyang itanong kay Hunter.

Umupo ang dalawa sa isang couch na may pabilog na mesa sa gitna. 

"Hunter magkwento ka naman. Binibitin mo ako lalo." ani ni Tom na excited masyado.

Pangiti - ngiti si Hunter na binibitin ang kaibigan. Inihatid na sa kanila ang inorder na kape. 

"It was a great night!" sagot ni Hunter na napa-inom na ng kape.

"Paanong naging great night?" usisa ni Tom na unti - unting kinikilig. 

Sa kabilang mesa na malapit sa dalawang binata ay naroon si Jolie na hinahatid ang mga kape ng costumer. Dala niya ang pabilog na tray na may mga tasa.

"Hunter may nangyari ba? Kwento naman. Mukhang na-eexcite tuloy ako."

Narinig ni Jolie na may bumanggit sa pangalang Hunter. 

"Hunter?" mahinang sambit ni Jolie sa pangalan na napalingon siya sa kinaroroonan ng mga binata.

"Huwag mong sabihing may ka-s*x ka sa gabing iyon?"

Namilog ang mga mata ni Jolie na nakatingin pa rin sa dalawa. Naririnig niya ang mga pinag-uusapan nila mula sa kanyang kinatatayuan. Natigilan si Jolie habang hawak pa rin ang tray na may kape.

"Miss. MIss? Are you not going to give us our coffee?"

Umalis sa kinatatayuan si Jolie na mukhang wala sa sarili na dala pa rin ang tray na may mga tasa. Umiwas ito at di na naibigay ang kape sa customer habang ang customer ay nagtaka at sinundan ng tingin nila ang dalaga. Biglang kinabahan si Jolie at ang lakas ng kabog ng dibdib niya. 

"Yes! May nangyari nga sa amin sa gabing iyon!" direktang sagot ni Hunter na halatang masaya ito. 

"Yes! Yahooo!" masayang sigaw ni Tom na napalakpak pa.

Nagulat si Jolie kaya nabitawan niya ang dala. Gumawa ito ng ingay na nagpalingon sa lahat na naroon sa coffeeshop lalo na sina Tom at Hunter. 

"Hunter..." 

Napaluhod si Jolie para linisin ang kalat sa sahig. "Sorry.."

"Napaka-clumsy!" Ani ni Hunter na narinig ng dalaga.

Napalingon siya sa kinaroroonan ng binata. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status