Share

Chapter 2

Namilog ang mga mata ni Jolie nang makita ang binatang si Hunter. Hindi naman inaasahan ng binata na may makikita siyang isang babae sa loob ng men's CR at lalo na't ito'y isang VIP.

"Anong ginagawa ng isang babae rito? Men's comfort room ito at VIP!!"

Di nakapagsalita agad ang dalaga. Nagmukhang yelo ito na naninigas at walang magawa kundi titigan lang ang mukha ng binatang nasa harapan niya.

"Tatawag ako ng security!" ani ni Hunter na halatang hindi nagustuhan ang mga nangyayari. 

"Huh? Anong sabi mo?" Reaksyon ng dalaga.

"Tatawag ako ng security!"

Hinamon naman agad ni Jolie ang binata. "Sige, sisigaw ako!"

Kunot - noong tiningnan ni Hunter si Jolie. "What?"

Napataas noo si Jolie at matapang na sinabing, "Sasabihin ko na dinala mo ako rito at. .."Di pa natatapos ang sasabihin ng dalaga ay nag-react na ang binata.

"Are you crazy? Ako? Dadalhin ang isang gaya mo?  for what?"

"Aba't!"

"You are just..."

Hindi pa tapos ang sasabihin ni Hunter nang bigla ng sumigaw ang dalaga. 

Sumigaw na ito.  "Help! Help!"

Nanlaki ang mga mata ni Hunter. "Anong ginagawa mo?"

"Sasabihin kong may balak kang pagsamantalahan ako...help! Help!"

Nanggigigil sa inis ang binata. Sa kakasigaw ni Jolie ay mukhang may nakarinig sa labas. Naririnig nila ang yapag ng paa papunta sa kinaroroonan ng sigaw.

"Oh sh*t!" Mura ni Hunter.

"Help! He will ra..."

Pinatikom ni Hunter ang bibig ni Jolie gamit ang kanyang kamay. Inilapat niya ang palad sa bibig ng dalaga at itinulak ito papasok sa cubicle. Pumasok sila pareho bago isinara ang pinto. Namilog tuloy ang mga mata ni Jolie habang nakatitig sa binatang malapit sa kanya. 

Pumasok ang isang staff sa VIP comfort room dahil sa narinig na ingay. Pagpasok niya ay lumibot kaagad ang kanyang paningin sa buong paligid. Nagtataka kung saan nanggaling ang boses. Nang napansin nito na may tao sa cubicle ay dahan - dahan itong lumapit roon.

"Sino ang nariyan?"

Nasa bibig pa rin ni Jolie ang isang palad ni Hunter para pigilan itong mag-ingay. Ang isang bisig ng binata ay nakapulupot sa may bewang ng dalaga kaya di gaano ito makagalaw.

"Ako ito!" sagot ni Hunter.

Napatigil ang paghakbang ng staff nang marinig na niya ang boses ng binata.

"Sir Hunter, kayo po ba iyan?"

"Yes. It's me!"

Nagpupumiglas si Jolie pero di pa rin ito pinakawalan.

"You go now!" Utos ni Hunter sa staff. "Paki sabi sa mga staff, I will be back in a few minutes kaya magready na sila."

Napakunot noo si Jolie na nakatingin sa binata.

"Yes sir!"

Sa pag-alis ng staff ay ang pagpalaya ng bibig ni Jolie sa kamay ni Hunter pero nanatili pa rin sa bisig ni Hunter si Jolie. Ang mga kilay ni Jolie ay nagkakasalubong na. Mas lalo siyang naiinis sa ugali ng binata.

"Bakit mo pinaalis agad ang staff? Siguro natatakot ka na masira ang image mo, ano?" Tukso ni Jolie.

Binalaan naman siya ni Hunter. "Huwag mong ipagsasabi sa iba ang nangyari ngayon!"

"Ano ba ang nangyari? Iyong pagpapatikom mo sa bibig ko?" Mataray na tanong ng dalaga.

"Haist! Sumunod ka na lang kung hindi..." pasigaw na sabi ni Hunter. Napataas noo ulit si Jolie at hinamon na naman ang binata. "Kung hindi, ano?"

Lumapit ang mukha ni Hunter sa may mukha ng dalaga. Si Jolie naman ay lumalayo ang mukha. 

"Sige, ipagsabi mo at hahalikan kita!" Biro ni Hunter.

Namilog ang mga mata ni Jolie sa di inaasahang mga sinabi ng binata. Mas lumapit pa ang mukha ni Hunter habang napapahigpit ang hawak niya sa bewang ng dalaga."

"Subukan mong ipagkalat, malilin--"

Hindi pa natapos ang sasabihin ng binata ng inaangat ni Jolie ang isa niyang kamay at dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi ng binata. Nasampal ni Jolie si Hunter, ang sikat na modelo. Laking gulat ni Hunter sa ginawa ng dalaga. Napalakas din ang sampal nito. Hindi niya inaasahan na may gagawa ng ganyan sa mukha niya. Napakawalan bigla ni Hunter ang bewang ni Jolie kaya napaupo ang dalaga sa kubeta.

"Aray!" reaction sa di inaasahang pag-upo.

----------

Naiinis pa rin si Jolie sa lalaking si Hunter. Nauna na siyang umalis sa comfort room at iniwan si Hunter roon.

"Buti nga sa kanya... ang yabang talaga! Nakakainis siya!" Nanggigigil siya sa inis sa binata. Hindi niya pinagsisihan ang ginawa. "Tama lang ang ginawa mo! Good job Jolie!"

 Naglakad lakad muna si Jolie para mawala ang inis bago ito bumalik sa lugar kung saan naroon si Emma. Habang naglalakad sa pasilyo, sa may dulo ay naroon ang kaibigan at kumakaway.

"Emma?" Nilapitan agad ni Jolie ang kaibigan at nagtaka kung bakit naroon na siya.

"Tara Jolie, magmerienda muna tayo.." aya ni Emma na agad pumulupot ang braso sa braso ni Jolie.

"Teka akala ko ba mamaya pa break ninyo? Break na ba?" usisa ni Jolie.

"Biglaang break. Tumawag ng break si manager dahil gusto ni Sir Hunter. Kasi naman namumula ang isang pisngi ng binata. Mukhang may sumampal sa kanya."

"Huh? Di nga?"

"Oo, grabe. Sino kaya ang gumawa non sa mukha niya? Mukhang maaantala ang pictorial ngayon."

"Ganoon ba?"

"So precious pa naman ang mga mukha ng mga artista at modelo."

"Tsk tsk.. ang malas niya!"

Napalingon si Emma sa kaibigan at hindi maintindihan ang mga reaksyon nito.

"Buti nga sa kanya.." pabulong na sabi ni Jolie na medyo narinig ng kaibigan.

"May sinasabi ka ba?"

"Wala.."

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad hanggang nakarating na sila sa isang bench. Napaupo ang dalawa at nagsimulang magkwentuhan. Binuksan din ni Emma ang dalang box na may sandwich at binigay ang isa kay Jolie.

"Salamat.."

"Kung hindi iyon nangyari sa pisngi ni Hunter, sigurado mamaya pa kami magbre-break.."ani ni Emma.

Napasubo ng pagkain si Jolie habang nagsasalita si Emma tungkol sa marka sa pisngi ni Hunter. Nananahimik lang ito na siya ang dahilan ng lahat. Nang napalingon si Jolie, dumaan ang isang lalaki na may tattoo sa braso. Pamilyar ang tattoo para kay Jolie. Ito ang tattoo na nakita niya na may milagro sa isang storage room.

"Sino ang lalaking yan?" tanong ni Jolie.

Napalingon din si Emma. "Saan?"

"Ang lalaking may tattoo.."

"Ahh, si Dave Rock, isang modelo at rockstar." sagot ni Emma sa kaibigan.

"Ahh, may girlfriend ba siya? Sino naman si Danica?"

"Si Danica? Si Danica Scott ba? Siya ang girlfriend ni Hunter!"

"Ahh, girlfriend nya ang babaeng iyan?"

"Teka, bakit marami kang tanong? Crush mo ba sila?"

Namula bigla ang mukha ni Jolie at panay tanggi ito. "Hindi ah! Bakit naman ako magkakacrush sa kanila!"

"Weh! Hindi ka ba na-gwagwapuhan sa dalawa.? In fairness ang gwapo nila. Marami ngang humahanga sa kanila. Pero itong si Hunter super loyal sa kasintahan at super inlove."

"Talaga?"

"Oo. May sabi sabi, magpropropose na nga daw siya."

"Weh?"

"Totoo!"

"Ano naman nagustuhan ng girl sa Hunter na yon. Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali." Nakangusong sabi ni Jolie.

Natawa nalang si Emma sa pinagsasabi ni Jolie. Mukha palang ni Jolie ay halatang naiinis na ito sa binata. Nakakunot noo na ito at napapabilis ang kagat sa sandwich.

"Maiba nga tayo Jolie, punta tayo mamaya sa bluemoon night. Huwag mong kalimutan ha!"

"Eh? Mamaya na pala iyon?"

"Nakalimutan mo na ba? Malay mo at makikita mo na ang dream guy mo sa party."

"Emma, dumalo na tayo last year pero wala namang nangyari. Single ka parin at pati ako."

"Nega mo naman Jolie. Baka ngayon na natin makikita si Mr. Right."

"Ewan ko sa iyo Emma..."

"Malay mo Jolie. Sabi nga nila kapag makakasama mo at mahahalikan ang isang tao sa lilim ng bluemoon sigurado kayo na! Forever!"

"Walang forever!"

Natawa nalang si Jolie. Hindi kasi siya naniniwala sa mga sabi sabi. Hanggang ngayon ay pareho ang dalawa na single. Last year ay nakadalo sila sa tinatawag nilang bluemoon night. Once a year event lang ito na magaganap sa isang mansion. Inaanyayaan ang mga single na dumalo at makihalubilo sa iba. Kung sweswertehin, pwede mo makikilala ang inyong Mr.or Ms Right.

-----------

Pinuntahan ni Hunter si Danica sa kanyang dressing room. Nakaupo si Danica sa harap ng salamin at inaayusan para sa gagawing taping. Bigla nalang pumasok ang binata kaya nagulat sila.

"Hunter! Anong ginagawa mo rito?" sermon ni Danica.

Napakaseryoso ni Hunter na lumapit sa dalaga. Agad nitong nilapag ang isang maliit na kahon sa mesa.

"What is that?" usisa ni Danica na may halong pagtataka. Napatingin din ang make - up artist sa inilapag ng binata kaya napatigil ito sa ginagawa.

"Open it."

Pagbukas ni Danica ay isang singsing ang naroon. Medyo nagulat ang dalaga at natahimik ito. Kinilig naman ang naroon sa dressing room na mga make - up artist at ibang staff.

"Will you..."

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Hunter ay napatayo na si Danica. Napatingin sila sa dalaga na umalis sa kinauupuan.

"I need to go..."

Humakbang ang dalaga at lumabas ng silid. Natigilan si Hunter sa di inaasahang gagawin ni Danica. Natahimik rin ang mga staff at sumunod na lumabas sa silid.  Naiwan nalang na mag - isa ang binata. Napaupo siya sa upuan at napatulala. Tinawagan siya agad ng kaibigang si Tom. Nang makita ni Hunter kung sino ang tumatawag, sinagot niya ito.

"Hello Hunter! Kumusta?" Bati ng kaibigan na sabik sa mga balita.

"Umalis na siya.." mahinang sagot ni Hunter.

"Huh? Ano? Sinong umalis?"

"Umalis na siya..."

"Teka Hunter, tinanggap ba niya?"

"She just left!"

"What? Anong ibig mong sabihin?"

"She left..."

"So hindi niya tinanggap ang proposal mo?"

Walang naisagot si Hunter habang patuloy si Tom sa pagsasalita sa kabilang linya.

"Sabi ko na nga sa iyo, dapat romantic. Girls love surprises. Gusto nila romantic!" sermon at payo ng kaibigan. 

Hindi na mapinta ang mukha ni Hunter.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status