Share

Don't Fall in Love
Don't Fall in Love
Author: Yuki Yceej

Chapter 1

Tumatakbo si Jolie Vargas sa pasilyo ng gusali kung saan nagtratrabaho ang kaibigang si Emma De Leon. Nakasuot ang dalaga ng patchwork na pantalon, stripe top at canvas shoes. Di rin mawawala ang big circular eyeglasses nito na suot niya palagi. Dala - dala niya ang baon ng kaibigan na naiwan sa kanilang unit. Nagmamadali itong pumunta sa elevator. Napatayo pa ito sa harapan ng pinto ng elevator dahil nasa 20th floor pa at pababa pa ito. Naghintay si Jolie sa tapat ng elevator. Sa kahihintay niya roon ay naabutan na siya ng mga artista na may mga bodyguard pa at personal assistants. Nagsitinginan sa kanya ang mga ito kaya lumiit tuloy ang tingin niya sa sarili. Napayuko nalang si Jolie at dahan - dahang tumalikod. Naisipan niyang sa hagdan nalang dumaan dahil sigurado siyang walang sinumang artista ang dadaan roon. Tumakbo ulit si Jolie. Hindi alintana ng dalaga ang pagod at pawis sa pag-akyat sa gusali para sa kaibigan. 

"Laban lang Jolie!"

Hanggang, napahinto siya saglit. Hinihingal na siya sa kakatakbo at pag-akyat ng hagdan. Isang palapag nalang at makakamtan na niya ang tagumpay.

"Kaya mo ito Jolie! Kunti nalang!"

Hahakbang na sana siya nang may narinig siyang isang ingay. Napalingon siya sa isang storage room. Di niya mapigilan ang sarili na hindi lapitan at tingnan kung ano ang naroon. Dahan - dahang humahakbang ang dalaga. Habang papalapit siya ay lumalakas ang ingay.

"Uhh-- ughh--"

Umungol pala ang isang babae sa loob ng storage room. Bahagyang naka-awang ang pinto kaya sumilip si Jolie sa loob. Napatakip bibig siya at namilog ang kanyang mga mata. Isang babae na nakaupo sa kandungan ng lalaki na nakabuka ang mga hita nito. Yakap niya ang lalaking may malaking tattoo sa kanang braso. Gumagawa pala sila ng milagro sa loob ng storage room.

"Akala ko ba studio ito, eh ginawang hotel?" Palabirong tanong ni Jolie sa sarili.

"Ughh-- uhhh--"

Pinanood ni Jolie ang dalawa sa loob. Maalon at mahaba ang buhok ng dalagang mahigpit na kumakapit sa lalaking kasama. Makinis ang balat nito pero hindi niya kita ang mukha. Nakausli kaunti ang pw*t nitong malaki at ang ganda ng hubog ng pangangatawan ng dalaga. Sigurado siyang isang modelo ito o di kaya artista dahil sa kaseksihan nito. Ang lalaki naman ay may makisig at mabalahibo ang paa at d*bdib. Sa posisyon ng lalaki na nakasubsob ang mukha sa d*bdib ng babae, di niya ito nakilala.

Sa mga oras na iyon hindi maalis alis ni Jolie ang paningin sa dalawang nag-iinit. Pataas-baba ang babae habang ang lalaki ay hawak ang b*wang nito na tumutugon sa bawat salpukan ng mga balat nila.

"Ughh- uhh..oh.. I love it.." ungol ng babaeng halatang nasasarapan.

Napalunok nalang si Jolie sa natutuyo niyang lalamunan. Ito ang kauna - unahang nakakita siya ng aktuwal na pagt*talik. Lumalakas ang kabog ng dibdib nito habang naririnig niya ang pagngitngit ng silyang inuupuan nila.

"Aah! Yes! Uhh--"

Tumayo bigla ang mga balahibo ni Jolie kaya napatalikod ito. Di na niya maatim na makita at marinig ang mga ungol. Sa paghakbang niya paalis sa kinatatayuan, narinig niya ang lalaking nagsalita.

"You're f*cking hot Danica! I want you more!"

"Do it more!"

Napatakip ng tenga si Jolie at pikit matang tumakbo ito paalis sa kinatatayuan. Tumakbo nalang siya at bumalik sa hagdan. Dali - dali na siyang umakyat roon.

---------

Samantala, nasa isang photoshoot si Emma. Isa siya sa mga assistant ng make - up artist. May ginagawa silang photoshoot sa gagawing Men's magazine. Di mapakali si Emma habang hinihintay ang kaibigan na si Jolie. Nag-aalala ito na baka naligaw lalo na't malawak ang gusali.

"Hindi kaya naligaw siya?" tanong sa sarili ni Emma na pasulyap - sulyap sa pinto.

Nakarating naman si Jolie sa studio kung saan ginaganap ang photoshoot. Sa mga oras na iyon ay nagbre-break pa ang mga modelo kaya hindi pa sila gaanong busy. Nakaupo lang ang mga modelo sa kanilang upuan habang hinihintay ang oras.

Paglingon ni Emma ay nakita niya agad ang kaibigan na pakaway - kaway sa kanya. Napakaway din siya at napangiti. Sinisenyasan niyang maghintay muna ng saglit. Nawala na sa isip ni Jolie ang mga nasaksihan kanina. 

Ilang minuto nalang at magsisimula na ang photoshoot. Nasasabik tuloy si Jolie sa mapapanood. 

Nakatayo lang siya sa may pinto kasama ang ibang assistant. Lalo pa siyang nasasabik dahil sa kanyang idol na si Stephen Cruz.  Sabik na siyang makita ang idol niya.

"Makikita ko na rin sa wakas ang idol ko na si Stephen Cruz nang malapitan at hindi lamang sa TV!"

Kinikilig siya kapag naiisip niya ito.

Palingon - lingon si Jolie sa paligid at hinanap ng kanyang mga mata ang idol niya pero hindi niya ito nakita. Ang hindi alam ng dalaga ay pinalitan na ang binata sa gaganaping photoshoot. Hindi na si Stephen ang star model kundi pinalitan na ito ni Hunter Ace. 

 Biglang itinapon ni Hunter ang cup ng coffee sa sahig habang nakaupo ito sa upuan niya.

"Ano ba itong coffee ninyo!? Hot Coffee ang gusto ko at hindi cold! D*mn it!" Galit na sabi ni Hunter.

Gulat si Jolie sa narinig at sa napanood.

"Aba.. galit agad?" Pagtataka ni Jolie na hindi nagustuhan ang reaksyon ng binata.

Dali - daling nilinisan ng janitor ang kalat at ang basang bahagi ng sahig.

"Dalian mo! Ang kupad!" Utos ni Hunter na nakaupo. 

Nanggigil sa inis si Jolie habang pinapanood niya ang lalaking kung umasta ay siya na ang hari. Pinipigilan lang niya ang sarili dahil baka kung ano pa ang magawa niya.

"Ang yabang nito. Ganyan siya dahil artista siya. Hmp!" ani ni Jolie sa utak niya. Matatalim na tingin ang ibinigay ni Jolie sa binata.

Nilapitan ni Emma ang kaibigan. "Salamat nga pala sa pagdala ng baon ko. Mamaya sabay tayo maglunch." Saad ni Emma.

Ngumiti naman si Jolie. "Sige!"

Nagsimula ng magphotoshoot. Nanatili lamang si Jolie sa kinatatayuan nito at nanood lamang doon. Nagkakasalubong na ang mga kilay ng dalaga at ang mga braso ay naka-ekis sa may d*bdib niya. Nagtitiis ang siya na naroon dahil hinihintay niyang matapos ang kaibigan sa kanyang trabaho.

Tumayo na si Hunter at hinubad ang suot na jacket. Sa paghubad niya ay napanganga ang mga kababaehan roon maliban kay Jolie. Napakakisig nito at katakam - katakam talaga ang abbs na sing tigas na bakal. Sa bandang kanan ng d*bdib niya ay may maliit na tattoo.

"Oh sh*t!" Pagmumura ng ilan na napapatulo laway. Ang iba ay ramdam ang pagbaba ng panty nila.

"He is really hot!"

Pinapantasyahan na nila ang binatang ubod ng gwapo at kakisigan.

"Ano ba ang nagustuhan nila sa lalaking iyan? Hmp! Mas gwapo pa rin si Stephen ko." Palihim na reaksyon ni Jolie na nakanguso ang mga labi at ang mga kilay ay nagkakasalubong na.

Ginalingan pa ni Hunter ang pagpose sa harap ng camera. Kinikilig naman ang mga katabi ng dalaga. Napapangiwi nalang si Jolie habang pinapanood ang binata.

"Ang swerte naman ng girlfriend ni Hunter.."

"Ang swerte nga.."

"Sana ako nalang si Ms. Danica.."

Napalingon si Jolie sa mga katabi niya. "Danica?"

Naalala tuloy niya ang napanood niyang live s*x at nasambit ng lalaki ang pangalang Danica.

"Nagkataon lang kaya?"

Sa kakaisip ni Jolie sa mga nakita niya ay naiihi na ito. Kaya naman dali - dali siyang naghanap ng comfort room na malapit. Sa unang comfort room na nakita niya ay maraming nakapila. Lumipat pa ito at naghanap. Nakakita siya pero lock. Pinihit pa niya ang doorknob pero talagang nakalock ito. Hanggang nakita niya ang isang VIP na comfort rooms. Napangiti si Jolie habang patungo roon.

Sa kasamaang palad, sarado rin ang ladies comfort room na VIP.

"Naku naman kung minamalas ka naman! Anong gagawin ko? Babalik ba ako roon, pero..."

Napatingin si Jolie sa tabi at nakitang bukas ang VIP male comfort room. Palinga - linga siya sa paligid at sinigurong walang makakita sa kanya. Hindi na nag-atubili pa si Jolie at pumasok siya sa comfort room ng mga lalaki. Pagpasok niya ay namangha siya sa ganda at linis nito. May urinal sa kabila para sa boys at mga cubicle. Ibang iba ito sa ordinaryong CR lang.

Agad pumasok si Jolie sa isa sa mga cubicle. Binuksan niya ang butones ng pantalon niya at ibinaba ang zipper. Pagkatapos ay ibinaba niya ang pantalon at panty hanggang sa may tuhod at umupo sa bowl. Huminga ng malalim si Jolie na nakapikit ang mga mata. Nailabas na rin niya sa wakas. Para siyang nabunutan ng tinik sa mga oras na iyon.

"Wheew! At last!"

Ilang minuto lang ay may narinig na yapag si Jolie kaya napamulat ang kanyang mga mata. Narinig din niyang may umiihi sa urinal. Dali - daling isinuot niya ang panty at pantalon.

"Uhh---"sambit ng lalaki.

Binuksan kaunti ni Jolie ang pinto ng cubicle niya at tahimik na sumilip sa labas. Sa pagsilip niya ay nakita niyang umiihi si Hunter, ang sikat na modelo. Napatakip ng bibig si Jolie habang bumababa ang tingin niya sa may pw*t ng binatang nakatalikod.

"Oh my..."

Nanginginig at nanlalamig ang buong katawan ni Jolie. HIndi niya alam kung ano ang kanyang gagawin hanggang bigla nalang tumunog ang cellphone niya kaya napalingon ang binata sa cubicle lung saan naroon ang dalaga.

"Sino ang nariyan?"

"Nyay ko po.." Natatarantang sambit ni Jolie na nagmamadaling patigilin ang ingay ng cellphone. 

Lumapit si Hunter sa cubicle pagkatapos nitong i-zipper ang pantalon. Mas lalong kinabahan si Jolie. Ini-off nalang niya ang cellphone pero huli na ang lahat. Pwersahang binuksan ni Hunter ang pinto ng cubicle at nakita ang dalaga. Pareho silang nagulat pero napakunot noo agad ang binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status