Share

Chapter 3

Pinilit ni Emma si Jolie na sumama sa kanya sa mansion kung saan gaganapin ang bluemoon night. Pinabihis niya ang dalaga ng isang magandang bestida na hanggang tuhod lang. Simple lang ito pero elegante ang dating. 

"Kailangan ko ba talagang pumunta?" Tanong ni Jolie na napapakamot ng ulo habang inaayusan siya ni Emma.

"Ano ka ba! Once a year lang ito. Lubos lubosin na natin. Baka mahanap na natin si Mr. Right." ani ni Emma na nakasuot din ng bestida na backless at mas-daring nga lang.

"Si Mr. Right na naman. Hindi naman agad makikita si Mr. Right sa isang gabi lang. It takes longer time para malaman mo na siya na si Mr. Right." Palihim na natawa si Jolie sa kanya.

"Haist. Ewan ko sa iyo Jolie. Ang KJ mo naman! Galaw - galaw kasi paminsan - minsan." Taas kilay na pagsermon ni Emma sa kaibigan.

"Hindi ako KJ. Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Hmmm.."

Tumahimik bigla si Emma at napatitig ito kay Jolie.

"Teka, Emma bakit ganyan ka makatingin?" Pagtataka sa kaibigan. "May masama kang balak, ano?"

"Tanggalin mo nga iyang eyeglasses mo. Hindi bagay sa party. Isa pa, magsusuot tayo ng maskara kaya panira lang iyan sa iyong aura."

"Eh gusto ko eh. Malabo paningin ko."

"Malabo nga dahil hanggang ngayon hindi mo pa nakikita ang Mr. Right mo!"

"Outch. Ang sakit mong magsalita."

"Totoo lang sinasabi ko."

Napabuntong - hininga nalang si Jolie. Agad inangat ni Emma ang kamay at tinanggal ang suot na eyeglasses ng kaibigan.

"Okay fine. Talo na ako."

Napapikit si Jolie habang titig na titig si Emma sa kanya.

"Emma naman!"

"Wait!" Kinuha niya ang contact lens sa lalagyan at pinasuot ito kay Jolie. "Eto ang gamitin mo..."

"Opo."

Walang magawa si Jolie at sinunod nalang si Emma. Natuwa naman ang kaibigan na makita si Jolie na walang suot na eyeglasses. Mas lumabas ang ganda ni Jolie na talagang mapapalingon ka sa kanya.Tuwang - tuwa si Emma nang makita niya ang angking ganda ng kabigan. 

"Ang ganda mo!" Paghanga ni Emma kay Jolie na nakatayo sa harapan niya. Nahihiya naman si Jolie sa pinagsasabi ng kaibigan.

"Nagbibiro ka na naman Emma.." Napapahawid ng kanyang buhok si Jolie sa may tenga at napapayuko ang ulo. "Nahihiya tuloy ako..."

"Alam mo Jolie, may kamukha ka."

Napatingin si Jolie sa kaibigan. Seryoso naman si Emma. 

"Huh? Di nga? Sino naman?" Usisa ni Jolie. 

"Kapag hindi mo suot ang eyeglasses mo, kamukha mo si Danica."

"Danica?"

"Oo, si Danica Scott, iyong artista at modelo."

Natawa lang si Jolie sa pinagsasabi ng kaibigan.

"Nagbibiro ka ba? Ano ka ba! Lumalabo na yata ang paningin mo Emma."

"Ngayon ko lang napansin, magkamukha kayo!"

"Ako? Magkapareho kami ni Danica ng mukha? Imposible!"

"Totoo. Magkamukha kayo. Aakalain ka talaga na siya."

"Ilang porsyento naman ang laban ko sa kanya. Eh, 0.0001% lang ako sa kalingkingan ng ganda niya." Dagdag ni Jolie na di mapigilan na matawa sa pinagsasabi ng kaibigan. 

"Kung aayusan ka, sure ako na magkamukha kayo!"

"Paano nangyari iyon? Wala naman akong kapatid o kambal." Pagtataka ni Jolie.

"Haist. Ewan ko ba. Sige na tara na."

Aalis na sana sila nang may naalala si Jolie na naiwan.

"Teka lang, may nakalimutan ako."

Naiwan ni Jolie ang isang kwentas na siyang susuutin niya. Kinuha niya ito sa kanyang jewelry box. Pinakaiingat-ingatan niya ang kwentas na hugis letter j o g-clef na parang susi sa dulo. Bigay ito ng namayapang ina niya.

"Tara na Emma!" Dala - dala rin ng dalawa ang susuotin na maskara para sa party. Napangiti si Emma at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Sabay silang umalis sa unit para pumunta sa party na dadaluhan nila.

--------

Samantala, nasa kanyang unit si Hunter at mag-isang umiinom ng wine. Nakatulala ito habang umiinom. Hindi mawala sa isip niya ang di pagtanggap ni Danica na proposal. Napapaisip siya kung ano ang nag-udyok kay Danica na gawin iyon sa kanya.

"Anong kulang ko? Bakit niya ginawa iyon?"

Nahiya rin si Hunter dahil may ibang tao na nakakita sa pangyayari.

"Asar!"

Ilang minuto lang ay pumasok si Tom na kaibigan ni Hunter sa loob ng silid ng walang pasabi. Alam ng kaibigan ang security code ng unit ni Hunter kaya nakakapasok ito.

"Hunter magbihis ka na!" Pasigaw na utos ni Tom sa kaibigan na nasa sala.

"Saan ba tayo pupunta?"

Paglapit niya kay Hunter ay agad siyang umupo katabi nito at inakbayan ang kaibigan.

"Sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo!" Aya ni Tom.

"Saan ba?"

"Alam ko na depress ka dahil sa nangyari kanina. Kaya naman mag-enjoy muna tayo."

"Saan nga!?"

"Sa bluemoon night na magaganap. Tara!" Dagdag ni Tom na pinapasaya ang kaibigan.

 Napalingon si Hunter at napakunot noo."Hindi ba pang-single lang ang party na iyan! Bakit mo ako inaanyayahan na pumunta?"

"Huh? Hindi ba single ka ngayon?"

"Hindi ako single. May girlfriend ako at iyon ay si Danica!" Giit ni Hunter at napainom ito ulit.

"Oo na. Hindi ka single pero depress ka sa ginawa ni Danica kaya para mawala iyan, let's have fun muna."

"Ayoko!"

"Ano ka ba! Ngayon lang to!" 

"Ayoko sabi!"

"Samahan mo nalang ako. Kahit di ka single, single naman ako. Baka mahanap ko na si Ms. Right."

"Tom, ikaw nalang. Baka may makakita pa sa akin doon. Baka may makakilala pa."

"Hindi ka makikilala. Lahat na dadalo ay may suot na maskara. Sigurado ako wala. Kaya samahan mo na ako. Mag-eenjoy ka na, mahahanap ko pa ang girl of my dreams. Tara na!" Pamimilit ni Tom sa kaibigan na nagdadalawang isip pa rin.

"Go na tayo Hunter!"

"Ewan ko sa iyo!"

Hindi nagtagal ay sumama na rin si Hunter kay Tom. Hindi na ito makatanggi pa sa kaibigan. Nakasuot sila ng black suit at maskara. Siniguro ni Hunter na walang makakakilala sa kanya. 

Sa taong ito, mas pinaganda ang lugar kung saan gaganapin ang party. May dalawang palapag na function hall ang mansyon. Sa labas ay may fountain sa may gitna kung saan kaharap ang napakagandang hagdanan. May mga palamuti na mas nagpapaganda sa lugar. Meron ding mga ilaw at chandelier. Sa loob ay may inihandang pagkain. May long table at round tables para sa mga bisita. May wine tower sa gitna na mga nakapatong na wine glasses. Busy ang mga waiter na nakamaskara rin sa pag-iikot at nagseserve ng inumin sa mga guest. Ito ang pinakahihintay ng mga single, ang bluemoon night. Once a year lang ito ginaganap sa isang mansyon. Kung sino ang pasimuno nito ay di nila alam ang buong detalye. Ang alam ng karamihan, napakayaman ng may - ari ng mansyon.

Sa hardin ay kitang - kita naman ang bilog na buwan. Napakaliwanag nito at kaakit akit. Ang sabi nila kung sino ang maghahalikan na maaaninag ng buwan sa gabing iyon ay magkakatuluyan. Maraming naniniwala sa kasabihan kaya bawat taon ay parami ng parami ang dumadalo na nagbabakasakaling makita ang Mr. or Ms. right nila.

Nagsimula na ang sayawan at indakan sa loob. Marami ang dumalo sa gabing iyon. Lahat ay nakasuot ng maskara at cocktail dresses. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng suit at maskara. Nakikipagkwentuhan na ang iba at sumasayaw.

Dumating na rin sina Emma at Jolie sa lugar. Ito na ang pangalawang beses ni Jolie na makadalo sa bluemoon night. Namangha ang dalaga sa lugar na nakikita lang niya sa movies. Pakiramdam ng dalaga na nasa isang fairytale siya.

"Ang ganda. Mas lalong gumanda ngayon!" Paghanga ni Jolie na lumibot ang paningin sa buong hall.

"Oo nga!"

"Sana mahanap at makilala na natin si Mr. Right!" ani ni Emma. 

Lumapit ang isang waiter at binigyan sila ng maiinom. Agad namang tinanggap ni Emma at ininum. Binigyan din niya si Jolie ng wine glass na may wine. 

"Try mo Jolie. Masarap."

Hindi na nagdalawang isip si Jolie at ininom ang wine. Nasarapan ito sa lasa.

"Hmm.. masarap nga." Pangiting sabi ni Jolie at kumuha pa ng isa. "Masarap."

Humiwalay si Emma kay Jolie at nakipagkwentuhan na sa mga lalaki. Naiwan si Jolie na mag - isa kaya naman ay pumunta nalang sya sa may mesa kung saan naroon ang iba't ibang klase ng wine.

"Matikman nga kayo.."

Bago ito kumuha ng baso ng wine, lumingon muna ang dalaga at pinagmasdan ang mga tao roon. Ang lahat ay may kausap. Ang iba ay sumasayaw. Nakangiti at tumatawa ang naroon. Lahat sila ay masaya at may kasama.

Napangiti si Jolie at masaya ito na makita ang mga tao na masaya.

"Goodluck sa kanilang lahat. Sana mahanap nila ang kanilang mga dream guy at girl."

Itinaas niya ang baso bago ito uminom. "Cheers!"

Kumuha ulit si Jolie ng isang wine glass na may laman at ininom ito. Sa patikim - tikim ng dalaga sa iba't ibang klase ng alak ay hindi na niya namamalayan na napaparami na ang kanyang naiinom. Napapasinok nalang siya at di na siya makatayo ng maayos.

"Hindi pa ko lasing!"

Kumuha pa ng isa pang wine at naglakad ang dalaga patungo sa hardin. Napapangiti si Jolie habang pinagmamasdan ang buwan at humahakbang. Bilog na bilog ang buwan sa mga oras na iyon.

"Kumusta ka na diyan buwan? Masaya ka rin ba gaya nila?"

Naghintay ng sagot si Jolie at napapanguso ng labi. "Bakit ka ba tinawag nila na bluemoon? Di ka naman blue! Saan ang blue mo?" Sigaw ni Jolie habang kausap ang buwan na halatang lasing na ito. "Sagutin mo naman ako? Bakit ba?"

Sa may lilim ng puno ay may isang lalaking nakaupo at umiinom din ng alak. Napataas ng kilay si Jolie sa likod ng maskara niya. Mas tinitigan niya ang lalaki. Napansin ng dalaga na malungkot ang binata kahit nakasuot ito ng maskara. Nagtaka ang dalaga dahil akala niya na ang lahat ay masaya sa gabing iyon.

"Malungkot ba siya?" Tanong ni Jolie sa sarili sabay sinok.

Dahan-dahang nilapitan ng dalaga na pagiwang giwang ang lakad patungo sa binatang naroon. Nang malapit na siya, biglang napatayo ang lalaki. Paglingon ng lalaki ay sabay namang nawalan ng balanse si Jolie pero mabilis ang binata at nahawakan niya ang braso ng dalaga. Ang isa namang kamay nito ay napahawak na rin sa bewang ng dalaga para maalalayan pa niya ito. Hindi maiwasang magkatitigan ang dalawa. Parehong naaninag ang mga mukha nila sa liwanag ng buwan. Tahimik ang paligid at sila lang ang naroon sa hardin sa mga oras na iyon. Habang nagkatitigan, bigla nalang lumalakas at bumibilis ang pagkabog ng kanilang mga d*bdib. Hindi maalis  - alis ang mga tingin nila sa isa't isa kahit pinatayo na ng binata ang dalaga ng maayos. Nakaharap pa rin sila sa isa't isa at tila tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Hanggang, bigla nalang hinalikan ng binata si Jolie. Dumampi ang labi nito sa labi ng dalaga. Nanlaki sa simula ang mga mata ni Jolie sa di inaasahang pangyayari. Nabigla talaga siya pero hindi naglaon ay napapikit ito at tumugon siya sa halik. Naghalikan ang dalawa na saksi ang buwan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status