Share

Kabanata 23

AIRISH

NAPADILAT nalang ako bigla nang masilawan ako mula sa sinag ng liwanag. Napatingin ako sa kaharap ko.

May matipunong katawan...

Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko si Dean na natutulog habang yakap ako at magkaharap kami ngayon.

Kaagad kong tinanggal ang pagkakayakap niya at umurong palayo. Unti-unti naman siyang nagising dahil sa likot ko.

"Hmm..." Sabi niya at uminat. "Kumusta tulog?" tanong naman nito at nginitian ako.

"Pwede ba? Kung ikaw lang din ang makikita ko tuwing umaga, mas magandang do'n nalang ako sa may puno," sabi ko sa kanya.

"Oh? Ano na namang ginawa ko? takhang tanong nito.

"Bakit 'di mo itanong sa sarili mo 'yan?" tanong ko rin sa kanya.

Teka... Naiihi ako.

Lalabas sana ako ng tent nang hawakan niyang bigla ang kamay ko.

"Ano ba?!" tanong ko at pilit kinukuha ang kamay ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong din nito. Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Naiihi ako. Pwede ba? Bitiwan mo 'ko kung ayaw mo pumanghe 'tong tent mo," sabi ko pero hindi niya parin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status