Share

Kabanata 5: For His Wife

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2022-12-26 18:08:04

AIRISH

Bumyahe kami ng Maynila at naabutan namin sa headquarters si Eljoe na nakaupo at nag-aabang sa pagdating ko.

"E-Eljoe!" tawag ko sa sobrang pagkasabik kaya't nalingon ito sa gawi ko.

"Airish!" Hindi na kami nakapaghintay pang yakapin ang isa't isa. Naiyak na lang ako at parang nanghina dahil sa sinapit ko. "Are you okay? Did he hurt you? Come on... Tell me."

"W-Wala. Hindi naman niya ako sinaktan. Teka, si lola? Nasa sa'n si lola? Kasama mo ba siya?" tanong ko sa pag-aalala sa lola ko.

"She's in my house. Sinigurado ko munang nagpapahinga siya bago ako umalis. Hindi siya makatulog kakaisip sa 'yo. Sobra kaming nag-alala sa 'yo."

Habang nakatitig sa mga mata ni Eljoe ay napansin ko na lang din sa peripheral vision ko ang pagsulyap-sulyap sa 'min ni Inspector Jake Warren. Iniba niya kaagad ang tingin niya nang tignan ko siya.

"Let's go home. May mga bantay sa bahay at nakapalibot na rin ang mga pulis. Dahil sa nangyari sa 'yo, siguradong babalikan ka ng demonyong may gawa nito sa 'yo."

Sa pagkakahawak ni Eljoe sa mukha at kamay ko ay nakaramdam ako ng ginhawa. Ang buong akala ko ay hindi na niya ako mahal dahil sa pananakit niya.

Sumakay kami sa sasakyan niya at pinandar niya iyon pauwi. Ni hindi man lamang niya nagawang pasalamatan si officer sa ginawang pagbalik nito sa 'kin sa kaniya.

Ilang minuto lamang ang nagdaan ay nagpunta na kami sa Mckinley Hill Village kung saan siya nakatira.

Ipinasok niya ang sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto matapos nitong bumaba. Nakita ko na lang ang paligid na may mga nakabantay na pulisya kahit sa mismong gate ng village.

"Nagugutom ka ba? Halika. Ipagluluto kita ng pagkain," alok ni Eljoe sa 'kin.

"S-Sige."

Pumasok kami sa bahay niya at pumunta sa dining area. Pinaupo niya ako roon at nagluto siya ng makakain ko. Habang abala si Eljoe ay nakatingin lang ako sa kaniya. Ganito pala siya mag-alala sa 'kin. Hindi ko ito inaasahan. Ang buong akala ko na ang kaya niya lang gawin ay pagbuhatan ako ng kamay at iwan.

Hinain niya sa harapan ko ang mga niluto niyang pagkain. Kanin at ang ulam na adobong manok.

"Kain na. Siguradong pagod ka dahil sa pagtakas mo kanina. Mabuti at hindi ka naabutan ni Amresel."

Kaagad akong napatingin sa kaniya sa sinabi niyang 'yon. "P-Paano mo nalaman ang ginawa ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Pansin ko na tila nag-iwas siya ng tingin sa 'kin.

"Sinabi sa 'kin ni officer Jake."

"Pero hindi ba't hindi nila dapat sinasabi ang pag-iimbestiga nila? Confidential 'yon," tanong ko muli sa kaniya.

"Sinabi na niya sa 'kin. Tapos na 'yon."

Natunugan ko ang inis sa tono ng pananalita at ang pagkakuyom ng kamao niya.

Bumuntong hininga siya bago tumingin sa 'kin. "Kumain ka na. Pagtapos mo r'yan, magpahinga ka na sa taas," huling sabi niya bago ako iwan mag-isa at umakyat sa kaniyang kwarto.

Akala ko nagbago na siya.

Hindi pa pala.

Siya pa rin si Eljoe na madaling mainis.

Huminga na lang ako nang malalim at kumain ng pagkain. Isinawalang bahala ko na lang siya sa inasal niyang 'yon sa 'kin.

NARRATOR

Napasugod ng wala sa oras si Dean pabalik sa kinaroroonan nila nang mabalitaan na nakawala ang babae. Halos manlisik ang mga mata niya sa galit at napahawak nang mahigpit sa kaniyang baril dahil wala na siyang naabutan.

"BAKIT NAKAWALA SIYA?!" tanong niya sa mga naiwan ngunit wala ni isa ang nagsalita. Isa-isa niya itong tinitigan at nayuko na lang ang mga ito.

"Hindi namin inaasahan na makakatakas siya. Kampante kami na--"

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Halos manlaki ang mga mata ng karamihan dahil sa ginawa niya.

Sa galit sa mga ito ay isa-isa niya silang pinaulanan ng bala sa kanilang mga noo kaya't kahit na isa ay walang nakatyempo ng pagkuha ng kanilang baril.

"MGA WALANG SILBI!" sigaw ni Dean sa mga nakahandusay na kasamahan.

"Kailangan na nating umalis. Nakatunog na ang mga pulis sa 'tin."

Kahit nanginginig sa galit ay may punto ang kasamahan ni Dean. Sigurado niyang nagsumbong na ang babae sa pulisya at tiyak na mas lalong maghihigpit ang mga ito.

"Aalis tayo pero hindi tayo didiretso sa paglilipat ng lugar," saad niya sa mga ito kaya't napaisip sila. "Kukunin ko ang asawa ko."

Hindi nagreklamo ang mga ito sa balak ni Dean, sa halip ay kumilos na sila upang mag-impake ng mga gamit at makaalis bago pa sumapit ang gabi.

Sa paglalakbay ng kanilang grupo ay nananatili ang talim ng tingin ni Dean sa daan. Natitiyak nito na walang ibang pupuntahan ang babae kundi sa lalaki nito. Bumuntong-hininga siya sa galit at mas lalong napahigpit ang hawak sa baril.

"Tama nga ako. May mga pulis na naroroon sa Mckinley Hill Village kung nasa saan yung asawa mo, boss."

"Pwes, gagawa tayo ng gulo," tanging tugon ni Dean sa sinabi ng kasamahan. "Alam kong hindi nila ibibigay sa 'kin ang asawa ko. Kung 'yan ang inaakala nila, nagkakamali sila."

AIRISH

Humiga ako sa may L-sofa sa loob ng kwarto kung nasa saan si lola. Mahimbing siyang natutulog sa ibabaw ng kama at bakas ko sa mukha niya ang lungkot.

Bumuntong-hininga ako nang malalim. Siguradong bukas na bukas din ay siguradong masaya si lola kapag nakita niya ulit ako.

Alas otso na ng gabi. Napakabilis ng oras ng araw na 'to. Ramdam na ramdam ko na rin ang pagod kaya't nagkumot ako at umayos ng pagkakahiga. Gusto ko na munang magpahinga para mabawi ang lakas ko.

Habang nakapikit at naghihintay ng antok ay bigla na lang akong nakarinig ng kung ano'ng ingay mula sa labas ng bahay. Isinawalang-bahala ko 'yon at muling pumikit ngunit nakarinig na naman ako ng ingay sa labas.

Parang may bumagsak.

Tumayo ako at marahang sumilip sa bintana. Nakita ko na may mga pulis na nakatayo sa tapat ng bahay, sa tapat at sa iilang parte.

Akma akong babalik sa sofa nang marinig ko na ang ingay mula sa labas ng kwarto. Sa pagkakataong iyon ay hindi pagbagsak kundi parang kumalampag.

Sandali kong tinignan si lola ngunit nananatili pa rin ang mahimbing niyang tulog. Dahil dito ay binuksan ko ang pinto upang lumabas pero tumambad sa 'kin ang madilim na paligid.

Bakit nakapatay ang mga ilaw?

Ganito ba katipid si Eljoe?

Sinubukan kong buksan ang ilaw ngunit hindi ito nagbubukas. Inulit-ulit ko pa 'yon pero nananatili pa rin'g madilim ang paligid.

"E-Eljoe?" tawag ko sa boyfriend ko nang makalabas ako ng kwarto. Hindi ko na nagawa pa'ng isara ang pinto dahil tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa dinaraanan ko.

Naglakad ako nang dahan-dahan patungo sa kwarto ni Eljoe. Nang matapat ako sa tapat nito ay kumatok ako ng tatlong beses pero hindi siya tumugon sa 'kin.

"E-Eljoe? Eljoe may f-flashlight ka ba r'yan?" tanong ko pero wala pa rin'g sumasagot.

Nang pihitin ko ang busal ay laking-gulat ko dahil nakabukas ito. Dahan-dahan ko itong binuksan upang makita ang boyfriend ko ngunit kunot-noo na lang akong tinignan ang kwarto niya.

Nasa sa'n si Eljoe?

"Eljoe?"

Nagulat na lang ako nang may humila sa 'kin mula sa gilid at mabilis kaming pumasok sa loob ng malaking closet ni Eljoe. Hindi ako makasigaw dahil nakatakip ang kamay nito sa bibig ko.

"H'wag kang maingay. Naririto si Amresel," bulong ni Eljoe bago niya tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.

"A-Ano'ng ibig mong sabihin? P-Papaano siya nakapasok?" naguguluhan kong tanong.

"Pinatay nila ang mga pulis sa labas. Mga alipores niya ang nakabantay ngayon sa labas."

Nanlaki ang mga mata ko sa takot at kaba dahil sa sinabi ni Eljoe. Nandito ba siya para kunin ulit ako?

Nanahimik na lang kami ni Eljoe nang may naririnig kaming yapak mula sa labas ng closet. Sigurado akong si Dean iyon.

"Eloisa... Eloisa, halika na. Sumama ka na sa 'kin at siguradong hindi na ako gagawa ng gulo rito."

Sa tono ng pananalita ni Dean ay para itong nakikipaglaro sa 'min. Nakakakilabot siya at natatakot ako na baka muli na naman niya akong tangayin.

Tinignan ko si Eljoe habang naluluha ngunit nagbigay lang ito ng senyas na h'wag akong maingay. Gusto na niyang sugurin si Dean ngunit mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ahh... Gusto mo'ng makipagtaguan sa asawa mo, ah? Magtatagu-taguan pa ba tayo?..."

"E-Eljoe," bulong ko sa boyfriend ko pero umiling lang siya sa 'kin na tila sinasabing h'wag akong lalabas.

"... Kapag umabot ng sampung segundo at hindi ka pa lumabas, sisiguraduhin ko na mas magiging mahimbing pa ang tulog ng lola mo... HABANG BUHAY."

Si lola!

Gusto ko ng lumabas at magpakita ngunit mabilis akong pinigilan ni Eljoe. Ayokong madamay rito ang lola ko!

Narinig na lang namin ang unti-unting pag-alis ni Dean palabas ng kwarto habang kumakanta.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagkabilang kong sampu, lumabas ka na r'yan. Isa..."

Binitiwan ako ni Eljoe nang makalabas si Dean.

"Eljoe! Si lola!" pabulong at may riin kong sabi sa kaniya.

"Dito ka lang. Ako na ang bahala sa lola mo," bulong niya pabalik bago siya dahan-dahang lumabas ng closet at iniwan akong mag-isa sa loob.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Epilogue

    EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 46

    After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 45

    NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 44

    NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 43

    AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 42

    AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status